You are on page 1of 6

Purposive communication

Aralin 1: Konsept ng Komunikasyon: Proseso, Elemento, at Etika


Komunikasyon
- Latin na “communis” meaning karaniwan
- Pakikipagtalastasan, mula sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam, batid , o
unawa
- Isang proseso ng pakikipagbatid at paghahatid ng mensahe
Proseso ng komunikasyon
Purposive communication

Aralin 2: Lokal at Global na Paggamit ng Berbal at Di-berbal sa Kros-kultural na


Komunikasyon
Berbal na Komunikasyon
- Maituturing na komunikasyong berbal ang uri ng komunikasyon kapag ang mensahe o
impormasyon ay maihahatid sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolikong salita o
pahayag ukol sa iba’t ibang bagay, konsepto, isyu Abstraksyon Analisis o mga pangyayari
(Bernales, et al., 2018). Ang mga pahayag na ito ay maaaring maipapaabot sa paraang
pasalita o pasulat. Ang dalawang pamamaraan na ito ay maaari mong gamitin depende sa
sitwasyon o layunin ng inyong pag-uusap. Pansinin ang magkaibang aspeto ng dalawang
anyo ng berbal na komunikasyon at ang mga halimbawa nito:
Purposive communication
Di-berbal na komunikasyon
- Naipapakita ang komunikasyong di-berbal sa pamamagitan ng galaw ng katawan,
pagtingin, tikas o tindig, ekpresyon ng mukha at ang tono ng pananalita gaya ng volyum,
taas, bilis at kalidad ng tinig (Bernales, et al., 2018). Ito ay isang unibersal na penomenon
na nagkakaroon ng baryasyon ng pagpapakahulugan mula sa iba’t ibang kultura.

Kros-kultural na Komunikasyon

- Komunikasyong Kros-kultural ay tumutukoy sa pag-uusap ng dalawang tao na may


magkaibang kultura, tradisyon, paniniwala, o estilo ng pag-uusap. Ito ay isang paraan ng
pagpapalitan ng ideya, opinyon, o negosasyon sa pagitan ng dalawang taong ito, na may
kanya-kanyang paraan ng pag-uusap dahil sa kanilang kultura. Ang pag-aaral ni Edward Hall
tungkol sa Kontekstong Kultural ay nagpapakita na ang bawat kultura ay may iba't ibang
paraan ng pagpapahayag ng mensahe. May mga kultura na malinaw at direkta sa kanilang
komunikasyon, habang ang iba ay mas subtile o gumagamit ng iba't ibang uri ng
komunikasyon dahil hindi nila kayang maging direktahan sa kanilang pagsasalita.
Purposive communication
Purposive communication
Aralin 3: Rehistro: Awdyens at Kamalayang Konteksto sa Paglalahad ng Ideya

Rehistro ng Wika

- Ang rehistro ng wika ay isang paraan ng paggamit ng isang wika ng isang tagapagsalita sa
iba’t ibang sirkumstansya, sitwasyon o pagkakataon (Bernales, et al., 2018).

Iba’t ibang Anyo ng Rehistro

Pormal – ginagamit sa mga propesyonal, akademiko o legal na sitwasyon kung saan ang
komunikasyon ay inaasahang magiging magalang at may pagpipigil. Estandard ang mga salitang
ginagamit at hindi dapat mahahaluan ng mga balbal o kolokyal na salta.

Halimbawa: ensayklopidya, aklat, miting, seminar

Konsultatibo – ginagamit kapag nakikipag-usap sa taong may espesyalisadong kaalaman o


nagbibigay ng propesyonal na payo. May paggalang ang tono ng salita, ngunit maaari rin namang
maging kaswal depende sa relasyon ng nag-uusap.

Halimbawa: pakikipag-usap sa doktor o abogado, kumperensya, forum

Intemeyt – ito ay reserbado sa mga espesyal na okasyon at sa pribadong sandali ng nag-uusap.


Madalas na nangyayari ito sa pagitan ng dalawang tao lamang na napakalapit sa isa’t isa.

Halimbawa: pag-uusap ng mag-asawa o magkasintahan, pagbubulungan ng dalawang matalik na


kaibigan

Frozen – ito ay itinuturing na istatik na rehistro dahil tumutukoy ito sa historik na wika na nananatili
at hindi nagbabago.

Halimbawa: salita ng Diyos na nasa Bibliya, Saligang Batas, ritwal at iba pang nakalimbag na
panitikan

Sensitibiti sa Kasarian

- Mahalagang maisaalang-alang at maunawaan natin ang konsepto ng sensitibiti ng kasarian


o gender sensitivity upang magkaroon tayo ng kamalayan at kasanayan sa wastong
paggamit ng mga termino o pahayag sa ating kausap na may natatanging kasarian.
Purposive communication

Kawastuhang Politikal

- Ginagamit ang terminong kawastuhang politikal o political correctness sa paglalarawan ng


lenggwahe, polisiya o pamamaraan upang maiwasang makasakit o mailagay sa
disadbentahe ang isang myembro o grupo na napabilang sa isang komunidad.

You might also like