You are on page 1of 26

Ikatlong Bahagi

Ang Dulang Tagalog

Sa pagtatapos ng Panahon ng Kastila, ang duplo, senakulo, moro-moro o komedya at sarswela ay naging
libangang pandulaan ng mga Pilipino. Sa Panahon ng Propaganda at dalawang Himagsikan, ang dulaan ay di-gaanong
napagkaabalahan. Ang mga libangang ito ay nagpatuloy pagkatapos ng mga labanan.

Sa pagpasok ng Panahon ng mga Amerikano, sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagsimula ng
kulisan laban sa moro-moro at malapit na magpakilala sa mga tao ng mga lalong kapakipakinabang matatamo sa
sarswela at tahasang drama.

Ang mga taong hindi dapat malimutan sa larangan ng dulang Tagalog ay dapat nating bahanginin sa dalawang
uri: ang mga nginpresaryo at ang mga sumulat ng dula.

Ang mga nagimpresaryo: si Severino Reyes na nagtatag ng Gran Compania De Zarzuela at si Hermogenes
Ilagan na nagtatag ng Compania Ilagan.

Ang mga nagsisulat ng dula: Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Juan Abad, Patricio Mariano, Jose Ma.
Rivera, Pascual Poblete, Aurelio Tolentino at Pedro A. Paterno.

Sa mga unang Panahon ng Amerikano, ang karamihan sa mga sarswela ay mapanghimagsik at laban sa mga
Amerikano. Bukod sa naglalarawan ng kaapihan at mithing paglaya ng bayang Pilipino. Ang ilang dulang ito, gaya ng
“Walang Sugat” at “Tanikalang Ginto,” ay pinigil ng mga
Amerikano at ang mga may akda ay ipiniit.

Mga Mandudulang Filipino

Severino Reyes

Si Severino Reyes ay lalong kilala sa tawag na Don Binoy at pagka may akda ng “Walang Sugat” na ang
hangarin ay reporma sosyal at patriotismo. Sinundan niya ito ng mga dulang pamatay sa moro-moro, gaya ng “Ang
Kalupi” at “R.I.P”. Pagkatanghal ng “R.l.P,” ang mga bahay ni Don Binoy ay pinaulanan ng batong mga mapagmanal
na moro-moro. Noong 1903 ay sinulat niya at itinanghal ang “Cablegrama Fatal” na nagpakilala ng pagka walang
katarungan ng pagkalitis kay Rizal. Ito’y pinuri ng Hari ng Espanya. Ang Puso ng “Isang Pilipina” ni Don
Binoy (1919) ay batay sa muling pagpapahintulot ng mga Amerikano na gamitin ang watawat ng Pilipinas.
Sinamantala ito ng mandudula upang mangaral sa bayan na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nasa
pagpapakarunong, pagpapakabait at pagpapakasipag.

Sa paniniwalang ang dulaan ay magagamit na paghubog ng kaugaliang pambayan sa ikabubuti ng madla, si


Don Binoy ay may mga dulang nagsasamantala sa pagkakataon. Ang “Bagong Fausto” ay nanuligsa sa Pilipinas, gaya
noong pagtuligsa kay Rizal sa kanyang Noli.

Sa mga dulaang may mga panunuya ni Don Binoy ay kabilang ang “Filotea, o Ang Pag-aasawa ni San Pedro”,
ang “Opera Italiania” at “San Lazaro.” Ang “Filotea” ay nanunuya sa panatisismo; ang “Opera Italiania” ay nanunuya
sa mga Pilipinong mahilig sa anumang bagay na dayuhan kahit na ang sarili ay may kakayahang kapantay o mahigit
pa; ang “San Lazaro” ay nagtatawa sa mga mapagkunwari at paimbabaw na pakikisama.

Si Severino Reyes ay hindi lamang “Ama ng Dulang Tagalog” kundi masasabi ring siya’y “Ama ng Dulang
Filipino.” Gayunman, dahil sa sumapit ang panahon parang iwan ng mga tao ang dulaan upang pumasok sa mga sining
“talkies”, si Don Binoy ay bumaling sa panunulat sa pahayagan at
hinarap niya ang paglalathala ng Liwayway na hanggang ngayon ay buhay pa.

Marahil, ang akdang nagpabantog nang higit sa lahat kay Severino Reyes ay ang “Walang Sugat” sarswelang
unang itinanghal noong 1902. Ito’y hindi lamang tumuligsa sa ipokrisiya ng ilang prayle nang panahong yaon kundi sa
mga Pilipino ring nagsa-“balimbing” (maka-Katipunan kung
Katipunero ang kausap, maka-Kastila kung Kastila ang kaharap). Naibigan ng mga tao ang pakanang ginamit:
nagkunwaring mamamatay na si Tenyong na ang huling kahilingan ay ikasal sila ni Julia na pinipilit namang ipakasal
ng tiya sa iba; pagkakasal ay biglang bumangon ang “naghihingalo sa pagkabigla ng mga tao na napasigaw ng
“Walang Sugat.”

Halimbawa ng bahaging inaawit sa sarsuwela ang sumusunod:

Koro: Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burday nama’y lumiliko

Julia: Anong dikit, anong inam


Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob
Ng kanyang tunay na lingkod.

Koro: Nang huwag daw mapulaan


Ang binatang pagbibigyan,
ang panyo pa’y sasamahan,
mainam na pagmamahal.

Naririto ang bahagi ng pag-uusap ng mga prayle at ni Marcelo Alkyde:

Relihiyoso 1: Ah, si Kapitan Luis! Ito taroon sa amin, masamang tao ito.

Marcelo: Mason po yata among?

Relihiyoso 1: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siya sumulat maraming
k..cabayo,k.
Marcelo: Hindi po ako kabayo among!

Relihiyoso 1: Hindi ko sinabihan kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang cabayo may k, ang
Ng c pinalitan ng k. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juan de Pazay daragdagan ng
rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 2: Hindi man ang rasyong ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan ay ang pagkain, hindi;
Ano sa akin kung di sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na
sinasabi ko sayo ay palo, maraming palo ang kailangan.

Relihiyoso 2: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo


Dadalhin dito; at sinabi ko sa Alkayde na huwag
nang papaluin, Huwag nang ibibilad, at ipinagbilin
ko na bibigyan nang mabuting Tulugan.

Naririto ang isang bahaging may tinutuligsa ang mandudula:

Lukas: Nagkalamug-lamog po ang katawan ko.

Tenyong: Ano ba ang nangyari sayo? Nahulog ka ba sa kamay ng kaaway?

Lukas: Kaaway po’t hindi kaaway ang bumugbog sa akin.

Tenyong: Hindi mo ko mawatasan, magsaysay ka.

Lukas: Ganoon po ay.. Nang ako po’y makalabas ng bayan, ay nakabunggo ako ng taliba,
ako po’y sinigawan ng “cambibe” nang Makita ko pong may
suot sundalong mga Kastila ay sinagot ko ng ubos tindi ang “Espanyal!”
Naglabasan pong lahat ang mga nagkukubling kasamahan. At ako’y
pinagtulungang binugbog ng katakut-takot. Ang mga yaon pala’y tunay nga’t
sundalo ng Kastila. Ngunit nangagsilipat na sa kapwa Tagalog: ako po'y
nakipagkilala, pakatapos, sambuting salitaan ako'y inalpasan nila tuloy na po ang
lakad ko. Kaginsa-ginsa mo nama’y nakasagupa ako ng limang may suot
Katipunan; ako po’y hiniyawan namna ng “Sino ka?” Alinsunod po sa kanilang
pananamit at anyo ay sinagot ko ng puspos na galak na “Katipunan”
pinaghampasan po ng baril; palo pong
walang awa ng ibinigay sa akin.

Tenyong: At bakit naman?

Lukas: Ang mga yaon pala’y hindi tunay na Katipunan

Tenyong: At ano sila?


Lukas: Makabebe po na nagsuot Katipunan nang mapaniktik sa atin Kaya po ang gawa ko
ngayo’y kapag may sumino sa akin Bago ako tumugon, ay
tinatanong ko ng: “Ikaw ba’y tunay Na Kastila o tunay na Katipunan?” at
dinududahan ko ng sabing: “Ako'y hindi nakapaniwala sa iyong pananamit

Patricio Mariano

Kapanahon sa dulaan ni Don Binoy sa Patricio Mariano. Sumama siya sa mga manghihimagsik noong 1898,
at sa panahon ng paghihimagsik siya’y sumulat ng “EI Heraldo de Revolucion” at sa lingguhang Kaibigan ng Bayan.
Nang matapos ang himagsikan ay namahala siya sa mga pahayagang Los Obreros, Renacimiento Filipino, Katuwiran,
Lunas ng Bayan, at saka napasama siya sa pangasiwaan ng La Vanguardia at Taliba.

Mula sa taong 1901 hanggang 1934, ang nasulat na mga dula ni Patricio Mariano at apatnapu’t lima. Ang mga
pinakatampok niyang katangian sa mga dulang ito ay ang paglalarawan ng mga pangyayari at pag-uugaling pang-araw-
araw. Mayroon siyang mga dulang katatawanan at may mga nakalulunos.

May nagpapalagay na ang obra maestro ni Patricio Mariano ay ang “Lakangbini” isang trahedyang may
tatlong yugto at may salaysaying batay sa unang pagsapit ng mga Kastila sa Maynila. Ang mga ibang dulang kanyang
kinatha ay: “Ang Tulisan,” “Buhay Dapo,” “Ang Anak ng Dagat,” “Luha’t Dugo,” “Ang Dalawang Pag-ibig,” at
marami pa. Ang “Anak Dagat” ay ipinipiling ng ilang mamumuna sa kanyang obra maestrang “Lakangbini.”

Hermogenes Ilagan

Ang malaking ambag ni Hermogenes Ilagan sa dulaang Tagalog ay ang mga tagumpay ng kanyang Compana
Ilagan sa pagtatanghal ng maraming dula sa Kalagitnaang Luzon. Ang kanyang “Dalagang Bukid” ay isa sa mga lalong
tanyag na sarsuwela, na hanggang ngayon, kung inaalala ang sarsuwelang nakalipas, ay siyang unang dumarating sa
gunita ng mga tao. Sa panulat niya unang ang ibang dulang kinagiliwan ng mga tao sa mga tanghalan, lalo na sa mga
lalawigan, gaya ng “Lucha Electoral,” “Despues de Dios, el Dinero,” “Dalawang Hangal,” “Biyaya ng Pag-ibig” atb.
Naging kilala siya sa halos lahat ng dako sa tawag na Ka Muhing. Mga anak ni Ka Muhing ang mga balita at batikang
artista ng dulaan at puting tabing, sina Angel Esmeralda, Gerardo de Leon at Tito Arevalo.

LolAng dula ni Hermogenes Ilagan na higit na napabantog, ang “Ang Dalagang Bukid” ay tungkol sa isang
taga-bukid, si Angelita, na naging mang-aawit sa isang cabaret; sa tulong ng kanyang kinikita, gayundin ng mga
kapatid niyang limpyabota, ay naitaguyod ang kanilang kabuhayan.

Aurelio Tolentino

Si Aurelio Tolentino ay isang Kapampangan kapanahon ni Don Binoy at ni Patricio Mariano at may malaking
naitulong sa paglaganap at pag-unlad ng dulang Filipino. Sa tatlo, ang lalong kahanga-hanga ay si Tolentino. Sapagkat
sumulat siya sa wikang iba kaysa katutubong wika. Sumama siya sa paghihimagsik ng mga Pilipino, at dahil dito at sa
mga sinulat niyang mga dulang makabayan ay nagdusa siya ng kung ilang ulit ng pagkabilanggo. Si Tolentino ang
pumulot sa salitang “dula” mula sa Bisaya at ginamit ito sa Tagalog sa kahulugang “drama.”
Ang mga dula ni Tolentino ay lipos ng diwang makabayan at panunuligsang panlipunan, at di ito kataka-taka,
kung isipin natin ang mga ito ay nasulat sa panahon ng maraming pagkaapi, paghihimagsik at paghingi ng pagbabago.
Sa mga natanyag niyang dula ay kabilang ang mga sumusunod:

“Sumpaan,” isang sarsuwelang may tatlong yugto, “Filipinas at Espana,” isang dulang makabayang may
dalawang yugto; “Rizal y los Dioces,” isang operang Tagalog na puno ng mga sagisag na pambansa; “Sinukuan,” isang
sarsuwelang tatluhing yugto; “La Rosa,” sarsuwela ring may isang yugto; “Manood Kayo,” mga awit at mga
pangyayaring pinag-ugnay-ugnay sa tatlong yugto; “Bagong Kristo,” dulang may paksang panlipunan; “Luhang
Tagalog,” dulang pangkasaysayang ipinapalagay ng marami na siyang obra-maestra ni Tolentino; at ang “Kahapon,
Ngayon at Bukas,” na pagtutol sa pamahalaang Amerikano, pagbabantang muling maghihimagsik, at paghuhulang
magtatagumpay ito. Ang dulang ito ay ikinapiit niya pagkatapos ng unang pagtatanghal.

Sa bawat panahon ng paninikil sa ating bayan, gayunain sa mga pagpapairal ng sensura, hindi nawalan ng
mga Pilipinong nakikibaka, kundi man sa pamamagitan ng sandata at sa tulong ng panulat naman. Sa huli ay
nababanggit agad sina Francisco Balagtas, Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar. Kahit ang mga dula at ang pagtatanghal ng
mga ito ay ginagamit sa pakikibaka, gaya ng nasabi na.

Sa “Kahapon, Ngayon at Bukas,” ay tinuligsa ni Aurelio Tolentino ang mga Intsik, Amerikano, Kastila pati na
ang mga Pilipinong nagtataksil sa sariling bayan. Gumagamit siya ng mga pangalang-sagisag bilang tauhan ng dula,
gaya ng Ynangbayan (Pilipinas), Dilat-na-Bulag (Espanya), Bagong-
Sibol (Amerika), Taga-Ilog (Katagalugan), Haring Bata (Intsik), Asal Hayop at Dahong Palay (mga Pilipinong taksil sa
bayan) atb. Ang dula’y naglalarawanng kasaysayan ng ating bayan.

Ilang bahagi mula sa akda ang sumusunod:

YNANG BAYAN
Sa harap ng aming libingan
Ay sumumpa kang matibay,
Na pagdating ng araw,
Bibigyan ng kalayaang
Tinubos si Ynangbayan
Siya sa iyo’y umiirog
Ng sa puso’y lubhang taos
Huwag mong dayain at may Dios
Na hahampas sa balakiot
Bagong Sibol
Adios, adios!

(Lulubog ang mga libingan sampu pa ang mga kaluluwa.)

Bagong Sibol
Dios ko! Ito’y ano kaya?
Ano’t nangangamba lubha
Ang dibdib ko? Nawawala
Sa mata ko ang dating biyaya

Julian Cruz Balmaceda

Ang mga akdang pampanitikan ni Balmeceda ay mauuri sa pandulaan, mga tula, mga nobela, pamamahayag
at pangwika. Mayroon siyang mga sinulat sa wikang Kastila at Ingles.

Sa larangan ng pandudula, si Mang Julian ay maagang nagsimula. Ang una niyang dula, “Sugat ng Puso,” ay
kinatha niya sa gulang na 14 na taon. Ang “Ang Piso ni Anita,” ay ipinagtamo niya ng unang gantimpla sa isang
timpalak ng Bureau of Posts. Ito’y nahihinggil sa pagtitipid, at isang drama-musikal na may tatlong yugto. Ang
“Bungnga ng Pating” ay panunuligsa sa mga ususero. Ang kanyang pilosopiya tungkol sa sosyalismo ay ipinahayag ng
mga dulang “Budhi ng Manggagawa,” “Dugo ng Aking Ama,” at “Kaaway na Lihim.” Ang mga iba pang dulang
nagbigay kay Mang Julian ng di-gagaanong papuri ay: “Ang Tala sa Kabundukan,” drama-musikal na may tatlong
yugto. “Kayamanang Lumilipad,” operetang tatluhing yugto. At uli’t uli’t ding kina gigiliwan ng madla.

Ang aklat ni Julian Cruz Balmaceda, ang Sining at Agham ng mga Dulang Iisahing Yugto, ay naglalaman ng
mga sumusunod na dula, “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak,” “Ang Palabas ni Suan,” “Higanti ng Patay,” “Ang
Libingan ng Bayani” at “Gregorio H. del Pilar,”

Ang “Dahil sa Anak” ay isa sa pinakagigiliwang dula, marahil, dahil sa sikolohiyang napapaloob dito, gayun
din sa magkalayong uri ng katauhang ginagamit, mula sa isang don, na mata-pobre at may ugaling magdikta, isang
pinsang mahinahon, at mahilig bumanggit ng mga salawikain, isang anak na may sariling paninindigan, hanggang sa
isang mataray na tinder sa
palengke na walang patumangga kung magsalita.

Naririto ang isang bahagi mula sa “Dahil sa Anak”:

Sidora: Napapansin ko na talo pa pala ninyo ang babae ibig niyong pakyawin lahat ang
pagsasalita. Puwes, iyan ang hindi maari, habang narito si Sidora. Ako ang
magsasalita, at sa aki’y walang makapag-alis.

Arkimedes: Baka nalilimutan ninyong kayo’y narito sa aking bahay?

Sidora: Baka nalilimutan ninyong ang bibig ko’y nasa mukha? Puwes, maupo kayo, at
kayo’y mapapagod sa pakikinig. Maupo kayo… Sinasabi kong kayo’y maupo…
(anyong lalapitan)

Arkimedes: Puwes, maupo ako, ngunit ako’y maraming gagawin. Hindi ako makapagtatagal.

Sidora: Huwag kayong kikilos… Sinasabi ko na sa inyo maupo kayo at kayo’y walang
dapat gawin kundi ang makinig. Ako’y hindi pa nagsisimula hanggang ngayon.
Isilid sa baul… lalagyan ninyo ng apog, asinan ninyo at ng hindi mabulok.

Arkimedes: Ano bang apog na sinasabi ninyo… kung di lamang kayo babae, Aling Sidora.
(May Pagbabala)
Sidora: Ipakasal ninyo ang inyong anak kahit sa anak ng tupa… at mabuti pa. Pero, kay
Rita.

Arkimedes: Maari.

Sidora: Hindi maari.

Arkimedes: Ako ang nagsasabing maari…

Sidora: Ako ang nagsasabing hindi maari.

Mga ibang Mandudula

Upang magkaroon tayo ng humigit kumulang ay buong larawan ng dulang Tagalog ay kailangang banggitin
kahit sa ilang salita ang apat pang pangalan:

a. Juan Abad

Nang ilathala ni Juan Abad ang kanyang pahayagang Laong-Laan, ito’y ipinatigil ng
pamahalaan at pinagsabihan siyang huwag nang susulat. Ngunit ayaw niyang pasupil. At ang pinili
niyang sasakyan ng kanyang damdamin at kaisipan
ay ang dulaan. Kakaunti ang mga sarsuwelang kanyang kinatha, ngunit halos panay na mahalaga sa
kasaysayan ng dulaang Tagalog.

b. Jose Maria Rivera

Tubong Tondo, Maynila, si Jose Ma. Rivera ay isa ring makata bukod sa pagiging
mandudula. Tanyag na dula niya ang Cinematografo, Ang Ilaw, Si Ginoong Pasta, Panibugho, atb.
May mga 25 na dula ang nasulat ni Jose Maria Rivera, kapanahon nina Don Binoy. Ang mga lalong
kilala sa kanyang kinathang dula ay,
“Mga Kamag-Anak,” “Mga Pagkakataon,” “Panibugho,” “Mga Binhi,” at ang “Cinematografo.” Sa
mga ito, ang “Kamag-Anak,” ay ipinilalagay na siyang pinakamabuti.

c. Juan Cruz Matapang

Si Juan Cruz Matapang, kapanahonan ni nina Don Binoy, ay kumatha ng mga dulang
panggising sa pag-ibig sa Tinubuang Lupa, na ikinagalit sa kanya ng pamahalaang Amerikano. Ang
dulang ikinatanyag niya at hanggang ngayon ay natatandaan ng maraming nakapanood ng “Hindi
Ako Patay” na nagpapahayag ng damdaming Pilipino sa panghihimasok ng mga Amerikano sa
kapakanan ng Kapuluan.

d. Pedro Paterno

Si Pedro Paterno, balita sa pagka-tagapamagitan sa Pakto ng Biyak-na-Bato, ay sumasaklaw


sa tatlong panahon ng Panitikang Filipino: ng Kastila, ng Himagsikan at ng Amerikano. Ang dulaan
ay pinasok niya sa panahon ng Amerikano. Kinatha niya ang “La Alianza Sonada,” operetang may
isang talinghagang may diwang mapanghimagsik, at “Sangdugong panaginip,” na salin sa Tagalog
ng “La Alianza Sonada.”

Kinikilala ring mabubuting mandudula si Florentino Ballecer sa kanyang dulang


katatawanan na pinamagatang “Dalawang Pag-asa,” at “Sundalong Mantika,” si Jose N. Sevilla sa
kanyang “Plaridel,” isang melodrama, at “Mga Kanag-anak,” at si Cirio H. Panganiban sa kanyang
napabantog na “Veronidia.” Si Servando de los Angeles naman ay nakilala sa mga dulang “Ararong
Ginto,” “Ang Dakilang Punlo” at “Ang Kiri”. Itong huli’y muling itinanghal sa mga manonood ng
bagong panahon.

d. Pantaleon Lopez

Tubong Pandakan, Maynila si Pantaleon Lopez. Kabilang sa mga dula niya ang Masamang
Kaugalian, Lumubog na Araw sa Filipinas, Rosa, atp.

e. Servando de los Angeles

Tubong Rizal si Servando de la Angeles. Marami siyang dulang kinagiliwan ng bayan.


Kabilang ang Ararong Ginto, Ang Alamat ng Nayon, Mga Dahon ng Kahapon, Ang Krus na Pula,
Ang Guardia Nacional at Ang Kiri.

Ang Pagtatanghal ng Dula

Sa panonood ng isang palabas-dulaan ang dapat nating maging palagay ay ganito.

a) Na ang buhay na itinatanghal ay banagi ng isang pangyayari na ating nasaksihan;


b) Ipinapalagay nating tayo’y kahalubilo roon at kaharap tayo sa lahat ng pagkakataon; at
c) Ang mga pangitaing ating mapapanood ay di mga hamak na labing na yari sa hibo ng mga bihasang pintor,
hindi mga tunay na pilas ng pook na sumandali’y doon dinadala ng mga akda upang masaksihan natin ang
kaniyang pangyayari kahapon, sa kasalukuyan at sa darating.

Sa mga akdang pandulaan, ang paksang lalong mahalaga, at siyang dapat bigyan ng lalong mga mapiling pag-
iingat, sapagkat kapag ang paksa ay walang kabuluhan, magpakagaling-galing man ang isang mang-aakda ay di
karaniwang makabubusog sa mapaghanap na isip ng manonood, at anumang pagpapaganda ang gawin ng sumulat ay
masasayang sapagka’t magdaraan lamang ng parang anino sa isip ng dumadalo sa gayong panoorin.

Sa biglaang pagsasalita, ay maidurugtong pa sa tangi sa kariktaan ng paksa o suliraning isinasadula ay


kailangan pasukan ng mga kasuutang sa wakas ay nararapat magkaroon ng isang kasiya-siya at kapani-paniwalang
hanga at ang inihandang wakas ay nararapat na maging lingid sa mula’t mula ng pagtatanghal.

Isa pa ring nararapat pag-ingatan ay ang paglikha ng mga tauhan. Iba, palibhasa, ang dula sa kathambuhay
kaya pinakakaya sa kunting tao ang pinaganap at ang iilang ito’y siyang kumakatawan sa mga ugali at kilusan ng mga
taong pinagalaw sa isang dula.
Dapat pakaingatan ng may akda na ang kaniyang mga tauhang nilikha ay maging matibay at di dapat
paghamakin at ang tatak ng bawat isa’y kailangang taglayain hanggang wakas at kung kailangan ng akda ang isang
pagbabago, ito’y dapat masalig sa isang matibay na kadahilanan.

Sa bawat dula ay dapat magkaroon ng isang pangulong tauhan o protagorista na siyang tagapagpahayag ng
diwa ng dula, ayon sa layon ng may-akda. Kailan ma’y di dapat kahiratihan ng isang manunulat ng mga akdang
pandulaan ng paglikna ng mga tauhang di kailangan, mga tauhang
sumipot mawala o sinasadya lamang upang bigyang-puwang ang isa o ilan mang mga tauhang-dulaan.

Kahit mabahagi sa ilan mang yugto ang isang dula, ay tatlong dakilang kailangan ang di dapat nawala sa alin
mang dula; Una, ang paglalahad, Ikalawa, ay ang buhol o gusot, at Ikatlo, ay ang kalutasan o kakalasan

1. Ang Paglalahad

Dapat gawin nang di-tahasan, manapa’y ip akilalang maliwanag at walang gusot. Sa bibig ng mga unang
tauhang lumalabas ang paglalahad na gagawin sa tanghalan. Ang mahabang salaysay o pagbabalita ay dapat
nakababagot, at di matatandaan ng manonood.

2. Ang Buhol o Gusot

Kailangang maging di-sinasadya kundi likha ng mga pagkakataon kaugnay sa buhay ng dula, at ito’y
dapat ipakilala sa pamamagitan ng pagtutunggaling maapo’y o malungkot, kundi man masaya ng mga damdaming
naghahari sa mga tauhan. Ang tangkang bigyan ng sagabal ang
gayong kainitan ay makababawas ng bisa ng dula. Ang karakarakang pagpapalamig sa isang nag-iinit na salitaan
ay nag-aanyaya sa isang napakaagang wakas. Gayon ma’y di dapat na ang kagusutang ito’y pahalugin upang ang
wakas na hinihintay ay maging bigla, kung di man putol.

3. Ang Kalutasan ng Gusot o Kakalasan ng buhol na ginagawa

Dapat ding pag-ingatang mabatay sa dapat mangyari na may kinalaman sa takbo ng buhay na sinasadula.
Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang
isang kawil ng mga pangyayaring nagpapahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.

Ang mga pangunahing sangkap ng isang dula ay:

a) Isang paunlad na paglalahad ng mga pangyayari


b) Isang buhol o suliranin
c) Ang kakalasan o pagpaliwanag sa suliranin

Ang galaw ng dula ay dapat magtaglay ng kaisahan ang mga pangyayaring inilalahad ay may pag kakaugnay-
ugnay, at ang mga panyayaring ito’y yaong makapagpapatulin sa pagpulong ng dula.

Ang buhol o suliranin ay dili iba’t iba ang pinakabuod ng tunggalian ng dalawang magkalabang lakas na
kinakatawan ng mga tauhan ng dula. Ang waks o kakalasan ay dapat na maging makatuwiran.
Pagsasanay Bilang 20

Tama o Mali:

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong detalye hinggil sa Dulang
Tagalog at MALI kung hindi ito nagsasaad ng diwastong detalye. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang

__TAMA___1. Ang sarswela ay itinuturing na libangan ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano.

_TAMA____2. Pinaniniwalaang ang dulaan ay ginagamit sa paghubog ng kaugaliang pambayan sa ikabubuti


ng madla.

___TAMA__3. Ang pandulaang Pilipino ay itinuturing na libangan ng mga Pilipino sa panahon ng

Amerikano.
__TAMA___4. Maaaring hatiin sa dalawa ang mga taong nasa larangan ang mambabasa at ang mga sumulat
ng dula.

_TAMA____5. Sa panonood ng dula, dapat ipagpalagay na tayo ay kabilang at kahalubilo sa lahat ng


pagkakataon.

__TAMA___6. Pinakamahalaga sa akdang panulaan ang maingat na pagpili ng pamagat na gagamitin.

__TAMA___7. Maaring magkaroon at maari ring walang pangulong tauhan sa paggawa ng isang dula.

___MALI__8. Ang paksa ay walang kabulunan sa pagsulat ng dula sapagkat magdaraan lamang ito na parang
anino sa isip ng dumadalo sa gayong panoorin.

__MALI ___9. Ang mga unang Panahon ngAmerikano, karamihan sa mga sarswela ay mapanghimagsik.

___TAMA__10. Ang pandulaang Tagalog ay karaniwang pumapaksa sa kabayanihan at pakikipaglaban ng tauhan

Pagsasanay Bilang 21

Maramihang Pagpipilian:

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusnod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

__A___1. Ang mga sumusunod ay akda ni Hermogenes Ilagan maliban sa _______.


a. Buhay Dapo c. Biyaya ng Pag-ibig
b. Dalawang Hangal d. Dalagang Bukid
__C___2. Sa kanyang akdang _______ ay tinuligsa ni Aurelio Tolentino ang mga Intsik, Amerikano,
Kastila pati na ang mga Pilipinong nagtataksil sa sariling bayan.
a. Sumpaan b. Manood Kayo c. Luhang Tagalog d. Kahapon, Ngayon at Bukas
___B__3. Ang Duplo, Senakulo, Moro-moro at Sarswela ay mga panitikan sa Panahon ng _______.
a. Hapon b. Amerikano c. Kastila d. Propaganda
____B_4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dula ní Pantaleon Lopez?
a. Rosa c. Masamang Kaugalian
b. Ararong Ginto d. Lumubog na Araw sa Pilipinas
__A___5. Si _______ ay tinaguriang ama ng dulang tagalog.
a. Severino Reyes c. Pantaleon Lopez
b. Julian Balmaceda d. Aurelio Tolentino
__B___6. Si Severino Reyes ay lalong kilala sa tawag na _______.
a. La Rosa b. San Lazaro c. Don Binoy d. Lucha Electoral
__A___7. Ito ang unang dula ni Julian Cruz Balmaceda, ang kung saan kinatha niya ito sa gulang na 14
na taon.
a. Sugat ng Puso c. Budhi ng Manggagawa
b. Ang Piso ni Anita d. Ang Bunganga ng Pating
___B__8. Ang “Ang Piso ni Anita” ay isang dula na nahihinggil sa _______.
a. pagmamahal c. pagiging masunurin
b. pagtitipid d. makabayan
____C_9. Ang mga sumusunod ay mga dulaang may mga panunuya ni Don Binoy maliban sa _______.
a. Filotea c. Opera Italiania
b. Ang Pag-aasawa ni San Pedro d. Tanikalang Ginto
__A___10. Ang “Sumpaan” ay isang sarsuwelang may tatlong yugto samantalang ang “Filipinas at España” ay
isang dulang makabayang may _______ yugto.
a. tatlo b. dalawa c. lima d. anim

Pagsasanay Bilang 22

Pag-Iisa-Isa

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan. Ibigay ang hinihinging sagot ng
sumusunod na bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

___PAG-IBIG___________1.

_______KOMEDYA______2. Magbigay ng apat na tema sa pandulaang Tagalog


sa panahon ng Amerikano
___HIMAGSIKAN_______3.

______TRAHEDYA_____________4.

____SARSWELA_________5.
Ibigay ang tatlong itinuturing na libangang
_____KOMEDYA________6. pandulaang ng mga Pilipino sa Panahon ng
Amerikano
_______DULA_________7

_Biyaya ng Pag-ibig____8.
Magbigay ng tatlong dulang naiambag ni
Hermogenes Ilagan sa dulaang Tagalog.
_____Dalagang Bukid____9.

__DALAWANG HANGAL_____10.

Pagsasanay Bilang 23

Pagtatapat-Tapatin

Panuto: Tukuyin mula sa hanay B ang mga mandudulang Pilipino na may-akda ng dula sa hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

__B___1. “El Heraldo de Revolucion” A. Severino Reyes

___D__2. “Dahil sa Anak” B. Patricio Mariano

___E__3. “Panibugho” C. Hermogenes Ilagan

___C__4. “Biyaya ng Pag-ibig” D. Julian Balmaceda

__F___5. “Hindi Ako Patay” E. Jose Marian Rivera


__H___6. “Sumpaan” F. Juan Cruz Matapang

__G___7. “La Alianza Sonada” G. Aurelio Tolentino

__I___8. “Walang Sugat” H. Pedro Paterno

__K___9. “Dalawang Pag-asa” I. Florentino Ballecer

__J___10. “Ang Alamat ng Nayon “ J. Pantaleon Lopez

Pagsasanay Bilang 24

Pagkikilala

Panuto: Kilalanin ang isinasaad na bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____Lupang Luha_________1. Ito ay dulang nagpapakita ng pagkawalang katarungan sa pagkakalitis kay


Rizal.

________Panibugho___________2. Isang trahedyang may tatlong yugto at may salaysaying batay sa unang
pagdating ng mga Kastila sa Maynila

_________Walang Sugat” __________3. Ito ay dulang patungkol sa isang tagabukid na naging mang- aawit sa cabaret
na nagtaguyod sa kabuhayan ng kanilang pamilya.

__________Dalawang Pag-asa_________4. Isang dulang patungkol sa pagtutol sa pamahalaang Amerikano, at


pagtuligsa sa mga Intsik, Kastila pati na ang mga Pilipinong nagtaksil sa bayan.
________Sumpaan___________5. Dulang hinggil sa pagtitipid, at isang drama-musikal na may tatlong yugto.

___________“Dahil sa Anak”________6. Operang may isang talinhagang may diwang mapanghimagsik.

_______“La Alianza Sonada_________7. Dulang ibinatay sa muling pagpapahintulot ng mga Amerikano na magamit
ang
bandila ng Pilipinas.

_______Biyaya ng Pag-ibig”____________8. Dulang tumutukoy sa pokrisiya ng ilang prayle at pagiging balimbing ng


mga Pilipino

________Dalawang Pag-as___________9. Dulang nagpapahayag ng damdaming Pilipino sa panghihimasok ng


mga Amerikano sa kapakanan ng kapuluan.

______. “El Heraldo de Revolucion______10. Isang pagtatanghal na nanunuya sa mga Pilipinong mahilig sa anumang

bagay na dayuhan kahit na ang sarili ay may kakayahang katamtaman lamang.

Sangkap ng dula
 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay
ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon higit na isang suliranin ang isang dula
 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang
dula
 Kasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula/ Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip, walang dula kapag walang
iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at
sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip,
sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na
tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula, sa tauhan umiikot ang mga pangyayari ang
mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na
mga linyang binibitiwan ng mga actor
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;
tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng
mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip
mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang paraan ng pagganap at pagbigkas
ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang
tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal
dapat mayroong makasaksi o makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Eksena at tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang
pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Pagtatanghal ng Dula

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

S – seen before heard (makita muna bago marinig)


T – talk in projection (magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically (umarte nang totoo)
G – give your all (ibigay ang lahat)
E – exaggerate (eksaherado)

Pag-arte

Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may tiyak na layunin at nasa tiyak
na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na
kanyang gagampanan kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok.
Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig.
Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag.
Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang
labasan. Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas upang
nindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa entablado ngunit ang aktor ay
maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan,
ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga
at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.

Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may
kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay
kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o
ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.

Linya at Palatandaan – dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin. Kailangan ding malinaw, buo at malakas
ang boses ng mga aktor sa pag-uusap. Ang pag-aadlib ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan.
Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na
hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan. Kailangang
magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

Galaw ng Katawan at mga Alituntunin

Tindig – ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang balikat, diretso ang katawan at
diretso rin ang pagtingin

Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay (relax). Ang kamay na naka gapos ay
nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong
katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

Pagtawid at Pagbalik
Ang gitnang bahagi ng entablado ay tinatawag na “center”, ang harapan ay “downstage” at ang likurang
bahagi ay “upstage”.

Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.

(A) (B) (C)


Up Right Stage Up Center Stage Up Left Stage
(D) (E) (F)
Right Center Stage Center Stage Left Center Stage
(G) (H) (I)
Down Right Stage Down Center Stage Left Center Stage

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan ito ang naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o
pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha,
pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng
braso, kamay at mga daliri.

Mga Kawani ng Produksyon

Direktor – ang kanyang pangunaning layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal. Kailangan niyang madiskubri
ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang
pipili ng babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan
sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.

Katulong ng Direktor – siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing tagapag-ugnay sa iba pang kawani
ng produksyon.

Tagapagdikta – siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay na kailangang tandaan
ng mga aktor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan at mga mga ilaw sa
tanghalan

Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na tunog at iba pang may
kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na pagtatanghalan. Siya rin ang
mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.


Mga Pananalita sa Dula

1. Yugto (act) – ang bawat bahagi ng dula. Ito ay maaaring hatin sa mga tanghal (scene) o cuadro. Sa dulang
kastila, bawat labas pasok ng isang tauhan ay tinatawag na eksena o tagpo, ngunit sa dulaang Ingles, ang
“scene” ay katumbas ng kuadro sa Kastila, o tanghal sa Tagalog
2. Dialogo – ay salitang iniuukol sa mga kaharap na tauhan, ang pag-uusap at tanung-sagutang kailangan sa mga
pagpapanayam.
3. Monologo – ang pangungusap sa sarili ng nag-iisip tauhan sa tanghalan na maaring ang sarili rin niya ang siya
niyang kausap.
4. Aparte – ang sariling pangungusap ng isang tauhan na di ipinaririnig sa mga kapwa tauhang nasa tanghalan.
Maging ang monologo gaya ng aparte ay siyang paraan sa pagpapahayag lamang ng loob, gaya ng magugusot
na suliraning gumugulo sa pag-isip o di-maulatang galak na naghahari sa puso
ng isang tao.
Ang dialogo ay dapat maging tahas, talampak at tiyak. Magagaang pangungusap at walang ligoy na
pagsasalita ang dapat gamitin.
Ang monologo ay maaaring gamitan ng matataas na isipan at masining na pangungusap.
Ang mga salita ay dapat ibagay sa taong pinapagsasalita batay sa babae’y pangungusap babae at sa
mga taong lansangan ay salitang lansangan.
5. Entremes – ang ginagawang pamalit sa pagitan ng mga yugto o kaya’y ng mga dulang sasangyugtuin.
6. Sainete – isang dulang masaya na hango sa mga karaniwang ugali
7. Parodia – isang uri ng dulang mapanudyo na ang katangian ay ang paggaya sa pangungusap, kilos, ayos ng
akdang tinutudyo.
8. Proverbio – isang akda na ang paksa o pamagat ay kuha sa mga litaw na salawikain at sa loob ng salawikaing
ito inihahalintulad ang buhay sa dula.
9. Farsa o “farce” – ay walang layon kundi ang magpatawa at kadalasang ang paksa ay malayo sa sukat
mangyari.
10. Playlet – masasabing ito rin ang “paso o posillo” sa Kastila, na isang pilas ng dula, ngunit may kabuuang
gaya rin ng mga dulang may puspusang haba. Maaring ito’y sing-agting ng isang drama o sinasaya ng isang
comedia.
11. Burlesque – isang dula na biglang nagbubunga ng malaking tawanan, dahil sa masarap na birong ginagawang
pangwakas at di inaasahan ng manonood.
12. Sketch – isang dulang sinasamahan ng mga palasak na tugtugin at awit na yari na sadyang pinaghahandaan ng
mga puwang na naaangkop sa awit na ipinapasok. Palibhasa ang ito rin ang uri ng mga dulang pambodabil.
Kaya’t ang sari-sariling gags o pampatawa ng mga payaso o pusong ay di napalalabas. Karaniwa’y di ito
pinaghahandaan ng yaring mga akda, manapa’y ipinaubaya na lamang sa kasanayan ng mga manlalabas –
dulaan.
13. Aproposito (Kastila) – ang kathang sadyang sinulat upang itanghal bilang patungkol sa kaarawan ng mga
tanging tao o kaya’y mga dakila o makasaysayang pangyayari.
14. Opereta – yaong dulang itinatanghal na may magkahalong awit at salitaan.
15. Opera – ginagawang awitan ang lahat na dapat maging salitaan.
16. Kasaliwatan – ang paggamit sa dula ng mga bagay na di-angkop ayon sa panahong inilarawan sa dula.

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagpapalabas-masok sa mga Tauhan

1. Bawat paglabas at pagpasok ng isang tauhan ay dapat maging di pilit, may dahilan at kailangan sa tanghalan.
2. Bawat galaw ng tao sa tanghalan ay dapat magkaroon ng kinalaman sa buhay dula.
3. Di-dapat mawalan ng tao ang tanghalan nang tatagal sa kailangan.
4. Ang bilang at tagal ng pagpapalabas-masok ng mga tauhan ay kailangang masukat sa haba ng yugto.

Hingil sa pagbabago – bago tanghalan ang isang bagay na dapat gawin ay ang pag-iingat na ang panahong
kakailanganin sa itatagal ng (1) pagkababa ng pangmukhang tabing (2) pagpapadihin kaya ng ilaw (3) pagpapalit ng
tanghalaan, gaya ng ginagawa sa mga dulaang may tanghalan napipikit o nabababa’t naitataas ay di dapat makainip sa
mga manonood. Sa mga dulaan dito sa atin na wala ng mga kaluwagang maibibigay ng mga tunay na gusaling pandula
ay dapat pakaingatan ng mga gayong paghahati sa isa o matanghal ng bawat yugto na huwag maging mabagal,
maingay at makapagdulot ng kayamutan. Hanggang maaari ang gayong pagpapalit ng anyo ng tanghalan ay dapat
magawa sa isang pagpapadilim at pagpapaliwanag ng ilaw.

Kaibahan ng Dula sa Kathambuhay

Ang kabuuan ng isang dula ay walang iniwan sa kathambuhay, ang kaibahan lamang samantalang ito’y
binabasa, yao’y pinanood at pinakinggan, bagaman ang dula ay dapat na maging singyama na at sintaas ng uri isang
aklat na karapat-dapat ding basahin.

Isa pa ring kaibahan ng dula sa kathamabuhay ay ang pangyayari sa dula, ang maririkit na paglalarawan ng
pinangyarihan ng bagay na isinasadula, at ang pagtukoy sa sariling kilos at galaw ng mga tauhan ay ginagawa lamang
ng mga paunawa o pakimatayag sa namatnugot ng pagtatanghal at sa mga tauhang nagsisiganap. Ang sining ng dula ay
siyang humahantong sa tatlong pangunahing uri, gaya ng ating nasabi sa panahon sang-ayon kung ito’y magiging,
masaya o malungkot.

Ang agham ng dula ay siyang nagtuturo sa atin ng pangyayari ng isang dula o akdang pandulaan o
paghahanda ng akdang tatanghalin, pagpili ng paksa, paghahanda ng balangkas, paglikha ng mga tauhan at pagbibigay-
buhay sa paksang napili na umaalinsunod sa hinihingi ng tatlong dakilang kailangan na binanggit: paglalahad buhol o
kagusutan at kalutasan o kakalasan.

Agham ng Dulang lisahing-Yugto

Tukuyin nating ang agham ng dulang iisahing yugto. Sa tanong na ito’y maisasagot natin ang kaparaan ay
nagkakaiba-iba ngunit di nalalayo sa paghahanda at pagyari ng kahit anong uri ng akdang pampanitikan.

Maaaring unang maisip na gagawa ang pamagat ng takdang gagawin at ang pamagat na ito ang magiging
parahunan niya sa paghanap ng hilaga na kaniyang tutunguhin kung baga sa isang naglalakbay.

Maari naman mayari muna ang akda bago ihanap ng angkop na pamagat. Alin man sa dalawang kaparaanang
ito’y sa isang tigpo rin nagwawakas Alin man dito’y tumpak na pamamaraan.
Sa pagpili ng buhay na isasadula, ang maisasangguni sa bagong manunulat o sa mga magsimulang sumulat ng
akdang pandulaan, hanggang maiwasan ay iwasan ang pagsasadula ng isang buhay na papangyarihin sa isang pook o
panahong di kilala ng akda, sapagkat maaaring mangyari na sa isang maliit na bagay na sa akala nila’y walang kahala-
halaga ay makagawa sila ng isang malaking pagkakamali, gaya ng nangyari sa isang manunulat na Pili sa Ingles na
sumulat ng isang dulang tumutukoy sa panahon nina a.) Rizal at Leonor at ang salaping ipinakilalang ginugol noon ay
dadalawahing pisong papel. Ito, gaya rin naman nang sabihing noong taong 1895, ay mga “gobernadorcillo” ang mga
namumuno sa bayan, gayon ang totoo ayon sa mga pagbabagong ipinasolo ni Maura noong 1892, ang dating
“gobernadorcillo” ay nahalinlan ng “capitan municipal” ay siyang
tinatawag kasaliwatan o anachronism.

Kung kayo’y biha-bihasa na makapangahas na kayong sumusulat ng mga dulang ang paksa’y maaaring
likhain ng inyong mayamang kaisipan o salig kaya sa matatandang kasaysayan, sa gayo’y maipalalagay na nalalaman
na ninyo ang mga lihim na kasaysayan at ng mga karunungang napag-aralan sa mga labi ng yumaong panahon o
archeology.

Ipalagay na natin ngayong tayo’y may naisip nang paksang maibubuhay sa isang buhay sa paano’t paano may
mahaba at pasikot-sikot. Hanapin natin ang bahaging pinakamahalaga at yaon ang ating gagawing pinakabukod ng
dula. Anupa’t kung may mga kagusutan tayong ipapasok ay sa bahaging ito kailangang papangyarihan.

Ang kasunod natin isipin at ang kung saan papangyayarihin ang buhay na sasaysayin sa dula lalo na’t kung
gagawin nating ito’y dapat magsimula’t matapos sa isang tanghal lamang.

Ang tanghalan ay dapat maging isang pook na lahat ng tauhang gamit sa dula’y maaaring makalabas.
Karaniwan na ngang mga harap-bahay, bulwagan ng isang gusaling napagmamanhik-manangan ng iba’t ibang tao,
kung di man liwasan, ang ginagawang tanghalan, ngunit kung ang suliraning buod ng paksa ay mapag-uusapan at
malulutas sa loob ng isang bahayan, ang bulwagan tanggapan ng isang bahay ay angkop na gawing tanghalan.

Ang anyo ng tanghalan, halimbawa, ang isang look ng bahay ay dapat buuin ng 3 panig, ang duyo at ang
magkanilang panabi. Ang dakong harap na siya ipinalagay na ikaapat na panig ng isang silid o bulwagan ay bukas,
sapagkat ito ang panig na sinasampatahang kinalalagyan nating
mga manonood.

May mga dulang kahit ang pinakamalaking bahagi ng buhay ay mangyayari sa labas ng bahay at walang
nakakarating sa tanghalan kundi balita lamang upang dito lumikha ng magugusot na suliranin at maghasik ng mga di-
mapaglabanang damdamin at mga isiping sukat makagulo ng diwa ng tao, at nagagawang sa isang loob ng bahay
papangyayarihin ang buong dula.

Hinggil sa bagay na ito’y walang tiyak na tuntuning mailalagda, kung saan maaaring palabasin ang mga
tauhang kailangan sa dula nang di makasisira sa takbo ng pangyayari at sa maliwanag na pagkakaugnay-ugnay ng
paksang ibinubuhay, ito’y nasa mabuting pamamaraan ng bawat sumusulat.

Matapos mailarawan sa ating isip ang dapat maging ayos ng tanghalan, ang kasunod nating pag-aaralan ay
ang buong kabalangkasan ng dula: (1) alalaong bagay ang maayos na pagsusunod-sunod ng labas at pasok ng mga
tauhan, (2) kung aling tagpo ang pagpapasukan ng gusot na
hininingi ng akda, at (3) kung ano ang inihahandang wakas na dapat maging kasiya-siya sa manonood.

Ang nalalabi sa atin ngayon, matapos ang mga kailangang paghahanda, ay ang paglalagay ng atip sa
nangyayaring balangkas, kung kaya sa bahay ang pagsulat ng mga salitaan at paunang kailangan. Gaya ng nasabi na
naming, ang mga pangungusap na dapat gamitin sa isang
dula ay iba kaysa ginagamit sa kathambuhay. Dito ay maaari ang malalawig na salitaan, sa dula ay hindi.

Ang malalalalim na pananagalog ay maaaring ipasok sa isang kathambuhay; sa dula ay hindi dapat
kamihasang ito’y gawin. Ang maliligoy na pagbabalita ay nakababagot. Kaya kabilin-bilinan na ang pangungusap na
dapat gamitin sa dula ay yaong tahas, talampak at maliwanag.

Upang lalong matumpak ang isang bagong manunulat ay apat na bagay ang sa panang ani’y dapat pag-
aaralan, ito’y ang sumusunod:

1) Pagbabasa ng mga akdang subok na.


Ang layon nito’y upang makilala ang iba’t ibang pamamaraan at tingnan kung alin ang lalong
nalalapit at tumutugon sa mga pangunahing batayan ng isang matatawag na tunay na dula.
Sa dakilang marami sa mga dulang kilala na ang mga naging tagumpay sa tanghalan, ngunit ang
pagkakasulat ay totoong malayo at labag sa mga tuntunin ngayon sa balarila

Pagsasanay Bilang 25

Maramihang Pagpipilian

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik at isulat ang tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
_B____1. Ito ay isang dulang masaya na hango sa mga karaniwang ugali ng isang tao.
a. Saynete b.Parodia  c. Monologo d. Dialogo
__B___2. Ang tawag sa mga salitang iniuukol sa mga kaharap na tauhan, ang pag-uusap at tanung- sagutang
kailangan sa mga pagpapanayam.
a. Monologo b. Proverbio c. Dialoggo d.Yugto
_A____3. Ang mga sumusunod ay mga pananalita sa dula, alin ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Farsa b. Burlesque c. Entremes d. Tono
_A____4. Ang dulang sinasamahan ng mga palasak na tugtugin at awit na yari na sadyang
pinaghahandaan ng mga puwang na naangkop sa awit na ipinapasok.
a. Playlet b. Sketch c. Aparte d. Burlesque
___D__5. Alin sa mga sumusunod ang mga katangiang dapat taglayin ng isang Dialogo?
a. Tahas b. Tiyak c. Talampak  d. Lahat ng nabanggit
___C__6. Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa at kadalasang ang paksa ay malayo sa sukat
mangyari.
a. Farsa b. Parodia c. Sainete d. Aparte
___D__7. Ito ay isang akda na ang paksa o pamagat ay kuha sa mga litaw na salawikain at dito
inihahalintulad ang buhay sa dula.
a. Burlesque b. Playlet c. Sketch d. Proverbio
_A____8. Ang ginagawang pamalit sa pagitan ng mga yugto o kaya’y ng mga dulang iisangyugtuin.
a. Sketch b. Monologo c. Entremes d. Playlet
C_____9. Sa salitang Kastila, katumbas nito ay “paso o posillo” na isang pilas ng dila, ngunit may
kabuuang gaya rin ng mga dulang may puspusang haba.
a. Aparte b. Playlet c. Burlesque d. Saynete
__A___10. Isang dula na biglang nagbubunga ng malaking tawanan, dahil sa masarap na birong
ginagawang pangwakas at di inaasahan ng manood.
a. Burleque b. Aparte c. Proverbio d. Sketch

Pagsasanay Bilang 26

Pagtatapat-Tapatin

Panuto: Piliiin sa Hanay B ang salitang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang tamang sagot sa nakalaang
espasyo.
Hanay A Hanay B
_F____1. Ito ay maaaring mabatid sa simula A. Saglit na Kasiglahan
o sa kalagitnaan ng dula.

_D____2. Panahon at pook kung saan naganap B. Tauhan


ang mga pangyayaring isinaad sa dula.

__E___3. Climax ang katumbas nito sa Ingles. C. Tunggalian

_C____4. Maaaring mangyari sa pagitan ng mga tauhan.

__A___5. Saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan D. Tagpuan


sa suliraning nararanasan.

___H__6. Ang tawag sa mga kumikilos at nagbibigay buhay E. Kasukdulan


sa dula.

_G____7. Ang suliranin at tunggalian sa sangkap ng dulang F. Sulyap sa Suliranin


ng dulang ito ay nalulutas, nawawaksi at natatapos.

_G____8. Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan G. Kalutasan


sa mga suliraninat pag-ayos sa mga tunggalian.

_J____9. Paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. H. Kakalasan

____J_10. Pagpapalit ng iba’t ibang pinangyarihan


ng mga pangyayari sa dula. I. Tagpo

J. Eksen

Pagsasanay Bilang 27

Pag-Iisa-Isa

Panuto. Isulat ang tamang sagot sa nakalaang espasyo.

1 – 3  Sangkap ng Dula
1. Tagpuan
2. Tuhan
3. Tungalian

4 – 6  Elemento ng Dula

4. Manonood

5. Tema

6. Tanghalan

7 – 10  Mga Pananalita sa Dula

1. Yugto

2. Dialogo

3.Monologo

Pagsasanay Bilang 28

Pagkikilala

Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa nakalaang espasyo.

_______Iskrip o nakasulat na dula/ Banghay (Plot) –____________1. Elemento ng dula kung saan makikita ang
pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at sitwasyon.
___________EMOSYON________2. Ang tawag sa mga nagbibigkas ng dayalogo at nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin sa dula

_________Tagpuan__________3. Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.

________MONOLOGO___________4. Siya ang naginterpret sa iskrip.

______PAKSA _____________5. Ito ay ang pinakapaksa ng isang dula.

_________SKRIP__________6. Tumutukoy sa mga bitaw na linya ng mga actor na siyang sandata upang
maipakita o maipadama ang mga emosyon.

________TEMA___________7. Sangkap ng dula na tumutukoy sa panahon at pook kung saan naganap ang
mga pangyayaring isinaad sa dula.

_______kasukdulan____________8. Nasusubok naman sa sangkap ng dulang ito ang katatagan ng tauhan.

___________________9. Ang isang dula ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang ganito na
nagbibigay kulay sa kwento.

___________WAKAS________10. Tawag sa unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa


mga tunggalian.

You might also like