You are on page 1of 57

 naglalahad ng madulang

pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-
iiwan ng kakintalan sa isipan
at damdamin ng mambabasa
A. Ang Mga Bahagi ng
Maikling
Kuwento:
1. Simula- Lubhang mahalaga ang
bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang
kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban
ito ng mga sumusunod:
a. pagpapakilala sa tauhan
b. pagpapahiwatig ng suliraning
kakaharapin ng mga tauhan.
c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa
ng damdaming palilitawin sa kuwento.
d. paglalarawan ng tagpuan
2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng
buhay ng maikling katha dahil ito ang
nagbibigay daan sa madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-wili at
kapana-panabik ang mga pangyayari

3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti-


unting naaalis ang sagabal, nalulutas
ang suliranin, dito natutukoy ang
katayuan ng pangunahing tauhan kung
siya ay mabibigo o magtatagumpay
4. Wakas- naihahatid ng may-akda
ang mensahe sa bahaging ito. sa wakas
ng kuwento.
B. Sangkap ng Maikling
Kuwento:
1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o
lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Naglalarawan ito ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan.
2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa
kuwento, makikilala sila sa kanilang
panlabas na kaanyuan- pisikal at
pananamit, kilos na magpapahiwatig
ng kanilang ugali at diyalogo.
3. Banghay- ito ang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay
a. simula b. suliranin
c. saglit na kasiglahan d. kasukdulan
e. kakalasan f. wakas

4. Tema o Paksa- ito ang sentral na


ideya sa loob ng kuwento o ang
mahalagang pangkaisipan ng akda.
C. Uri ng Maikling
Kuwento:
1. Kuwento ng Katutubong Kulay-
binibigyang diin ang kapaligiran,
pananamit ng mga tauhan, uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
2.Kuwento ng Pakikipagsapalaran-
nasa balangkas ng pangyayari ang
kawilihan o interes sa kuwentong ito.
3. Kuwento ng Kababalaghan-
mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa
mga katatakutan ang siyang daan ng
4. Kuwento ng Tauhan- ang interes
ng diin ay nasa pangunahing tauhan.
5. Kuwento ng Katatawanan-
ang diin ng kuwentong ito ay
magpatawa at bigyang aliw ang mga
mambabasa.

6. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa


pag-iibigan ng pangunahing tauhan at
ang katambal niyang tauhan
7. Kuwento ng Kapaligiran- ang
paksa ay mga pangyayaring mahalaga
sa lipunan, kadalasan patungkol sa
kalikasan.
KASAYSAYAN
AT
KASAYSAYAN
PAG-UNLAD
AT
PAG-UNLAD
NG
NGKUWENTO
MAIKLING
MAIKLING KUWENTO
A. Bago Dumating
Ang Mga Kastila
Kuwentong bitbit – dito nag-ugat
ang maikling kwento, maiikling
salaysay na pumapaksa sa mga anito,
lamanlupa, malikmata, multo at iba
pang mga bunga ng guniguning di
kapanipaniwala..
B. Panahon ng Kastila
• Kakana – sumulpot pagdating ng
Espanyol,naglalaman ng mga alamat
at engkanto, panlibang sa mga bata

• kuwento ay tungkol sa buhay ng


mga santo at santa -layunin nila ay
mapalaganap ang Kristiyanismo.

• Parabula- naglalaman ng mga


talinghaga at nagtuturo ng aral.
Hal. Ang Mabuting Samaritano
C. Panahong Post Kolonyal
( Panahon ng Amerikano)
• Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong mga unang sampung
taon ng mga Amerikano. Mga unang
anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
dagli -maikling- maikling salaysay
na gayong nangangaral nang lantaran
ay namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa.
Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping
Ginto” ni Cue Malay
Nagsisulat ng dagli sina Valeriano
Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado,
Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp.
na inilathala sa pahina ng pahayagang
“Muling Pagsilang” noong 1903.
Yumabong ang uring ito ng salaysay sa
tulong pa rin ng pahayagang
Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang
1921.
Halimbawa ng dagli ni Salvador R.
Barros:
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa
pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay
may malaking ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki
ay lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng
babae ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng
reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
pasingaw- patungkol sa mga
paralumang hinahangaan, sinusuyo,
nililugawan at kung anu-ano pa.

Sa mga dahon ng pahayagang


Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito
kumita ng liwanag. Madalas na ang
mga may-akda nito ay gumagamit o
nagtatago sa kanilang mga sagisag
panulat.
Napatanyag at namalasak ang
pagsulat ng dagli at naging katha at sa
bandang huli ay tinawag na maikling
katha hanggang 1921.

Noong 1910, nagtagumpay ang


“Elias” ni Rosauro Almario sa
pahayagang Ang Mithi sa bisa ng
14,478 na boto ng mga mambabasa.
Mga Samahang Pampanitikan

1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula


ang maikling katha nang hindi pa
ganap ang banghay at nakakahon pa
ang karakterisasyon.

2. Ang “ Ilaw at Panitikan”


(popularisasyon) Isinilang ang Liwayway
na naging tahanan ng mga akdang
Filipino.
3. Parolang Ginto ni Del Mundo-
katipunan ng mga pinakamahusay na
kuwento sa bawat gawain at sa bawat
taon. Pumagitna rin sa larangan ng
pamumunang pampanitikan si
Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang
Bughaw.

4. Panitikan- sa panahong ito sinunog


ng mga kabataang manunulat ang mga
akdang pinalagay na hindi panitikan.
5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay
nangibabaw ang bisa ng mga
kabataang manunulat sa panitikan sa
Wikang Ingles.
Alejandro G. Abadilla
The father of modern Filipino poetry.
1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “
kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del
Mundo
2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang
Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes.
Katipunan ng mga pinakamahusay na katha
ni Hernando R. Ocampo at ang mga
manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales,
Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C.
Pascual.
 Taong 1920, ang mga kathang
Tagalog ay nagkaroon ng banghay
at ang karamihan nito ay nalathala sa
mga babasahin sa Maynila. Dito
unang namayani sina Deogracias A.
Rosario, Amado V. Hernandez, Jose
Esperanza Cruz, Rafael Olaya,
Teofilo Sayco atbp.
Deogracias A. Rosario
Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894
sa Tondo, Maynila,

Amang Maiikling Kwentong Tagalog


• Kapansin-pansin ang pagkagiliw
ng mga manunulat sa matamis,
mabulaklak at maindayog na
pananalita. Karaniwang paksa‟y
pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan
o pinapagdurusa, hindi
makatotohanan ang mga sitwasyon
at pangyayari at waring
nangungunyapit pa rin sa tradisyon
ng romantisismo hanggang sa
pagdating ng 1930.
D. Panahon ng Hapon
 Pansamantalang napinid ang mga
palimbagan sa panahon ng mga
Hapones ngunit pagkaraan ng ilang
buwan ay muli itong nabuksan.
Pinahintulutang makapaglathala ang
Liwayway kaya‟t biglang nakapasok
ditto ang mga akda na dati ay hindi
tinatanggap ng naturang babasahin.
Dahil dito ang mga manunulat na
dating nagsusulat sa Ingles ay
nangagtangkang magsulat sa Tagalog.

• Nagdaos ng timpalak ang


Liwayway at pinili ang mga
pangunahing kuwento noon na
tinipon sa isang aklat. “Ang 25
Pinakamabubuting Maikling
Kathang Pilipino ng 1943.
Nanguna sa timpalak ang sumusunod
na apat na kuwento.:

Pangunahin- “Lupang Tinubuan”


Narciso Reyes
Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na
Lupa” Liwayway A. Arceo
Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan”
NVM Gonzales
Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan”
Macario Pineda
• Kabilang sa mga bagong pangalan
sina Liwayway A. Arceo, Amado
Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga
nanguna sa kanila, nakilala sina
Teodora Agoncillo, Gemilliano
Pineda at Serafin Guinigundo atbp.
Liwayway Arceo
E. Panahon ng Kalayaan
• Ang Gantimpalang Carlos Palanca,
isang timpalak pantikan ay nagdulot
ng bagong hamon sa mga manunulat
sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang
patimpalak sa maikling katha noong
1950
• naitatag ang Kapisanang KADIPAN
(aklat, diwa at panitikan) na itinatag
sa pamamahala nina Ponciano B.
Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.

• ang Diwa at Panitik (1965) ay


nagpalabas ng magasing Sibol na
ang nilalaman ay tuntunin sa
panitikan, wika at pagtuturo
• Noong Enero 1962, ang magasing
Akda ang naging kaakit-akit na
babasahing naglalathala ng mga
orihinal na akda at salin saTagalog ng
mga manunulat sa Ingles

• Ang magasing Panitikan ay muling


pinalabas ni Alejandro G. Abadilla
noong Oktubre, 1964 at tumagal
hanggang 1968
• Nagtaguyod ang Pamantasan ng
Ateneo ng Urian Lectures na
pinamahalaan ni Bienvenido
Lumbera.

• Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng


pamahalaan noong 1969. nilahukan ng
katipunan ng sampung akda. Nagwagi si
Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala
sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang
Kuwento”.
• Ang huling taon sa dekada 60 ang
panahon ng protesta. Ang mga
manunulat ay pumaksa sa kaawa-
awang kalagayan ng iskuwater, sa
mga suliranin ng magbubukid at
manggagawa.
F. Panahon ng Bagong
Lipunan (Batas Militar)
• Sa kadahilanang halos lahat ng
kuwentista sa Pilipinas sa panahong
Batas Militar ay kasangkot sa kilusang
makabayan, tampok sa kanilang mga
akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa pagpapasasa
ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, kawalan ng katarungan sa
mga limot na mamamamayan at pang-
aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng
sabwatan ng mga burgis. Lantad ang
poot sa mga akdang ito.
• Sagisag- isang magasing inilathala ng
Kagawaran ng Pabatirang Madla
upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang
hindi tinatangkilik ng mga popular
na babasahin.Nagtaguyod din ito ng
Gawad Sagisag at nakatuklas ng
mga bagong manunulat.
• Ang iba;t ibang kuwentong lumabas
at naisulat sa panahong ito ay
pawing sumasaling sa ugat ng
lipunan.
• Nakilala sa panahong ito ang mga
kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario
Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati
Bautista, Reynaldo Duque, Benigno
Juan, Benjamin Pascual, Domingo
Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo
Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
• Sa panahong ito, naging palasak ang
pagpunta ng mga Pilipino sa bang
bansa lalo na sa Estados Unidos, ito
ang naging batayan ni Domingo
Landicho upang isulat ang kuwentong
”Huwag mong Tangisan Ang
Kamatayan ng Isang Pilipino sa
Dibdib ng Niyebe” na siyang
pinagkalooban ng gantimpalang
Palanca noong 1975.
• Samantala, noong 1979-1980, isang
simple subalit pinakamakahulugang
kuwento ang napili ng Palanca upang
gawaran ng gantimpalang
pinakamahusay para sa taong iyon
ang kuwentong “Kandong “ ni
Reynaldo Duque.
G. Kasalukuyang Panahon
• Nagpatuloy ang Liwayway sa
pagbubukas ng kanilang pinto para
sa mga manunulat ng kuwentong
ngayon pa lang sumisibol.Maraming
kuwentong nailathala ng mga
pagbabagong naganap sa bansa
pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito
ang mga kuwentong nagtataglay ng
diwa, saloobin, at paniniwala ng
mga manunulat sa bagong panahon.
• Nagkaroon ng iba„t ibang
pamamaraan ng pagkukwento. Ang
mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging
matimpi ang pagtalakay ng paksa.
Madula ngunit maligoy. Ang mga
katangiang iyan ay namalagi
hanggang sa kasalukuyan at ito„y
tinawag na kontemporaryong
maikling kwento.

You might also like