You are on page 1of 10

A

ARALING PANLIPUNAN 7
Kwarter 2, LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Konsepto ng Kabihasnan
at mga Katangian Nito
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 7
Activity Sheet Bilang: 1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

This Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan Activity Sheet

Manunulat: Whitzel I. Coles, SST-1, Bioso IS, Zumarraga


Editor: Eloisa R. Zartiga, EPS- Araling Panlipunan
Tagasuri: Rhea B. Otida, SST-3, Parasanon NHS, Pinabacdao
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo, EdD, CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr., PhD, CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent
Antonio F. Caveiro, PhD - Chief Education Supervisor, CID
Eloisa R. Zartiga - EPS – Araling Panlipunan
Josefina F. Dacallos, EdD – PSDS/LRMS Manager-Designate
Melissa N. Mabangue - District Head
Constancio R. Iso- School Head
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan ng Mag-aaral:____________________ Baitang:_____ Seksyon:______
Paaraalan : ______________________________ Petsa:___________

Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito

I. Panimula:

Sa bahagi ng araling ito, sisikapin nating talakayin ang kahulugan ng


kabihasnan at ang mga katangian nito. Ang mga susunod na gawain ay tutuklas ng ating
kaalaman ukol sa mga bagay na nabigay daan upang ito ay umusbong, umunlad at kung
paano ito nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito AP7KSA-IIb-1.3

III. Pamamaraan:

A. Simulan:

Gawain 1: 3-2-1 Tsart

Panuto: Pagkatapos matukoy ang mga yamang likas ng Asya. Maaari mo ng balikan
ang mga natutuhan at nahinuha sa nakalipas na mga aralin at sagutin ang mga
susunod na gawain.

Tatlong bagay (fact) na natutuhan ko sa aralin na ito

Dalawang kamangha-manghang bagay (creative thoughts) na


aking nalaman sa pag-aaral ng aralin nito

Isang tanong na kukumpleto sap ag-aaral ko at tutugon sa


kabuuan ng pag-aaral sa konsepto ng Asya at maging ang mga
yamang likas nito na aking nalalaman sap ag-aaral ng aralin na ito
Gawain 2: 4 PICS 1 WORD

Panuto: Bumuo ng salita gamit ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay


sagutin ang mga gabay na tanong.

B S

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano-ano ang mga nasa larawan?
2. Sa inyong palagay, paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan?
3. Anong konsepto ang nabuo mula sa mga larawan?

B. Alamin:

Gawain 3: TRIPLE MATCHING TYPE


Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan mula sa
Hanay A. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito
ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang nasa halimbawa.

A B C
Mga
Kagamitan
1.
Dahon
2.

Kweba
3.

B
ato
4.

Balat ng hayop
5.

Clay
o
luwad
Noon
a.

b.

c.

d.

e.

Ngayon
f.

g.

h.
i.

j.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ipinapahayag ng mga bagay na nakalarawan?
2. Ano kaya ang naging silbi ng mga kagamitang ito sa mga sinaunang
Asyano?
3. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noon at maging sa
kasalukuyan?
BASA- SURI- UNAWA
Basahin, unawaan at suriin mo ang nilalalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at
sibilisasyon.Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang
susunod na gawain na may kinalaman sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan.

Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang


kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan
sa isang bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng
nangyari sa mga sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang
mga pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang
permanenteng tirahan. Kinasayan na nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang
nagsisilbing pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.
Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa
mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi na
kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa hindi lungsod ay
ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon
ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon
kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng
kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang
May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroroon ng
organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa
gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa
teknolohiya, sining, at arketiktura, at sistema ng pagsusulat. Kung susuriin, ang Sumer,
Indus, at Shang ay mga lunsod na nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang
pamumuhay. Lumaki ang kanilang populasyon na luminang sa lupain na agrikultural na
pagkalaon ay pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay at nakaimbento ng mga
kagamitan sa pagsasaka.
Bawat lungsod ay pinamumunuan ng mga pari at ang iba naman ay napalitan ng mga hari.
Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos na tinawag na Politeismo.
Nakapagtayo ng mga temple, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa metal na nagamit sa
kalakan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga artisano. At ang huli ay ang pagka-imbento
ng Sistema ng pagsulat.

Halaw mula sa aklat ni Grace Estela C. Mateo, Ph.D., Asya Pag-usbong ng Kabihasnan

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
2. Batay sa teksto, naging sapat ba ang mga nagawa ng mga sinaunang Asyano upang
mapaunlad ang kanilang pamumuhay at makilala ito bilang isang kabihasnan?
Ipaliwanag ang sagot.
3. Batay sa mga larawan na nailahad, masasabi mo bang ito ay ang mga pangyayaring
nagpaunlad sa kabihasnan at sibilisasyon ng sangkatauhan lalo na sa Asya?
C. Bumahagi:

Gawain 4
Panuto: Isulat sa bawat banner ang mga salitang sa tingin mo ay may kaugnayan
sa salitang Kabihasnan. Mula sa mga salitang iyong naisulat, bumuo ng iyong sariling
konsepto tungkol dito.

KABIHASNAN

Mga gabay na tanong:


1. Batay sa iyong nabuong mga salita, ano ang iyong sariling pakahulugan sa
salitang kabihasnan?
2. Sa iyong palagay, paano ginampanan ng sinaunang makasaysayang kabihasnan ang
paghubog at pagpapaunlad ng pagkakakilanlang Asyano ngayon?

D. Gawin Mo:

Gawain 5: Multiple choice


Panuto: Ibigay ang tamang kahulugan ng konsepto ng kabihasnan. Piliin lamang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
___1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng kabihasnan?
a. ang pagtitipon- tipon ng mga taong may pinag-aralan sa iisang komunidad
b. ang pamumuhay na kinagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.
c. ang mga kaugalian na ipinamana ng mga sinaunang grupo sa sangkatauhan
d. ang paniniwala at tradisyon ng mga tao sa kani-kanilang tahanan.
___2. Umiiral ang kabihasnan kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang ______ at ______.
a. ganda at talino
b. lakas at pagkamasiyahin
c. talino at lakas
d. pagkamadasalin at pagkamaawain
___3. Makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang ________________.
a. arkitektura, trabaho, wangis, relihiyon, paniniwala, wika, at gawaing intelektwal
b. arkitektura, edukasyon, relihiyon, hitsura, kulay, sining, at pamahalaan
c. arkitektura, edukasyon, gawaing intelektwal, kakayahan, pamahalaan, sining, at
wika
d. arkitektura, intelektwal, pagkain, talento, tradisyon, relihiyon, at sining
___4. Ginagamit ang kabihasnan bilang kasingkahulugan ng mas malawak na salitang
_________ at __________.
a. kultura at kalinangan
b. katarungan at kalinawan
c. pangitain at kaayusan
d. paniniwala at karangyaan
___5. Mas malawak ang saklaw ng salitang kabihasnan kaysa salitang sibilisasyon.
a. Tama, dahil maaaring tawaging kabihasnan ang pamumuhay batay sa lungsod at
maging hindi batay sa lungsod.
b. Tama, dahil ang tunay na sibilisasyon ay ang pamumuhay ng mga tao sa maraming
lungsod.
c. Mali, dahil ang parehong pamumuhay ay tumutugon lamang sa hamon na hinaharap
ng kapaligiran.
d. Mali, dahil mas malawak pa ang saklaw na lungsod ng sibilisasyon kaysa kabihasnan.

Gawain 6: PICK ME UP
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat pangungusap tungkol
sa kalagayan, pamumuhay, at pag-unlad ng mga sinaunang pamayanan sa pamamagitan ng
pagpuno ng mga angkop na sagot sa mga patlang.

Pagpapatayo nila ng matitibay at


Kasanayan kaaya-ayang mga imprastraktura.

Pangangaso Paghahabi

Pagsasaka Pasusulat ng mga nobela

Yamang likas Yamang tao


Sa kabuuan, naipamalas ng mga Asyano noon ang mga 6. _____ na dapat taglayin ng
bawat tao upang umunlad at malinang ang isang pamayanan. Ang kanilang kalagayan noon ay
sadyang hindi madali sapagkat sila ay umaasa lamang sa mga 7. ________ na nasa kanilang
paligid upang mabuhay. Ito ay nagbigay-daan upang magkaroon ng iba’t ibang uri ng trabaho
ang mga sinaunang Asyano, kagaya na lang ng 8.________, 9.________, at iba pa. Sa paglipas
ng mga panahon, kasama ng paglawak ng isipan ng mga sinaunang Asyano, umunlad ang kani-
kanilang mga pamayanan. Halimbawa na lamang sa pag-unlad na ito ay ang
10._____________________________.

IV. Mga Sanggunian:

Joanna Mae L. De la Cruz, ADM, pp. 7-9

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan:


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon: VIBAL Publishing
House, Inc., p. 128-31

Regional Test Item Bank, pp. 23-24

Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


(Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral: EDURESOURCES Publishing
Inc., p. 105-111

V. Susi sa Pagwawasto (follow sample in English (nakabaliktad):

GAWAIN 6: PICK ME UP

Sa kabuuan, naipamalas ng mga Asyano noon


GAWAIN 5
ang mga kasanayan na dapat taglayin ng bawat tao
Multiple Choice upang umunlad at malinang ang isang pamayanan. Ang
kanilang kalagayan noon ay sadyang hindi madali
sapagkat sila ay umaasa lamang sa mga yamang likas na
1. B nasa kanilang paligid upang mabuhay. Ito ay nagbigay-
daan upang magkaroon ng iba’t ibang uri ng trabaho ang
2. C
mga sinaunang Asyano, kagaya na lang ng pangangaso,
3. C pagsasaka, at iba pa. Sa paglipas ng mga panahon,
kasama ng paglawak ng isipan ng mga sinaunang Asyano,
4. A
umunlad ang kani-kanilang mga pamayanan. Halimbawa
5. A na lamang sa pag-unlad na ito ay ang pagpapatayo nila ng
matitibay at kaaya-ayang mga imprastraktura.

You might also like