You are on page 1of 11

8

Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikalawang Markahan – MELC 6
Natataya ang Impluwensya ng mga Kaisipang
Lumaganap sa Gitnang Panahon

REGION VI-WESTERN VISAYAS

1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay inilimbag upang magamit


ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng Gawaing Pagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Kimberly Ann D. Delfin


Editors: Jocelyn D. Ebron Ever Ciudadano
Tagasuri: Sephora M. Roldan
Tagalapat: Esmerlda A. Dagmil

Regional Management Team: Division of Capiz Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr.
Josilyn S. Solana Segundina F. Dollete
Elena P. Gonzaga Shirley A. De Juan
Donald T. Genine Sephora Roldan
Mary Hazel Vivien P. Pineda

2
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor,
layout artist, tagasuri, at Quality Assurance Team ng Sangay ng Capiz, Rehiyon 6
Kanlurang Visayas at ng Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging gabay
ng mga learning facilitators upang matulungan ang mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gawaing Pagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral


na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitators


Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o
saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka
ngayon sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ka
ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

3
Ikalawang Markahan – MELC 6

Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAGKATUTO

Pagtaya ng impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang


Panahon
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang
Panahon (AP8DKT - IIi - 13)
II. Panimula:
Sa mga nakaraang Aralin ay natapos mong sagutan ang mga Gawain
na tumutugon sa iyong kaalaman hinggil sa mga pagbabagong naganap sa
Europa sa Gitnang Panahon. Ngayon, sa worksheet na ito ay mas lalo mong
pagtitibayin ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot ng
lahat ng mga Gawain na siyang nakatuon naman sa mga impluwensya ng mga
kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon.

Ang pagbagsak ng Imperyong Roman ang naghudyat sa pagtatapos ng


sinaunang panahon sa kasaysayan ng Europe.Ang sumunod na momento ay
tinawag na Middle Ages o Gitnang Panahon (500-1500 C.E) na nauugnay sa
sinauna at makabagong panahon. Nang maglaon, isang bagong huwaran ng
pamumuhay ang nabuo na tinatawag na medieval.
Makikita sa diyagram ang tungkol sa pag - usbong ng Europe sa Panahong
Medieval.

Mga Pangyayaring nagbigay daan sa Pag - usbong ng


Europe sa Panahong Medieval

Ang paglakas Ang Holy Ang Paglunsad Ang Buhay sa


ng Simbahang Roman Empire ng mga Europe noong
Katoliko Bilang Krusada gitnang Panahon
Institusyon sa (Piyudalismo,
Gitnang Manorialismo,
Panahon Pag - usbong ng
mga Bayan at
Lungsod
4
Ang paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Institusyon sa Gitnang Panahon

- Ang paglakas ng institusyon ng Simbahang Katoliko ay ang kasagutan sa


kung paano nakatulong ang pag - usbong ng mga bayan at lungsod sa pag - usbong
ng Europe sa panahong Medieval. Sa mga unang taon ng Kristiyanismo, ang
simbahan ay pinamumunuan ng mga ordinaryong tao lamang na di naglaon ay
pinalitan ng paglitaw ng mga pari sa ibat’t ibang parokya na napapasailalim naman
sa Obispo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, hindi lamang gawaing espiritwal ang
pinangangalagaan ng mga Pari kundi pati ang pangangasiwa sa mga gawaing
pangkabuhayan, pang edukasyon at pagkawanggawa sa simbahan.
Marami ang naging pinuno ng Simbahan na nakatulong sa pagpapalakas ng
pundasyon ng Simbahang Katoliko. Ang pamumuno ng mga Monghe ay mayroon
ding pinakamahalagang nagampanan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ilalim
ng pag-uutos ng Papa sa iba - ibang dako ng Kanlurang Europe.

Ang Holy Roman Empire

- Bukod sa paglakas ng impluwensya ng Simbahang Katoliko, isa sa


mahahalagang kaganapan sa Europe sa Panahong Medieval ay ang pagkakatatag
ng Holy Roman Empire. Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel na
nagsumikap na pag-isahin ang France. Tinalo nya ang mga Muslim na mula noo’y
hindi na muling nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Ang unang hinirang na
hari ng France ay si Pepin the Short. Noong 768, humalili sa kanya ang anak na si
Charlemagne o Charles the Great, isa sa pinakamahusay na hari ng Medieval Period.
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang Emperador ng Banal na
Imperyong Roman (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na ang imperyo ang
bumuhay na muli sa imperyong Roman. Sa panahon ng imperyo, ang mga iskolar
ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco - Roman. Ang pagsasama - sama
ng elementong Kristiyano, German, at Roman ang namayani sa kabihasnang
Medieval. Sa panahong Medieval ay unti - unting namayagpag ang Simbahang
Katoliko. Nagsimulang maging Kristiyano ang mga tao sa Europa.

Ang Paglunsad ng mga Krusada

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na
labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa
banal na pook sa Jerusalem. Nagkaroon ng ibat-ibang krusada na kung saan ang
lahat ng ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.

Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang naging magandang dulot ang Krusada, ito ay sa larangan
ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag - unlad ng
mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din.

5
Piyudalismo at Manoryalismo

Piyudalismo: Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang


pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang
pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang
hari o lord o panginoong maylupa. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat
ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw na
tinatawag na vassal na isa ring lord. Tungkulin ng lord na suportahan ang
pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief o lupa. Tungkulin
din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob
at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang
pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar. Tungkulin
din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o
pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa
paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para
sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang
knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa
kaniyang lord. Mayroon din na serf na binubuo ng masa ng tao na nanatili silang
nakatali sa lupang kanilang sinasaka ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid
ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa
susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa
lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit,
pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang
maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

Manoryalismo: Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng


mga tao na nakatira dito. Ang isang fief o lupain ay binubuo ng maraming manor na
nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village)
kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa
pagsasaka sa manor, ibig sabihin ay pagsasaka ang batayan ng sistemang manor.
Sa kabilang dako, ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa manor na kaniyang
magiging kayamanan. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka.

Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod

Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.


Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong
teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani
kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.Nakatulong din nang
malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng
mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa
pangunahing daan.

6
III. Mga Sanggunian
• MELCs 2020 – pahina 52
• Batayang aklat sa Araling Panlipunan 8 - Kasaysayan ng Daigdig
pahina 224 - 259

Sa susunod na bahagi ay pagtitibayin mo ang nabuong pag - unawa


ukol sa mga impormasyong nabasa. Inaasahan na sa pagkakataong ito ay
kritikal mong masusuri ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang
pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

IV.Mga Gawain:

A. TALASALITAAN!
Hanapin at pagdugtungin ang mga titik sa loob ng mga kahon, at bilugan ito
upang makabuo ng mga salitang tumutukoy sa mga pangyayari na naganap sa
Gitnang Panahon o Medieval Period.
Itala ang mga ito sa loob ng diyagram at pagkatapos at tayain ang mga naging
impluwensya nito sa pandaigdigang kamalayan

H O L Y R O M A N E M P I R E I O P S I C

M A B H I K L O R E W Q Y H J K L O P B M

I O P D R F H U I V X Z H U I R K O L F D

T L E M O D S H O L R T R O M U A E M P L

U O S I M B A H E R I M P I Y S U K L O I

L T S I K I T L O M P I Y U D A L I S M O

I A M A G A A K I L A S E R I D X C B N I

K K S I K A E T Y U I O A S F A D A I N K

S I M B A H A N G K A T O L I K O I O L A

7
Pangyayari na naganap sa Impluwensya nito sa Pandaigdigang
Gitnang Panahon) Kamalayan

B. Ganito noon, Ano kaya ngayon?

Punan ang Tsart ng mga natatanging impluwensya ng mga pangyayari sa


gitnang panahon noon at sa kasalukuyan.

Noon Ngayon
(Panahong Medieval) (Kasalukuyang Panahon)

Simbahan
(Pananampalataya)

Kabuhayan

Paglulunsad ng Krusada

8
C. Kung ako kaya?

Balikan ang iyong mga napag - aralan hinggil sa mga kaisipang lumaganap sa
Gitnang Panahon. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayang namuhay noong Medieval
Period, ano kaya ang impluwensyang dulot ng iyong panahon ang maiuugnay mo sa
kasalukuyang panahon?
Isulat to sa loob ng puzzle piece upang kumpletuhin ang iyong kaalaman hinggil
sa ating paksa.

V- Repleksiyon:

Panuto: Isulat ng patalata ang mahalagang repleksiyong nakuha mo mula sa aralin


sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.

Ano ang kahalagahan ng mga impluwensya mula sa mga kaisipang


lumaganap noong Panahong Medieval sa kasalukuyan?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

9
10
Mga Gawain
A. Talasalitaan
Pangyayari na naganap sa
Gitnang Panahon) Impluwensya nito sa Pandaigdigang Kamalayan
Isa sa mga naging impluwensyang dulot ng kaisipang lumaganap
Holy Roman Empire sa pangyayaring ito ay ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan
ng pamahalaan at simbahan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag - unlad
Krusada
ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano
ay napayamin din.
Naging hakbang sa pagkamit ng kaayusan at pagkakaroon ng
Piyudalismo
sentralisadong pamayanan
Isa sa pinakamalaking kontribusyon nito ay ang edukasyon at
Simbahang Katoliko karunungan. Ang pagkakaisa at mataas na debosyon sa
simbahan.
(ANG MGA SAGOT SA DIYAGRAM AY NAKADEPENDE SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG
MGA SAGOT NG MAG - AARAL
V. Susi sa Pagwawasto
11
Mga Gawain C. Kung ako kaya?
Posibleng sagot:
Kung ako ay isa sa mga mamamayang namuhay noong Medieval Period, isa sa mga impluwensyang
dulot ng panahong ito na maiuugnay ko sa kasalukuyang panahon ay ang pagtingin sa simbahang katoliko
bilang mataas na bahagi ng lipunan na syang gumagabay sa mga wastong pag – uugali at gawain ng mga
mamamayan nito.
Noon Ngayon
(Gitnang Panahon) (Kasalukuyang Panahon)
Malawak ang impluwensya ng simbahan, Malaki ang impluwensya sa
Simbahan naging sandigan at nagsasaayos ng mga Pilipino sa pagka karoon
kalagayang moral at espiriwal na ng pamantayan sa pag-uugali
kapakanan ng lipunan. at moralidad.
Bayan at Lungsod Naging sentro ng kultura, kalakalan at Malaki ang impluwensya dahil
industriya ang kalakalang pandaigdig na
nalinang ngayon ay bahagi ng
ating kabuhayan.
Paglulunsad ng Pagpapakita ng pagkakaisa tungo sa Pagbubuklod-buklod sa iisang
Krusada pagkamit ng kanilang layunin at paniniwala at layunin.
pagmamalasakit sa simbahan at relihiyon
Mga Gawain
B. Ganito noon, Ano kaya ngayon?
Repleksiyon:
Posibleng sagot:
Ang mga impluwensya mula sa mga kaisipang lumaganap noong Panahong Medieval ay mahalaga sa
kasalukuyan sapagkat ito ang naging daan upang magkaroon tayo ng kamalayan hinggil sa ibat – ibang aspeto
ng ating pamumuhay. Tayo ay nagkaroon ng higit na kaalaman upang mas lalong mapa –unlad ang ating mga
sarili bilang bahagi ng ating lipunan.

You might also like