You are on page 1of 10

8

Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikalawang Markahan – MELC 5
Nasusuri ang mga Pagbabagong
Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon

REGION VI - WESTERN VISAYAS

1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay inilimbag upang magamit


ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng Gawaing Pagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Sheila Mae O. Tumlos


Editor: Cherry Mae C. Diestro Teresita O. Naelgas
Tagasuri: Sephora M. Roldan
Tagalapat: Esmeralda A. Dagmil

ional Management Team: Division of Capiz Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr.
Josilyn S. Solana Segundina F. Dollete
Elena P. Gonzaga Shirley A. De Juan
Donald T. Genine Sephora Roldan
Mary Hazel Vivien P. Pineda

2
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor,
layout artist, tagasuri, at Quality Assurance Team ng Sangay ng Capiz, Rehiyon 6
Kanlurang Visayas at ng Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging
gabay ng mga learning facilitators upang matulungan ang mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gawaing Pagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral


na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitators:

Ang Araling Panlipunan 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 8 Learning Activity na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka
ngayon sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan
ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

3
Ikalawang Markahan – MELC 5

Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAGKATUTO
Ang Daigdig Sa Panahon Ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-
Daan Sa Pag-Usbong Ng Europe Sa Panahong Medieval
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
(MELC 5, AP8DKT-IIe-6)
Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
• Politika (Piyudalismo, Holy Roman Empire)
• Ekonomiya (Manoryalismo)
• Sosyo-Kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagbubukas ng taong 2020 ay nagbigay ng panibagong pag-asa
at pagkakataon upang umunlad at bumangon. Ngunit ito ay unti-unting
naglaho dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa krisis sa kalusugan na dulot
ng COVID-19. Nagdulot ito ng malawakang pagsara ng mga negosyo at
nagbunga ng laganap na kawalan ng trabaho sa halos lahat ng sektor. Ang
mga paaralan ay tumigil sa lahat ng antas dulot ng nakakahawang sakit.
Gayunpaman, sa gitna ng kinahaharap na krisis, ang mga Filipino ay hindi
nagpatalo. Bumagsak man, ngunit bumangon at muling nagpatuloy. Dahil sa
bawat pagbagsak ay may panibagong pagkakataon, ito ay maaaring para
bumangon at muling umunlad. Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay
may mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Sa larangan
ng edukasyon, ikaw ano ang maituturing mong mahalagang transisyon na
naganap sa pagharap mo sa new normal na pagbabago na dulot ng COVID-
19?

Sa pagtatalakay natin sa Modyul 5 ay ating pagtuunan ng pansin ang


mga pangyayari sa Panahon ng Transisyon – mula sa Asya tungo sa
makabagong panahon na nakatuon sa Europe partikular sa mga kaganapan
na nakasentro sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval.

4
Natapos ang Sinaunang Panahon sa pagbagsak ng Imperyong
Romano at pananalasa ng iba’t ibang pangkat ng mga barbaro na sa puntong
iyon ay naranasan sa Europe ang tinawag na “Panahon ng Karimlan” – ang
paghina ng ekonomiya at pamahalaan na lubhang nagdulot ng malaking
pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Ipinalagay na ito ang naging
transisyon mula sa sinaunang panahon patungong Gitnang Panahon o
tinatawag din itong Panahong Medieval. Sa panahong ito, bumaling ang mga
tao sa Simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Sa kabilang banda,
unti-unti ring lumaganap at naging makapangyarihan ang mga panginoong
maylupa.

III. Mga Sanggunian

 Blando, RC. et al (2016). Kasaysayan ng Daidig. Department of


Education Bureau of Learning Resources. Vibal Group, Inc.
 Cruz, MA. et al (2014). Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group, Inc.

IV. Mga Gawain

1. Mga Panuto

Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit at pagsagot


sa mga gawain sa Gawaing Pagkatuto na ito:

1. Basahin at unawain nang mabuti ang Araling Panlipunan 8, Quarter 2,


Modyul 5 - Ang Daigdig Sa Panahon Ng Transisyon: Mga Pangyayaring
Nagbigay-Daan Sa Pag-Usbong Ng Europe Sa Panahong Medieval.

2. Maaaring basahin din ang libro ng Araling Panlipunan 8 – Kasaysayan ng


Daigdig, Modyul II, Aralin 3, Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga
Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval, mga pahina 224-270 para sa karagdagang sanggunian.

3. Basahin nang mabuti ang mga panuto bago isagawa ang bawat gawain.

4. Maging tapat sa pagsagot at pagsagawa ng mga gawain.

5. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa LAS na ito,
huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro.

6. Pakibalik ang LAS na ito sa iyong guro kung tapos nang sagutin ang mga
gawain.

5
2. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain 1. Tumpak nga Ba?

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Lagyan ng tsek ( √) ang hanay A


kung parehong wasto ang ipinahahayag ng pangungusap 1 at 2; ang hanay B
kung ang pangungusap 1 ay wasto at ang pangungusap 2 ay di-wasto; hanay
C kung ang pangungusap 1 ay di-wasto at ang pangungusap 2 ay wasto; at
hanay D kung wala sa mga pangungusap ang wasto.

Mga Pahayag A B C D
Bilang 1
 Ang pagbagsak ng Imperyong Roman ay nagbigay
daan sa pagsisimula ng Panahong Medieval.
 Ang Panahong Medieval ay ang panahon sa
kasaysayan ng Europe mula 500 C.E. hanggang 1500
na tinatawag ding “Middle Ages” o “Gitnang Panahon”.

Bilang 2
 Ang imperyo ni Charlemagne ay tinagurian bilang “Holy
Roman Empire”.
 Ang Holy Roman Empire ay ang imperyo na muling
bumuhay sa kulturang Hellenistic.
Bilang 3
 Naipapakita sa piyudalismo ang ugnayang politikal sa
pagitan ng mga panginoong maylupa at maharlika.
 Ang manoryalismo ang nagpapakita ng ugnayang
ekonomiko sa pagitan ng panginoong maylupa o
maharlika at ng mga serf.
Bilang 4
 Naging watak-watak ang Europe dulot ng
pananampalataya sa Katolisismo.
 Ang piyudalismo at manoryalismo ang nagbuklod sa
mga Europeo upang magkaisa.
Bilang 5
 Ang Krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng
Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Rome.
 Ang Krusada ang nagpalaganap ng komersyo, nagpa-unlad
ng kalakalan at nagpayaman din ng kulturang Kristiyano.

6
Gawain 2. Ang Nangyari, Tukuyin Mo!

Panuto: Tukuyin kung anong pangyayari ang inilalarawan ng bawat bilang na


nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval. Piliin ang titik
ng tamang sagot na nakapaloob sa kahon at isulat sa patlang.

________1. Ang pangunahing layunin nito ay ang pagpapalaganap ng relihiyong


Kristiyanismo sa buong daigdig.

________2. Ito ay sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman.

________3. Ito ang sistema na gumagabay sa pamumuno ng hari sa kanilang


nasasakupan.

________4. Naitatag ito dahil sa paghahangad na magkaroon ng proteksiyon


ang mga mamayan ng Europe sa madalas na pagsalakay ng
mga
barbaro.

________5. Ito ang pang-ekonomiyang aspekto ng Piyudalismo.

________6. Ito ang pagtaguyod sa kulturang Roman.

________7. Ito ang makapangyarihang institusyong espiritwal noong Gitnang


Panahon.

________8. Naglalayon itong magpapalaganap ng magkatulad na


pananampalataya sa Katolisismo.

________9. Pinalakas nito ang pag-unlad ng bayan at lungsod.

________10. Isang magandang alaala nito ay ang sistemang kabalyero.

Mapagpipilian ng sagot sa Gawain 2

A. Holy Roman Empire B. Piyudalismo C.


Manoryalismo
D. Paglakas ng Simbahan Katoliko E. Krusada

7
Gawain 3. Description Map

Panuto: Ilarawan ang Europe sa Panahong Medieval batay sa hinihinging aspekto o


impormasyon. Isulat ang kasagutan sa kaukulang pigura.

3. Mga Batayang Tanong.

1. Paano nakatulong ang paglakas ng Simbahang Katoliko sa pag-usbong


ng Europe sa Panahong Medieval?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Sa Panahong Medieval, may naitulong ba ang Holy Roman Empire sa
pag-usbong ng Europe? Kung mayroon ano ang mga ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang Krusada sa pag-usbong ng Europe


sa Panahong Medieval? Paano?
___________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Paano nakatulong ang pag-usbong ng mga bayan at lungsod sa pag-
usbong ng Europe sa Panahong Medieval?
__________________________________________________________

8
___________________________________________________________

IV. Repleksiyon

Ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pag-usbong ng Europe sa


Panahong Medieval ay ang nagpabago ng kamalayan at nagpasimula sa pag-
usbong ng makabagong daigdig. Ano nga ba ang epekto ng mga
pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigigang kamalayan?
Paano nito hinubog at binuo ang pagkakakilanlan ng bansa at rehiyon
sa daigdig?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________

9
10
Gawain 2. Ang Nangyari, Tukuyin Mo!
1. E
2. A
3. C
4. B
5. C
6. A
7. D
8. D
Gawain 1. Tumpak Nga Ba?
9. E
1. A
10. B
2. B
3. A
4. D
5. C
1.
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like