You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
SCHOOLS DIVISION OF QUIRINO
BALLIGUI HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST
Araling Panlipunan Grade 8

 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa panahong
medieval
 Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire
 Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa panahong Medieval
 Nasusuri ang buhay sa Europe noong panahong Medieval: Piyudalismo, Manoryalismo, pag-usbong ng mga
bayan at lungsod
I. Punan ng tamang kasagutan ang mga patlang upang mabuo ang mga pahayag. Para sa ibang aytem, unawain ang
tanong at isulat ang hinihinging wastong kasagutan. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roma, tanging ang ___________ ang hindi pinakialaman ng mga barbaro.
2. Ang isang simbahang Katoliko ay pinamamahalaan ng isang _______.
3. Ang lahat ng simbahan sa isang mas maliit na lungsod ay pinamamahalaan ng isang ___________.
4. Sa isang mas malawak o malalaking lungsod o lalawigan, ang mga simbahang katoliko ay pinamumunuan naman
ng isang ____________. Mas makapangyarihan siya kaysa sa obispo.
5. Ang tawag sa pinakmataas na pinuno ng relihiyong katoliko ay ________.
6. Tinatawag na ________ Doctrine ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome ay tagapagmana ni San Pedro.
7. Si Pope ___________________ ang kauna-unahang tinawag na papa ng mga katoliko.
8. Nais tanggalin ni Pope _______________ ang power of investiture noong siya pa ang papa ng mga katoliko.
9. Ang mga __________ ay isang pangkat ng mga paring tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa
mga monastery.
10 Ang tawag sa tirahan ng mga monghe ay ___________.
11. Si Charlemagne o kilala sa tawag na _________ _____ __________ ay itinuturing na pinakamahusay na hari
noong panahong Medieval.
12. Ang imperyong itinatag ni Charlemagne ay tinawag na ______ ________ _________.
13-15. Sagutin nang wasto ang tanong para sa 3 puntos. Bakit tinawag na Holy Roman Empire ang imperyong itinatag
ni Charlemagne.
16. Ang salitang Krusada ay mula sa salitang Latin na _________ na nangangahulugang krus.
17. Ang ___________ ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga kristiyanong Europeo sa panawagan ni Pope
Urban II.
18. Ang __________ ay ang Banal na Pook ng mga Kristiyano kung saan narito ang mga alaala sa buhay ni Kristo.
19. Ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan noong panahong Medieval ay _________.
20. Ang pangunahing nagmamay-ari ng malawak na lupain noong panahong Medieval ay ang _________ na kinikilala
ring lord o panginoong piyudal.
21. Ibinabahagi ng hari ang kanyang mga lupain sa mga dugong bughaw na tinatawag ring _________.
22. Ang tawag sa mga mandirigmang naksakay sa kabayo ay __________.
23-24. (2 Puntos). Ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang manor.
25-27. Ano-ano ang 3 pangkat ng mga tao sa lipunan sa panahon ng piyudalismo?
28-30. Ipaliwanag. Bakit sinasabing kaawa-awa ang buhay ng mga serf noong panahon ng piyudalismo?

Prepared by:

RUBIE A. BAG-OYEN
Teacher I-Filipino

Noted by:

IRENE A. GULIQUEY
Head Teacher I/Officer In-charge
Office of the Secondary School Principal

You might also like