You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
SCHOOLS DIVISION OF QUIRINO
BALLIGUI HIGH SCHOOL
Maddela, Quirino
Summative Test
Araling Panlipunan 8

I. Isulat sa sagutang papel ang kasagutang hinihingi


ng bawat bilang
1. Umusbong ang kabihasnang __________ sa Crete at ang pangalan ng kabihasnang ito ay hinango sa pangalan ni haring
Minos.
2. Isa sa mga patunay na umusbong ang kabihasnang Minoan ay ang lungsod ng __________ na nahukay ng isang
archeologist.
3.Si Agamemnon ang pinakatanyag na hari ng kabihasnang ___________.
4. Isang bulag na makatang naging tanyag dahil sa epikong Iliad at Odyssey si __________.
5. Mayroong sariling Sistema ng pagsulat ang mga Myceanean na tinatawag na __________.
6. Si__________ ay isang English Archeologist na nakahukay sa lungsod ng Knossos.
7. Tinatawag na _________ ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan na hanggang ngayon ay hindi pa nababasa
8. Natuklasan ni __________________ ang guho ng kabihasang Mycenaean.
9-10. Ilarawan sa dalawang salita ang lupain ng Greece.
II. Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy ng mga pahayag sa bawat bilang.
11. tinatawag ring lungsod-estado/
12. bahagi ng polis kung saan matatagpuan ang mga matatayog na palasyo at templo
13. ang mandirigmang polis
14. polis kung saan umusbong ang demokrasya
15.salitang nangangahulugang malupit na pinuno sa panahon ngayon
16. Sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa itinuturing na isang taong masama
17. pinakamahalagang ambag o pamana ng Athens kung saan nagbibigay ito ng malaking oportunidad sa mga
mamamayan na makilahok sa pamhalaan.
18. inalis niya nag pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang illegal ang pang-aalipin dahil sa utang.
19. namahagi ng mga lupag sakahan sa mga magsasakang walang sariling lupa.
20. pinunong nagsabi sa pahayag na “ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa kamay ng
nakararami at hindi ng iilan- ”..
III. Tukuyin kung anong larangan kabilang ang mga pag-unlad na ito sa Athens.
21. nakilala ang tatlong natatanging estilo ng haligi ng mga gusali gaya ng Ionina, Doric at Corinthian
22. kinilala bilang pinakadakilang manggagamot si Hippocrates
23. Ipinakilala ni Socrates ang pilosopiyang “know thyself”.
24. ang mga lalaking Athenian ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan
25. kinilala bilang dakilang iskultor si Phidias
IV. Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang salitang MALI sa mga pahayag at isulat din ang angkop na salita para
rito.
26. Ang kapital ng Italy ay Athens.
27. Ayon sa isang alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Remus at Romualdo.
28. Sinasabing Republika lamang sa pangalan ang pamahalaan ng Rome sapagkat pinatatkbo at pinakikinabangan lamang
ito ng mayayaman na tinatawag ding plebeian.
29. Ang Rome ay umusbong sa pampang ng Ilog Huang Ho.
30.Kung nais hadlangan ng mga konsul ang isang panukalang batas, sisigaw lamang sila ng “Veto” na nangangahulugang
“tutol ako!”
31. Nasubok ang kapangyarihan ng Carthage at Rome sa tatlong digmaang Peloponnesian.
32. Ang Triumvirate ay pagsasama ng limang pinuno upang pangasiwaan ang pamahalaan.
33. Binubuo nina Octavian, Pompey at Marcus Licinius Crassus ang First Triumvirate.
34. Nang hirangin si Pompey bilang diktador, isa sa mga ginawa niya ay ang pagbawas sa kapangyarihan ng senate at
pagdaragdag sa bilang ng mga ito.
35. Ipinamana ni Julius Caesar ang kanyang katungkulan sa apo niyang si Gustavian.
36. Ang second triumvirate ay binubuo nina Caesar, Mark Anthony at Marcus Lepidus.
37. Napamahal si Pompey kay Cleopatra, ang reyna ng Egypt.
38. Iginawad kay Octavian ang titulong Agosto dahil sa kanyang kabayanihan at pangangalaga sa imperyo ng Rome.
39. Hinirang bilang kauna-unahang presidente ng Rome si Octavian.
40. Isa si Caligula sa mga naging masamang emperador ng Rome sapagkat lahat ng taong hindi niya nagugustuhan ay
kanyang ipinapapatay.
V. Tukuyin kung kaninong ambag ang mga sumusunod. Isulat lamang ang Sparta kung ang pahayag ay nauukol sa
Sparta, Athens naman ang ukol sa Athens at Rome ang ukol sa Rome.
41. ang mga magaganda at epektibong estilo ng pakikipagdigma
42. isinilang ang demokrasya o ang pamahalaan ng nakararami
43. ang magagandang estilo ng arkitektura
44. ang pakikipaglaban para sa karapatang ipinagkakait sa mga mahihirap
45. ang pagpapakilala sa pilosopiyang “Know thyself”.

Inihanda ni:
RUBIE A. BAG-OYEN
Teacher I-Filipino
Inaprubahan ni:

IRENE A. GULIQUEY
Head Teacher I/ Officer In-charge

You might also like