You are on page 1of 7

STO.

DOMINGO NATIONAL HIGH SCHOOL

STO. DOMINGO, ALBAY

S.Y. 2017-2018

Epekto at Kahalagahan ng Pantawid Pamikyang Pilipino

Program (4Ps) sa mga Mag-aaral na Miyembro Nito

Mga Mananaliksik:

Charlene E. Balaoro

Stephanie Yrish A. Soleto

John Richard M. Amaranto

G11- A
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang Panimula o Introduksyon

Ang Pilipinas ay kilala nilang isa sa mga pinakamahihirap na bansa sa buong

mundo. Halos kalahati ng mga Pilipino ay nagsasabing nakararanas ng kahirapan.

Hanggang ngayon ay patulay na nagsasagawa ng mga paraan upang malabanan ang

patuloy na kahirapan sa bansa.

Kamakailan lamang, sa Pilipinas ay nagsagawa ang pamahalaan ng bagong

programa na nagbibigay ng kondisyonal na tulong- pinansiyal sa pinakamahihirap na

Pilipino. Ang programang ito ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala

sa tawag na 4Ps. Naisagawa ang programang ito hango sa programang Conditional

Cash Transfer (CCT) sa mga bansa sa Latin Amerika at Aprika na nagpaangat sa

buhay ng maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo.ngayon, ang gobyerno ng

Pilipinas ay naglalayong labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng nasabing

programa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga batang edad 0 hanggang 18 na

malusog at nag-aaral upang tiyakin na magkakaroon sila ng maganda at maayos na

kinabukasan. Ang programang ito ay pinamamahalaan ng Department of Social Welfare

and Development (DSWD), katulong ang Department of Health (DOH), Department of

Education (DepEd) at National Economic and Development Authority.


Ang mga benepisyaryo ng programa ay pinili sa pamamagitan ng National

Household Targeting System o mas kilala bilang Listahanan base sa isang pagsisiyasat

ng pisikal na istruktura ng kanilang mga bahay, bilang ng silid at nakatira at iba pang

bagay na nakaaapekto sa kalagayan ng kanilang pamumuhay. Matatanggap ang mga

benepisyo ng sambahayan kung nag-aaral ang kanilang mga anak, nakakakuha ng

regular na check-up at nasusubaybayan ang kanilang paglaki. May mga kondisyong

kailangang sundin ang mga benepisyaryo upang makuha ang tulong-pinansiyal. Hindi

maaaring lumiban sa klase ang mga anak sapagkat mababawasan ang perang kanilang

matatanggap.

Dahil halos 75% na ng populasyon ang sakop ng programa bilang mga

benepisyaryo nito at naging epektibo ang pagpapatupad nito, naisip ng mga

mananaliksik na pag-aralan ang mga epekto at kahalagahan ng programang ito sa mga

mag-aaral na benepisyaryo ayon sa kanilang pananaw. Ang pananaliksik na ito ay

naglalayong malaman ang mga karanasan ng mga mag-aaral na miyembro ng 4Ps

tungkol sa programa at kung paano ito nakaapekto sa kanilang buhay mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman at maipaalam ang mga epekto at

kahalagahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa mga mag-aaral sa Sto.

Domingo National High School na miyembro nito. Aalamin dito kung saan napupunta at

ginagamit ang tulong-pinansiyal na nakukuha nila sa programa. Pag-aaralan ng mga

mananaliksik ang mga positibo at negatibong epekto ng programa sa kanilang pag-

aaral at pang-araw-araw na buhay. Dito malalaman ang mga benepisyong natatanggap

ng mga mag-aaral sa tulong-pinansiyal na nakukuha ng kanilang mga magulang mula

sa 4Ps. Aalamin dito ang mga pagbabagong naganap o naranasan ng mga mag-aaral
na benepisyaryo sa kanilang buhay at pag-aaral simula noong naging kasapi sila ng

4Ps. Tutuklasin din dito kung naibibigay o natatanggap ba talaga ng mga mag-aaral ang

benepisyong para sa kanila at kung naibibigay ang kanilang sapat na pangangailangan

o sa ibang bagay napupunta ang tulong-pinanasiyal na ibinigay.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto at kahalagahan

ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa mga mag-aaral na miyembro nito at

maisagawa ang mga sumusunod:

1. Upang malaman ang epekto ng 4Ps sa mga benepisyaryo nito lalo na sa mga

mag-aaral

2. Upang maipagpatuloy at maipabuti pa ang programang ito

3. Maibigay ang sapat na pangangailangan ng mga mag-aaral na miyembro nito

4. Upang malaman ang kahalagahan ng 4Ps sa mga mag-aaral na miyembro

nito

5. Upang malaman ang mga pagbabagong naranasan ng mga mag-aaral na

miyembro nito sa kanilang buhay simula ng maging kasapi sila nito


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral at pamanahong papel na ito ay mahalaga sa:

Mga Mag-aaral

Sa pananaliksik na ito napag-uukulan ng pansin ang epekto ng 4Ps sa mga mag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong upang mas malaman ang magandang

benepisyong hatid ng 4Ps sa pag-aaral ng mga mag-aaral na miyembro nito. Ito rin ay

magsisilbing gabay upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang mga limitasyon at

tungkulin bilang isang miyembro ng 4Ps.

Mga Magulang

Sa pag-aaral na ito mabibigyan ng kasagutan ang mga katanungan ng mga

magulang tungkol sa mga epektong mangyayari kung hindi nila susundin ang mga

tuntunin at patakaran bilang benepisyaryo ng 4Ps. Dahil dito, nalalaman nila ang mga

dapat gawin bilang isang benepisyaryo. Malalaman rin ng mga magulang ang mga

tungkuling dapat nilang gampanan bilang benepisyaryo ng 4Ps at paano ito magagamit

ng tama sa loob ng pamilya.

Komunidad

Sa pananaliksik na ito, malalaman ng mga kasapi ng 4Ps ang mga

magagandang epekto nito sa komunidad. Mahalaga ang pag-aaral na ito uoang mas

maunawaan ng mga mitembro ng programa ang mga kahalagahang naitutulong ng 4Ps

tulad ng community service na naglalayong mapanatili ang kalinisan sa komunidad.

Pamahalaan o Gobyerno
Makatutulong ang pag-aaral na ito sa pamahalaan na siya mismong nagpatupad

ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang malaman nila ang mga epekto nito sa

mga mag-aaral na miyembro nito. Maaari rin itong maging basehan sa pagsasaayos o

pagpapabuti ng programa laolong lalo na para sa mga mag-aaral na benepisyaryo nito.

Parent Leaders

Sa pag-aaral na ito nalalaman ng mga parent leaders ang kanilang mga

tungkulin bilang pinuno ng kanilang mga kapwa benepisyaryo. Mapagtutuunan ng

pansin ang mga epekto ng maling pamamahala ng mga parent leaders sa kanilang

pinamumunuan.

Mga susunod pang mananaliksik

Makatutulong ito bilang isang sanggunian o reperensiya para sa mga susunod

na pag-aaral na isasagawa. Maaari rin itong gamitin bilang gabay sa pagsasagawa ng

pamanahong papel.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga epekto at kahalagahan ng

Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa mga mag- aaral ng Sto. Domingo

National High School. Nakapokus ang pananaliksik na ito para maipagbuti ang

programa kung sakali o marapat lamang na ito’y ganoon pa rin dahil sa mga ibang

umaabuso nito. Inaasahan ring makasasama sa pananaliksik na ito ang mga adbentahe

at disadbentahe ng programang ito nang sa gayon ay malaman at maipaalam na rin sa


iba pang benepisyaryo. Sa pananaliksik ring ito ay maisasama ang mga sagot o opinion

ng bawat mag-aaral namiyembro ng 4P’s ukol sa nasabing programa sa pamamagitan

ng pagsasagawa ng pagsisiyasat. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng palatanungan

sa gagawing pagsisisyasat. Ito ay pasasagutan sa mga mag-aaral sa baitang 11 at 12

sa Sto. Domingo National High School. Ang mga respondete ay tatlo lamang bawat

seksyon sa bawat baitang. Sa kabuuan ay mayroong 36 respondente.

Nililimitahan sa pag-aaral na ito na tanging sa saloobin lamang ng mga mag-

aaral na miyembro nito nakapokus ang pagsisisyasat. Hindi isasama ang kanilang mga

magulang sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa lamang sa Sto.

Domingo National High School at hindi na sa ibang paaralan.

You might also like