You are on page 1of 12

Ang Pagtatanggol ng mga

Pilipino laban sa
Kolonyalismong Espanyol
1. Pananakop dahil sa 1. Lapu-lapu
Kristiyanismo at Ginto 2. Francisco dagohoy
2. Pananakop dahil sa 3. Bankaw at Tamblot
Monopolyo sa Tabako 4. Apolinario Dela Cruz
3. Pananakop sa mga 5. Sultan Kudarat
Muslim sa Mindanao
IBALOI IFUGAO
Tukuyin ang mga katutubo/pangkat etnolingguwistiko sa Cordillera.
Sa sinaunang panahon, ang mga katutubong
pangkat sa Cordillera ay namuhay nang malaya at
payapa alinsunod sa kanilang mga batas at
kulturang kinagisnan. Nang dumating ang mga
Espanyol sa kanilang lugar, nagkaroon ng mga
pagbabago sa kanilang kalagayan at pamumuhay.
Ano-ano ang mga pagbabagong mga ito? Ano-anoa
ng mga paraan ng pagtugon ng mga pilipino sa
kolonyalismong Espanyol?
Naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ang mga
Espanyol sa Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at mga patakaran
tulad ng reduccion, enconmienda, polo y servicio, at tribute upang
maipasailalim sa kanilang kapangyarihan ang Pilipinas. Gayunpaman,
hindi lahat ng mga katutubong pangkat sa bansa ay napasuko at
nasakop ng mga Espanyol. Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas,
naging mahirap para sa kanila na masakop ang lahat ng pangkat na
nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo.
Idagdag pa rito ang ibayong katapangan na ipinamalas ng ilang
katutubong pangkat tulad ng mga Igorot sa Cordillera at mga Muslim sa
Mga Katutubong Pangkat na hindi napasailalim sa mga Espanyol
Hindi naging ganoon kadali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas. Bukod
sa paggamit ng dahas, kinailangang gumamit ng mga taktika upang masupil ang
mga katutubo at tanggapin ang kolonyalismo. Bagamat nasakop ang kapatagang
bahagi ng Luzon at Visayas, hindi naman nasakop ang mga kabundukan sa hilagang
bahagi ng Luzon. Hindi rin nasakop ang mga sultanato sa Mindanao dahil sa lakas at
tapang na ipinamalas ng mga mandirigmang Muslim laban sa mga Espanyol. Nang
hindi masupil ng mga Espanyol ang mga Igorot at Muslim ay higit na naging marahas
ang kanilang pamamaraan. Ipinatupad nila dito ang “Divide and Rule Policy” na
naglalayong pagwatak-watakin ang mga katutubo upang hindi sila magkaisa laban sa
mga Espanyol. Bilang bahagi ng kanilang taktika, naghirang din ang mga ito ng mga
katutubong mersenaryo upang labanan ang mga kapwa katutubo.
Ang mga Igorot sa Cordillera
Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga
Espanyol ay ang kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang
mga Igorot, na nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko:
1. Ibaloi Nakabatay ang kanilang hanapbuhay sa
2. Isneg (o Apayao) pagsasaka, at pangangayaw o paglahok sa
3. Kankanaey mga digmaan laban sa ibang pangkat etniko.
4. Kalinga Mayroon din silang paniniwalang panrelihiyon
kung saan tinitingnan ang kalikasan bilang
5. Bontoc
tahanan ng mga espiritu. Mga Dahilan sa
6. Ifugao pagsakop ng mga Espanyol sa mga Igorot:
1. Pananakop dahil sa ginto Bahagi ng tangkang pananakop ng
mga Espanyol sa mga Igorot ay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Ang paniniwalang Animismo ng mga Igorot ay
itinuturing ng mga Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga
demonyo. Ayon sa mga mananakop, upang maligtas ang
kaluluwa ng mga Igorot, kailangan nilang yakapin ang
Kristiyanismo. Dagdag pa rito, hangad din ng mga Espanyol na
gawing “sibilisado” ang mga Igorot tulad ng kanilang ginawa sa
mga katutubo sa kapatagan. Sa katunayan, ang hangad ng mga
Espanyol ay ang deposito ng ginto sa Cordillera.
2. Pananakop dahil sa Kristiyanismo Nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa
Cordillera upang maghanap ng ginto at gawing Kristiyano ang mga Igorot. Ipinag-
utos ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman ang pagpapadala ng
misyong relihiyoso sa Cordillera.Ngunit mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang
tangkang binyagan sila sa Kristiyanismo. Ilan sa mga prayleng misyonero ay
kanilang dinakip at pinatay. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa mismong
binyagan sa Kristiyanismo ang mga Igorot dahil sa mga sumusunod na
kadahilanan:

1. Naging mahirap para sa mga misyonero na tunguhin nang madalas ang


bulubundukin ng Cordillera.
2. Nagkaroon ng kakulangan sa mga misyonerong maaaring ipadala sa lalawigan.
3. Naging mahirap din para sa mga sundalong Espanyol na ipinadala sa Cordillera
na lupigin ang mga mandirigmang Igorot sa bulubunduking kabisado nila ang
pasikot-sikot.
3. Pananakop dahil sa Monopolyo sa Tabako Sa ilalim ng monopolyo sa
tabako, lahat ng maaaning tabako ng mga Igorot ay bukod-tanging sa
pamahalaang kolonyal dapat ibenta. Gayunpaman, hindi ito sinunod ng mga
Igorot na patuloy pa ring nagbebenta ng tabako nang patago sa ibang
mangangalakal. Upang mabantayan ang mga ito, gayundin ang mga taga-
Pangasinan ay itinatag ang Comandancia del Pais de Igorrotes na binubuo ng
mga beteranong sundalo sa pamumuno ni Guillermo Galvey sa ilalim ng
nasabing monopolyo, iba’t ibang pang-aabuso ang naranasan ng mga
katutubo dahil kadalasang dinadaya lamang sila ng mga ahente ng
pamahalaan. Ngunit katulad ng naunang patakarang ipinatupad, hindi muling
nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop ang mga Igorot. Dahil dito,
tinagurian sila ng historyador na si William Henry Scott bilang tribus
independientes o “tribung malaya”.
Panuto: Sagutin ang tanong.

Ano-ano ang mga dahilan ng tangkang pagsakop sa mga Igorot?

1.Pananakop dahil sa ginto


2.Pananakop dahil sa kristiyanisasyon
3.Panankop dahil sa monopoly sa tabako
Sa iyong sariling opinyon, ano ang iyong gagawin bilang isang
batang Pilipino kung mangyayari ang pananakop sa ating bansang
Pilipinas ngayon?
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung ito naman ay
hindi. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay


ang mga kabundukan ng Cordillera.
2. Ibaloi, Isneg, Kankanaey, Bontoc at Ifugao ay ang mga pangkat
etnolingguwistiko ng mga Igorot.
3. Natuklasan nila mula kay Juan de Salcedo ang mina ng ginto sa Cordillera.
4. Nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristiyanismo sa
mga Igorot.
5. Si Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang nagpatupad ng monopolyo
sa ginto

You might also like