You are on page 1of 15

Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

ARALIN 16.4
Kahalagahan at Kaugnayan ng mga Sagisag at
Pagkakakilanlang Pilipino

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 3

Pag-aralan Natin 4
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas 4
Ang Watawat ng Pilipinas 5
Ang Republic Act 8491 7
Ang Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Pagkakakilanlang Pilipino 8
Ang Panatang Makabayan 9

Sagutin Natin 10

Suriin Natin 10

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 11

Dapat Tandaan 13

Pinagkunan ng Larawan 13

Mga Sanggunian 14
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Aralin 16.4
Kahalagahan at Kaugnayan ng mga
Sagisag at Pagkakakilanlang Pilipino

Panimula

Ang mga sagisag ng isang bansa ay mahalaga sa pagkakakilanlan ng mamamayan nito. Ang
mga ito ay sumisimbolo ng kasaysayan at kultura ng bansa na humuhubog sa identidad ng
mamamayan.

Sa araling ito pag-aaralan natin ang mga sagisag ng Pilipinas at ang kahalagahan nito sa
ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

1
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● Nakikilala ang ilan sa mga pambansang sagisag at pagkakakilanlang
Pilipino.
● Naipakikita ang pagpapahalaga at magmamalaki sa mga
pagkakakilanlang Pilipino sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gawaing
nauukol dito.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang
kahalagahan at kaugnayan ng mga sagisag at pagkakakilanlang Pilipino
(AP4LKE-IIg-9).

2
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Subukan Natin

Hanapin Natin!
Panuto
Hanapin sa word search ang anim na salita sa ibaba may kinalaman sa mga sagisag at
pagkakakilanlang Pilipino.

bituin Palma panata

Lupang Hinirang sinag ng araw watawat

A Q W E R T Y P O I U Y L K

L U P A N G H I N I R A N G

W A S D T F G H J K A Z B T

X C U V B A N M O M X B I E

I S F U B X W Q L E L O T V

S I N A G N G A R A W E U O

O X H R E D P J T B E A I Y

P A N A T A W U N M E W N U

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang ipinahihiwatig ng Panatang Makabayan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Ano ang pambansang awit ng Pilipinas?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

3. Bakit mahalaga ang watawat ng Pilipinas?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pag-aralan Natin
Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may sariling pambansang awit at watawat. Ang
pambansang awit at watawat ng Pilipinas ay may kaugnayan sa pagkakakilanlang Pilipino
dahil mahihinuha sa mga ito ang kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. Kaya naman dapat
lamang pahalagahan natin ang mga ito.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

mababakas makikita

makilahok makisali o sumali

saliw kasabay

Mahalagang Tanong
Bakit binibigyang diin ang kalayaan sa ating pambansang awit at ating
pambansang watawat?

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay may pamagat na Lupang Hinirang. Ang himig nito
ay nilikha ni Julian Felipe. Tandaan na wala pang lirika ang himig na ito nang likhain ito ni
Felipe. Una itong tinugtog ng banda ng San Francisco de Malabon noong iwinagayway ang
bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas. Sa panahong

4
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

iyon, tinawag pa munang Marcha Nacional Filipina ang himig sa saliw ng pagmamartsa ng
mga sundalo.

Lar. 1. Si Julian Felipe ang lumikha Lar. 2. Si Jose Palma ang sumulat ng
(kompositor) ng himig ng lirika o mga salita ng Lupang
Lupang Hinirang. Hinirang.

Sa loob ng isang taon, ang Pambansang Awit ay nanatiling isang himig o melodiya lamang.
Sa pagtatapos ng Agosto 1899, sumulat si Jose Palma ng isang tula na tinawag niyang
Filipinas. Ipinahahayag ng tulang ito sa wikang Espanyol ang matinding pagmamahal sa
bayan, pakikibaka, at nasyonalismo ng mga Pilipino. Kaya naman, ito ang inilapat sa himig
na nilikha ni Julian Felipe. Isinalin ni Felipe De Leon mula Espanyol patungong Filipino ang
lirika ng Pambansang Awit noong unang bahagi ng 1900. Sa kasalukuyan, nananatili ang
Lupang Hinirang bilang pambansang awit ng mga Pilipino.

Ang Watawat ng Pilipinas

Ang watawat ay isang mahalagang sagisag na ginagamit ng iba’t ibang bansa. Nakikilala ang
isang bansa dahil sa natatanging disenyo ng watawat nito.

5
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Ang watawat ng Pilipinas ay unang idinisenyo ni Emilio Aguinaldo noong siya ay nasa Hong
Kong. Sa bansang ito rin unang tinahi ang watawat. Sina Marcela Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Jose Rizal ang nagtahi nito.

Unang ginamit ang pambansang watawat ng Pilipinas noong ika-28 ng Mayo, 1898, at
iwinagayway ito bilang sagisag ng kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa
Kawit, Cavite.

Lar. 3. Ang Watawat ng Pilipinas ay natatangi sa buong daigdig dahil ito lamang ang
watawat na maaaring baligtarin o pagpalitin ang ayos o posisyon ng mga kulay tuwing
panahon ng digmaan.

Ang watawat ng Pilipinas ay pahalang ang hugis na may apat na kulay: puti, pula, bughaw at
dilaw. Nahahati ito sa dalawang bahagi kung saan ang itaas ay kulay bughaw at ang ibaba
naman ay kulay pula. Ang kulay puti ay nangangahulugan ng kapayapaan. Ang bughaw na
kulay ay sumasagisag sa kapayapaan at katapatan. Samantala, ang kulay na pula ay
nagpapahayag ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng panahon, dapat ang
kulay asul ay nasa itaas na bahagi ng watawat. Ang paglalagay ng pulang bahagi sa itaas ay
nangangahulugan na ang bansa ay nasa panahon ng digmaan.

6
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Sa kaliwang bahagi ng watawat ay mayroong puting tatsulok na naglalaman ng tatlong dilaw

na bituin at isang dilaw na araw sa gitna na mayroong walong sinag. Ang tatlong bituin ay
sumisimbolo sa tatlong pangunahing pulo sa bansa—ang Luzon, Panay (sentro ng Visayas
noon), at Mindanao. Ang walong sinag ng araw ay sumisimbolo sa walong lalawigang
naghimagsik laban sa mga Espanyol: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija,
Tarlac, Laguna, at Batangas.

Ang Republic Act 8491

Ang Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines ay ang batas na
nagsasaad ng mga probisyon ukol sa watawat, awit, moto, sagisag, at iba pang simbolo na
nagpapakita ng kasarinlan, kalayaan, at nasyonalismo ng Pilipinas. Narito ang iba’t ibang
mahalagang probisyon na nakasaad sa batas:
● Kinakailangang ipakita sa lahat ng pampublikong opisina at gusali ang Pambansang
Watawat.
● Kinakailangang ipakita ang Pambansang Watawat sa mga piling okasyon tulad ng
Araw ng Kagitingan, Araw ng Kalayaan, at Araw ng mga Bayani.
● Hindi maaaring gamitin ang Watawat ng Pilipinas sa mga gawaing makasisira o
makapagtatanggal ng respeto rito.
● Ang Pambansang Awit ay kinakailangang awitin gamit ang Pambansang Wika ng
bansa.
● Lahat ng Pilipino ay kinakailangang humarap sa Pambansang Watawat sa oras na
patugtugin ang Pambansang Awit.

Ang hindi pagsunod sa mga probisyon ng batas na ito ay may karampatang parusa.

Mahahalagang Tanong
● Paano mo maipakikita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating
pagkakakilanlang Pilipino?
● Paano pinagtitibay ng Panatang Makabayan ang diwang makabayan
o nasyonalismo ng mga Pilipino?

7
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Ang Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Pagkakakilanlang Pilipino

Natatangi ang ating identidad bilang mga Pilipino. Nasasalamin dito ang ating natatanging
kaugalian, paniniwala, at kultura. Mababakas din sa ating identidad ang ating mahabang
kasaysayan. Dahil dito, nararapat lamang na ating pahalagahan at ipagmalaki ang ating
pagkakakilanlan. Ating alamin ang iba’t ibang paraan upang gawin ito.
● Sundin ang mga batas na nagpapanatili at nagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino.
● Makilahok sa mahahalagang pagdiriwang na nagpapahalaga sa sariling kultura.
● Makiisa sa pagtangkilik ng lokal na sining at panitikan.
● Makibahagi sa pangangalaga ng mga yamang kultural at pangkabuhayan ng bansa.
● Kilalanin, pahalagahan, at alagaan ang mga karapatan ng mga pangkat etniko upang
umunlad pa ang kanilang kultura.
● Tumulong sa paghihikayat at pagsuporta sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa
kulturang Pilipino.
● Ipagmalaki ang ating mga katutubong laro, sayaw, awit, at tugtugin, pati na ang ating
kasaysayan, tradisyon, paniniwala, at kaisipan.
● Gamitin at tangkilikin natin ang mga produktong yari sa Pilipinas bilang pagmamalaki
at pagpapaunlad ng ating pagkakakilanlan.
● Gamitin at pahalagahan natin ang wikang Filipino, ang Pambansang Wika ng
Pilipinas.
● Tumulong tayo sa pagpapatupad ng mga proyekto o programa ng pamahalaan na
may kinalaman sa ating identidad.
● Sumunod tayo sa mga batas tungkol sa pangangalaga sa ating kultura at
pagkakakilanlan.
● Panatilihin at isabuhay natin ang ating magagandang kaugalian katulad ng pagiging
masipag, matiyaga, malikhain, matapat sa mga gawain, mapagkakatiwalaan, malinis,
at handang tumulong sa kapwa.

8
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Ang Panatang Makabayan

Ang Panatang Makabayan ay isang panunumpa ng katapatan sa bansang Pilipinas. Ang
mga salita, nilalaman, o mensahe ng Panatang Makabayan ay isinasabuhay nang buong
puso at inaasahang makapagpapatibay ng diwang makabayan, nasyonalismo, at
katapangan sa mga mamamayan ng ating bansa. Nasasalamin sa panatang ito ang
panunumpa ng bawat Pilipino na maging isang mabuting mamamayan ng bayan.

Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang,
susundin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

Noong 2001, iminungkahi ng Department of Education na lahat ng mag-aaral ng Pilipinas ay

kinakailangang bigkasin ang panata sa paaralan bago magsimula ang anumang klase.
Gayundin, inaasahan ng pambansang pamahalaan na bibigkasin ng lahat ng Pilipino ang
panunumpa sa tuwing mayroong flag ceremony.

9
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Sagutin Natin

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

Dalawang kulay sa watawat ng Pilipinas

1. ____________________________________________________

2. ____________________________________________________

Tatlong probinsya na sinisimbolo ng mga sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas

1. ____________________________________________________

2. ____________________________________________________

3. ____________________________________________________

Limang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang Pilipino

1. ____________________________________________________

2. ____________________________________________________

3. ____________________________________________________

4. ____________________________________________________

5. ____________________________________________________

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang Republic Act 8491?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

10
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang katangian ng mga Pilipino?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang ating identidad bilang Pilipino?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pag-isipan Natin

Maaari bang mabago ang pagkakakilanlan o identidad ng mga Pilipino?

____________________________________________________________________________________________

Gawin Natin
Ano-anong pagpapahalaga ng pagkakakilanlang Pilipino ang iyong ginagawa sa
kasalukuyan? Ipahayag ang iyong mga ginagawang hakbang sa pamamagitan ng isang
collage. Magpakita lamang ng tatlo hanggang limang gawain at ilahad ang lahat ng ito sa
iisang bond paper lamang. Lagyan ng karampatang label ang bawat gawaing ipinapakita.

11
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa Nakatugon Lumagpas Puntos

kaysa ng sa sa
Pamantayan
Inaasahan Pagsasanay Inaasahan Inaasahan
1 2 3 4

Mga Halos mina- Kasiya-siya Nakapagpasa Nakapagpasa

Elemento ng dali ang pag- ang ipina- ng magan- ng isang ma-
Disenyo gawa o hindi sang likhang dang likhang ganda at na-
natapos ang sining ngunit sining; pinag- tatanging lik-
likhang kulang sa isipan at pi- hang sining;
sining. pagpaplano nagplanuhan lubhang pi-
ng disenyo o ang disenyo; nag-isipan o
hindi pinag- tama ang pinag- planu-
isipan. ginamit na han ang di-
guhit, kulay, senyo; mahu-
at espasyo. say ang pag-
gamit ng mga
guhit, kulay,
at espasyo.

Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang

Pagsisikap likhang sining likhang sining likhang sining isang napa-
para lamang ngunit hindi na may kasi- kagandang
may maipasa sinikap na ya- siyang likhang sining
sa guro. mapaganda resulta; may na may ma-
pa itong lalo. pagsisikap na sidhing pag-
pagandahin sisikap na
pang lalo. maging
natatangi ito.

Kasanayan/ Walang kahu- Nagpapakita May angking Nagpapakita

Husay sayan sa pag- ng pagnanais husay sa ng husay at
guhit o pag- na mapag- paggawa; galing sa
likha ng husay ang kailangan pa paggawa;
likhang kaniyang ng kaunting may sapat na
sining. paggawa ng pagsasanay. kaalaman o
likhang pagsasanay.
sining.

12
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa

Paggawa ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang
likhang sining likhang sining likhang sining likhang sining
sa loob ng sa loob ng sa itinakdang bago pa ang
dalawang isang linggo petsa ng itinakdang
linggo matapos ang pagpapasa. petsa ng
matapos ang itinakdang pagpapasa.
itinakdang petsa ng
petsa ng pagpapasa.
pagpapasa.

Kabuuang Marka =

Dapat Tandaan

● Ang Lupang Hinirang ay dapat awitin nang may buong paggalang dahil ito ang
pambansang awit ng Pilipinas.
● Ang ating pambansang watawat ay nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang
bansang malaya.
● Ang pambansang awit at ang pambansang watawat ay dalawang mahalagang
bahagi ng pagkakakilanlang Pilipino.
● Ang mga sagisag ng pagkakakilanlang Pilipino ay dapat ipagmalaki, itaguyod,
mahalin, paunlarin, at pangalagaan.

Pinagkunan ng Larawan

Lar 2. Jose Palma ni Aurelio23 ay may pahintulot batay sa CC BY-SA 3.0 sa pamamagitan ng
Wikimedia Commons.

13
Araling Panlipunan

Baitang 4 • Yunit 16: Ang Pagkamamamayang Pilipino

Mga Sanggunian

Department of Education. "DO 54, S. 2001 – THE REVISED PANATANG MAKABAYAN." Nakuha
noong Mayo 17, 2022.
https://www.deped.gov.ph/2001/11/12/do-54-s-2001-the-revised-panatang-makabaya
n/.

National Commission for Culture and the Arts. "National Anthem: Lupang Hinirang." Nakuha
noong Mayo 17, 2022.
https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/philippine-fast-facts/nation
al-anthem-lupang-hinirang/.

National Commission for Culture and the Arts. "Republic Act No. 8491." Nakuha noong Mayo
17, 2022.
https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/cultural-%20laws/republic-
act-no-8491/.

National Commission for Culture and the Arts. "Symbolisms/Meanings in the Philippine
Flag." Nakuha noong Mayo 17, 2022.
https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/philippine-fast-facts/symbo
lisms-meanings-in-the-philippine-flag/.

14

You might also like