You are on page 1of 19

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

MODYUL 3
PAGKAKAPANTAY-PANTAY
MODYUL 3
Nagkaroon ng debate ang mga
pilosopo ukol sa pagkakapantay.
Ang dalawang grupo
ng mga ito ay naniniwala sa
dalawang magkaibang bagay:
Lahat tayo ay
Hindi nilikhang
pantay-pantay
pantay ang mga
dahil likha tayo
tao
ng Diyos
“Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang kakayahan nating maging isang
sino. Dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na
ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.”

Max Scheler
Philosopher
PRINSIPYO NG PROPORTIO
MODYUL 3
“Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon
sa pangangailangan ng tao.”

Hindi man pantay-pantay ang mga


tao, may angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
Sto. Tomas de Aquino
Friar
BAKIT HINDI NA LANG IBIGAY SA LAHAT,
BAHALA NA SILANG MAGPAMAHAGI SA MAS
NANGANGAILANGAN?
•Dahil una ang halaga ng tao kaysa sa anumang
bagay na ipinapamigay o ibinabahagi. (May yaman
man o wala ang tao, siya ay may halaga bilang tao.)

• Pangalawa, gumagawa at nagmamay-ari ang tao


hindi upang makipagmayabangan o
makipagkumpetensya sa iba o pahiyain ang iba.
Gumagawa ang tao dahil nais nyang ipamalas ang
kanyang sariling galing. Gumagawa siya upang
maging produktibo sa kanyang sarili.
ANG PAGHAHANAPBUHAY AY
IBANG-IBA SA PAGTATRABAHO
•Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay.
Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap nya.

•Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng


kanyang pagpapagal. Ito rin ang mga gamit nya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay.

•Ang mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay hindi


iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman. Nariyan
ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng tao.
NAIPAKIKILALA NG TAO ANG
SARILI SA KANYANG PAGGAWA 
•Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang
sarili. Hindi ang yaman, hindi ang mga gamit na
mayroon o wala siya ang humuhubog sa tao.

•Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang


sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-
pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinibigay sa
kanya ang kanyang ikayayaman.
EKONOMIYA 
•“Ekonomiya” galing sa mga griyegong salita na “oikos”
(bahay) at “nomos” (pamamahala)

•Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala


sa bahay. May sapat na budget ang namamahay.
Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin
upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa
bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang
buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.
• LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
•Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
PATAS.

• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat


bahay ay magiging tahanan.

•Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na


maayos ang pangangasiwa at patas ang pamamahagi
ng yaman ng bayan.
• Sinisikap gawin ng estado na magin patas para sa
nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang
malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-
kanilang tunguhin at kakayahan.
•  Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong pag- unlad ng bansa.

• Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may


kapital na syang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa
mga tao – pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

• Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na malaking
tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan kung saan maaaring
tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat
isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

You might also like