You are on page 1of 32

Magandang Araw!

Klase sa Filipino 7
Aralin:

Pagsulat ng
Sariling Tula
Kasanayan sa
Pagkatuto:
Naisusulat ang sariling tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong
at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan
F7PU-IIIa-c-13
Paunang Pagsubok:
Basahin at unawain ang bawat
aytem. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.
Paunang Pagsubok:
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na
naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-
guni at pinararating sa ating damdamin.
A. Awit C. Balagtasan
B. Liriko D. Tula
Paunang Pagsubok:
2. Elemento ng tula na pinagpangkat-pangkat o
pinagsama-samang mga taludtod.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Paunang Pagsubok:
3. Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa
pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig, sa
dalawa o higit pang taludtod.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Paunang Pagsubok:
4. Elemento ng tula na tumutukoy sa
bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Sukat
Paunang Pagsubok:
5. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga
salitang angkop at
nagbibigay ganda sa tula na nagbibigay impresyon sa
mga mambabasa.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Ano ang Tula?
Ito ay isang akdang pampanitikang
naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-
guni, pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananalitang may
angking aliw-iw.
Elemento ng Tula
1. Sukat - Ito ay tumutukoy sa
bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
Elemento ng Tula
Isda – is-da – ito ay may
dalawang pantig.
Isda ko sa Mariveles – 8 pantig
Elemento ng Tula
Mga uri ng sukat
a. Wawaluhin
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loo bang kaliskis
Elemento ng Tula
b. Lalabindalawahin
Halimabawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
Elemento ng Tula
c. Lalabing-animin
Halimabawa:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa
paligid
Elemento ng Tula
d. Lalabingwaluhin
Halimabawa:
Tumutubong mga palay, gulay at maraming
mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang
kahoy na malabay
Elemento ng Tula
2. Saknong – Ang saknong ay
isang grupo sa loob ng isang tula
na may dalawa o maraming linya
(taludtod)
Elemento ng Tula
2 linya – couplet 6 linya – sestet
3 linya – tercet 7 linya – septet
4 linya – quatrain 8 linya – octave
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets, at quatrains ang
madalas na ginagamit sa tula.
Elemento ng Tula
3. Tugma – Sinasabing may tugma
ang tula kapag ang huling pantig ng
huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasingtunog.
Elemento ng Tula
4. Kariktan – Kailangang magtaglay ang tula
ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Halimbawa: maganda – marikit
Mahirap – dukha o maralita
Elemento ng Tula
5. Talinghaga – Magandang basahin ang
tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito ay isang sangkap ng tula
na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula
Anyo ng Tula
1. Malayang Taludturan – isang tula na
isinulat nang walang sinusunod na patakaran
kung hindi ang anumang naisin ng
sumusulat. (Ito ay ang anyo ng tula na
ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla)
Anyo ng Tula
2. Tradisyonal na Tula – Ito ay
isang anyo ng tula na may sukat,
tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
Anyo ng Tula
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma
Paglalapat:
Bakit mahalaga na patuloy na
buhayin ang mga tula sa
kasalukuyan? Ano-ano ang
kahalagahan nito? Magbigay ng mga
patunay.
Panapos na
Pagsubok:
Basahin at unawain ang bawat
aytem. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.
Panapos na
Pagsubok:
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na
naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni
at pinararating sa ating damdamin.
A. Awit C. Balagtasan
B. Liriko D. Tula
Panapos na
Pagsubok:
2. Elemento ng tula na pinagpangkat-pangkat o
pinagsama-samang mga taludtod.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Panapos na
Pagsubok:
3. Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa
pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig, sa dalawa
o higit pang taludtod.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Panapos na
Pagsubok:
4. Elemento ng tula na tumutukoy sa
bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
A. Kariktan C. Tugma
B. Talinghaga D. Sukat
Panapos na
Pagsubok:
5. Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa mga
salitang angkop at
nagbibigay ganda sa tula na nagbibigay impresyon sa
mga mambabasa.
A. Kariktan
B. Talinghaga
C. Tugma
D. Saknong
Maraming
Salamat!

You might also like