You are on page 1of 40

MGA ANYO NG

KONTEMPORARYONG
PANITIKANG PILIPINO

Prepared by:

Myzel Ann A. Flores

Joselyn C. Marfel
Instructor
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita ........................................................................................................................................................ 1

Pangkalahatang Pananaw sa Kurso ...................................................................................................................... 2

Kaligirang Kasaysayan ng Panitikan ...................................................................................................................... 3

Gawain 1 ..................................................................................................................................................... 3

Panitikan sa Matandang Panahon ......................................................................................................................... 6

Gawain 2 ................................................................................................................................................... 10
Panitikan sa Panahon ng Kastila .......................................................................................................................... 11

Gawain 3 ................................................................................................................................................... 11

Gawain 4 ................................................................................................................................................... 16

Panitikan sa Panahon ng Hapon .......................................................................................................................... 17

Gawain 5 ................................................................................................................................................... 17

Gawain 6 ................................................................................................................................................... 20

Panitikan sa Panahon ng Amerikano ................................................................................................................... 21

Gawain 7 ................................................................................................................................................... 21

Gawain 8 ................................................................................................................................................... 28
Panitikan sa Kasalukuyang Panahon ................................................................................................................... 29
Gawain 9 ................................................................................................................................................... 29

Gawain 10 ................................................................................................................................................. 33

Panitikang Tradisyunal at Panitikang Popular ..................................................................................................... 34

Gawain 11 ................................................................................................................................................. 34

Gawain 12 ................................................................................................................................................. 37

Sanggunian ........................................................................................................................................................... 38
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng Philippine College Foundation nang sa
gayon ay matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa kursong ito. Tatalakayin sa modyul na ito
ang mga anyo ng kontemporaryong panitikang Pilipino. Nakapaloob dito ang mga gawain, piling
babasahin, at mga konsepto na konektado sa paksa. Layon nito na palawakin at dagdagan ang
kaalaman ng mga mag-aaral upang maging produktibo at maging handa sa hamon ng buhay. Layon
din nitong eengganyo ang mga mag-aaral na patuloy na kumatha ng mga tula, maiikling kwento, nobela
at sanaysay na pumapaksa sa lipunan, sa kasarian o ‘di kaya naman ay bunga ng mga personal na
intensyon o pagnanais na magbahagi ng karanasan sa mambabasa.

Malalaman dito kung gaano kalawak ang kanilang kaisipan hinggil sa mga pangyayaring
pananakop ng iba’t ibang panahon. Malalaman din dito kung ano ang naiambag ng mga mananakop
sa ating kasaysayan. Sa pamamagitan nito, maaari ding makapagbahagi ang mga mag-aaral ng
kanilang mga natutunan sa kapwa nila mag-aaral. Maaari ding makapagsiyasat ang mga mag-aaral
gamit ang modyul na ito sapagkat ito ay hitik sa kaalaman na kailanman ay hindi nila malilimutan.

Samakatuwid, ang modyul na ito ang siyang tutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan ang
kahalagahan ng paksa kahit pa man tayo ay nahaharap sa matinding krisis.

MYZEL ANN A. FLORES

JOSELYN C. MARFEL
Guro sa Filipino

1
PANGKALAHATANG PANANAW SA KURSO

a. Pamagat : Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino

b. Rasyonale:

Ang kursong ito ay pag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at interpretasyon

ng iba’t ibang anyo ng kontemporanyong panitikan na may pagbibigay diin sa
pag-unawa sa mga bisang modernista nito.

c. Layunin:

Sa katapusan ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Pangkabatiran
a. Maunawaan ang mga hangarin ng mananakop sa ating bansa,
2. Pandamdamin
b. Mailarawan ang mga anyo ng kontemporaryong panitikang Pilipino,
3. Saykomotor
c. Mabigyan ng iba’t ibang interpretasyon ang iba’t ibang dulog
pampanitikan.

d. Mga mag-aaral: Kolehiyo

e. Saklaw ng Panahon: Unang Semestre (2021-2022)

f. Pre-rekwisit:

2
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG
PANITIKAN

Layunin:
a. Malaman ang pinagmulan ng kasaysayan ng panitikan;
b. Makapagbalik-aral tungkol sa panitikang umusbong sa panahong ito; at
c. Mailahad ang iba’t ibang panitikan na nailimbag sa panahon ito.

Saklaw ng Panahon: Isang Linggo

Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: Pagsusulit, tsart, repleksyong papel

GAWAIN 1:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO:
1. Magbahagi ng iyong ideya tungkol sa kasaysayan ng panitikang Pilipino batay sa kung ano ang iyong
nalalaman (What I Know) at kung ano ang gusto mong malaman sa paksa (What I want to Know).
2. Isulat sa kahon ng K-W-L Chart ang sagot.

K-W-L Chart
Paksa: Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
What I Know What I Want to Know What I Learned

3
1996 – Kasalukuyan Martial Law

➢ Ito ay naganap matapos ang Enero 17, 1981

panahon ng Martial Law ➢ Ibinaba ni Pangulong Marcos ang
➢ Sa panahong ito ay isinilang ang kautusan na nag-aalis ng Batas Militar
bagong uri ng Pilipino – ang kasabay ng Bagong Republika
Pilipinong marunong magmalasakit ➢ Simulaing “Isang Bansa, Isang Diwa”
sa kapwa at marunong magmahal sa ➢ Nais na pagpapalaganap ng Bagong
sariling bansa hindi lamang sa salita Republika
kundi sa tunay na gawa, at para sa Agosto 21, 1983
mga mamamayang Pilipino, ito pa ➢ Pagpaslang kay Benigno Aquino sa
lamang ang tunay na Republika – Ninoy Aquino International Airport
“Ang tunay na Bagong Republikang (dating Manila International Airport)
Pilipinas.” ➢ Nabahiran ang mga tula, maikling
kwento, nobela, dula, at kahit mga
awitin ng masalimuot na damdamin.
Pebrero 7, 1986
➢ “Parliament of the Street”
➢ Nagkaroon ng Snap Election
➢ “People Power Revolution” o “EDSA
Revolution”
Pebrero 24, 1986
➢ Naluklok si Gng. Corazon Aquino
(maybahay ni Benigno Aquino), kapalit
ang napatalsik na 20 taong
diktaturyang pamahalaan ni Pang.
Marcos, siya ang kauna-unahang
babaeng pangulo ng Pilipinas.

• Itinanghal ang Pilipinas na “Bagong Bansa sa Bagong Demokrasya: Moral Recovery” na

binigyang-pansin ni dating Pang. Fidel V. Ramos.
• “Erap para sa Mahirap” naman ang pilosopiyang ginamit ni dating Pang. Joseph Estrada na
ginawang “Ang Pinoy 2004” – na ang layunin ay maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga
Pilipino.
• “New Moral Order” ni dating Pang. Gloria Arroyo.

4
Katangian ng Panahon:
Sa panahon ng Kontemporaryo…

➢ Ang mga manunulat ay naglalantad ng mga totoong pangyayari upang

mamayani ang realismo. Inilarawan nila ang mga masasama at
magagandang pangyayari sa lipunan tulad ng karahasan at kahirapan,
prostitusyon, at pagtaas at pagbaba ng krimen.
➢ Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng
mga manunulat. Ang mga komiks at magasin man ay nabago ayon sa
Bagong Republika.
➢ Ang mga dulang Pilipino naman ay nagningning dahil sa pagkalat nito. Mula
sa paaralan hanggang sa mga tanghalan tulad ng CCP at Metropolitan
Theater.
➢ Ang mga nag-aalab na damdamin naman ng mga manunulat ang nagbunsod
ng Writers Union of the Philippines o UNPII o Unyon ng mga Manunulat na
Pilipino. Upang ilabas ang mithi, ang magasin na tumugon sa uhaw na mga
mambabasa sa mga akdang buhay.
➢ Nagpatuloy ang pagpapayaman ng panitikan lalo na ng ipinalabas ni Pang.
Aquino ang Exec. Order No. 335 noong Setyembre 1998 na nagpapabisa ng
paggamit ng wikang Filipino sa mga liham-korespondensiya, memorandum,
mga pulong, maging sa Senado at Kongreso.
➢ Ang Carlos Palanca Memorial Award naman ay nagpapatuloy sa pagkilala
sa mga manunulat at pagbibgay ng gawad taun-taon.

5
PANITIKAN SA MATANDANG
PANAHON

Kaligirang Kasaysayan

➢ Sinasabi na noong unang panahon, nagkaroon ng iba’t ibang migrasyon sa Pilipinas na siyang
pinagmulan ng ating mga ninuno.

Negrito o Ita
➢ Sila ang mga unang nainirahan sa Pilpinas.
➢ Sinasabing nakarating sila sa lugar na ito sa
pamamagitan ng tulay na lupa.
➢ Sila ay nangaso at namitas ng mga bunga para
mabuhay.
➢ Ang kanilang panitikan ay binubuo ng mga awitin at
pamahiin.

Indonesyo
➢ Ang mga unang sapit na Indonesyo ay mapuputi at
manilaw-nilaw ang balat dahil may lahing Mongol at
Kaukau.
➢ Sila’y marunong nang mamahay ng sarili, magtanim ng
halaman at mangisda. Makalipas ang 4000 taon ay
dumating naman ang ikalawang sapit na Indonesyo.
➢ Naiiba ang kanilang hitsura sa nauna at mas nakahihigit
sa kalinangan.
➢ Sila ay may sarili ng sistemang pamahalaan, may mga
hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at may
dalang panitikan gaya ng epiko, kuwentong bayan,
alamat, pamahiin at pananampalatayang pagano.
➢ Sinasabing sila ang mga ninuno ng mga Ipugaw.

Malay
➢ Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas.
Unang Pangkat 200 B.C - 100 A.D.
➢ Sila ay nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at awiting panrelihiyon.
➢ Tumira sila sa kabundukan ng Luzon at naging ninuno ng mga Igorot, Bontok at
Tinguanes.
Ikalawang Pangkat 100 - 1300 A.D.
➢ May dala silang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga
karunungang bayan.
➢ Sila rin ang nagdala ng barangay at naging ninuno ng mga Tagalog, Bisaya , Ilokano
at iba pa.
Ikatlong Pangkat
➢ Malay na Muslim.
➢ Nagdala sila ng epiko, alamat, kuwentong
bayan at pananampalatayang Islam.
➢ Sa panahong ito ay nagsimula nang
makipagkalakalan ang Pilipinas sa mga
karatig-bansa nito.
➢ Dahil nagkaroon rin ng palitan ng kultura sa kalakalan,
nagdala ito ng mga impluwensya sa panitikan.

6
Intsik Bumbay
➢ Dahil sa dalang wika kaya mahigit ➢ Sila ay nagdala ng pananampalatayang
600 salitang Intsik ang naging bahagi Bramanistiko at panitikang epiko, awiting
ng wikang Pilipino. bayan at liriko.
➢ Ilan sa mga ito ay: susi, mangkok, ➢ Marami ring salitang Bumbay ang naging
talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, bahagi ng wikang Pilipino tulad ng guro,
Ingkong, Impo, bayaw, kuya, diko at bansa, mukha, likha, hukom at dukha
sangko.

Layunin ng Panitikan
Arabo at Persiyano ➢ libangan
➢ pagpapahayag ng damdamin
➢ Nagdala sila ng mga epiko, ➢ pagpapaliwanag ng mga
kuwentong bayan, dula bagay, pinagmulan,
at alamat. pangyayari at iba pa

Mga Akdang Lumitaw

➢ Ang mga akda noon ay nahahati sa dalawang uri: kuwento at tula. Naipasa
ang mga ito sa iba-ibang henerasyon sa pamamagitan ng oral na tradisyon at
pag-awit.

Mga Kuwento

Alamat Mito

➢ mga kuwento na nagsasalaysay sa ➢ tulad ng alamat na nagsasalaysay ng

pinagmulan ng mga bagay, pook o mga pinagmulan ngunit gumagamit ng
pangyayari. mga diyos at diyosa bilang tauhan.
Halimbawa: Halimbawa:
• Alamat ng Bigas • Si Malakas at si Maganda
• Alamat ng Bundok Kanlaon • Buwan at Araw

7
Kuwentong Bayan Epiko
➢ mga kuwentong naglalarawan ng ➢ tulang pasalaysay na karaniwang
mga kaugalian, pananampalataya tungkol sa pakikipagsapalaran,
at suliraning panlipunan ng mga katapangan at kabayanihan ng isang
katutubo. bayani
Halimbawa: Halimbawa:
• Juan Tamad (Tagalog) • Biag ni Lam-Ang (Iloko)
• Abunawas (Muslim) • Ibalon (Bikol)

Pabula
➢ kuwentong gumagamit ng mga
hayop bilang tauhan at
naglalaman ng leksyong moral.
Halimbawa:
• “Ang Gamu-gamo”

Mga Tula

1. Awiting Bayan

➢ nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at gawain o

hanapbuhay ng mga taong nakatira sa isang pook.
➢ Sa puso ito ng ating mga katutubo.
➢ Sa katunayan, sila ay umaawit habang naglalayag, nagsasaka, nagkakatuwaan at
nagluluksa sa patay.

Halimbawa:
• Diona – awit sa kasal
• Dalit – awit panrelihiyon na tungkol sa debosyon, Umawit tayo at ipagdiwang
paghingi ng tawad, pagpapagaling sa maysakit, Ang dalawang pusong ngayo’y ikakasal
paghingi ng kasaganahan sa buhay, bukid at Ang daraanan niyang landas
dagat. Sabuyan ng bigas

Pumanaog, pumanaog • Oyayi – hele o awit na

Si Mansilatan sana pampatulog ng sanggol
Badla ay bababa Mamimigay ng lakas
Pasasayawin ang mga Baylan Ili-Ili
Paligiran ang mga Baylan Ili, ili, tulog anay
Wala diri imong nanay
Kadto tienda, bakal papay
• Suliranin – awit sa pamamangka Ili, ili, tulog anay

Hala, gaud tayo; pagod ay tiisin

Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin
Kahit malayo man kung ating ibigin
Daig ang malapit na ayaw lakbayin

8
• Kumintang – awit pandigma
• Kundiman – awit ng pag-ibig
Ang nuno nating lahat
Noong unang panahaong ako’y bata pa Sa kulog ay hindi nasisindak
Natitisod mo na’y di mo alintana Sa labanan, di naaawat
Nang ako’y lumaki at maging dalaga Pinuhunan buhay, hirap
Tila sa wari ko’y may pagbabanta ka Upang tayong mga anak
Pagsinta mo sakin ay di ko tatanggapin Mabuhay nang panatag
Pagkat akong ito’y alangan pa sa tingin Halina at usigin
Ako’y mahirap, pangit pa sa tingin Ang alikatya, mga haling
Bakit naman ngayo’y iyong iibigan? Ipagtatanggol ang bukirin
Ang mga anak natin
Tayo naman may patalim
Dugo’t buhay punuanin

Mga Karunungang Bayan

➢ Madalas nagpapalitan ng kaisipang-bayan ang mga

katutubo sa kasal, piyesta, binyagan at burol.

Bugtong Salawikain

➢ maikling tula na nagpapahula ng isang ➢ isang patalinghagang pahayag na

bagay sa pamamagitan ng ginagamit ng matatanda noon upang
paglalarawan mangaral at akayin ang mga kabataan
sa mabuting asal.
Isang butil palay,
Laganap sa buong bahay. – ilaw Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makakarating sa pinaroroonan.
Bahay ko sa gulod,
Iisa ang tukod. – kabute Anak na hindi paluhain,
Ina ang patatangisin.
Kawikaan Palaisipan

➢ patulang panunukso o panunudyo. ➢ nasa anyong patula na humihingi ng

kalutasan sa isang suliranin
Malakas nga ang loob,
Mahina naman ang tuhod Sa isang kulungan ay may 5 baboy na
Ika’y isang lalaking matapang inaalagaan si Mang Juan pero lumundag ang
Huni ng tuko ay kinatatakutan isa.
Ilan ang natira?
- 5 parin dahil lumundag lang naman yung
isa

Alibata
➢ ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino na binubuo ng alpabeto na may 3 pantig at 14 na
katinig. Isinusulat ito ng pababa at binabasa mula kaliwa, pakanan.
➢ Dahil sa kawalan ng gamit pang-imprinta, ang mga katutubo ay gumamit ng matulis na kahoy bilang
panulat at sumulat sa biyas ng kawayan, talukap ng niyog o bunga at mga dahon ng kahoy o saging.
➢ Sa kabila nito, ang mga naisulat sa makinis na bato ay siyang tumagal ng mahabang panahon.
➢ Ang sistema ng pagsulat na ito ay naging mahalaga upang magkaintindihan ang mga Pilipino na noo’y
walang iisang wika.

Mga Kilalang Manunulat

➢ Ang mga sinaunang akda ay kinikilala bilang pagmamay-ari ng grupo dahil ang mga ito ay nilikha at
inawit nila bilang isang grupo.

9
GAWAIN 2:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO:
1. Isulat sa K-W-L Chart ang iyong natutunan (What I Learned) sa ating talakayan. (5 puntos)

K-W-L Chart
Paksa: Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
What I Know What I Want to Know What I Learned

2. Magbigay ng halimbawa sa mga sumusunod na akdang pampanitikan.

A. Mga Kuwento
1.
2.
3.
4.
5.

B. Mga Tula
1.
2.
3.
4.
5.

C. Mga Karunungang Bayan

1.
2.
3.
4.
5.

3. Ipaliwanag ang katangian ng kontemporaryong panitikan. Paano nito napanatili ang kasiningan ng mga akdang
pampanitikan? (10 puntos)

__________________________________________________________________________________________

10
PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA

Layunin:
a. Maipaliwanag ang katangian ng panitikan sa panahong ito;
b. Makapagsagawa ng malayang talayakan, at
c. Makasulat ng repleksiyong papel tungkol sa paksa at mga halimbawa nito.

Saklaw ng Panahon: Isang Linggo

Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: pagsusulit, pangkatang-gawain, sanaysay

GAWAIN 3:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO: Magsalaysay ng mga posibleng pangyayari sa pananakop ng Kastila.

________________________________________________________________________________________

11
Kaligirang Kasaysayan

➢ Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating

kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong
1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
➢ dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito.
➢ Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago
hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872.
➢ Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
➢ Villalobos – Ang nagpasiya ng ngalang “Felipinas” bilang parangal
sa Haring Felipe II nang panahong yaon, ngunit dila ng mga tao ay
naging “Filipinas”
➢ Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di sibilisado at
pagano ang mga katutubo noon.

➢ Itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo

upang maging sibilisado diumano ang mga tao.
➢ Naniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na
mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik ng mamamayan kaysa sa libong Espanyol.
➢ Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng
misyoneryong Espanyol na pagkaraa’y naging lima.
➢ Ang mga ordeng ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko,
Heswita, at Rekolekto upang pangasiwaan ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
➢ Ang paghati sa pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto
sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.
➢ Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang
nag-aral ng mga wikang katutubo dahil mas madaling
matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang
wikang Espanyol.
➢ Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas
maging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong
banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang
mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-
panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas
mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

Layunin ng Pananakop
➢ Kristyanismo (Ipalaganap ang relihiyon na Kristyanismo)

➢ Karangalan (Gusto nila na ang bansa nila ang

pinakamayaman)

➢ Kayamanan (Gusto nila makuha ang yaman ng iba't ibang

bansa)

12
Mga Pagbabagong Naganap sa Buhay ng mga Pilipino

➢ tinangkilik ang relihiyong Katoliko;

➢ nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag, nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay; nagkaroon ng
mga bahay na tisa at bato; magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
➢ muwebles at mga kagamitang pangkusina;
➢ nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor; natuto silang magdiwang ng mga
kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa;
➢ bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro

Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino

1. Ang Alibata na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang

Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng
mga gawaing makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang
panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi
ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong
Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng
awit, kurido, moro-moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan
sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa
wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng
mga panahong yaon.

Mga Unang Aklat sa Panahon ng Kastila

1. Doctrina Cristiana
➢ kauna-unahang aklat Cristiana na nalimbag sa Pilipinas noon
1593, sa pamamagitan ng silograpiko.
➢ Aklat ito nina padre Juan de Placencia at padre Domingo Nieva.
➢ Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng
mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo.
➢ May 87 pahina lamang.

2. Nuestra Senora del Rosario

➢ ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
➢ Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan
ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang
mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga
tanong at sagot sa relihiyon.

13
4. Barlaan at Josaphat 3. Pasyon
➢ ikatlong aklat na nalimbag sa ➢ aklat na nauukol sa buhay at
Pilipinas. pagpapakasakit ni Kristo.
➢ Akda ito sa Tagalog ni Padre ➢ Binabasa ito tuwing Mahal na Araw.
Antonio de Borja. Orihinal na nasa ➢ Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa
wikang Griyego. Tagalog ang akdang ito, at ang bawat
➢ Ipinalalagay itong kauna-unahang bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng
nobelang nalimbag sa Pilipinas. mga nagsisulat.
➢ Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (
Padre Mariano Pilapil); Version de
Belen (Gaspar Aquino de Belen);
Version dela Merced ( Aniceto dela
Merced); at Version de Guia (Luis de
Guia ).
➢ Isinaalang-alang na pinakapopular ang
Version de Pilapil.

5. Urbana at Felisa
➢ aklat na sinulat ni Modesto de Castro,
ang tinaguriang ´Ama ng Klasikong
Tuluyan sa Tagalog.
➢ Naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Felisa.
➢ Pawang nauukol sa kabutihang-asal
ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t
malaki ang nagawang impluwensya nito
sa kaugaliang panlipunan ng mga
Pilipino

Mga Akdang Pangwika

1. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala

➢ sinulat ni Padre Blancas de San 5. Vocabulario de la Lengua Bisaya

Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas ➢ pinakamahusay na aklat

Pinpin noong 1610. pangwika sa Bisaya na sinulat

2. Compendio de la Lengua Tagala ni Mateo Sanchez noong

➢ inakda ni Padre Gaspar de San 1711.

Agustin noong 1703. 6. Arte de la Lengua Bicolana

3. Vocabulario de la Lengua Tagala ➢ unang aklat pangwika sa Bikol

➢ kauna-unahang talasalitaan sa na sinulat ni Padre Marcos

Tagalog na sinulat ni Padre Pedro Lisboa noong 1754.

de San Buenaventura noong 1613. 7. Arte de la Iloka

4. Vocabulario de la Lengua Pampango ➢ kauna-unahang balarilang

➢ unang aklat na pangwika sa Iloko na sinulat ni Francisco

Kapampangan na sinulat ni Padre Lopez.

Diego Bergano noong 1732.

14
Mga Uri Ng Panitikan

A. PASYON
➢ inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni Kristo.
B. KOMEDYA/MORO-MORO
➢ matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim
noong unang panahon.
C. DALIT
➢ pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.
D. DUNG-AW
➢ binibigkas nang paawit DUNGng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.
E. KARAGATAN
➢ isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng
dalaga.
F. DUPLO
➢ larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
G. KARILYO
➢ pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot
na puti na may ilaw.
H. SENAKULO
➢ isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
I. TIBAG
➢ isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
J. SARSUWELA
➢ isang komedya o SARSUWELA melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
(3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti,
panibugho, pagkasuklam at iba pa.
K. KURIDO
➢ galing sa salitang Mehikanong ´corrido na ang ibig sabihin ay ´kasalukuyang pangyayari
(current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at pumapaksa sa
katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
Halimbawa: Buhay na Pinagdadaanan ni Donya Maria sa Ahas
L. AWIT
➢ tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring
hango sa tunay na buhay.
Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Baltazar

M. PARABULA
➢ kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na landas
ng buhay.
N. KANTAHING-BAYAN- (Folk Songs)
➢ ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba·t ibang pamumuhay at paguugali ng mga tao at ng
mga kaisipan at damdamin ng bayan.
O. SAYNETE
➢ itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga
Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o
katutubo.

Mga Kantahing-Bayan Kahalagahan ng Kantahing

Bayang Pilipino

1. Leron-leron Sinta – Tagalog

➢ Ito ay nagpapakilala na ang ating
2. Pamulinawen – Iloko
diwang makata ay katutubo sa ating
3. Dadansoy – Bisaya
lupain. Ito ay nagpapahayag na tunay
4. Sarong Banggin – Bikol na kalinangan ng Pilipino. Ito ay
5. Atin Cu Pung Singsing – bunga at bulaklak ng matulaing
Kapampangan damdaming galing sa puso at
kaluluwa ng bayan.

15
GAWAIN 4:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

CROSSWORD PUZZLE
PANUTO:

1. Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang at isulat sa kahon.

PABABA PAHALANG
1. Gusto nila na ang bansa nila ang 1. Matandang dulang Kastila
pinakamayaman 2. Kauna-unahang aklat na nailimbag
2. Binabasa tuwing mahal na araw 3. Paligsahan sa pagbigkas ng tula sa
3. Abakadang Filipino lamay
4. Pag-aalay ng bulaklak 4. dulang nagsasalaysay ng buhay at
5. Itinatanghal tuwing Mayo kamatayan ng Poong Hesuskristo
5. Florante at Laura

2. Bakit nais ng mga Kastila na sakupin ang Pilipinas? Ipaliwanag. (5 puntos)

__________________________________________________________________________________

3. Alin sa mga dulang pantanghalang tinalakay ang nanatiling popular hanggang sa kasalukuyan?
Ipiliwanag. (5 puntos)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Bakit mga akdang panrelihiyon at pangkadagandahang-asal ang pinagsikapang ilimbag ng Kastila?

Ipaliwanag. (5 puntos)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

16
PANITIKAN SA PANAHON NG
HAPON
F.
Layunin:
a. Makapagsaliksik tungkol sa ilang halimbawa sa panahong ito;
b. Makagawa ng sariling akda batay sa haiku at tanaga; at
c. Matalakay ang mga paksa sa panahong ito.

Saklaw ng Panahon: Isang Linggo

Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: pagsusulit, oral na partisipasyon, palitang tanong-sagot

GAWAIN 5:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO: Magsalaysay ng mga posibleng pangyayari sa panahon ng Hapon. (5 puntos)

17
Kaligirang Kasaysayan

➢ Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941
➢ Dahil nasa ilalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas.
➢ Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang
panyayaring ito.
➢ Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning
ideya ang panitikang nilikha.
➢ Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil
higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
➢ Sa panahong ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling kwento.
➢ Enero 3, 1942 – Pagtatag ng Batas Militar sa Bansa
➢ Abril 9, 1942 – Bataan Death March
➢ Oktubre 14 – Itinatag ang Republika ng Pilipinas

Layunin ng Pananakop

➢ Mapalawak ang espasyo para sa lumalaking populasyon kaya target nilang makapagpatayo ng imperyo
sa Silangang Asya sa likod ng Greater East Asia Co-prosperity Sphere
➢ Maging imperyalistang bansa

Pagbabago

➢ Ipinagbawal ang Ingles na mga pahayagang magasin gaya ng Tribune at Free Press.
➢ Ipinahinto ang pagproseso ng mga pahayagan maliban sa Liwayway
➢ Nasa ilalim ng pangangasiwa ang panitikan noon
➢ Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles at ibinasura ang mga panitikan na nasa wikang Ingles.
➢ Umunlad ang sistema ng edukasyon sa panahong ito.

Mga Uri ng Akda

Maikling Kwento
➢ Naging maunlad at lubusang namulaklak sa panahon ng mga Hapones
➢ Hindi binigyang-pansin ng mga patnugot ang panlasa ng mga karaniwang mamamayan

Mga Estilo
➢ Ipinakilala ang iba’t ibang sistema ng Panitikan
Dula
➢ Mahalaga sa panahon ng mga Hapones
➢ Pugo at Tugo (mga artista)
➢ Ang mga mabubuting dula ay inilabas sa Avenue Theater at Life Theater
➢ Sino Ba Kayo? Ni Julian C. Balmaceda (Alpahol)
➢ Pitong Taon ni Fidel Sicam
➢ Libangan para sa mga tao upang makalimot sa kawalan at karahasan
➢ Nagkaroon ng puwang sa lipunan at nangako ng magandang hinaharap

18
Panulaan at Nobela
➢ Namalasak ang haiku
• 17 pantig, 3 taludtod
• Matalinghaga at masining ang pagpapahayag
Halimbawa:
Pag-ibig

Hatid ay saya
Sa pusong sumisinta
Irog, halika.

➢ Tanaga ni Ildefonso Santos (Ilaw Silangan)

• 7 pantig bawat taludtod
• May sukat at tugma
Halimbawa:
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
➢ Namayani ang tulang may malayang taludturan
➢ Hindi umunlad ang nobela sa panahong ito dahil sa kakapusan ng papel

Mga Nobela
➢ Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
➢ Pamela ni Adriano Laudico
➢ Magandang Silangan, at Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago

Mga Manunulat Noon

• “Panday Pira” ni Jose Ma. Hernandez

• “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Rodrigo
• “Bulaga” ni Clodualdo el Mundo
• “Sino Ba Kayo?; Dahil sa Anak; Higante ng Palay” ni Julian Cruz Balmaceda
• “Tinubuang Lupa” ni Narciso Reyes
• “Uhaw na Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo
• “Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni NVM Gonzales

Tema ng Panitikan

➢ Sumesentro sa Buhay sa Lalawigan o pagsasaka o

pangingisda
➢ Ugali ng mga Hapon na masipag sa trabaho
➢ Sumesentro sa pagmamakabayan, pag-ibig, kalikasan,
buhay lalawigan, pananampalataya at sining

19
GAWAIN 6:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:_________

PANUTO:

A. Sumulat ng sariling akda batay sa Haiku at Tanaga gamit ang mga paksa saloob ng kahon. (5 puntos
bawat isa)

Haiku Tanaga
Paksa: Pagkabata Paksa: Pag-ibig sa bayan

Paksa: Biyaya Paksa: Pagmamahal sa kapwa

B. Tukuyin ang sagot sa bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Hangarin ng mga Hapones na masakop ang Pilipinas upang maging makapangyarihan sa buong
_______?
a. Mundo
b. Pilipinas
c. Asya
d. Lahat ng nabanggit
2. Naganap ang ikalawang Digmaang pandaigdig sa Asya noong?
a. Hulyo 1937 – 1945
b. Hunlyo 1927 – 1945
c. Hunyo 1937 – 1945
d. Hunyo 1927 – 1945
3. Nakilala ang Haiku na may sukat na ________ sa larangan ng panitikan sa panahon ng Hapon.
a. 7, 7, 7
b. 7, 5, 7
c. 5, 7, 5
d. 5, 5, 5
4. Ipimagbawal ng mga Hapon ang magasing Ingles na gawa ng Amerikano gaya ng _______.
a. Tribune
b. Freelance
c. Free press
d. a at c
5. Anong taon nasakop ng Hapon ang Pilipinas?
a. 1943 – 1946
b. 1944 – 1945
c. 1942 – 1945
d. 1940 – 1943

20
PANITIKAN SA PANAHON NG
AMERIKANO
G.
Layunin:
a. Makapagsagawa ng malayang talakayan;
b. Makapagbahagi tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng panitikang
Amerikano sa Kastila; at
c. Makasulat ng reaksiyong papel tungkol sa paksa.

Saklaw ng Panahon: Isang Linggo

Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: pagsusulit, pagbubuod, venn dayagram, pangkatang-gawain

GAWAIN 7:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO: Batay sa iyong pang-unawa ang salitang “kalayaan” ay nangangahulugang? Ipaliwanag. (5 puntos)

21
Kaligirang Kasaysayan

➢ Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na

sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon.
➢ Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng
pagkakaroon natin ng kalayaan.
➢ Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika
ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat
biglang lumusob ang mga Amerikano.
➢ Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng
pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903.
➢ Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang
1900.

Layunin ng Pananakop

1. Maging isang makapangyarihang bansa na nakatago sa likod ng sinasabi nilang manifest destiny na
kung saan ang estados Unidos ay sadyang itinalaga upang tumulong sa mahihinang bansa at
ipagtanggol ang mga naaapi.
2. Makatagpo ng mapagkukunan ng murang hilaw na materyales at magkaroon ng karagdagang pamilihan
ng kanilang yaring produkto.
3. Makakita ng teritoryong mapagtatayuan ng base- militar

Mga Katangian ng Panitikan

1. Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian

2. Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
3. Nanawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga
Amerikano
4. Nagsisikhay na mapanatili ang identidad o nangongopya ng mga
estilong Kanluranin
5. Hangaring makamit ang kalayaan
6. Marubdob na pagmamahal sa bayan
7. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

Diwang Nanaig

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

22
Mga Impluwensya sa Pananakop ng mga
Amerikano

1. Pagpapatayo ng mga paaralan

2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

Mga Pahayagan sa Panahon Ng Amerikano

2. EL GRITO DEL PUEBLO 1. EL NUEVO DIA

➢ (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) ➢ (Ang Bagong Araw) itinatag ni
itinatag ni Pascual Poblete Sergio Osmena noong 1900
noong 1900

3. EL RENACIMIENTO
➢ (Muling Pagsilang) itinatag ni 4. Manila Daily Bulletin – 1900

Rafael Palma noong 1900

3 Pangkat ng mga Manunulat

1. Maka-Kastila
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog

Mga Dulang Ipinatigil

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino

2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

23
Panitikan sa Kastila

1. CECILIO APOSTOL
➢ may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO
➢ unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI
➢ “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang
Kastila

4. MANUEL BERNABE
➢ makatang liriko
5. CLARO M. RECTO
➢ Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA
➢ ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino

Iba pang Manunulat sa Wikang

Kastila

1. ADELINA GURREA
➢ kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
2. ISIDRO MARPORI
➢ obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
3. MACARIO ADRIATICO
➢ obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan )
4. EFIFANIO DELOS SANTOS
➢ nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na mananalambuhay
5. PEDRO AUNARIO
sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

Panitikan sa Tagalog

- Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at

“URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging
inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
- Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang
Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
- MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos
Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban;
Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio
Carabana; Mar Antonio
MAKATA NG BUHAY :
Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes;
Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez
MAKATA NG DULAAN :
Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio

24
LOPE K. SANTOS
➢ Ama ng Balarilang Tagalog;
➢ OBRA-MAESTRA- Banaag at Sikat

JOSE CORAZON DE JESUS

➢ Huseng Batute;
➢ OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy

FLORENTINO COLLANTES
➢ Kuntil Butil;
➢ OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan

AMADO V. HERNANDEZ
➢ Makata ng mga Manggagawa;
➢ MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang Langit;
➢ Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya;
➢ Bayang Malaya; Ang Panday

VALERIANO HERNANDEZ-PENA
➢ Tandang Anong at Kintin Kulirat;
➢ OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng

INIGO ED REGALADO
➢ Odalager;
➢ OBRA-MAESTRA-Damdamin

Ang Dulang Tagalog

SEVERINO REYES
➢ Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog;
➢ OBRA-MAESTRA- W alang Sugat

AURELIO TOLENTINO
➢ ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan;
➢ OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon
at Bukas

25
HERMOGENES ILAGAN
➢ nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN”
na nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon

PATRICIO MARIANO
➢ sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT”
na siya niyang OBRA-MAESTRA

JULIAN CRUZ-BALMACEDA
➢ “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-MAESTRA

Panitikang Filipino sa Ingles

JOSE GARCIA VILLA

➢ “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa
Ingles

JORGE BACOBO
➢ sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of
Beauty

ZOILO GALANG
➢ sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles
na pinamagatang “A Child of Sorrow”

ZULUETA DE COSTA
➢ nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”

NVM GONZALES
➢ may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered
Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India

26
ANGELA MANALANG GLORIA
➢ umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang
liriko noong panahon ng Komomwelt

ESTRELLA ALFON
➢ ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa
Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE”
at “GRAY CONFETTI”

ARTURO ROTOR
➢ may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang
aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

Iba Pang Panitikan

PEDRO BUKANEG
➢ Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng
Balagtasan

CLARO CALUYA
➢ Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at
nobelista

LEON PICHAY
➢ kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”

JUAN CRISOSTOMO SOTO

➢ Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-
kasingkahulugan ng Balagtasan

ERIBERTO GUMBAN
➢ Ama ng panitikang Bisaya

27
GAWAIN 8:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:_________

PANUTO:
A. Itala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng panitikang Kastila at Amerikano gamit ang venn dayagram.
(10 puntos)

B. Isalaysay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Amerikano batay sa iyong pagkakaunawa.
(5 puntos)
_________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

C. Ilarawan ang naging kalagayan ng panulaan sa panahon ng pananakop ng Amerikano. (5 puntos)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

D. Sa paanong paraan nakatulong ang mga Amerikano sa mga Pilipino? Ipaliwanag. (5 puntos)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

28
PANITIKAN SA KASALUKUYANG
PANAHON
Layunin: H.
a. Makapagbahagi ng karanasan tungkol sa iba’t ibang uri ng akda sa panahong
ito;
b. Makabasa ng ilang akda na nailimbag sa panahong ito; at
c. Makabuo ng sariling akda batay sa paksa.

Saklaw ng Panahon: Isang Linggo

Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: Maikling pasulit, bagyuhang-utak, palitang tanong-sagot,

GAWAIN 9:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:_________

PANUTO: Ilarawan ang kasalukuyang panitikang Pilipino batay sa mga sumusunod na salita.
(5 puntos bawat isa)

1. Mailking Kuwento
____________________________________________________________________________

2. Awit

3. Dula

4. Tula

29
Kaligirang Kasaysayan

➢ Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na

kalayaan na nawala rin ng may labing-apat na taon.
➢ Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang
ika-25 ng Pebrero 1986 ay namayani ang tinatawag na “People’s
Power” o Lakas ng Bayan
➢ Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng
mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino
➢ Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-
kamay at balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga
ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa
tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang “rebelde” – Enrile at Ramos, pagkat sumama sa
pangkat ni Aquino.
➢ Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng mga pagkain at
inumin
➢ Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan,
pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa
kapwa, pananalig sa Panginoon, at marami pang iba na iisa ang tibok ng
puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, marunong man o mangmang,
mayaman man o mahirap.
➢ Isinilang ang bagong uri ng Pilipino – ang mga Pilipinong marunong
magmalasakit sa kapwa, kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa
sa salita man o sa gawa. At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa
lamang ang tunay na bagong Republika – “ang Tunay na Bagong
Republika ng Pilipinas”.

Kalagayan ng Panitikan

➢ Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may
mababakas ng pagbabago sa ating panitikan.
➢ Ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga
PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA sa TELEBISYON

Panulaan sa Kasalukuyan

➢ Ang mga tula ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga
makata:
a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawain
b. Pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan

Halimbawa:

Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo

➢ Dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa kanilang mga
puso ay mababakas na nag-uumapaw.
➢ Walang pakundangan nilang naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag

30
Awiting Pilipino

➢ Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena

➢ Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting
nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang
Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan.
➢ Ang Binuhay na Awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat
ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon
sa mga radyo at telebisyon
➢ Dahil sa pagiging makasaysayan ntio noong nakaraang matahimik na
rebolusyon, iminungkahi ngayon sa “Constitutional Commission” na
gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas

Sanaysay

➢ Damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit sa bagong kalayaan

Maikling Kwento

➢ Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa naging nakagawiang pagsusulat ng
mga makata noong panahon ng Hapon
➢ Noong panahon ng Hapon na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang
wika
➢ Kaya’t nailimbag sa gintong pahina ng panitikang Filipino ang maikling kwento
➢ Bagama’t sa panahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang katha, nanumbalik, nag-
ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento
➢ Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay
napapansin.
➢ Naging matimpi ang ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy.
➢ Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito’y tinawag na kontemporaryong
maikling kwento

Radyo at Telebisyon

➢ Maririnig na sa kasalukuyan at nakapagpapahayag na ng tunay na

niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa
radyo at mga lumalabas sa telebisyon
➢ Marami sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan
pawang laman ng bibig ay ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng nasa pwesto

Pahayagan, Magasin, at iba pang

Babasahin

➢ Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila na rin ito ng pagpapanumbalik sa karapatan ng lahat ng
mga Pilipino hinggil sa pamamahayag
➢ Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito
• Inquirer
• Manila Bulletin
• Manila Times
• Philippine Standard

31
Panitikan sa Computer Age

➢ Chat, FB, twitter, IG, tumblr, youtube, jejemon, unli, website, usb, e-mail,
download, wifi, connect, burn, scan, cd atbp.
➢ Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika at
masasabing dulot ng teknolohiya
➢ Dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang
pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan.
➢ Mabilis din ang pagbabago sa papel na ginagampanan ng impormasyon
sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip
➢ Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya –
ang kompyuter, cellphone, at internet
➢ Naging biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa internet, ng
pamamahayag ang blogging – isang anyo ng pagsusulat sa espasyo
sa internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may internet
akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang
pandaigdigang saklaw.
➢ Kasunod na sumulpot ay ang networking sites gaya ng friendster at
facebook, naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang
saloobin hinggil sa isang bagay
➢ Cellphone – nabago nito ang pang-araw-araw na komunikasyon; dito nabuo ang Hu-U-ismo at
jejemonismo
➢ Computer – LOL, BRB
➢ Internet – dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan ang
pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa isyu

32
GAWAIN 10:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO:
A. Isalaysay ang mga mahahalagang pangayayaring naganap sa panitikan ng kasalukuyang panahon gamit
ang webbing/ paghahabi na dayagram. (20 puntos)

33
Panitikang Tradisyunal at
Panitikang Popular

Layunin:
a. Makapaglahad ng kaalaman tungkol sa pagkakaiba ng panitikang tradisyunal at
popular; at
b. Makapagbahagi ng ilang halimbawa batay sa dalawang panitikan.
Saklaw ng Panahon: Isang Linggo
Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: Maikling pasulit, pagpapabasa ng handouts, oral na
partisipasyon

GAWAIN 11:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO: Batay sa iyong sariling pang-unawa, ipaliwanag ang panitikang tradisyunal at panitikang popular.
Magbigay ng halimbawa. (10 puntos)

Panitikang Tradisyunal Panitikang Popular

Paliwanag: Paliwanag:

Halimbawa: Halimbawa:

34
PANITIKAN

➢ Isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
➢ Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.

MGA URI NG PANITIKAN

1. PANITIKANG TRADISYUNAL
➢ Ito ang kinagisnang paniniwala sa sariling panitikan ng bansa.
➢ Lundayan ng pamumuhay ng sangkatauhan mula sa kanilang paniniwala, kalinangan,
kasanayan, karunungan at pagpapahayag ng damdamin, imahinasyon at isipan, pagkatao at
pagkatuto, presentasyon ng lahi’t kaukulan, pagpapahalagang moral at paghabi ng kasaysayan
at paglinang sa bawat sibilisasyon.

TULUYAN DULA TULAAN

Alamat Ritwal Karunungang Bayan
Kwentong Bayan Seremonya sa iba’t ibang Salawikain
Kwentong Kababalaghan pagtatanghal Bulong
Pabula at Parabula Sarsuwela Bugtong
Anekdota Komedya Kasabihan
Sanaysay atbp. Balagtasan Pamahiin
Bodabil Awiting Bayan
Moro-moro Epiko
Awit at Korido Pasyon
Senakulo

KATANGIAN NG PANITIKANG TRADISYUNAL

➢ silbing kasagutan sa mga bagay at penomenang di kayang ipaliwanag noon

➢ kadluan ng mga karunungan at presentasyon ng mga sining at kasanayan
➢ buntunan ng mga pangarap at imahinasyon
➢ nagpapakilala ng kadakilaan at kaibahan ng isang lahi
➢ may pagka-de-kahon, mapandikta at maklumang oryentasyon sa paniniwala’t gawa
➢ nakasentro ang pagtanaw sa pagpapaunlad ng sariling bansa
➢ silbing kalinangan para sa pambansang kapakanan at kalayaan

2. PANITIKANG POPULAR
➢ Makabagong anyo ng panitikang sumusubaybay at nagpapakita sa kasalukuyang pamumuhay ng
tao sa lipunan.
TULUYAN ISIP AT DULA TULAAN
Korean and Mexican Novel Kulturang Mall OPM
Pelikula Amusement/ Entertainment K-Pop
Radyo Bar and Resto (Comedy Bar) Flip top
Komiks Trend/ Passion MTV
Animation Media Attack and Internet Youtube
Mga babasahin TV satation competition Pick-up tune
Game show
Gimik trip
FB, Youtube, Cyber sex
scandal
Advertisement

35
KATANGIAN NG PANITIKANG POPULAR
➢ Nagbubuklod ng pansariling identidad
➢ Nagpapatingkad ng makabagong anyo ng buhay at pamumuhay sa lipunan
➢ Walang direksyon at napapatangay sa agos ng panahon
➢ Malawak at may panlalason sa utak at di-nasyonalismo
➢ May malayang sining ngunit walang pinipiling okasyon, panahon at pagkakataon

PAGKAKAIBA NG PANITIKANG
TRADISYUNAL AT POPULAR

➢ Ang panitikang tradisyunal ay salalayan ng pamumuhay ng tao noon, samantalang ang panitikang
popular ay nagpapakita kung papaano nabubuhay ang tao sa lipunan, kaya kung ano ang aktuwal
na pamumuhay sa kasalukuyan ito ang panitikang popular
➢ Malaki ang kaibahan ng panitikang popular sapagkat ito ay patuloy na yumayabong at umuunlad
dahil sa globalisasyong pamumuhay sa lipunan. Sumusunod ito sa agos ng panahon kung ano ang
trend

PAGKAKATULAD NG PANITIKANG
TRADISYUNAL AT POPULAR

➢ Kapwa nagbibigay buhay, saya at sigla

➢ Buntunan ng mga pangarap at mithiin
➢ Pantakip lumbay at kabiguan
➢ Kuhaan ng pag-asa at lakas ng loob
➢ Hulmahan ng identidad
➢ Ekspresyon ng kagalingan at kasiningang pantao
➢ Kaakibat ng kultura at kabihasnan

TRADISYUNAL POPULAR
Gabay sa buhay Paraan ng pamumuhay
Kinamihasnan Kinagigiliwan/ malayang sining
Salin-dila Kwadro-midya/ Goss midya
Dula Passion, fashion, trends
Paniniwalang katutubo at tradisyon Modernong pamumuhay/ globalisasyon
Kwentong bayan/ karunungang bayan/ Telebisyon, radyo, komiks, at pelikula
tanghalan Amusement/ entertainment/ kulturang mall
Salalayan ng lahi at kabihasnan Representasyon ng identidad

36
GAWAIN 12:

Pangalan:_______________________ Marka:__________
Iskedyul ng klase:_________________ Petsa:__________

PANUTO:
A. Isulat ang letrang T kung ang tinutukoy ay Tradisyunal na panitikan at P naman kapag Popular na
panitikan ang tinutukoy.
________ 1. OPM ________ 6. Kasabihan
________ 2. Anekdota ________ 7. Comedy bar
________ 3. Komedya ________ 8. Senakulo
________ 4. K-pop ________ 9. FB
________ 5. Bugtong ________ 10. Komiks

B. Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng panitikang tradisyunal at popular batay sa iyong sariling
pang-unawa gamit ang venn dayagram. (15 puntos)

37
SANGGUNIAN

Aklat

Sauco, N. et al. (1997). Panitikang Pilipino. Katha Publishing, Inc.

Website

Baga-an, C. (2019). Kontemporaryong Panitikan. Nakuha mula sa

https://www.slideshare.net/christinebagaan/kontemporaryong-panitikan-136078792
Bulayo, J.A. Panitikan sa Panahon ng Amerikano. Nakuha mula sa
https://www.academia.edu/26063683/PANITIKAN_SA_PANAHON_NG_AMERIKANO
Kasaysayan ng Matandang Panahon. Nakuha mula Sa https://pdfcoffee.com/qdownload/kaligirang-kasaysayan-
ng-panitikan-ng-matandang-panahon-at-panahon-ng-kastila-pdf-free.html
Mga Anyo ng Kontemporaryong Pilipino. Nakuha mula sa https://pdfcoffee.com/syllabus-ge-12-mga-anyo-ng-
kontemporaryong-panitikang-pilipino- 1-pdf-free.html
Valerie F. (2013). Panitikan sa Panahong Kontemporaryo. Nakuha mula sa
https://prezi.com/tsdm4mgbdcq7/panitikan-sa-panahong-kontemporaryo/

38

You might also like