You are on page 1of 24

2

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 4:
Pagpapahayag ng Damdamin,
Ideya o Reaksiyon
2

Filipino – Ikalawang Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4 Pagpapahayag ng Damdamin, Ideya o Reaksiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hajija S. Abedin Norhaina G. Dagloc Eduard Federick P. Palec


Editor: Eduard Federick P. Palec, Jose Vic F. Hurtada
Tagasuri: Jay Sheen A. Molina, Reggie B. Enriquez, Alma G. Segura, Era D. Tanion
Tagaguhit:
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan – CID Chief
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Address:Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 4:
Pagpapahayag ng Damdamin,
Ideya o Reaksiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikalawang
Baitang ng Self-Learning Module para sa araling Pagpapahayag
ng Damdamin, Ideya o Reaksiyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ikalawang Baitang ng
Self-Learning Module ukol sa Pagpapahayag ng Damdamin,
Ideya o Reaksiyon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

1
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
Isaisip upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

2
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
Karagdagang
pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
Susi sa Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

3
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, umaasa kami na
makakaranas sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

4
Alamin

Magandang araw mga bata! Maligayang pagdating


sa ikaapat na modyul ng ikatlong markahan. Bago tayo
magsimula siguraduhin mong kasama mo ang iyong
magulang/guro o sino man na gagabay sa iyo. Handa ka
na ba? Atin nang simulan ang ating talakayan.

Ang modyul na ito ay tumutugon sa:

● Naipahahayag ang mga angkop na damdamin,


ideya o reaksiyon

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
● Makapagpahayag ng damdamin, ideya o reaksiyon
at maipahayag batay sa kanilang nararamdaman.

1
Subukin

Gawain ng Magulang:
Babasahin ang nakasulat sa modyul na ito para
maging gabay ng inyong anak upang malaman ang
leksyon na dapat niyang maintindihan. Ikaw ang
magiging kahalili ng guro upang matiyak ang pagkatuto
ng iyong anak.

Gawain ng Mag-aaral
Sagutin ang gawain nang may pag-unawa.
Gawain 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming
ipinahahayag ng mga sumusunod na larawan. Isulat ito
sa mga patlang na inilaan sa bawat bilang.

masaya malungkot galit takot

1.____________ 3.____________
____ ____

2.____________ 4.____________
____ ____

2
Aralin
Pagpapahayag ng Damdamin,
5 Ideya o Reaksiyon

Balikan

Panuto sa Mag-aaral: Salungguhitan ang salitang


naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Ang bulaklak ay mabango.


2. Kami ay may malaking bahay sa nayon.
3. Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi.
4. May bago kaming alagang aso.
5. Sariwa ang mga gulay na nabili ni Nanay.

Tuklasin

Gawain ng Mag-aaral:
Basahin nang may pag-unawa.

Ang damdamin ay tinatawag ding isang emosyon


na ang ibig sabihin ay pansariling tugon sa isang
bagay, tao o pangyayari. Nararamdaman ito ng isang
tao depende sa kaganapan sa kanyang buhay.

3
Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga


pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang
padamdam (!)
Hal.:
• Naku po, hindi ko kayang magsalita!
• Ang sakit ng sinabi mo sa akin!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o


dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Halimbawa:
• Aray! Nasugatan ako ng kutsilyo.
• Wow! Ang bango ng niluto ni nanay.

Tandaang ang maikling sambitla ay yaong mga


salitang binubuo lamang ng iilang salita o isang kataga
lamang habang ang pangugusap na padamdam ay
gumagamit ng padamdam (!)alinsunod sa kanyang
emosyon o damdaming ipinapahayag tulad ng
lungkot, tuwa, pagkagulat sa pangungusap.

Kahanga-hanga! Ngayon naman ay iyong


babasahin at pag-aaralan ang kuwento sa susunod na
pahina.

4
Gawain ng Magulang:
Gabayan ang bata sa pagbabasa.

Ang Halamanan ni Helen


Si Helen ay masipag na bata. Ang kanilang
halamanan ay nasa kanilang bakuran, sa Kalye
Maharlika. Alagang-alaga niya ang kanyang mga tanim
na gulay at bulaklak. Napakaganda ng kaniyang mga
gulay at mga bulaklak.
Napakaganda ng kaniyang mga rosas at mga
sampagita. Tamang-tama na gawing kuwintas at ipagbili
kay Gng. Flores, ang may-ari ng tindahan ng mga
bulaklak.

Isang umaga, nagising si Helen na sirang-sira ang


kaniyang halamanan. Nakatumba ang mga puno ng
bulaklak. Wala ng dahon ang mga gulay. Nalungkot si
Helen. Isang misteryo sa kaniya ang nangyari. Nag-
imbestiga si Mang Rodel, ang tatay ni Helen. Inikot niya
ang paligid ng bakuran. Pinuntahan din niya ang likod
bahay at kulungan ng mga hayop. Nakita ni Mang Rodel
ang mga bakas ng mga paa ng kambing sa buong
paligid. Sa hindi kalayuan ay Nakita niya si Goryo, ang
paboritong alagang kambing ni Helen.

Helen Mang Rodel kambing halamanan

5
Binabati kita at natapos mo ang araling ito sa tulong
ng iyong magulang. Subukin natin ang iyong kaalaman
sa mga susunod na bahagi ng modyul na ito

Suriin

Kumusta ang iyong paglalakbay? Nagagalak ako at


nakaabot ka sa bahaging ito. Alam kong kayang-kaya
mo pa kaya’t magpatuloy tayo.
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Gawain ng mag-aaral
(Sagutin ang gawain ng may pag-unawa.)

Panuto: Basahin at sagutin mo ang mga sumusunod na


katanungan. at isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


_____________________________________________________
2. Saang lugar matatagpuan ang halamanan?
_____________________________________________________
3. Ano-ano ang mga bulaklak ang nabanggit sa
kuwento?
_____________________________________________________
4. Sino ang tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________

6
Pagyamanin
Gawain 1
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Gawain ng mag-aaral
(Sagutin ang gawain ng may pag-unawa.)
Panuto: Buuin ang pangungusap. Kulayan ang bilog ng
may tamang damdaming ipinakita ng tauhan sa
kuwento. Gawin ito sa iyong sanayang papel.

1.Alagang-alaga ni helen
ang kanyang tanim na mga
gulay at mga bulaklak.

nasisiyahan nagtatampo naaawa

2. Isang umaga, nagising si


Helen na sirang-sira ang
kaniyang halamanan.

nasisiyahan nalungkot nanginig

7
3. Maaari nang ibenta ang
mga bulaklak na rosas at
sampagita.

nasisiyahan sabik na sabik nagalit

4. Nakatumba ang mga puno


ng bulaklak. Wala ng dahon
ang mga gulay.

nagmamahal natakot nanghihinayang

5. Inikot ni Mang Rodel ang


paligid pati ang likod ng
bahay at nakita ang bakas ng
paa ng kambing.

nagulat nasiyahan nagtatampo

8
Gawain 2

Gawain ng magulang/guro
Gabayan ang bata sa pagbabasa at pagsagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain nang may pang-unawa.

Panuto: Buuin ang pangungusap tungkol sa iyong


nararamdaman.

Ako ay masaya dahil__________________________

Ako ay malungkot dahil_______________________.

Ako ay nagagalit dahil_____________________.

Ako ay natutuwa dahil_______________________.

9
Isaisip

Gawain ng magulang/guro
Gabayan ang bata sa pagbabasa at
pagpapaliwanag.

Kaya pa ba? Magaling, Alam kung kayang-kaya mo


ito. Alamin natin ang sumusunod.
Ang damdamin ay tinatawag ding isang emosyon na
ang ibig sabihin ay pansariling tugon sa isang bagay,
tao o pangyayari.
1. Mga Pangungusap na Padamdam –Ito ay mga
pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang
padamdam (!)

2. Maiikling Sambitla –Ito ay mga sambitlang iisahin o


dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.

10
Isagawa

Gawain ng magulang/guro
Gabayan ang bata sa pagbabasa at pagsagot.
Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain ng may pag-unawa.
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa patlang
kung ito ay napapabilang sa mga salitang sambitla at
malungkot na mukha naman kung hindi.
______1. galing! _______6. aklat
______2. papel _______7. kama
______3. baso _______8. naku!
______4. yehey! _______9. grabe!
______5. lagot! _______10. Bote
GAWAIN 2
Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinapahayag ng
pangungusap. Piliin at isulat ang titik sa patlang bago
ang bilang.
a. pagkahiya b.pagtatampo c. pagrereklamo
d. pagkatuwa e.pagkagalit

____1. Bakit mo sinulatan ang dingding?!


____2. Yehey! Bumalik na ang aso ko sa bahay.
____3. Ayaw kumanta ni Erika sa harapan kaya siya ay
napayuko.
____4. Buong araw nakabukas ang electric fan! Sayang
ang kuryente!
____5. Hindi ako sasama sa inyo. Hindi niyo naman ako
gusto.

11
Tayahin

Gawain ng magulang/guro
Gabayan ang bata sa pagbabasa at pagsagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain ng may pag-unawa.

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong reaksyon o
mararamdaman batay sa mga larawang naibigay sa
ibaba.

1. Nanonood ng telebisyon 4. Kumikidlat!


kasama ang pamilya.

_____________________________ ________________________________
2.Umaawit kasama ang 5. Inaagaw sa iyo
angmga kaibigan. iyong laruan.

_________________________ __________________________
12
3.Lumipad ang lobong binili 6. Hinabol ka ng aso.
sa iyo ng iyong tatay.

_________________________ __________________________

Karagdagang Gawain

Gawain ng magulang/guro
Gabayan ang bata sa pagbabasa at pagsagot.

Gawain ng mag-aaral
Sagutin ang gawain ng may pang-unawa.
Panuto: Magtala ng limang halimbawa ng mga sambitla.

1.
2.
3.
4.
5.

13
14
Isagawa Subukin
1.galit
Gawain 1 2.masaya
1. 3.takot
2. 4. malungkot
3.
Balikan
4.
1.mabango
5.
2. malaki
6.
3. malamig
7. 4. bago
8. 5. sariwa
9.
10. Suriin
Gawain 2 Ang Halaman ni Helen
Kalye Maharlika
1.pagkagalit rosas, sampagita
2.pagkatuwa
3.pagkahiya Pagyamanin
4.pagrereklamo Gawain I
5.pagtatampo nasisiyahahan
nalungkot
Tayahin at Karagdagang sabik mna sabik
gawain nanghihinayang
nagulat
Nakasalalay sa guro ang
pagwawasto Gawain 2
Nakasalalay sa guro ang pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Websites

https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/paraan-ng-
pagpapahayag-ng-emosyon-o-damdamin/
https://brainly.ph/question/1823959
https://www.slideshare.net/jedithagustin/k-to-12-filipino-grade-2-
lm

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like