You are on page 1of 16

Surigao State College Of Technology

Lungsod Surigao

Unang Markahan

Masusing Banghay Aralin

Baitang IX

Taong Panuruan 2020-2021

I. INAASAHANG BUNGA
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang malinang ang
sumusunod:

Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng
malikhaing paghihikayat tungkol sa isang book
fair ng mga akdang pampanitikan sa Timog-
Silangang Asya.. (K-12 Gabay na Kurikulum)
Kasanayan sa Pagkatuto Tiyak na Layunin
1. Nabubuo ang sariling paghatol o
Pag-unawa sa binasa pagmamatuwid sa mga ideyang
(F9PB-Ia-b-39) nakapaloob sa akda.
2. Nakasasagot sa gabay na tanong na
inilahad mula sa maikling kwentong
binasa.
3. Napagsusunod-sunod ang binasang
kwento sa pamamagitan ng Jigsaw
Reading.
Paglinang ng talasalitaan 4. Nabibigyang-kahulugan ang
(F9PT-Ia-b-39) mahihirap na salitang ginamit sa akda
batay sa denotibo o konotibong
kahulugan.
Wika at Gramatika 5. Nagagamit ang mga pang-ugnay
(F9WG-Ia-b-41) (transitional device) na hudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.
Pagpapahalaga 6. Napapahalagahan ang mga panitikan
na mula sa Timog-Silangang Asya sa
pamamagitan ng paggawa ng isang
patalastas na nagsusulong sa
kagandahan ng mga panitikan mula sa
mga bansang kasapi.

II. NILALAMAN
A. PANITIKAN: Yunit 1 Aralin 1 Ang Ama ( Maikling kwentong makabanghay)
B. GRAMATIKA: Transitional devices

III. KAGAMITANG PANTURO


A. SANGGUNIAN

1. Gabay ng Guro- Wala


2. Kagamitang Pang mag-aaral- Wala
3. Teksbuk- Aklat ng Baitang 9 Panitikang Asyano

B. Iba pang Kagamitang Panturo

Pantulong biswal, mga larawan, kartolina, pentel pen, aklat


IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PAGSISIMULA

Magsitayo ang lahat para sa panalangin, Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo
pangunahan mo ito Ginoong Sila Amen......

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po Bb. Menil

Bago kayo magsiupo, pulutin niyo muna ang mga


kalat sa sahig at itapon ito sa tamang lagayan. (nagsipulot)

Tapos na ba, klas?


Opo, ma’am! Tapos na po!
Mabuti naman. Magsiupo na kayo upang maitala
ko na ang inyong attendance. Sabihin lamang ang
katagang ate kapag ikaw ay babae at kuya naman
kung lalake. Kung wala ay sabihin ang katagang
bunso.

Bonilla Ate!
Edon Kuya!
Fallado Ate!
Saga Kuya!
Villacencio Ate!

Magaling klas, sa unang pagkakataon ay walang


lumiban sa klase. Dahil diyan ay bigyan ninyo ng
isang masigabong palakpak ang inyong mga sarili.

(Pumalakpak ang buong klase)

Alam ba ninyo klas na nanggaling ako sa


Singapore kahapon?
Weee? Pwera biro po maam? Ang bilis niyo naman
po nakabalik.

May dahilan kung bakit mabilis akong nakabalik


klas. Ito ay dahil sa mahiwagang mapa na
ipinagkaloob sa akin. Gusto niyo rin ba makapunta
sa ibang lugar klas? Opo maam!

Kung ganoon, tanggapin niyo ang mapang


ibibigay ko upang sa gayon ay hindi kayo mawala (Sabay-sabay na sasagot)
sa ating mahabang paglalakbay. Maghanda na at Opo maam!
papasok na tayo sa mapa. Tara na!

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN

Bago tayo pahintulutan ng mapa sa ating


paglalakbay, kailangan ayusin muna natin ang
mga salitang nasa inyong harapan. Sino ang uang
sasagot upang makapaglakbay na tayo?

1. maA

Nahulaan ba ninyo klas? (Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay at


sasagot)
Opo maam. Sa unang bilang po ay Ama ang sagot.

Magaling! Sinong sasagot sa pangalawa?


Ako po maam. Tatay naman po ang sagot sa
pangalawang bilang.

Tama! Aba, magagaling pala kayong manghula!


Sige, sa pangatlo sino ang sasagot? Ako po maam! Papa naman po ang sa pangatlo.

Tumpak! Sa huling bilang naman, sino ang


makakasagot?
Maam, ako po! Daddy po ang sagot sa panghuling
bilang!

Nakuha ninyo mga bata! Magagaling pala kayo


sa hulaan. Mabuti, at dahil diyan makakapasok na
tayo sa mapa. Habang tayo ay naglalakbay sa
loob ng mapa, nais kong alalahanin ninyo ang
paborito ninyong pasalubong mula sa inyong
tatay.

Binibining Bonilla, ano ang iyong naaalala?


Naaalala ko po ma’am na laging may dalang ice
cream si Papa tuwing sahod niya.

Mukhang tuwing sweldo ay inaabangan mo ang


pa-ice cream ng papa mo Binibining Bonilla. Sino
pa sa inyo ang may alaala ng kanilang paboritong
pasalubong mula sa kanilang ama?
(Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay
upang sumagot)

Sige Ginoong Saga, ano ang naaalala mong


pasalubong ng iyong ama?
Masaya po kaming mag-anak sa tuwing may
dalang pansit si Tatay, lalo na kung mainit-init pa.

Mukhang nakakatakam naman ang alaala mong


iyon Ginoong Saga. Ibig sabihin lamang nito ay
naging masaya ang inyong kabataan lalo na at
palaging may ice cream at pansit na uwi ang
inyong mga ama.
Ngunit alam ba ninyo klas na hindi lahat ng ama
ay nag-uuwi ng pasalubong para sa kanilang
pamilya? Ano sa tingin mo Binibining Villacencio?
Opo maam, mayroon pong ganoong klase ng ama.
Pero hindi naman po ibig sabihin niyon ay hindi na
niya mahal ang kaniyang pamilya, ‘di po ba?

Tama ka. Pero alam ba ninyo na may mga amang


hindi nagbibigay ng pasalubong sa kanilang mga
anak dahil sa kawalan ng pera at madalas dahil
nauubos na ito sa bisyo. May alam ba kayong
halimbawa ng bisyo?
(Magtataas ng kamay at sasagot)
Pag-inom po ng alak.

Nakuha mo Binibini! Alam ba ninyo klas ang


epekto ng pag-inom ng alak sa pamilya?
Hindi na po nakakabili ng pangangailangan ng
pamilya.

Tama ang iyong sinabi Ginoong Edon. Ano kaya


sa tingin ninyo ang mangyayari sa mga pamilya
kapag hindi naibigay ng ama ang kanilang mga
pangangailangan? Hindi po makakapag-aral ang mga bata at higit sa
lahat ay hindi sila makakakain ng maayos dahil
napupunta lang sa paglalasing ng ama ang
kaniyang pera.

Naku! Tumpak na tumpak ang sinabi mo


Binibining Fallado! Kapag ang isang ama ay
nagkulang sa pagbibigay ng pangangailan ng
kaniyang ag-anak maaaring magkakaroon sila ng
malnutrisyon o hindi rin makakapag-aral.

C. PAG-UGNAY NG HALIMBAWA SA BAGONG


ARALIN

Habang tayo ay naglalakbay sa loob ng mapa,


may ipahuhula ulit ako sa inyo klas. Makikilala
niyo ba silang dalawa?
Maaari niyo bang ilahad sa klase kung ano ang
nangyari kina Hansel at Gretel? Opo maam! Sila po ang magkapatid na Hansel at
Gretel.
Iniligaw po sila ng kanilang ama sa kakahuyan.

Bakit kaya sila iniligaw ng kanilang ama?


Dahil po wala na silang makain kaya po sila
iniligaw ng kanilang ama sa kakahuyan.

Magaling! Sa tingin mo tama ba ang ginawa ng


kanilang ama?
Sa tingin ko po ay hindi dahil kaawa-awa naman
po ang lagay ng dalawang bata.

Tama. Kahit gaano ang dinaranas na hirap sa


buhay ay hindi dapat na pabayaan o abandunahin
ang mga anak.
May ganoon po palang klase ng ama, maam?

Aba, oo naman. Katulad iyan ng ating aralin sa


araw na ito. Alam ba ninyo kung tungkol saan ito?

Sa tingin ko po ay tungkol sa pamilya maam.


Partikular po sa ama dahil iyon po ang pinahulaan
Malalaman natin iyan habang tayo ay naglalakbay ng mapa bago tayo nag-umpisa.
sa loob ng mapa. Kaya makinig ng mabuti at
iwasan ang paghawak sa inyong cellular phone
upang hindi kayo mawala sa loob ng mapa.

Handa na ba kayo klas? Handa na po!

D. PAGTATAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT


PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN

Kaya buksan ninyo ang inyong mga aklat sa


pahina 19.
Ang kwentong Ang Ama po maam
Ano ang nakita ninyo?

Mula po sa Singapore.
Alam ba ninyo klas kung saan galing ang
kwentong Ang Ama?

Ang kwentong Ang Ama ay salin ni Mauro R.


Avena. Isa itong uri ng kwentong makabanghay
na mula sa Singapore.

Kaya klas, basahing mabuti ang kwento. Upang


hindi kayo mawala sa loob ng ating mapa,
bibigyan ko kayo ng mga gabay upang sa inyong
paglalakbay ay hindi kayo maligaw.

Basahin ninyo ng sabay-sabay klas at unawain


ng sa gayon habang nagbabasa kayo ay may
titimo sa inyong isipan.
(Nagbasa na ang klase.)
Naintindihan ba ang ang mga gabay na tanong
klas?
Kung wala ng katanungan ay maaari na kayong
magsimula.

Okay po maam.

ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang
araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng
mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo
sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng
kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa
maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang
babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat
ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na
nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-
palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at
masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang
nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama;
ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at
nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi
ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga
daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking
kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng
kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan
ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa
malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong
ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na
parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib
sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit
siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at
matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa
kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan
naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na
sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas.
Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi
ng kanyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng
dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng
ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito
nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang
ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa
tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa
ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang
nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad
ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa
malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero
mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga
anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy
(na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang
amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang
lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa
sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang
nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno
niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-
bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang
amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang
papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang
muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na
supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang
kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho
Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay
nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay
nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't
nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang
lumabas ito ng kanyang kwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang
senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha
nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na
wari'y kanila na sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig
ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay
sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at
sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang
sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan.
Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito.
Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa
katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

Tapos na ba, klas?


Opo maam!

Mabuti naman kung ganoon, klas.

Subukan naman natin kung may naintindihan


kayo sa inyong binsa.

L#1
Sa palagay ninyo, ano kayang uri ng panitikan
ang binasa ninyo? Isa po itong maikling kwento maam.

Maliban sa pagiging maikling kwento, ano pa? Oh


ikaw, Bb. Bonilla, ano sa tingin mo?
Maikling kwentong makabanghay po siya maam.

Bakit siya tinawag na maikling kwentong


makabanghay G. Edon? Dahil may pagkakasunod-sunod po siya maam.

Siya, ating alamin kung ano ang ibig sabihin nito.


Maglakbay ulita tayo sa loob ng mapa at alamin
kung ano ang ibig sabihin ng maikling kwentong
makabanghay.

Maikling kwentong makabanghay ay isang sa mga uri


ng maikling kwento. Ang tanging katangian ng
kwentong makabanghay ay ang pagbibigay diin sa
maayos na daloy ng mga pangyayari sa bawat kwento.
Nakakatulong ito upang mas maorganisa ang kuwento
kahit maikli lamang ito. At mas naiintindihan din ang
nais iparating ng kuwento.

Read more on Brainly.ph -


Alam niyo ba klas na ang kwentong Ang Ama
ay isang uri ng kwentong makabanghay na
nakatuon sa pagkabuo ng ng pangyayari?
Natutuko natin habang ating binabasa ang
kwento ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari pati na rin ang estilo ng may akda.

Ngayon klas, naintindihan na ba kung ano ang


ibig-sabihin ng maikling kwentong
makabanghay? Naiintindihan po namin ng lubos maam. Ganoon po
pala ang ibig sabihin ng maikling kwentong
makabanghay.

Bilang naiintindihan na ninyo ang ibig-sabihin


ng maikling kwentong makabanghay, sagutan
naman ninyo ito:

L#4
Paglinang ng Talasalitaan

Bigyan ninyo ng kahulugan ang mga salitang


nasa harapan:

1. Kaluwagang-palad
2. matigas ang loob
3. bumulwak ang wagas na
pagmamahal
4. nagpapangilo sa nerbiyos

Tapos na ba klas? (Itataas ang kamay at sasagot)


Sinong sasagot sa unang bilang? Pagiging mapagbigay po ang ibig-sabihin niyan
maam.

Tumpak! Sino pa ang gustong sumagot? Ano


naman ang ibig sabihin ng matigas ang loob? Ako po maam! Hidi madaling magbago ang isip o
ang prinsipyo maam!

Sa pangatlong bilang po ay ipinahayag o


ipinahiwatig ang tunay na pagmamahal.

Ako naman po sa panghuling bilang. Ibig sabihin po


niyon ay nagpapalubos sa takot.
Aba! Mukhang magagaling kayo sa
talasalitaan.
Tama ang inyong mga sagot mga bata.

Dahil diyan, susubukan ko naman kung gaano


ang inyong natutunan habang kayo ay
naglalakbay sa loob ng mapa.
Isalaysay ninyo ang kwentong Ang Ama base
sa sa pagkakasunod-sunod ng isang kwento.
Simulan niyo na klas.

Opo maam.
L#3
Pangkatin sa dalawa ang klase. Sa pamamagitan ng jigsaw reading ay isaayos ninyo ang
pagkakasunod-sunod ng kwentong Ang Ama base sa inyong naaalala sa kwento. Ang unang
pangkat ang gagawa sa 1 at 2, 3 at 4 naman sa ikalawang pangkat.

2. Gitna

1. Simula

3.Kasukdulan 4. Wakas

Tapos na ba mga bata? Basahin ninyo sa harap


ang ginawa ninyong pagsusunod-sunod ng
kwento. (Isinagawa ang jigsaw reading ng bawat
pangkat.)
Napakahusay naman ninyo! Mapapa-sana all
talaga ako sa kahusayan ninyo.
At dahil natuwa ako, bigyan ninyo ang inyong
mga sarili ng power clap.

1,2,3 POWER!
Aba feel na feel ang power clap! Haha!

L#3
Sige klas, atin nang bigyan ng pansin ang binigay
kong gabay sa inyo kanina noong pumasok tayo
sa loob ng mapa.
Naaalala pa ba ninyo iyon?
Opo maam! Iyon po ang mga gabay na tanong.

Tama. Kaya klas, masusubok na natin kung may


naintindihan talaga kayo sa inyong binasa.
Tingnan ang mga ibinigay kong gabay kanina at
basahin muna ang mga tanong bago sumagot.
Tatawagin ko ang pangalan ng sasagot.
G. Saga, basahin ang unang tanong at sabihin
ang sagot.
Paano sinimulan ng may-akda ang kwento?
Sagot:

Sinimulan po ng may akda ng kwento sa


paglalahad ng saloobin ng mga anak sa pag-uwi
ng kanilang ama. Hinihintay nila ang pag-uwi nito
dahil baka may pasalubong sila mula rito.

Tama. Mababasa sa kwento ang antipasyon ng


mga bata sa pasalubong na dala ng kanilang
ama. Kayo klas, nag-aabang pa rin ba kayo ng
pasalubong mula kay Tatay?
Aba, opo naman man. Minsan wala pero madalas
na mayroon. Ang saya po kapag may pasalubong
mula kay Tatay.
Oo naman. Kahit nga ako ay natutuwa kapag
may pasalubong noon ang aming ama. Sige, sa
dumako naman tayo sa pangalawang tanong.
Maaari bang tumayo ka Bb. Villacencio at sagutin
ang tanong? Sino ang pangunahing tauhan ng kwento? Bakit
ganoon na lang ang takot ng mga anak sa
kaniya?
Sagot: Ang ama po ang pangunahing tauhan.
Natatakot po ang mga anak niya sa kaniya dahil
baka mapagbuhatan na naman sila ng kamay
kapag may nagawa sila na pwedeng ikagalit ng
ama.
Mahusay Bb. Villacencio. Natatakot ang mga
bata na lumapit sa kaniya o gumawa man lang ng
ingay kapag naroon na sa kanilang bahay ang
ama kaya maingat sila sa kanilang galaw lalo na
kung nag-iingay si Mui-mui.

Pangatlong tanong, G. Edon pakisagutan mo.


Anong pangyayari sa kwento ang
nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng
ama?
Sagot: Ang pagkamatay po ng kaniyang anak na
si Mui-mui. Nasuntok niya po ito ng minsang
humalinghing ito. Sa kasamaang-palad ay
namatay ang bata.
Tama. Alam ba ninyo klas na maroon tayong
batas ukol sa pang-aabuso sa bata at
kababaihan? Ito ang R.A. 9262 o mas kilala
bilang VAWC. Layon nitong protektahan laban sa
karahasan ang mga kababaihan at ang mga anak
nito.
Opo maam, madalas ko pong napapanood sa
balita ang mga karahasan laban sa mga babae at
mga bata. Mabuti naman at may batas na tayo
para doon.
Tama ang iyong sinabi. Kaya ang nga kung
nakakaranas kayo ng pagmamalupit mula sa mga
nakakatanda sa inyo, huwag kayong mag-
atubiling isuplong sa kinauukulan. Maliwanag ba
mga bata?

Maliwanag pa po sa sikat ng araw maam!


O siya, sa pang-apat na tanong,
Paano naman naipakita ng ama ang kaniyang
pagmamahal sa anak?
Binibining Fallado, maaaring bang sagutin mo
ang tanong? Dahil sa pagkamatay ng kanyang anak, lubos na
nagsisi ang ama at nangakong magbabago na ito
habang umiiyak sa puntod ng kanyang anak dala
ang supot ng mga kendi. Inialay niya ang mga
kending iyon sa kaniyang anak.
Magaling Bb. Fallado. Nakita niyo na klas? Nasa
huli talaga ang pagsisisi. Gaano man ang
kaniyang paghingi ng tawad ay hindi na
maibabalik pa ang buhay ng kaniyang anak. Sabi
nga sa kasabihan: Aanhin pa ang damo, kung
pataya na kabayo. May mga bagay na ba kayong
napagsisihan sa huli klas?

Gaya ng ano?
Opo maam.

Gaya po ng hindi pag-aaral ng aralin sa klase,


ayon tuloy, hindi nakasagot sa pasulit.

Ayan nakuha mo. Hahah! Dapat talaga ay pag-


isipan ng mabuti ang bawat galaw upang hindi
magsisi sa huli. Tama ba mga bata?
Tama po maam.

Siya, huling tanong naman. Pakibasa at


pakisagot Bb. Bonilla.
Paano nagwakas ang kwento?
Sagot: Nagwakas po ang kwento maam sa pag-
aagawan ng magkakapatid sa kending dala ng
ama sa puntod ng yumao nilang kapatid. Pinag-
agawan nila ito at kinain dahil alam nilang hindi
na ito mauulit pa.
Mahusay Bb.Bonilla. Tandaan ninyo klas na sa
bawat galaw ay maging mapagpasensya upang
hindi makagawa ng mga desisyon na
pagsisisihan ninyo.

L#5
Nakikita ko na talagang naunawaan ninyo ang
inyong binasa dahil nakakasagot kayo ng mabuti
sa lahat ng tanong. Natapos na tayo sa ating
paglalakbay klas. Lalabas na tayo sa mapa. Dahil
diyan, may ididikit ako dito sa pisara at subukan
ninyo itong

Subalit
Palibhasa
Dahil sa
kung gayon
samantala
saka
sa lahat ng ito
Ano ang inyong napapansin klas? Para saan
ginagamit ang mga salitang ito?
Ginagamit po yata iyan maam para sa
pagkakasunod-sunod ng kwento gaya ng kanina
noong gumawa kami ng jigsaw reading.
E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO
AT PAGLALAHAD NGBAGONG KASANAYAN

Mahusay mga bata. Ang mga salita sa pisara ay


mga transitional words o mga salita na ginagamit
sa pag-uugnay ng mga pangyayari.

Ginoong Saga, maari bang subukan mong


sumulat ng pangungusap sa pisara na
gumagamit ng mga salitang pang-ugnay?
Salungguhitan ang mga ginamit na pang-ugnay.
Basahin mo ito pagkatapos. (sumulat sa pisara)

Mabait na bata si Santino, palibhasa ay palaki ng


mga pari.

Tama ba ang ginawa ni G.Saga klas?


Opo maam.

G.Edon, subukan mo namang gamitin ang


salitang dahil sa sa pangungusap.
Lumayo ang mga tao sa isa’t isa dahil sa Covid-
19.
Nakuha mo G. Edon. Napakabilis niyo namang
matuto klas.
Tumingin ulit sa harap at basahin ang depinisyon
ng transitional devices.

Opo maam. Nabasa na po namin.


Nakakbilib talaga kayo klas. Dahil diyan,
sususbukin natin ang inyong galing.

F. PAGLINANG SA KABISAAN (TUNGO SA


FORMATIVE ASSESSMENT)

L#5
Dahil napabilib ninyo ako, bibigyan ko kayo ng
panibagong puntos sa pamamagitan ng pagsagot
sa sumusunod:

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya
lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

2. (Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakaraos sa buhay, hindi pa rin niya maipagkakaila ang lungot na
kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siayng magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito) hindi na niya alintana ang mga
darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang
maghanap na lamang ng trabaho na malapit sa kaniyang pamilya.
Tapos na ba klas?
Kung tapos na ay ipasa sa harapan ang inyong
mga papel.

G. PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA
BUHAY/PAGLALAHAT

Natutuwa ako klas at natapos natin ang ating


aralin sa takdang panahon. Ngayon naman,
maaari bang ilahad ninyo ang inyong mga
natutunan sa araw na ito? Gamitan ninyo ito ng
mga transitional devices upang lubos kong
makita ang inyong pagkatuto.
Natutunan po namin sa kwentong Ang Ama na
ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya nararapat
lamang na laging pag-isipan ang bawat desisyon
na gagawin.
Napakahusay naman! May natutunan ka nga.
Sige klas, ano pa?
Nahamon rin po kami pag-isipan ang mga
hakbang na gagawin saka gawin dahil baka hindi
namin magustuhan ang kalalabasan ng aming
ginawa.
Ano pa klas?
Nalaman po namin rin maam na may batas pala
na nagpoprotekta sa mga kababaihan at mga
bata mula sa karahasan at pang-aabuso.

Magaling mga bata! Kahanga-hanga ang bawat


sagot ninyo. Nagpapakita lamang ito ng inyong
kagalingan. Ganyan talaga klas kapag nakinig ng
mabuti at isinapuso ang mga aralin. Tingnan niyo
at napakahusay ng inyong mga sagot.

Kaya laging tandaan, maging mapagpasensya sa


lahat ng bagay. Laging pag-isipan ang bawat
hakbang bago gawin. Dahil nga klas, ang
pagsisisi ay laging nasaan?

Nasa huli po!

Nakuha mo! Bigyan niyo nga uli ng power clap


ang inyong mga sarili.
1,2,3 POWER!

H. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA


TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION

L#6
Bilang panghuling gawain, at takdang aralin na
rin, gagawa kayo ng isang brochure na
nagsusulong at napgpapakita sa kagandahan ng
mga panitikan mula sa mga bansang kasapi ng
Timog-Silangang Asya.
Narito ang mga rubrics upang maging
pamantayan ko sa ginawa ninyong brochure.

Maliwanag ba klas?

Maliwanag po maam!
Pagkamalikhain 15 puntos
( Nagpapakita ng kaisahan na kaisipan)

Kaangkupan sa Paksa 10 puntos


( Wasto at hindi magulo ang paglalahad)

Nilalaman 25 puntos
( Malinaw ang mensaheng nais ipabatid)

Kabuuan 50 puntos

Sana ay marami kayong natutunan sa ating


paglalakbay kanina. Sa pagtatapos ng ating klase,
tumayo ang lahat upang tayo ay manalangin.

Purihin ang Panginoong Diyos,


Ngayon at magpakailan man.
Amen.
Paalam na sa inyo mga bata.

Paalam at maraming salamat po Binibining


Menil.
Mabuhay!

Inihanda ni:
Sarah Jane E. Menil

Iniwasto ni:
G. Denzel Mark A. Ciruela

You might also like