You are on page 1of 2

Task Overview

Week 26 (March 14-19) Pagsusuri ng Tekstong Deskriptibo

Filipino 11
Mga Gawain para sa Ika-26 na Linggo
Marso 14-19, 2022

Pagsusuri ng Tekstong Deskriptibo

Magandang araw! Kumusta mga mag-aaral? Narito ang listahan ng mga gawain para sa linggong
ito.
-----------------

Task 1
Pag-aralang mabuti ang slideshow presentation tungkol sa halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
na pinamagatang “ Alam Mo Ate, Sa India…”.

Task 2
Gawain #4: Pagsusuri sa Tekstong Deskriptibo. Pagkatapos basahin ang halimbawang teksto
na pinamagatang “Alam Mo Ate, Sa India…”, sagutin ang mga kasunod na tanong ukol dito.

-----------------

Huwag kalimutang bisitahin ang ating kurso sa Schoology accounts ninyo para sa Updates at
mga Anunsyo. Maaari po ninyo akong masulatan sa daguileric@gmail.com o di kaya ay sa mga
numero ng aking telepono (09266527618) at sa messaging feature sa schoology. Susubukan ko
pong masagot ang mga tanong ninyo sa abot ng aking makakaya. Maraming salamat po sa pag-
unawa.

Manatiling ligtas at malusog. Pagpalain nawa kayo ng Maykapal.

-Sir Eric

Pagsasanay 1: Obhetibo vs Subhetibo. Isulat sa patlang ang A kung obhetibo


ang sumusunod na paglalarawan at B kung subhetibo (1-10).

1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana. A


2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama
kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin
sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya. B

3. Mataba at magandang kumain ang alaga kong aso. A

4. Ayon kay dating Pangulong Fidel Ramos, tila isang hindi maaasahang
president si Pangulong Benigno Aquino III kapag nagsalita. Dagdag pa niya,
maaaring makasama sa imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng kasalukuyang
Pangulo tungkol sa insidente ng Mamasapano, Maguindanao. B

5. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special


Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
A

6. Magaling magturo ang guro namin sa Araling Panlipunan. Malakas ang boses
niya at mahusay magpaliwanag sa aralin. A

7. Naging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ng aming


propesor sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga petsa,
lugar at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyang-diin
niya ang mahahalagang karanasan at aral mula rito. B

8. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay


binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-
isipan ang mga nangyayari sa aking buhay. B

9. Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabihin, atrasado ang
lugar, mabagal ang pag-unlad, at naghihirap ang mga tao. A

10. Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga mamamayan
ng Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa paaralan
at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao. A

11. Ang kanyang mga labi ay kasimpula ng mga rosas. B


12. Bilog ang buwan ngayong gabi kaya maglaro tayo. A
13. Ang ama ang tinaguriang haligi ng tahanan. B
14. Malawak ang kapatagang aking natatanaw mula sa balkonahe. A
15. Bumaha ng luha ang buong bansa nang pumanaw ang dati nitong pinuno. B

You might also like