You are on page 1of 1

WEEK 3 (SEPTEMBER 20-24, 2021)

A. Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat aytem.


1. Siya ang nag-utos sa Kongreso na gumawa ng hakbang para sa pagbuo ng
isang wikang magbibigkis sa buong bansa sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksiyon 3
ng Saligang Batas ng 1935.
(MANUEL L. QUEZON)
2. Isa sa mga katutubong wika na napili bilang batayan ng unang wikang
pambansa.
(TAGALOG)
3. Ito ang ahensyang naatasan na gumawa ng hakbang para simulant ang pagtatag
ng wikang pambansa.
(Surian ng Wikang Pambansa)
4. Ito ang naging pangalawang katawagan sa Wikang Pambansa upang
maisakatuparan ang pagsasabansa nito at upang mawala ang pagkakaugnay
nito sa iisang pangkat lamang.
(PILIPINO)
5. Ito ang naging Opisyal na Wika sa Panahon ng mga Amerikano. (Ingles)
6. Batas na nagtatadhana sa Wikang Filipino at Ingles bilang wikang gagamitin sa
larangan ng edukasyon at pakikipagkomunikasyon.
(Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng Saligang Batas ng 1987)
7. Batas na nag-uudyok sa pamahalaan na magsagawa ng hakbang upang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal na gagamitin bilang
medyum ng opisyal na komunikasyon at sa pagtuturo sa mga paaralan.
(Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987)
8. Ito ay wikang gagamitin sa isang tiyak na institusyon bilang midyum sa
pakikipagtalastasan at mga transaksyon nito.
(Wikang Opisyal o Opisyal na Wika)
9. Ito ay wika para sa pangkalahatan o sumasaklaw sa lahat ng mamamayan sa
isang bansa.
(Wikang Pambansa)
10. Ito ang wikang itinadhana ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987
na maging katawagan sa Wikang Pambansa upang ipakita ang pagiging
masaklaw nito.
(Filipino o Wikang Filipino)

B. Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pagkakaiba ng Wikang Pambansa at Wikang Opisyal?
2. Bakit kailangang magkaroon ng Wikang Pambansa?

You might also like