You are on page 1of 3

 WIKANG PAMBANSA

Ang Wikang pambansa ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa o lahi. Ito ay


ginagamit sa Politikal at Legal na diskurso at itinatalaga ng Pamahalaan ng
isang bansa. Ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa, sa gayon, ay para
sa pambansang pagkakaunawaan. S wikang ito sumisibol ang damdamin ng
pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang wikang katutubo.

 WIKANG OPISYAL

Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na


talastasan ng pamahalaan. Ito ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng
estado ng mga mamamayan.

Maraming pag-aaral ang isinasagawa bago maging opisyal ang isang wika. Ito
ay para malaman kung ano ba ang pinakakarapat-dapat na wika para sa
bansa. Ipinahayag bilang wikang opisyal ang wikang pambansa simula Hulyo
4, 1946 (Batas Komonwelt blg. 570).

Ayon sa kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6


and 7) na ang wikang pambansa o wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino.

 WIKANG PANTURO

Ang wikang panturo ay (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan


para sa edukasyon. Ang Wikang Panturo ay ang mga ginagagamit ng mga
guro, mga administrador at mag -aaral sa Paaralan. Ayon sa Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-
edukasyon.

 WIKANG BERNAKULAR

Ang salitang bernakular ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong


ginagamit sa pagsasalita araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang partikular
na lugar. Pwedeng mga kaswal na mga salita, slang o mga kalyeng salita na
sinasalita ng mga taong nakatira sa lugar na iyon. Madali kasi itong intindihin,
palibhasay nakasananayan na at namulat mula pagkabata ang mga taong
gumagamit nito.

 Ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino, Filipino

Tagalog: Ito ang Pambansa nating salita. Pangunahing wikang Republikang


Pilipinas na sinasalita ng mga naninirahan sa katimugang luzo

Ang Pilipino ay itinakdang tawag sa mga taong mamamayan sa Pilipinas.


Pilipino ang tawag sa ating mga nakatira rito sa Pilipinas. Ito ang tawag salahi
natin.

Filipino: Ito ang tawag sa asignaturang pinagaaralan natin. Kung sa Ingles


tinatawag natin itong subject. Ito ang asignaturana tinuturo ng ating paaralan.

 ISYUNG PANGWIKA
1. Ang napagkaisaHang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyunal na
pumipili ng isang katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang
Pambansa ay produkto ng Nasyonalista at Kontrra-Kolonyalista.
Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga delegado ng 1934
Kumbensyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika and dapat
ideklarang wikang Pambansa. Sa unang diskursyon pa lamang ay
tagalog na ang liyamadong katutubong wika. Ngunit sinalungat ito ng
mga delegadong nagnanais na wika nila ang maiproklama. Psngunahing
naging kalaban ng mga tagalista ang mga delegadong nagpasok ng
Sebwano at Ilokano. Ang mga delegadong ito ang humati sa
nasyonalismong pangwika noong 1934, muli noong 1972, at hanggang
ngayon, lalo na sa likod ng panukalang Federalismong
Pampolitika(Almario,)
2. Ang paglabas ni Gng. Arroyo ng Executive Order Blg. 10 na may
pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a
Second Language in the Education System”.

Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang isinasaad


ng EO 210 ay ang sumusunod:

…. ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat ng antas


ng Sistema ng edukasyon, simula sa unang baiting.

… ang wikang Ingles ay nararapat na gamiting midyum sa pagtuturo ng


asignaturang English, Mathematics at Science hanggang sa ikatlong baiting.
… ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa
lahat ng istitusyong pampubliko sa antas ng sekundarya.

… at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang ng oras na


ilalaan sa mga asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi
bababa ng 70% ng kabuoang oras na inilaan sa lahat ng larangan ng
pagkatuto

… and wikang Filipino ay mananatiling midyum ng pagtuturo sa


asignaturang Filipinoat Araling Panlipunan.

3. Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher Education


(CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution
bilang mga asignatura sa kolehiyo

You might also like