You are on page 1of 1

https://ejournals.ph/article.php?

id=7901
Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Lalabintaunin
Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Education, Filipino, Art, Sociology, Cultural Studies, Sex Education

Abstract:
Isang deskriptibong pag-aaral ito na naglalahad ng nalalaman ng mga lalabintaunin tungkol sa sexually
transmitted infection o STI partikular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon ng pag-unlad sa aspektong
pansarili, pang-sekswalidad, at pansosyal. Ginamitan ng pagtatanong-tanong ang pananaliksik na ito sa
paghahagilap ng datos sa larangan, at sinuri ang mga sagot sa kwalitatibong pamamaraan. Sa mga
umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang mga kabataan sa mga lungsod sa
Kamaynilaan at piling nayon sa lalawigan tungkol sa kanilang libangan, ligawan, lambingan, pati ang
tungkol sa libog. Nabatid na sa may 243 mga binata, binatilyo, dalaga, dalagita't dalaginding ang
nananatiling kinatatakutan ang mga sakit kaugnay ng sekswalidad lalo na ang HIV/AIDS; kabilang din ang
mga sakit gaya ng tuberculosis o cancer, gayundin iyong may kinalaman sa aspektong sosyal,
halimbawa'y bunga ng pandidiri pag-iwas ng iba sa kanila. Marami sa kanila ang salat ang kaalaman
tungkol sa banta ng pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS. Pinatibayan ng mga literaturang naipon ang
nananatiling "feminized" at "stigmatized" na pananaw ng mga lalabintaunin lalo na ng mga lalaki sa
HIV/AIDS at ang mga nakakabagabag na kanilang pag-uugali kaugnay ng kanilang sekswalidad na
maaaring maglagay sa kanila sa tiyak na kapahamakan ng pagkahawa at pagkalat nito. Kahit pa nga
marami na ang nalalaman tungkol sa HIV/AIDS laganap pa rin ang maling kabatiran tungkol dito.

You might also like