You are on page 1of 15

Pag-uugnay ng mga

Kaisipang Nakapaloob
sa Akda
Pokus ng Pandiwa
Nagpapakilala ng kaugnayan ng
iba’t-ibang panlapi ng pandiwa sa
naging posisyon ng paksa sa
pangungusap.
1.Tagaganap
– ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o
simuno ng pangungusap ang tagaganap ng
kilos ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong
na Sino.

Hal. Nagluto ng masarap na pananghalian si ama.


Pandiwa –Nagluto / Tagaganap/Aktor – ama
Naglaro ng basketbol si Carlo. Pandiwa –
Naglaro / Tagaganap/Aktor – Carlo
2. Layon o Gol
- ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang
paksa o binibigyang – diin sa pangungusap.
Sinasagot ang tanong na Ano.

Hal: Pinag-usapan ng mga tao ang kaguluhan naganap


sa kanto.
Pansinin: Ang salitang pinag-usapan na tumutukoy
sa kaguluhan na siyang paksa ng pangungusap at
makikita rin ang panandang ang.
3. Pinaglalaanan/Tagatanggap
– pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na
nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang
paksa ng pangungusap.

Hal: Ipinagluto ni Ina ng paboritong ulam si


bunso. Pansinin: Ang salitang si bunso ang
nagsisilbing kalaanan o tumatanggap ng kilos
ng pandiwang Ipinagluto
4. Kagamitan/Instrumental
– ang tawag sa instrument o kasangkapan sa
pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na
gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.

Hal: Ipinantali niya ang lubid sa puno upang hindi


matumba sa paparating na bagyo. Pansinin: Ang
simuno o paksa ay ang lubid at ang nagsisilbing
instrumento sa kilos ng pandiwang Ipinantali
5. Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)-
 ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan
kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng
kilos.  

• Ang paksa o simuno ang lugar na ginaganapan ng


pandiwa sa pangungusap.

Hal: Pinagtaniman ni Jerry ang bukid ng kanyang tatay.


6. Pokus sa Sanhi-  ang pandiwa ay nakapokus sanhi
kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o
sanhi ng kilos. 

• Ang simuno o paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng


kilos ng pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Ikinalungkot ni Rose ang pagpanaw ng


kanyang Nanay.
7. Pokus sa Direksyon- pinatutuunan ng
pandiwa ang direksyon o tinutongo ng kilos.

• Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng


direksyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap.

Halimbawa: Pinasyalan namin ang parke.


Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa
patlang kung anong Pokus ng Pandiwa ang ginamit.
(Aktor, Tagatanggap, Kagamitan at Layon).

1. Niregaluhan ni Dindo si ama ng mamahaling relo.


2. Ipinaglaban ni Arnold ang pag-ibig niya kay Nora.
3. Inupuan niya ang sirang bangko.
4. Tumakbo ng matulin si Carlo.
5. Ipinantali niya sa kanyang buhok ang malaking laso.
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa
patlang kung anong Pokus ng Pandiwa ang ginamit.
(Aktor, Tagatanggap, Kagamitan at Layon).

6. Binilhan ni Mario ang kaniyang anak ng bagong


laruan.
7. Ipinagtabi ni Lola ng pagkain si Bunso.
8. Ipinantalop niya ng manga ang bagong kutsilyo.
9. Tumula sa klase si Carlo.
10. Ipinansalok ni Pedro ng tubig sa balon ang timba.
Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may
salungguhit sa pangungusap.

____________ 1. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya


sa kanyang mga braso.
____________ 2. Ang pangingibang bansa ng kanyang
tatay ay ikinalungkot ni Maria.
____________ 3. Si G. Ramirez ang nagtatag ng
organisasyong ito.
____________ 4. Ang sirang bubong ay kinukumpuni nina
Tatay at Kuya.
______5. Ang malaking palanggana ay
pinaghugasan niya ng maruruming basahan.
______ 6. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng
guro ng maikling pabula.
______ 7. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni
Regina.
______ 8. Sina Nanay at Ate Gina ay mamimili sa
Divisoria bukas.
______ 9. Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni
Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya.
_____ 10. Ang mga dahon ng lagundi ay
ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman.
_____ 12. Gagawan ko ng bagong costume si Nicky
para sa Halloween Party.
_____ 13. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng
kumperensiya.
_____ 14. Ikasasaya ng mga magulang ko ang
matataas na markang nakuha ko ngayong kwarter.
_____ 15. Ang anak niya na balikbayan ay ipinagluto
niya ng sarisaring kakanin
Isulat ang maikling buod ng
kwento ni Cupid at Psyche
gamit ang mga pokus ng
pandiwa.

You might also like