Professional Documents
Culture Documents
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan , ang mga mag-aaral ay inaasahang maisagawa ang mga
sumusunod nang may 75% antas ng kahusayan;
A. Natutukoy ang ngalan ng kulay ng salita sa pamamagitan ng Let’s Stroop
B. Nababalik-tanaw ang kahulugan ng mga kulay sa ating pambansang watawat
C. Nakapagbibigay ng mga kataga, salita o parirala na maiuugnay sa pamagat gamit ang
concept map (PN)
D. Nakapagbibigay ng iba’t ibang uri ng pag-ibig sa malayang talakayan
E. Nasusuri ang dalawang larawan ayon sa eskpresyon nakapaloob dito gamit ang pandiwang
nagpapahayag ng emosyon o damdamin (WG)
F. Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita batay sa konteksto ng pangungusap sa
pamamagitan ng pagsalungguhit sa loob ng pangungusap (PT)
G. Napagtatambal ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng kahon (PT)
H. Nasusuri ang nilalaman at pagkakabuo ng akda sa pamamagitan ng pangkatang
gawain(PN, PB, PS)
I. Nakabubuo ng hinuha batay sa mga ideyang makikita sa akda o teksto sa pamamagitan ng
graphic organizer (PB)
J. Naiuugnay ang natutuhan sa akda o teksto as sarili, kapaligiran, at ibang tao sa
pamamagitan ng graphic organizer (PB)
K. Nakikilahok nang masigasig sa pamamagitan ng Destination Merit
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal (Tatawag ng isang mag-aaral sa klase)
PANALANGIN
Mahal na Panginoon kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga biyayang
ipinagkaloob niyo po sa amin. Patnubayan ang pang-araw-araw naming gawain, iligtas kami sa
anomang uri ng kapahamakan. Ito ay hinihiling namin mula sa inyong anak na si Hesu Kristo, amen.
B. Paglinang ng Gawain
1. GAWAIN (ACTIVITY)
1. Hahatiin sa limang (5) pangkat ang klase.
2. Ipapakita ng guro ang Destination Merit na kung saan limang (5)
puntos ang ibibigay sa bawat pangkat na nakikilahok. Babawasan ng
puntos ang pangkat na maingay at hindi nakikilahok sa gawain.
Pangkatan din ang pagbibigay ng puntos ng makabibigay ng tamang
sagot. Itataas ang folder ng pangkat bilang paraan ng pagtaas ng
kamay.
A. Pagganyak
LET’S STROOP
Sa gawain ito, sasabihin ninyo ang kulay ng salita at hindi ang pangalan ng kulay. Nasa Ingles
ang salita ngunit sa Filipino ang kulay ng salita.
Hal. BLACK
Prosesong Tanong:
1. Naging madali ba sa inyo ang ating gawain? Bakit?
2. Ano ang nagpahirap sa gawain? Paano ito nakaapekto sa iyo?
Pahina 2 |
B. Panimulang Gawain (PN)
Pagsulat ng kataga, salita o parirala na maaaring kaugnay ng pamagat
Prosesong Tanong:
1. Ano-anong iba’t ibang uri ng pag-ibig ang alam ninyo klas? (Una ang storge kung
saan ito ang pag-ibig na iniuukol ng isang tao sa kanyang pamilya o kamag-anak. Ikalawa ang eros o
pag-ibig na kinapapalooban ng pisikal na atraksiyon sa opposite sex. Ikatlo ang philia, ito ang pag-
ibig na nauukol sa kaibigan. At ang ikaapat ay ang agape, ang pinakamataas na uri ng pag-ibig. sa
pag-ibig na ito, ang isang tao ay handang magsakiripisyo o limutin ang sarili para sa minamahal
2. Ang pamagat na nasa loob ng hugis puso ay anong uri kaya ng pag-ibig?
2. PAGSUSURI (ANALYSIS)
A. Pagsuri sa Larawan ( Andres Bonifacio at Lapu-Lapu)
Pahina 3 |
C. Paghawan ng mga Balakid
1. Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita batay sa kontesktso ng pangungusap
Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng
salitang nasa loob ng panaklong. (PT)
(ibinunyag) 1. Sa pamamagitan ng mga nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal ay isiniwalat niya ang mga
pang-aaping ginawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
(pagsinta) 2. Buong pagkasing inialay ni Bonifacio ang kanyang paglilingkod sa Inang Bayan.
(taglay) 3. Ang ating mga bayani ay handang mag-alay ng kanilang iwing buhay para sa ating bansa
(ibinayad) 4.Dugo’t pawis ang ginugol ng ating mga bayani makamit lamang ang inaasam na
kalayaan.
(hamak) 5. Isang abang kalagayan ang alisan ka ng kalayaan at karapatan sa iyong sariling bayan.
(pagmamahal) 6. Walang hanggang pag-irog ang ipinamalas ng ating mga bayani para sa ating Inang
Bayan.
(nakamit) 7. Matinding hirap at pasakit ang tinamo ng ating mga ninuno sa kamay ng mga
mapang-aping dayuhan.
(malagot) 8. Hanggang ang ating hininga ay mapatid ay patuloy nating ialay ang ating lakas para sa
ating bayan.
2. Pagtatambal (PT)
Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng kahon
Pahina 4 |
C. Hit that Ball (PN, PB,)
_________________________________
“Walang mang-aalipin
kung walang paaalipin.” _________________________________
_________________________________
_________________________________
“Sa digmaan ay walang _________________________________
nananalo, kundi ang lahat
ay pawang talo.” _________________________________
-Ninoy Aquino _________________________________
Pahina 5 |
_________________________________
“Aling pag-ibig pa ang hihigit
kaya sa pagkadalisay at _________________________________
pagkadakila, gaya ng pag-ibig
sa tinubuang lupa; aling pag- _________________________________
ibig pa, wala na nga, wala.”
_________________________________
-Andres Bonifacio
-Ninoy Aquino
B. Naiuugnay ang natutuhan sa akda o teksto as sarili, kapaligiran, at ibang tao
Bilang pag-uugnay ng iyong natutuhan sa akda sa iyong sariling ay subukan mong mag-isip at
sumulat ng mga gawaing para sa iyo ay maituturing na kabayanihan sa sumusunod na kalagayan.
Ako, Bilang
Isang Mag-aaral
Ako, Bilang
Bahagi ng
Pamilya
Ako, Bilang
Bahagi ng
Pamayanan
V. TAKDANG-ARALIN
(Pang-isahan na takdang aralin)
Inaprubahan ni:
G. Jonathan G. Silao
Punong Guro
Inobserbahan ni:
G. Jonathan G. Silao
Punong Guro
Pahina 6 |