You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Sining 3

Unang Markahan
Week-4
I. LAYUNIN:
• Nasasabi sa landscape, na ang malapit na iginuhit na bagay ay foreground; ang bagay sa likod ng
foreground ay middle ground, samantala ang pinakalamayo ay ang background. (K12-A3PL – Id
p.9)

II. PAKSANG-ARALIN:
A. PAKSA:
Elemento ng Sining:
Landscape
B. SANGGUNIAN:
K to 12 TG-LC1/(K12-A3PL – Id p.9)
C. KAGAMITAN:
Larawan, typewriting, krayon at lapis

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. BALIK-ARAL:
Paano malalaman kung makinis o magaspang ang isang larawang?

2. PAGGANYAK:
Magpakita ng larawan ng magagandang tanawin.

D. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGLALAHAD:
Tingnan ang larawan. ano-ano ang inyong napapansin?
2. PAGTALAKAY:
Nagagawa ng pintor na maipakitang Malaki o maliit ang mga bagay na kaniyang
ginuguhit, depende sa position o placement ng foreground, middle ground at background.
Ang mga bagay na iginuhit sa foreground ay kadalasang Malaki dahil ito ay makikita sa
unahan kung saan malapit sa tumitingin. Samantala ang mga bagay na iginuguhit sa
background ay maliit dahil ito ay nasa likod kung saan malayo sa tumitingin. Ang bagay na
iginuhit sa middle ground ay matatagpuan sa pagitan ng background at foreground.

3. PAGLALAPAT:
LANDSCAPE DRAWING
Mag-isip ng magandang tanawin sa inyong lugar. Iguhit gamit ang foreground, middle
ground at background.

4. PAGLALAHAT:
Ano ang foreground?middle ground? Background?

IV. PAGTATAYA
Rubrics para sa Activity No.5
PAMANTAYAN 5 3 1

Nakaguhit ng may freground,


middle ground at background

Kakikitaan ng pagiging
malikhain.

Ang pagguhit ay kakikitaan ng


pagiging malapit at malayo ng
mga bagay.

Natapos sa itinakdang oras

KABUUAN

V. KASUNDUAN:
Iguhit ang landscape ng iyong tahanan.

You might also like