You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. Layunin

-Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga bata ay inaasahang:


a) naipapaliwanag ang kahulugan ng mapa;
b) naipapahayag ang kahalagahan ng mapa sa isa o dalawang pangungusap
c) nakaguguhit ng mapa ayon sa ibibigay na lokasyon, direksyon at larawan mula sa paaralan
patungo sa kani-kanilang mga tahanan.

 
II. Paksang-Aralin
 
a) Paksa: Mapa at ang Kahalagahan nito

b) Sanggunian: Lunday ng kalinangang Pilipino

c) Kagamitan: Aklat, Mapa

d) Kakayahan: pagsunod ng tiyak at tamang direksyon pagbibigay ng tiyak at tamang direksyon

e) Pagpapahalaga: Pagiging masunurin, masuri sa tiyak na direksyon.

III. Pamamaraan

A. Pang- araw araw na Gawain


1. Kalinisan at Kaayusan
2. Panalangin
3. Pagbati sa Guro
4. Pagtatala ng Liban sa klase

B. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik- aral
- Patungkol sa likas na yaman.

C. Pagganyak
Ang guro ay may inihandang laro na kung saan masusubok ang kanilang kakayahan sa pagsunod
sa tamang direksyon. Ang mga mag-aaral ay hinati sa dalawang grupo at sa bawat grupo ay may
kani-kaniyang nakatalagang istasyon na pupuntahan upang kuninang letra na makabubuo ng
salitang MAPA at direksyon patungo sa susunod na istasyon.Ang unang makatapos sa pagsubok
ay siyang magwawagi.

D. Pagtatalakay
Mga tanong;
1. Ano ang nabuong Salita sa pisara?
2. Ano ang unang bagay na naiisip ninyo kapag narinig ang salitang mapa?
3. Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mapa. Tatalakayin ang kahulugan nito at kung
pano ito nagagamit sa tulong ng pangunahing direkson at mga larawan na makikita rito.

E. Paglalahat

Nagpapakitan
g kabuan ng
isang lugar
Makikita ang
pagkakaugna
Magagamit y ng
sa magkatabing
pagpaplano lugar
Kahalaga
han
ng Mapa

Magagamit sa
pagtukoy ng
pinakamabuting Nagsasaad ng
daan patungo sa direksyon
paroroonan
F. Pagsasabuhay

IV- PAGTATAYA

Sa loob ng sampung minuto, ang mga mag-aaral ay guguhit ng mapa gamitang direksyon at lokasyon
mula sa paaralan patungo sa kani-kanilang tahanan. Ang mga mapa ay mamarkahan ayon sa mga
sumusunod:

Kalinisan at Kaayusan -30%

Kaalaman na ginagamit sa paggawa ngb mapa -40%

Pagiging Malikhain -30%

100%

V. Takdang Aralin

1. Anu-ano ang apat na simbolo o pananda sa mapa?


2. Magdala ng Mapa sa Pilipinas

You might also like