You are on page 1of 2

I.

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung, oo ang iyong sagot, isa ka sa
maraming tumatangkilik ng broadcast media. Halina’t ating tuklasin ang broadcast media na
TELEBISYON: Ito ay isang uri ng broadcast media na nagtatawid ng impormasyon sa pamamagitan
ng elektronikong sistema na nagpapagalaw ng mga larawan, kasabay na mga tunog.
II. Paano nga ba nagsimula ang telebisyon sa Pilipinas? (CLICK)
III. Kinilalang Ama ng Telebisyon sa Pilipinas si James Lidenberg na siyang may-ari ng Bolinao
Electronics Corporation (BEC), (CLICK) taong 1953, binili ito ni Antonio Aquino at kalaunan ay
nakilala sa pangalang Alto Broadcasting System o ABS. Ika-23 ng Oktubre, 1953, naipakilala ang
telebisyon sa bansa nang lumabas ang unang broadcast sa Pilipinas, ang DZAQ-TV Channel 3 na
ipinalabas ng ABS sa Maynila. (CLICK)
IV. Pagkalipas ng ilang taon ay nabili ng Chronicle Broadcasting Network (CBN) na pag-aari nina
Eugenio at Fernando Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang ABS-CBN Network na siyang
pinakaunang television network sa bansa. Na may islogang “In the service of the Filipino.”
(CLICK)
V. Bukod sa ABS-CBN, taong 1960 ay naitayo ng isang residenteng Amerikano sa Pilipinas na
nagngangalang Bob Stewart ang estasyong DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA
Network. Kilala ang estasyon na ito sa islogang “Kapuso, anumang kulay ng buhay.” (CLICK)
VI. Sa parehong taon, nakilala rin ang estasyon ng TV 5 na dating kilala sa tawag na ABC 5 na pag-aari
ng MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may islogang “Para sa Iyo, Kapatid!” (CLICK)
VII. Sa pamamagitan ng mga estasyong ito, nakapanunuod tayo ng News and Public Affairs, Sitcom,
Reality, Drama Series, Foreign News/Program, Variety Shows, Documentary Programs, at iba pa.

Kaugnay ng paksang ito, atin ding kilalanin ang Paksa, Layon, at Tono. (CLICK)

Ang Paksa ay kabuuang kaisipang binibigyang-diin, tinatalakay o pinag-uusapan sa isang akda o palabas.
(CLICK)

Layon naman ay ang nais iparating, intensyon o motibo ng manunulat o may-akda. Hal. Manghikayat,
magbahagi, magbigay-impormasyon, magpaalala o magbabala. (CLICK)

Panghuli ay ang Tono, ang damdamin o saloobing nangingibabaw sa isang pahayag, palabas, o napakinggan
gaya ng nagagalit, nag-aalala, natatakot, natutuwa, nagpapabatid at iba pa. (CLICK)

(dolomite)
1. Ang isyung tinalakay sa napanuod ay may paksang_________________
a. Pagbabawal sa dolomite sand sa Manila Bay.
b. Pagpapakita sa naging resulta sa paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay.
c. Pagsasapubliko ng dolomite sand sa Manila Bay upang makahikayat ng turista.
2. Ang pangunahing layunin kung bakit naiulat ang balitang ito____________
a. Upang mabigyang-promosyon ang dolomite sand sa Manila Bay.
b. Upang makahikayat ng nais magbigay ng donasyon sa proyektong ito.
c. Upang magpabatid sa naging resulta at kalagayan ng inilagay na dolomite sand.
3. Ang tono o damdaming higit na nangibabaw sa natunghayang balita.
a. Nananakot
b. Nagpapabatid
c. Natutuwa

You might also like