You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Nakasaad dito ang kaligiran o background ng pag-aaral at ang layunin kung bakit ito isinasagawa. Nakasaad rin dito ang mga kahulugan ng mga pangkaraniwang terminolohiyang ginamit sa pag-aaral. Panimula Ang panonood ng telebisyon ay isa sa mga pinakahihiligang gawin ng nga kabataan. Kaya naman kung minsay halos lahat ng panahon nila ay nagugugol nila dito. Nawawalan sila ng panahon sa ibang gawain tulad ng gawaing bahay, pagsisimba,at lalung-lalo na sa pag-aaral. Bilang karagdagan, karamihan sa mga programang kanilang napapanuod ay walang naidudulot na maganda sa kanilang kaalamang edukasyunal at moral. Marami rin kasi sa mga programang ito ay nag-iiwan ng d- magandang mentalidad sa kanila. Upang gawing produktibo ang nasabing gawain, nagbibigay ng prayoridad ang ilang mga TV networks tulad ng ABS-CBN sa pagpapalabas ng mga educational programs. Ang mga ganitong uri ng programa ay naglalahad ng ibat ibang impormasyon na maaaring magturo sa mga kabataan ng mga ibat ibang araling pang-edukasyunal pati na rin ng mga aral sa ibang aspeto ng buhay. Maaaring magsilbi ang mga ito bilang silidaralan sa loob ng tahanan. Sa abot naman ng makakaya ng mga TV networks ay ginagawa nilang kawili-wili ang paraan ng impormasyon.

Ngunit sa kabila nito, may mga problema pa ring nakakaharap. Para sa ilang mga kabataan, hindi kagustu-gusto ang panonood ng mga educational programs. Ang ilang ring mga impormasyon ay sinasabing hindi angkop sa mga kinakailangan nila. Pati ang oras ng pagpapalabas ng mga ito ay mayroon ding hindi kaayunan sa kanilang iskedyul. Sa pag-aaral na ito binigyang-pansin ang pagsusuri sa mga epekto ng mga educational programs sa mga kabataan. Kaligiran ng Pag-aaral Ang ABS-CBN, Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network, ay nagsisimula noong Hunyo 13, 1946 sa tulong ng Bolinao Electronics Corporation o BEC na gumawa at bumuo ng mga transmitters.. Ang BEC ay itinatag ni James Lindenberg na isang Amerikanong inhinyero, ex-GI, at tinaguriang Ama ng Telebisyon sa Pilipinas. Isa si Lindenberg sa mga humingi ng pahintulot sa Kongreso ng Pilipinas na magkaroon at magtatag ng isang himpilan ng telebisyon noong 1949. Maklipas ng isang taon,saka pa lamang ito pinahintulutan ng Kongrso. Dahil na rin sa kakulangan sa mga materyales at kahigpitan ng pag-aangkat ng mga dayuhang produkto, ginamit na lamang ni Lindenberg ang radyo para magbigay ng atensyon at para na rin ipakilala ang telebisyon sa mga Pilipino. Noong 1951, si Lindenberg kasama si Antonio "Tony" Quirino, nakakabatang kapatid ng dating pangulong Elpidio Quirino at naghahangad din na magtatag ng isang himpilan ng telebisyon, ay nagtulungan upang maitatag ang isang himpilan ng telebisyon sa bansa. Binili ni Quirino ang 70% ng BEC at binago ang pangalan nito bilang Alto Broadcasting System (ABS). Ang Alto ay nagmula sa palayaw ni Quirino at ng asawa

na Aleli at Tony. Si Lindenberg naman ay naging general manager ng himpilan. Kahit na kulang sila sa pera at mga kagamitan, ang ABS ay nakapagpundar ng kanilang TV tower noong Hulyo 1953 at nakapag-angkat ng 300 television sets. Nagsimulang magpalabas ang istasyon noong Setyembre ng taon ding iyon. Ngunit ang unang sukdulang broadcast ng istasyon ay noong ika-23 ng Oktubre 1953 sa tahanan ni Tony Quirino. Ang nasabing broadcasting channel ay pinangalanang DZAQ-TV Channel 3. Ang DZAQ-TV 3 (ang "AQ" ay galing sa mga unang letra ng pangalan ni Antonio Quirino) ay nakilala rin bilang ang kauna-unahang himpilan ng telebisyon. Setyembre naman ng taong 1956, itinatag ng magkapatid na Eugenio Lopez at dating pangalawang pangulong Fernando Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN), isang radio network. Ang CBN ay sumanga sa pagsasahimpapawid sa telebisyon at binili ang ABS kay Quirino sa pareho ring taon. Sa isang table napkin sila lumagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA). Sa parehong napkin, ay iginuhit ang magiging markang pagakakakilanlan ng kumpanya. Lumawak pa ang sakop ng network at noong 1961, ang himpilang DZAQ-TV 3 at DZXL-TV 9 na pinagmamay-ari ng dalawang istayson ay maaari nang mapanuod sa buong bansa sa pamamagitan ng ilang himpilan ka-affiliate. Pebrero 1, 1967 nang pormal na nagsanib ang ABS at CBN bilang ABS-CBN Broadcasting Corporation. Makalipas ng isang taon, binuksan nila ang kanilang Broadcast Center sa Diliman, Lungsod Quezon na mayroong walong sound stage/production studios at control rooms, isang master control room, editing at technical terminal areas, kasama na rin ang mga tanggapan at pasilidad para sa kanilang television network at probinsyal na himpilan ng radyo sa AM at FM.

Ang network ay naghandog ng madaming mga kauna-unahan sa Pilipinas, kasama na rito ang pagsasahimpapawid ng mga palabas na may kulay (ipinapaalam nila ito sa mga manonood sa pamamagitan ng pagpapakita ng Sarimanok na logo) tulad ng Buhay Artista, Wild Wild West,The Nida-Nestor Show, Tawag ng Tanghalan, Cine Filipino at ang Your Evening With Pilita, nagpalabas ng tuluyang pagtutok sa halalan ng bansa sa pamamagitan ng Halalan '67, ang unang "live" na pagsasahimpapawid ng isang pangdaigdig na pangyayari (Man on The Moon noong 1969) at ang pagtutok sa pagbagsak ng Ruby Tower sa Maynila sa pamamagitan ng microwave transmission galing sa isang multi-camera outside broadcast van (OB Van). Noong kalagitnaan ng Dekada 70, dinamihan ng ABS-CBN ang kanilang mga palabas na may kulay sa walong oras. Sa kabilang dako, nagsimula ang educational programs sa bansa noong 1990s nang ang Department of Education na noon ay kilala bilang Department of Education Culture and Sports (DECS) ay nakaharap ang isang malaking kakulangan ng mga aklat para sa mga mag-aaral. Sa mga oras ding iyon, ang Pilipinas ay nakahilera sa mga bansang may pinakamababang marka sa araling Siyensa at Matematika sa international tests for elementary grades. Ang nasabing dahilan kung bakit ganoon ang naging resulta ay dahil sa kakulangan ng mga imprastraktura. Dahil na rin rito, ang pagpapalabas ng mga educational programs sa telebisyon ang naging alternatibong solusyon para sa kakulangan ng materyales sa mga paaralan. Ginamit ng ABS-CBN ang telebisyon upang gumawa ng academic-based at pandagdag na audio visual reference na

magagamit sa pampublikong paaralan.

Paglalahad ng Suliranin Ang panahong papel na ito ay naglalayon na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:Ano ang naidudulot ng educational programs? Kawili-wili nga ba ang panonood ng mga educational programs? Nakakatulong nga ba ang mga programang ito sa kanilang pag-aaral? Angkop nga ba ang mga imporamasyong natutunan sa mga ganitong uri ng programa sa pangangailangan ng mga mag-aaral? Binibigyang-pansin nga ba ng ABS-CBN ang pagpapalabas ng mga ganitong uri ng programa? Maaari nga bang gamitin ng mga guro ang mga educational programs bilang instrumento sa pagtuturo? Epektibo nga ba ang mga educational programs sa paglinang ng mga kaalaman ng mga mag-aaral? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang gawing kapakipakinabang ang kanilang panonood ng telebisyon. Matutulungan silang makapili ng mga tamang programa partikular na ang mga educational programs na magbibigay ng impormasyong edukasyonal imbes na mga programang mapanira sa utak ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga magulang upang malimitahan ang oras ng pagpapanood ng telebisyon sa kanilang mga anak. Sa mga guro naman, maaari rin itong makatulong sa pagpili ng makabagong instrument sa paguturo. Mahalaga rin na malaman ng ABS-CBN kung tama at epektibo ba ang mga pinipiili nilang educational programs. Maari din nilang malaman ang kanilang mga pagkukulang, kung meron man.

Terminolohiyang Ginamit ABS-CBN isang tanyag at isa sa mga pangunahing TV Networks sa Pilipinas

Educational Programs mga programa o palabas sa telebisyon na may layuning mag-lahad at magturo ng ibat ibang impormasyon sa mga manonood

Satelayt Telebisyon isang telebisyon ipinapapadala sa pamamagitan ng satelayt at tinatanggap ng isang antenna

Telebisyon - isang elektronikong sistema ng pagpapadala ng mga imahe na nakatigil o gumagalaw kasama ng tunog sa loob ng isang wire o sa espasyo

TV Networks mga istasyon na naghahatid ng mga programang ipinapalabas Sa telebisyon

TV Programs mga programa o palabas na ipinapalabas sa telebisyon

Saklaw at Delimitasyon Maraming educational programs ang maaaring mapanood sa telebisyon. Sa pagaaral na ito piling limang programa lamang mula sa istasyong ABS-CBN ang susuriin. Ang mga ito ay Matanglawin, Jimmy Neutron, Sineskwela, Math Tinik at Wansapanataym.

You might also like