You are on page 1of 14

Paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng El Filibusterismo sa Akademikong Pagganap

ng mga Mag-aaral

Marie Diana Niebres-Cortez


Ateneo De Naga University, Naga City, Philippines
mdcortrez@gbox.adnu.edu.ph

Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng 2D Animation sa
pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral sa ika-10 baitang ng Camarines Sur National High School. Upang masagot
ang mga suliraning nabanggit, ang mananaliksik ay gumamit ng Quantitative Post-
test Switching Replication Design para matukoy ang akademikong pagganap ng
dalawang grupo ng mga mag-aaral sa ilalim ng dalawang magkaibang
pamamaraan ng pagtuturo at matukoy ang bisa ng paggamit ng 2D Animation sa
pagtuturo ng El Filibusterismo. Ginamit naman ang Independent T-test para sa
pagsusuri ng mga datos. Para matukoy naman ang saloobin ng mga mag-aaral sa
pagtuturo ng El Filibusterismo gamit ang 2D Animation, ang pag-aaral na ito ay
ginamit ang thematic analysis para sa Big Group Discussion. Ang mga tagatugon ng
pananaliksik ay mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Camarines Sur National High
School. Ang dalawang seksiyong tagatugon ay mula sa Family Farm Curriculum sa
taong panuruang 2018-19. Lumabas sa pag-aaral na nakatulong ang 2D Animation
sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral, naging mabisa ang 2D Animation
dahil sa mga elemento ng multimedia kompara sa tradisyonal na pamamaraan ng
pagtuturo. Lumabas din sa pananaliksik na mas mainam gamitin ang 2D
Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo ayon sa mga naging
saloobin ng mga tagatugon. Subalit, mayroong mga mag-aaral na mas gusto pa
rin ang pagbabasa ng nobela kaysa sa 2D Animation sa dahilang mas kumpleto
ang mga detalye at mas madaling maunaawaan ang nobela sa kabila ng positibong
pagtanggap ng ibang tagatugon sa 2D Animation. Dahil sa positibong resulta ng
pananaliksik, iminumungkahi ng mananaliksik na gumamit ng 2D Animation sa
pagtuturo ng wika at ibang nobelang pansekundarya, pagsamahin ang pagamit ng
teknolohiya sa pagpapausbong ng kamalayan ng mga mag-aaral at tutugon sa
pangangailangan ng modernong panahon, at magkaroon nang mas detalyadong
2D Animation o anumang uri ng multimedia upang hindi mawaglit ang mga
importanteng detalyeng nabanggit sa nobela.

Keywords: multimedia, 2D Animation, panitikang Filipino, El Filibusterismo, pagtuturo


gamit ang 2D Animation, Akademikong Pagganap

1
1. Kaligiran ng Pag-aaral

Isang malaking hamon at/o pagsubok sa isang gurong nagtuturo ng panitikang Filipino kung
papaano mahihikayat ang mga mag-aaral na magbasa ng mahahabang teksto nito lalo na sa
kasalukuyan. Bagaman ang pagbabasa ay isang prosesong hindi maaaring iwasan, ang mga
mag-aaral ay mas pinipiling huwag na lamang magbasa batay na rin sa obserbasyon,
karanasan, at konteksto ng pagtuturo ng mismong mananaliksik. Dati nang itinuturo ang
Panitikang Filipino gamit ang lekturang nangangailangan ng mahaba-habang pagbabasa ng
mga mag-aaral ngunit kung hindi man antukin ay mas pinipili ng ibang huwag na lamang
magbasa. Nagiging sanhi ito ng pagbaba ng kanilang akademikong pagganap partikular sa
asignaturang Filipino. Ang ganitong disposisyon ng mag-aaral ay higit pang naapektuhan ng
globalisasyon. Ayon kina Iqbal Shah at Muhammad Khan (2015), ang mga makabagong
teknolohiya ay nakakaapekto at nakakaimpluwensiya sa mga mag-aaral. Sa kasalukuyan, ang
mga mag-aaral ay visually oriented kaya bumababa ang kanilang interes sa tradisyonal na
nakasulat na mahahabang teksto. Sa kabilang banda, nagpapakita naman ng mataas na biswal
na interes sa teksto ang mga mag-aaral dahil nagbibigay ito sa kanila ng karanasang sensorial.
Dahil dito, kung ang mga mag-aaral ang tatanungin karamihan sa kanila ay gugustuhing
manood na lamang ng isang pelikula kaysa ang magbasa ng isang aklat o kaya ay akdang
pampanitikan. Ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mahahabang teksto
tulad ng nobela ay nakakaapekto sa kanilang akademikong pagganap lalo na sa mga
asignaturang nangangailangang magbasa nito, gaya halimbawa sa asignaturang Filipino.

Isa sa mga ginagawang paraan ng mga guro sa pagtuturo sa iba’t ibang larang at antas ay ang
paggamit ng multimedia. Sa mabilis na pagbabago at paglago ng teknolohiya ay kasabay nitong
naaapektuhan ang edukasyon at ang iba pang larang. Kasama sa paglago ng teknolohiya ay
ang paglago rin ng multimedia. Ang paggamit nito sa pagtuturo ay sinasabing epektibo at higit
sa lahat napapadali nito ang pagtuturo at pagkatuto. Ang mga mag-aaral din ay nakakakuha
ng makabagong kaalaman dahil sa paggamit mismo nito.

Una nang ginamit ang salitang multimedia noong 1965 para ilarawan ang mga pagtatanghal
gamit ang kombinasyon ng musika, sinema, ilaw, at iba pang pagtatanghal sa sining. Sa
kasaysayan ng paglago ng multimedia, pinalawak pa ang kahulugan nito sa pag-usbong ng
teknolohiya. May ilang argumentong sinasabing ang multimedia ay dapat lamang gamitin sa
paglalarawan ng mga produktong naglalaman ng iba’t ibang uri ng midya. Halimbawa, ang
isang multimedia website ay naglalaman ng text, graphics, at sound files. Ang multimedia ay ginagamit
ng mga guro bilang kasangkapang pampagtuturo sa matagal nang panahon. Ngunit sa
kasaysayan ng paggamit nito sa pagtuturo ay walang kinalaman pa sa mga kompyuter.
Naunang ginamit ng mga guro ang multimedia bago pa man dumating ang modernong
teknolohiya ng kontemporaneong panahon. Ang mga dula, diyaryo, at yearbook ay mga
halimbawa ng multimedia na ginagamit sa pagtuturo bago pa naimbento ang kompyuter. Ang
mga uri nito na nililinang at ginagamit na mga guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral ay
makabuluhang nagbago sa loob ng 20 taon.

2
Ang paggamit ng pelikula ay sinasabing higit na nakakatulong upang mas lalong maunawaan
ng mga mag-aaral ang panitikan. Sa adbokasiya ni Champoux (1999), ginamit ang pelikula
para mapataas ang proseso ng pagkatuto na hindi makukuha sa mga nakasulat na midya o
written media. Ganoon din sa pag-aaral na isinagawa ni Mallinger at Rossy (2003) maging nina
Scherer at Baker (1999) na sinasabing ang pelikula ay nakakakuha ng atensiyon ng mga mag-
aaral upang sila ay lumahok sa talakayan sa loob ng klase dahil ito ay isang attention-capturing
visual medium. Maging ang mga gumagalaw na larawan at animation ay ginagamit na ng mga
guro sa pagtuturo ng kanilang asignatura. Sinasabing ang animation ay may mahalagang papel
sa silid-aralan lalo na nang dumating ang kompyuter. Nagbibigay ito ng isang
komplementaryong karanasan sa pag-aaral. Samantalang ang tradisyonal na pamamaraan ng
edukasyon ay kadalasang kulang ng epektibong paraan ng pagpapakita ng malinaw na
nilalaman, ayon sa pag-aaral na isinagawa Xiao (2013).

Ayon naman sa British Film Institute (2000), ang gumagalaw na imahen o larawan ay isang
mahalagang pandaigdigang wika. Alam ng mga guro ang kapangyarihan ng gumagalaw na
imahen kung inihatid sa pamamagitan ng mga sinehan, pagsasahimpapawid, video, o online;
ang kritikal na pag-unawa sa mga pelikula, video, at telebisyon ay nagiging isang mahalagang
bahagi ng karunungang bumasa't sumulat, at ang pagkalat ng mga digital na teknolohiya ay
nangangahulugang ang kakayahang gumawa at manipulahin ang paglipat ng mga imahen ay
magiging isang mas mahalagang kasanayan at pangangailangan.

Kung susuriin, marami nang pag-aaral ang nagpatunay ng epektibong paggamit ng multimedia
sa pagtalakay ng paksa sa Matematika, Siyensiya, at Araling Panlipunan. Ngunit, limitado
lamang ang pag-aaral na makakapagpatunay sa bisa ng paggamit ng pelikula at 2D Animation
sa pagtuturo ng panitikang Filipino katulad ng nobelang El Filibusterismo. Sa pag-aaral na
ito, tutukuyin ang bisa ng paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng El Filibusterismo sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Camarines Sur National High
School (CSNHS) sa Lungsod Naga. Tutukuyin din kung may makabuluhang pagkakaiba ang
akademikong pagganap ng mga mag-aaral na ginamitan ng 2D Animation sa ginamitan ng
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo ng nasabing nobela at tutukuyin din kung ano-ano
ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagtuturo nito na ginamitan 2D Animation.

2. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay parehong sumailalim sa quasi-experimental na disenyo na gumamit ng


quantitative research na Switching Replications Design at ang qualitative research gamit naman ang
Thematic Analysis sa ginawang Big Group Discussion.

Ang Switching Replication Design ay disenyong isa sa pinakamalakas sa lahat ng uri eksperimental
na uri nito. Ito ay kinakailangang may dalawang pangkat ng tagatugon na sasailalim sa apat na
yugto ng pagsukat. Sa unang dalawang yugto ay ang unang pangkat ang magiging kontrol na
pangkat at ang ikalawang pangkat ay ang magiging eksperimental pagkatapos ay sasailalim ito
sa unang dalawang yugto ng pagsukat. Matapos nito, magkakaroon ng pagpapalitan sa huling
dalawang yugto, ang kontrol na pangkat ay magiging eksperimental at ang eksperimental na

3
pangkat ay ang magiging kontrol. At pagkatapos ay muling sasailalim ito sa huling dalawang
yugto ng pagsukat.

Ang pag-aaral na ito ay may dalawang pangkat ng mga tagatugon at ang mga ito ay sumailalim
sa apat na yugto ng pagsukat o post-test. Sa unang at ikalawang yugto ng pagsukat, ang
eksperimental na pangkat ay sumailalim sa pagtuturo na ginamitan ng 2D Animation
samantalang ang kontrol sumailalim naman sa tradisyonal na pamamaraan. Pagkatapos, ang
parehong pangkat ay binigyan ng post-test. Sa ikatlo at ikaapat na yugtong pagsukat, nagkaroon
ng pagpapalitan ng puwesto ang dalawang pangkat. Ang eksperimental na pangkat ay naging
kontrol samantalang ang kontrol na pangkat naman ang naging eksperimental. Pagkatapos,
ang parehong grupo ay binigyan ng post-test. Sa pagtatapos ng pag-aaral, ang lahat ng mga
tagatugon ay nakatanggap ng parehong interbensiyon. Ang disenyong ito ay kapareho sa
estruktura ng randomized experimental na bersiyon ngunit walang pasumala o random na
pagtatalaga sa pangkat. Ito ay tiyak na nakakahigit sa simpleng pre-post non-equivalent groups design.
Pagkatapos nito, ang mga tagatugon ay sumailalim sa proseso ng Big Group Discussion (BGD).
Ang prosesong ito ay isang kritikal na bahagi na ng pag-aaral sapagkat sa pamamagitan nito,
matutukoy ang saloobin ng mga tagatugon sa paggamit ng 2D Animation bilang pamamaraan sa
pagtuturo ng El Filibusterismo. Sa pag-aaral na ito, ang BGD ay nagsasangkot ng isang
nakabalangkas na pag-uusap sa pagitan ng mananaliksik at tagatugon at nagkakaroon ng inter-
aksiyon sa pagitan ng mga tagatugon at ng mananaliksik. Isa itong paraan ng pagkolekta ng
datos sa isang tao mula sa marami na karaniwang nagbabahagi ng parehong karanasan. Ang
BGD ay isinagawa lamang sa loob ng isang oras.

Matapos makalap ng mananaliksik ang mga datos, isinailalim ito sa independent t-test na
computation upang matukoy ang akademikong pagganap ng dalawang grupo ng mag-aaral sa
ilalim ng dalawang magkaibang pamamaraan, ang 2D Animation at tradisyonal na pamamaraan
ng pagtuturo at upang matukoy ang bisa ng paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng
nobelang El Filibustersimo kompara sa bisa ng tradisyonal na pagtuturo. Sa pag-aaral na ito ay
ginamit ang Independent T-test na may layuning paghambingin ang means ng dalawang
magkakaugnay na grupo upang matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa estadistika sa
pagitan ng dalawang means. Ang Independent T-test ay may 5% level of significance. Upang suriin
ang mga nakalap na datos ng isinagawang Big Group Discussion ay ginamit ang thematic analysis sa
pagtukoy sa mga saloobin ng mga tagatugon sa bisa ng paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo
ng nobelang El Filibusterismo. Sa isinagawang BGD ng mananaliksik ay tinanong ang mga
tagatugon kung ano ang kanilang saloobin ukol sa paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng
nobelang El Filibusterismo. Batay sa resulta ng isinagawang data coding, lumabas ang
sumusunod na mga tema; Ang mga karaniwang naging tugon ng mga mag-aaral ay
“Nakakakuha ng atensiyon ng mag-aaral ang paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo,”“Madaling
maunawaan ang pagtuturo gamit ang 2D Animation,” “Mas madaling gamitin ang 2D Animation,” “Ang
paggamit ng mga elemento ng multimedia sa 2D Animation ay nakatulong sa mag-aaral.” Ang mga
natatanging tugon naman ng mga mag-aaral ay “Kompleto ang mga detalye sa pagbasa,” at “Ang
pagbabasa ay nakakaboring.”

Batay sa mga temang nakuha na pinagbatayan ng mananaliksik at sa isinagawang pagtatanong


sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang saloobin sa paggamit ng 2D Animation, lumabas na

4
may mga nais sa paggamit ng 2D Animation at may mga ayaw naman sa pagtuturo ng nobelang
El Filibusterismo. Ang mga tugong ito ay ikinategorya ng mananaliksik bilang positibo at
negatibong saloobin. Ang mga tugong itinuturing na positibong saloobin ay kapag nabanggit
ang sumusunod (nakakakuha ng atensiyon ko, mas gusto ko ang 2D Animation, mas madaling gamitin
ang 2D Animation, kawili-wili ang 2D Animation, madaling maunawaan sa 2D Aniamtion, higit ang
pagkatuto sa 2D at maganda ito). Ang ibig sabihin nito ay positibo ang kanilang naging tugon sa
paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo. Samantalang ang mga
tugong ikinategorya bilang negatibong saloobin ay ang sumusunod (Mas gusto ang pagbabasa, at
kulang ang detalye sa 2D Animation at nakakaboring ang pagbasa). Ang kanilang mga negatibong
saloobin ay tumutugma lamang sa kanilang mga kagustuhan sa pagtuturo ng El Filibusterismo
sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo gamit ang pagbabasa ng aklat.
Hindi rin naman nila direktahan o tahasang sinabi na ayaw nila ang paggamit ng 2D Animation
sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo.

Pagkatapos itong makuha, dumaan itong muli sa balidasyon ng isang eksperto sa pagsasagawa
ng thematic analysis. Mahalaga ang tungkulin na ginampanan ng external validator sapagkat muli
niyang sinuri kung tama ang nakuhang mga tema ng mananaliksik sa isinagawa Thematic
Analysis ng BGD at kung angkop ito sa layunin ng pananaliksik. Para sa pagpili ng external
validator, ang mananaliksik ay nagtalaga ng krayeterya para dito. Ang external validator ay
nararapat na isa sa mga miyembro ng Lupon ng Tagapagsuri ng pag-aaral na ito na
inaprobahan ng Dekano ng Paaralang Gradwado ng Ateneo de Naga University. Siya rin ay
mayroon nang malawak na karanasan at dalubhasa sa pagsasagawa ng thematic analysis. At
panghuli ay dapat na malaya siya mula sa mananaliksik upang maiwasan ang anumang
pagkiling o bias.

3. Resulta

Akademikong Pagganap ng Dalawang Pangkat ng mga Mag-aaral


Sa bahaging ito ay inilahad ang resulta ng akademikong pagganap ng dalawang grupo ng
tagatugon na nagmula sa seksiyon ng 10 Abad at 10 Aguinaldo sa ilalim ng dalawang
magkaibang pamamaraan.
Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang resulta ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa
ilalim ng dalawang magkaibang pamamaraan ng pagtuturo (tradisyonal at 2D Animation) ng El
Filibusterismo. Sa resulta ng unang yugto ng pagsukat, ang Abad na ginamitan ng tradisyonal
na pamamaraan ng pagtuturo ay nakakuha ng (M= 19, SD=2.50) samantalang ang Aguinaldo
naman ay ginamitan ng 2D Animation at nakakuha ng (M=25, SD=2.02).

Talahanayan 1. Akademikong Pagganap ng 10 Abad at 10 Aguinaldo

5
TANDA: M – Mean, SD- Standard Devaition, Min- Minimum, Max- Maximum

Sa ikalawang yugto naman ng pagsukat ang Abad na muling ginamit ang pamamaraang
tradisyonal ay may (M= 19, SD=3.52) ang Aguinaldo ay nakakuhang muli ng (M=25, SD=
2.47) na ginamitan ng 2D Animation. Sa pagpapalitan ng mga tagatugon ng puwesto sa Ikatlong
yugto ng pagsukat, ang Abad ay nalantad sa paggamit ng pamamaraan 2D Animation sa
pagtuturo ng El Filibusterismo ay nakakuha ng (M= 24, SD= 2.78) samantalang ang
Aguinaldo na inilantad sa paggamit ng tradisyonal na pamamaraan ay nakakuha ng (M=21,
SD=2.49) Sa huling yugto ng pagsukat, ang Abad ay muling inilantad sa 2D Animation at
nakakuha itong muli ng (M= 24, SD= 1.96). Ang Aguinaldo naman na nalantad sa paggamit
ng tradisyonal na pamamaraan ay nakakuhang muli ng (M=21, SD=2.22). Ipinikita rin sa
Talahanayan 1 ang pinakamababa at pinakamataas na iskor na nakuha ng mga tagatugon sa
bawat yugto ng pagsukat. Ito ay naglalaman ng tatlumpung (30) aytem na may passing iskor na
23. Sa unang yugto ng pagsukat, ang Abad na ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan ay
nakakuha ng pinakamataas na iskor na 24 at pinakamababang 14 samantalang ang Aguinaldo
na ginamitan ng 2D Animation ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 29 at pinakamababang
21. Sa ikalawang yugto naman ng pagsukat, ang Abad na muling ginamit ang pamamaraang
tradisyonal ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 25 at ang pinakamababa ay 11
samantalang ang Aguinaldo ay muling nakakuha ng pinakamataas na iskor na 29 at 18 bilang
pinakamababa. Sa pagpapalitan ng mga tagatugon ng puwesto sa ikatlong yugto ng pagsukat,
ang Abad ay nalantad sa paggamit ng pamamaraang 2D Animation sa pagtuturo ng El
Filibusterismo ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 28 at ang pinakamababa ay 15
kompara sa iskor ng Aguinaldo na inilantad sa paggamit ng tradisyonal na pamamaraan ng
pagtuturo ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 26 at ang pinakamababa naman ay 15. At
sa huling yugto ng pagsukat, ang Abad ay muling inilantad sa 2D Animation at nakakuha ng
pinakamataas na iskor na 27 at ang pinakamababa ay 17. Ang Aguinaldo naman na nalantad sa
paggamit ng tradisyonal na pamamaraan ay nakakuha ng pinakamataas na iskor na 24
samantalang 15 naman ang pinakamababa.

Batay sa resulta ng pag-aaral, makikitang mas mataas ang nakuha ng mga tagatugon na mean
score nang sila ay inilantad sa pagtuturo na ginamitan ng 2D Animation kompara sa naging
resulta ng mean score nang ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo ng nobelang
El Filibusterismo. Batay pa rin sa resulta ng mga datos na nakalap, matapos sumailalim ang

6
mga tagatugon sa dalawang magkaibang pamamaraan ng pagtuturo, lumabas na mas mabisa
ang paggamit ng 2D Animation upang mapataas ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Mahihinuhang ang paggamit ng 2D Animation ay nakaganyak at nakapukaw sa kawilihan ng
mga mag-aaral na naging daan upang magbigay sa kanila ng isang kongkreto at kawili-wiling
karanasan sa panonood ng nobelang pinag-usapan. Nakatulong ang paggamit ng 2D Animation
upang aktibong makilahok ang mga mag-aaral dahilan para mas mataas ang nakuhang iskor ng
mga mag-aaral na ginamitan nito. Pinasigla nito ang pagtuturo ng isang nobela na masaklaw
ang mga pangyayari at madetalye. Mahihinuha rin na ang paggamit ng 2D Animation ay
kagamitan sa pagtuturong makakapagpataas sa antas ng interes at natutugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral na mabago ang karaniwang pamamaraan ng pagtuturo ng
panitikan saklaw ng tradisyonal na pamamaraan tulad ng sangguniang aklat, mga na larawan, at
mga limbag na babasahin na hindi nagtataglay ng mga imaheng gumagalaw. Ibig sabihin,
nailantad ang mga mag-aaral sa isang bagong mundo at kakaibang karanasang hindi ginagawa
sa pang-araw-araw na pagtalakay sa loob ng silid-aralan. Mahihinuha ring naging malikhain ang
tagapagdaloy ng kaalaman upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa panahong
ito ng teknolohikong rebolusyon.

Bisa sa Paggamit ng 2D Animation sa Pagtuturo ng El Filibusterismo

Talahanayan 2. Resulta ng t-test sa bawat yugto ng pagsukat

TANDA: M – Mean, SD- Standard Devaition, t- (degress of freedom) = the t statistic, p - p-value

Ipinapakita ng Talahanayan 2 ang resulta Independent T-test sa bawat yugto ng pagsukat na may
5% level of significance. Sa unang yugto ng pagsukat, ipinakita na may makabuluhang pagkakaiba
sa naging iskor ng mga tagatugon na nalantad sa pagtuturo gamit ang 2D Animation (M= 25,
SD= 2.02) kompara sa iskor ng tradisyonal (M=19, SD=2.50) condition t(65) = 1.54E-16, p =
0.005. Sa ikalawang yugto ng pagsukat naman lumilitaw na mayroong pa ring makabuluhang
pagkakaiba ang mean score na nakuha ng ginamitan ng 2D Animation na may (M=25, SD=2.47)
kompara sa iskor ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan (M=19, SD = 3.52) condition t(65)=
7.35E-12, p = 0.005. Habang sa ikatlong yugto ng pagsukat naganap ang pagpapalitan ng
puwesto ng dalawang grupo ng mga tagatugon, sa pagkakataong ito, ang Abad ay inilantad sa
paggamit ng 2D Animation samantalang ang Aguinaldo naman ay nalantad sa pagtuturo gamit
ang tradisyonal na pamamaraan. Kung titingnan ang resulta ng ikatlong yugto ng pagsukat,
lumalabas na mayroon pa rin makabuluhang pagkakaiba ang iskor ng tradisyonal na
pamamaraan (M= 21, SD=2.49) sa iskor na nakuha ng mg tagatugon na inilantad sa 2D

7
Animation (M=24, SD=2.78) condition t(65) = 0.000288, p = 0.005. Ganoon din ang naging
resulta sa huling yugto ng pagsukat. Mayroong pa ring makabuluhang pagkakaiba sa iskor ng
tradisyonal na pamamaraan sa pagtuturo (M=21, SD=2.22) 2D kompara sa iskor 2D Animation
(M=24, SD=1.96) condition t(65)= 4.22E-08, p = 0.005.

Kung susuriin ang resulta ng mga iskor na nakuha ng mga tagatugon, konsistent na lumabas na
mas mataas ang nakuha ng mga tagatugon nang sila ay mailantad sa 2D Animation kaysa sa
pagtuturo na ginamitan ng tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita rin ditong
may makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng dalawang grupo at mas mabisa ang pagtuturo sa
paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng El Filibusterismo. Iminumungkahi ng resultang ito
na ang paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng nasabing nobela sapagkat naging mabisa ito
sa pagpapataas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Talahanayan 3. Bilang ng mga Tagatugong Pumasa at Hindi Pumasa sa Bawat Yugto ng


Pagsukat

TANDA: Abad (N=35), Aguinaldo (N=32), Passing Score= 23


Ipinapakita ng Talahanayan 4 na ang Abad ay binubuo ng 35 tagatugon at ang Aguinaldo ay
may 32 tagatugon. Ang bawat yugto ng pagsukat naman ay binubuo ng 30 aytem na may
pasadong iskor na 23. Sa unang yugto ng pagsukat, ang Abad na nalantad sa paggamit ng
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo, 17% lamang sa kanila ang pumasa at 83% naman
ang hindi pumasa. Sa kabilang banda naman, ang Aguinaldo na nalantad sa paggamit ng 2D
Animation sa pagtuturo ng El Filibusterismo ay 12% lamang sa kanila ang hindi pumasa at 88%
naman ang pumasa. Samantalang sa ikalawang yugto ng pagsukat, 9% lamang sa Abad ang
pumasa at 91% naman ang hindi pumasa. Habang ang Aguinaldo ay 12.5% lamang sa kanila
ang hindi pumasa at 87.5% naman ang pumasa. Sa pagpapalitan ng mga tagatugon ng puwesto
sa ikatlong yugto ng pagsukat, ang Abad ay nalantad sa paggamit ng pamamaraan 2D
Animation sa pagtuturo ng El Filibusterismo ay kapansin-pansin ang biglang pagtaas ng bilang
ng mga tagatugon na nakapasa na may 77% at 23% na lamang ang hindi nakapasa.
Samantalang sa 32 mag-aaral ng Aguinaldo ay 34% na lamang sa kanila ang pumasa at 66%
naman ang hindi pumasa. Ganoon din ang nangyaring pagbabago sa ikaapat na yugto ng
pagsukat. Sa 35 tagatugon ng Abad, 14% na lamang sa kanila ang hindi pumasa at 86% nasa
kanila ang nakapasa. Samantalang kapansin-pansin naman ang biglang pagbaba ng bilang ng
8
mga tagatugon sa Aguinaldo. Sa 32 tagatugon, 75% ang hindi nakapasa at 25% na lamang ang
mga nakapasa.
Ipinapakita sa Talahanayan 1 at 2 ang makabuluhang pagkakaiba ng mga mean score ng
dalawang pangkat ng mga tagatugon. Batay sa naging resulta ng mga serye ng post-test,
lumalabas na mas mataas ang nakuhang mean score ng mga mag-aaral na ginamitan ng 2D
Animation. Batay na rin sa ipinapakita ng Talahanayan 3 ay mas mabisang gamitin na
pamamaraan ang 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo upang pumasa ang
mga mag-aaral kaysa sa tradisyonal na pagtuturo.
Batay sa resulta ng pag-aaral, naobserbahan na konsistent ang naging resulta sa una
hanggang sa ikaapat ng yugto ng pagsukat sa pagkakaroon ng makabuluhang pagkakaiba batay
sa ginamit na Independent T-test. Sa pangkalahatan, naipakita ang makabuluhang pagkakaiba ng
mga mean score sa resulta ng bawat post-test na isinagawa. Lumabas na mas mataas ang mga
nakuhang mean score ng mga mag-aaral na ginamitan ng 2D Animation kaysa ginamitan ng
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. Nangangahulugang higit na mabisa ang paggamit ng
2D Animation sa pagtuturo ng naturang aralin, ang El Filibusterismo.

Saloobin ng mga Tagatugon sa Paggamit ng 2D Animation sa Pagtuturo ng El


Filibusterismo
Sa isinagawang Thematic Analysis ng BGD ng mananaliksik, tinanong ang mga tagatugon kung
ano ang kanilang saloobin ukol sa paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El
Filibusterismo. Batay sa resulta ng thematic analysis, tinukoy ang mga temang lumabas sa BGD.
Karaniwan sa naging tugon ng mga mag-aaral ay ang paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo
ng nobelang El Filibusterismo ay nakakakuha ng atensiyon ng mag-aaral dahil sa paggamit ng
iba’t ibang elemento ng multimedia tulad ng audio, text, animation, picture, at iba pa. Sinabi rin ng
mga tagatugon na mas madaling maunawaan ang pagtuturo gamit ang 2D Animation dahil
binibigyang-tuon nito ang mahahalagang pangyayari. Ayon din sa kanila, ang paggamit ng 2D
Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo ay mas madaling gamitin at nakakatipid
pa ng oras.

Ang paggamit ng mga elemento ng multimedia sa 2D Animation tulad text, audio, images/graphics,
animation, at video ay nakatulong sa mag-aaral na mapataas ang kanilang akademikong pagganap
para masabi nilang positibong ang kanilang saloobin sa paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo
ng El Filibusterismo. Isa sa elementong nabanggit ng karamihan na nakatulong sa kanila para
mapataas ang kanilang akademikong pagganap ay ang audio o ang paggamit ng diyalogo, voice
over, recorded narration, musika at mga sound effects, at maging background music. Ang paggamit ng
audio sa 2D Animation ay nakatulong sa kanila sapagkat nakuha nito ang atensiyon ng mga
tagatugon at nagbibigay rin ito ng buhay sa kanilang panonood. Ganoon din ang paggamit ng
recorded narration na nakabuod na ay mas nagpadali sa mga tagatugon na unawain ang nobelang
El Filibusterismo sa pamamagitan ng 2D Animation dahil tanging ang mahahalagang pangyayari
na lamang ang nakalagay rito. Ang elemento naman na animation o paggalaw ng mga larawan ay
isang serye ng mga imaheng pinagsama upang bigyan ang epekto ng paggalaw ay ang ikalawang
nakakuha naman ng pinakamaraming tugon mula sa mga mag-aaral. Ayon sa mga tagatugon,
ang paggalaw ng mga larawan o ang animation ay nakatulong sa kanila dahil bukod sa ginagawa
nitong kawili-wili ang panonood ay binibigyan din nito ng buhay ang mga tauhan sa nobela
para madali nila itong maalala. Isa pa sa nabanggit ng mga tagatugon ay ang text. Ito ay isa sa

9
elemento ng multimedia na may layuning magpahayag ng tiyak sa impormasyon o palakasin ang
impormasyon sa iba pang midya. Kasangkot dito ang mga headlines, subtitles, at slogan. Sinabi ng
ibang tagatugon na nakatulong ang paggamit ng subtitles para mas naunawaan nila ang 2D
Animation ng nobelang El Filibusterismo na kanilang pinanood lalo na ang matatalinghagang
salita o pahayag na binibigyan na ng kahulugan sa pamamagitan ng subtitles. Dagdag pa ng mga
tagatugon kaya naging mabisang kagamitan sa pagtuturo ang 2D Animation ay dahil mayroon
itong mga larawan at grapikong presentasyon na gumagawa ng mental o biswal na
representasyon ng isang bagay. Kasama rito ang mga larawang hindi gumagalaw, guhit,
ilustrasyon, clip art, at mga icon. Sa pamamagitan ng imaheng ito, mas natatandaan at
nauunawaan ng mga tagatugon ang mga pangyayari dahil binibigyan nito ang mga tagatugon na
makita mismo ang mga pangyayari sa nobelang kanilang pinanood. Dagdag pa rito, nakakuha
rin ng kanilang atensiyon para mas mahikayat silang panoorin ito dahil sa makulay na disenyo
ng 2D Animation na nagpatingkad pa sa paglalarawan ng bawat tagpo. At panghuli, binanggit
din ng mga tagatugon na mas nakatipid ng oras na gamitin ang panonood ng 2D Animation
kaysa sa pagbabasa.

Sa kabila ng mga positibong saloobin ng mga tagatugon sa paggamit ng 2D Animation sa


pagtuturo ng El Filibusterismo, mayroon namang ilan sa kanila ang nagsabing mas gusto pa rin
nila ang pagbabasa nito dahil mas kompleto ang mga detalyeng nasa aklat. Ang ilan naman sa
mga tagatugon ay mas gusto lang ang pagbabasa ng aklat dahil mas nauunawaan nila ito

Batay rito, karamihan sa mga tagatugon ay nagbigay ng positibong saloobin tungkol sa


paggamit ng 2D Animation bilang kagamitan sa pagtuturo ng El Filibusterismo. Gayunpaman,
ang kanilang mga negatibong saloobin ay tumutugma lamang sa kanilang mga kagustuhan sa
pagtuturo nito sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan gamit ang pagbabasa ng aklat.
Hindi rin naman nila direktahan at/o tahasang sinabi na ayaw nila ang paggamit ng 2D
Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo. Nang tinanong ang mga tagatugon ng
mungkahi para mapagbuti pa ang pagtuturo ng El Filibusterismo gamit 2D Animation, isa sa
mungkahi ng ilan sa kanila ay dapat na kompleto ang mga mga detalye sa 2D Animation para
mas lalo pa itong maging epektibo sa pagpapataas ng akademikong pagganap. Dagdag pa ng
mga tagatugon, mas magiging epektibo ang pagtuturo gamit ng 2D Animation kung higit itong
nakakaaliw sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagsasaayos ng mga tunog na gagamitin dito.
Gayundin ang pagpapaunlad sa paggalaw ng mga larawan o ang tinatawag na animation ay
maaaring makapagbigay ng mas makatotoohanang tagpo sa mga tagatugon. Kailangan pa ring
basahin ang nobelang El Filibustersimo bago ito panoorin dahil may mahahalagang detalye na
hindi mo mapapanood sa 2D Animation na mababasa lamang sa nobela.

4. Kongklusyon

Ang pag-aaral na ito aay nagbibigay ng mga ebidensiya sa bisa ng paggamit ng 2D Animation sa
pagtuturo ng El Filibusterismo. Ninais ng pag-aaral na makapaghanap ng kasagutan sa mga
tanong ng pananaliksik.

10
Ano ang akademikong pagganap ng dalawang grupo ng mga mag-aaral sa ilalim ng dalawang
magkaibang pamamaraan ng pagtuturo? Naipakita na mas mataas ang antas ng akademikong
pagganap ng mga mag-aaral na ginamitan ng 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El
Filibusterismo batay na rin sa resulta ng mean score, at sa kabilang banda, ang resulta ng bilang
ng mga pumasa sa pagsusulit na sumailalim sa 2D Animation ay mas mataas kaysa tradisyonal
na pamamaraan ng pagtuturo (tingnan ang Talahayan 3.) Makikita na may pagbabago sa iskor
ng mga mag-aaral na nakapanood ng 2D Animation at nakapagbasa ng aklat ng nobelang El
Filibusterismo. Kasabay nito ay mas marami ang mga tagatugong mas gusto ang pagtuturo ng
nobelang El Filibusterismo gamit ang 2D Animation sapagkat nakukuha nito ang kanilang
atensiyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga elemento ng multimedia, mas madali rin itong
unawain kaysa sa pagbabasa ng nobela sapagkat naglalaman ito ng nakabuod na mahahalagang
pangyayari lamang. Mas madali rin itong gamitin at nakakatipid ng oras sa talakayan. Sinabi rin
ng mga tagatugon na ang paggamit ng 2D Animation ay nakatulong sa kanila sa tulong na rin ng
mga elemento ng multimedia. Ngunit may mga tagatugong mas gusto ang pagbabasa ng nobela
kaysa sa 2D Animation sapagkat ayon sa kanila, mas buo at maliwanag ang kuwento kung ito ay
babasahin sa aklat kaysa sa papanoorin gamit ang 2D Animation. Ayon naman sa ibang
tagatugon, mas madaling maunawaan ang 2D Animation kaysa sa pagbabasa ng nobela. Kaya
naman ang tagapagsaliksik ay nakabuo ng hinuha na mainam na ang mga guro ay gumamit ng
2D Animation bilang kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto para sa madaling pagkatuto
ng mga mag-aaral ngunit dapat pa ring isaalang-alang ang pagbabasa ng nobela upang mas buo
o holistiko ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mabisa bang gamiting pamamaraan sa pagtuturo ng El Filibustersimo ang 2D Animation upang


makapasa ang mga mag-aaral? Batay sa resulta ng Independent T-test ay may makabuluhang
pagkakaiba ang mga mean score ng 2D Animation at tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo sa
bawat yugto ng pagsukat. Gayon sa isinagawang thematic anlysis ng BGD, lumabas na mas
mabisa ang paggamit ng 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El Filibusterismo dahil sa
mga elemento nito. Ang paggalaw ng mga larawan ay nakatulong sa mga mag-aaral upang mas
madaling matandaan ang mga tauhan sa nobela. Bukod pa rito, ang mga subtitle ay
nakakatulong upang mas madaling maunawaan ang matatalinghagang salitang binibigyang-
pagkakahulugan sa 2D Animation. Ang grapikong representasyon sa mga bagay at makulay na
disenyo sa 2D Animation na nagpatingakad sa larawan ng mga tagpo ay lubos na nakatulong
din sa pag-unawa ng mga aralin sa nobela. At mas napagtibay ito sa resulta ng BGD na
nagpatunay na mabisang pamamaraan na gamitin ang 2D Animation sa pagtuturo ng El
Filibusterismo dahil sa bilang ng mga pumasa sa pagsusulit gamit ito kaysa sa tradisyonal na
pamamaraan. Ito rin ay pinatunayan sa naging resulta ng kanilang mga naging positibong
tugon sa pagtuturo gamit ang 2D Animation. Nabanggit ding ang 2D Animation ay hindi lamang
mabisa kundi nakakatipid din sa oras kaysa sa pagbabasa ng nobela.

Ano-ano ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng El Filibusterismo na ginamitan 2D


Animation? Katulad ng mga nabangit sa itaas, mainam gamitin ang 2D Animation sa pagtuturo
sapagkat ang graphic design at representation ay nakakatulong upang madaling matandaan ng
mga mag aaral ang mga tagpo at tauhan, dagdag pa rito ang paggamit ng narration o
pagsasalayasay na nakabuod ay mas nagpadali sa mga tagatugong maunawaan ang nobela. Ang
subtitles naman sa matatalinghagang salita ay mas madaling naintidihan sa tulong ng 2D

11
Animation. Ang nabanggit ay ang mga positibong tugon ng mga mag-aaral sa paggamit ng 2D
Animation. Subalit, may mga mag-aaral na mas gusto ang pagbabasa ng nobela kaysa sa 2D
Animation sa dahilang mas kompleto ang mga detalye at mas madaling maunawaan ang nobela
sa kabila ng positibong pagtanggap ng ibang tagatugon sa 2D Animation.

Kasabay ng paglago ng teknolohiya at ng tunguhin ng edukasyon sa ika-21 siglo ay ang mga


hamon sa mga gurong makabuo ng pinakamahusay na mga kasanayan sa paaralang
magreresulta sa mga nagtapos na dala ang mga kasanayang ito para maging isang produktibong
miyembro ng lipunan. Ito ang panawagan sa mga gurong maging maingat at maging kritikal sa
pagpili ng kung ano ang mabisang kasanayang pedagohiko sa paggamit at paggawa ng
kagamitang mainam sa pagtuturo ng panitikan gaya ng nobela na magpapaunlad at lilinang sa
potensiyal ng mga mag-aaral.

5. Sanggunian
Aklat
Allan, M. (1985).Teaching english with video. Essex: Longman.
Briggs, L. J. (1972). Students’guide to handbook of procedures for the design of instruction.
Pittsburgh, PA: American Institutes for Research.
Champoux, J. E. (2005). Our feature presentation: organisational behavior. South-Western
College Publishing.
Dale, E. (1933). How to appreciate motion pictures. New York: Macmillan Company.
Dale, E. (1935). The content of motion pictures. New York: Macmillan Company.
Dale, E. (1937). Teaching with motion pictures. Washington, DC: American Council on
Education.
Dale, E. (1946). Audiovisual methods in teaching. New York: Dryden Press.
Fraenkel, J. R., & Wallen, N. E. (2006). How to design and evaluate research in education.
Boston: McGraw-Hill.
Iqbal S, & Muhammad K. (2015).Impact of multimedia-aided teaching on students’ academic
achievement and attitude at elementary level(5th ed.). David Publishing.
Lee, R. (1998). Scriptwriting manual ni Ricky Lee: trip to quiapo. Bagong Likha Publishing.
Marcus, A. S. (Ed.) (2007) Celluloid blackboard: Teaching history with film. Charlotte, NC:
Information Age Publishers.
Mayer, Richard E. (2007). Cognitive Theory of Multimedia Learning, Cambridge Handbook of
Multimedia Learning, Cambridge University Press.
Skeggs, B. (1997). Formations of class & gender: Becoming respectable. Thousand Oaks, CA:
Sage Publications Inc.
Tidwell, C. H. Jr (2001). Fools rush in: developing cross-cultural sensitivity using film-based
group projects. National Communication.
Young Critics Circle. (2009). Sining ng sineng filipino. UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

Journal
Ambrosini,V., Billsberry, J. & Collier, N. (2009). Teaching soft issues in strategic management
with films: Arguments and suggestions. International Journal of Management Education, 8(1).

12
Berkes, F. (2004). Rethinking community-based conservation. Conservation Biology, 18, 621–
630.
British Film Institute (2000). Moving picture in the classroom. 21 Stephen Street London.
Buchanan, D. & Huczynski, A. (2004). Images of influence: 12 angry men and thirteen days.
Journal of Management Inquiry, 3(4), 312-323.
Cardon, P. W. (2010). Using films to learn about the nature of cross-cultural stereotypes in
intercultural business communication courses. Business Communication Quarterly, 73(2), 150-
165.
Champoux, J. E. (1999). Film as a teaching resource. Journal of Management Inquiry, 8(2), 206-
217.
Champoux, J. E. (2001). Animated films as a teaching resource. Journal of Management
Education, 25(1), 79-100.
Clark, R. E. (1994). Media will never influence learning. Educational Technology Research and
Development, 42(2), 21-29.
Dwyer, C. (1993). Eğitimde Çoklu Ortam (Multimedya). (N. Çeliköz, Trans.). Eğitimve Bilim
Dergisi, 22(108), 3-8.
Driscoll, M. (2019) A 21st century education. Retrieved from
https://thinkstrategicforschools.com/education-21st-century/
Gilakjani, A. P. (2012). The significant role of multimedia in motivating EFL learners’ interest in
english language tearning. I.J.Modern Education and Computer Science, 4, 57-66. Retrieved
from http://www.mecs-press.org/ijmecs/ijmecs-v4-n4 /IJMECS-V4-N4-8.pdf
Ilhan, G.O & Oruç, S. (2016). Effect of the use of multimedia on students’ performance: A case
study of social studies class. Yildiz Technical University, Turkey. Educational Research and
Reviews, 11(8), 877-882.
King, J. (2002). Using DVD feature films in the EFL classroom. Computer Assisted Language
Learning, 15(5), 509-523. doi: 10.1076/call.15.5.509.13468
Lee, S. J. & Reeves, T. C. (2007). Edgar Dale: A significant contributor to the field of
educational technology. Educational Technology, 47(6).
Mallinger, M. & Rossy, G. (2003). Film as a lens for teaching culture: Balancing concepts,
ambiguity, and paradox. Journal of Management Education, 27, 608-624.
Marcus, A. S. (2005). “It is as it was:' feature film in the history classroom.” The Social Studies,
96 (2), 61-67.
Mayer, R. E. (2003). The promise of multimedia learning: using the same instructional design
methods across different media, Learning and Instruction, 13(2), 125-141.
Maslow, A. H. (1943). A theory of human motivation. Psychological Review, 50(4), 370-396.
NCREL & Metiri Group. (2003). enGauge 21st century skills: literacy in the digital age.
Nyumba, T.,Wilson, K., Derrick, C., & Mukherjee, N. (2017). The use of focus group
discussion methodology: insights from two decades of application in conservation. British
Ecological Society, 9(3), 20-32. http:// doi:10.1111/2041-210X.12860
Parker, A., & Tritter, J. (2006). Focus group method and methodology: Current practice and
recent debate. International Journal of Research & Method in Education, 29, 23–37.
Pavithra A. (2018). Multimedia and its application, International Journal for Research and
Development in Technology, 10 (5).
Rotherham, A. J., & Willingham, D. (2009). 21st century skills: the challenges ahead.
Educational Leadership, 67(1).

13
Scherer, R. F. & Baker, B. (1999). Exploring social institutions through the films of Frederick
Wiseman. Journal of Management Education, 23(2), 143-153
Weinstein, P. 2001. Movies as the gateway to history: The history and film project. History
Teacher 35(1), 27–48.
Xiao, L. (2013). Animation trends in education, International Journal of Information and
Education Technology, 3(3).

14

You might also like