You are on page 1of 17

Short Animated Film: Bisa ng Paggamit sa Pagtuturo ng Panitikan

Isang Pananaliksik sa Asignaturang


SEd Fil 411
Research in Education 1

Bilang Bahagi ng Katuparan


sa Pagtatapos sa Asignaturang
SEd Fil 411
Research in Education 1

Nina
MARY JOY B. BUCOL
PRINCES LETTIEMAE B. CASES
MABEL M. MALANA
JEZZA MAY B. TAMBAUAN

2023 - 2024
ANG SULIRANIN – ANG BATAYAN NITO

Saligan ng Pag-Aaral

Ang mga mag-aaral ng bansang Pilipinas ay humaharap sa isang malaking balakid

sa kanilang pag-aaral nitong mga nakaraang taon. Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang nasa

pinakamababang puwesto sa lahat ng bansa sa mundo ng taong 2018 pagdating sa

kakayahan ng mga mag-aaral na maunaawan ang kanilang binabasa. Dahil sa kakulangan

ng mga mag-aaral sa kakayahang unawain ang kanilang binabasa, naaapektuhan nito ang

pagsasakatuparan ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain naiatas sa kanila lalong lalo

na sa literatura. Lumalabas sa pag-aaral na kakulangan sa kakayahan sa pag-unawa at

kawalan ng interes ng mga mag-aaral ng mga bata sa kanilang binabasa ang ilan sa mga

salik kung bakit nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral

(Altarejos et al., 2019).

Ang panitikan ay tumutukoy sa kalipunan ng panitikan na nakasulat sa wikang

Filipino. Sinasaklaw nito ang iba't ibang anyo ng mga akdang pampanitikan tulad ng

nobela, maikling kwento, tula, dula, at sanaysay. Para kay Reyes (1992), ang panitikan ay

isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan,

lipunan, at kasaysayan. Ayon naman sa Webster (1974), ang panitikan ay katipunan ng

mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,

aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang maliw.

Malaki ang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagpapanatili at pagtataguyod

ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paggalugad ng mga

tema, pagpapahalaga, at karanasang natatangi sa sambayanang Pilipino. Ito ay


nagsisilbing paraan ng masining na pagpapahayag at komunikasyon, na sumasalamin sa

kontekstong panlipunan, pangkasaysayan, at kultura ng Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan,

nagkararanas na ng hindi maitatagong problema ang kagawaran ng edukasyon sa

pagtuturo ng panitikan.

Samantala, sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng ambag ng media sa buhay ng

tao. Sa mga nakaraang taon, malaking tulong ang paggamit ng iba’t ibang uri ng media sa

larangan ng pagtuturo ng mga guro at magkatuto ng mga mag-aaral. Mas napadali nito

ang pagbibigay impormasyon ng mga guro sa mga mag-aaral at mas mapadadali rin ang

pagganap ng mga mag-aaral sa mga naiatas na gawain. Sa isang klase, noong una ay

gumagamit ng magkahalong blackboard at chalk, at simpleng PowerPoint ang isang guro

subalit habang mas yumayabong ang teknolohiya ang nadaragdagan na ito ng iba’t iba

pang mga uri ng media. Isa sa mga nagagamit na multimedia sa makabagong paraan ng

pagtuturo ay ang paggamit animated film.

Ang short animated film ay isang maikling pelikula na gumagamit ng animasyon

upang maipahayag ang isang kuwento (O'Connell, 2016). Ang animation ay maaaring

maging isang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo ng iba't ibang paksa. Nag-aalok ito

ng kaengga-engganyo at interaktibong paraan upang ipakita ang impormasyon, na

ginagawang mas madali para sa mga mag-aaral na maunawaan at mapanatili ang

kaalaman. Sakatunayan, ayon sa case study nina Thomas and Ogini (2013) patungkol sa

epekto ng paggamit ng animation sa pagtuturo ng asignaturang siyensya, lumalabas na

malaki ang pagkakaiba ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral na ginamitan ng

multimedia kumpara sa mga mag-aaral na ginamitan ng kombensyonal na pamamaraan

ng pagtuturo.
Bilang gurong nagsasanay, ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang alamin

kung magkakaroon ba ng epekto sa pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral sa

panitikansa asignaturang Filipino kung ang teknik ng pagtuturo ay gagamitan ng

multimedia na short animated film.

Paglalahad ng Suliranin

Sa pananaliksik na ito, sinikapin ng mga mananaliksik na sinaliksik at suriin ang

epekto ng paggamit ng short animated film sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang

Filipino. Sasagutin nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano/Ano-anong uri ng panitikan ang ginamitan ng short animated film?

2. Ano ang antas ng kakayahan (pre-test at post-test) ng grupo ng mga mag-aaral na

ginamitan ng short animated film at grupo ng mga mag-aaral na ginamitan ng

kombensyonal na pamamaraan ng pagtuturo ng panitikan?

3. May roon bang makabulohang pagkakaiba sa pagitan ng pre-test at post-test scores

sa pagitan ng ng grupo ng mga mag-aaral na ginamitan ng short animated film at

grupo ng mga mag-aaral na ginamitan ng kombensyonal na pamamaraan ng

pagtuturo ng panitikan?

4. Ano ang saloobin ng mga mag-aaral na ginamitan ng short animated film bilang

pamamaraan ng pagtuturo ng panitikan?


Layunin ng Pag-Aaral

Isasagawa ang pag-aaral na ito upang tugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. Alamin kung alin sa mga uri ng panitikan ang pinakamainam at naaangkop na

gamitan animation film bilang teknik sa pagtuturo ng panitikan?

2. Paghambingin at suriin ang mga resulta ng dalawang pamamaraan ng pagtuturo ng

panitikan sa mga mag-aaral: kombensyonal na pamamaraan at makabagong

pamamaraang ginamitan ng short animation film.

3. Tukuyin ang kahalagahan ng pag-aaral ng teknik na paggamit ng animation film sa

pagtuturo sa asignaturang Filipino.

Haypotesis

Mula sa mga suliranin na nabanggit ay nabuo ang mga sumusunod na haypotesis:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang pre-test at postest ng mga mag-aaral na

ginamitan ng interbensyon at mga mag-aaral na ginamitan ng kombesyonal na

paraan ng pagtuturo.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba sa kabisaan sa pagitan ng paggamit ng

kombensyonal na paraan ng pagtuturo at paggamit ng short animated film.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-Aaral

Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa kabisaan ng paggamit ng short animated film

sa pagtuturo ng panitikang Filipino. Kapalolooban ito ng pagkuha ng mga resulta ng


pasusulit bago at matapos ang klase ng mga ginamitan ng interbensyon at ang

kombensyonal na pamamaraan at pagkukumpara sa mga ito. Kabilang din dito ang

pagtukoy sa pananaw o saloobin ng mga mag-aaral na ginamitan ng interbensyon.

Ang ipalalabas na short animated film ay likha ng mga mananaliksik na may

beripikasyon ng mga guro sa Filipino. Ang mga panitikan na gagawan ng short animated

film ay magmumula sa K to 12 curriculum guide at kagamitang pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral sa junior high na

mula sa San Guillermo Vocational and Industrial High School sa taong panuruan 2023-

2024.

Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang masuri kung gaano nga ba kaepekto ang

pagsubog ng paggamit ng animation film sa pagtuturo. Napakahalaga ng pag-aaral na ito

sa mga sumusunod:

Mga Guro:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro sapagkat mabibigyang ideya sila sa iba pang

mga teknik na maaaring gamitin sa pagtuturo na maaaring maging mas epektibo sa

nakasanayang pamamaraan ng pagtuturo. Bukod diyan ay magkakaroon ng tugon sa

suliranin sa pagtuturo ng asignatura


Mga Mag-aaral:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa kadahilanang magiging maalam sila sa iba pang mga

pamamaraan upang sila ay mas madaling matuto at makasunod sa aralin.

Mga Magulang:

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil magkakamalay ang mga magulang sa kung papaano

nila maaaring tulungan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral ng panitikan.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Control Group Experimental Group


• Mga mag-aaral sa • Mga mag-aaral sa
high school high school

PRETEST PRETEST

Pag-gamit ng Interbensyon
kombensiyonal na Pag-gamit ng short
pamamaraan ng Animated Film
pagtuturo

POST-TEST POST-TEST

Unang pigura. Paradigma 1


Ang unang pigura ay nagpapakita ng konseptuwal na balangkas sa ginawang

pananaliksik. Ito ay naglalaman ng control group na gagamitan kombensyonal na

pamamaraan ng pagtuturo at experiment group na gagamitan ng short animated film

bilang teknik sa pagtuturo. Ang parehong hanay ay dadaan sa parehong pre-test at post-

test subalit ang matapos ang intebesyon.


MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral na makatutulong

sa pananaliksik upang ihanda ang mga mananaliksik sa kanilang kinakailanang gawin.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan,

hangarin, saloobin at diwa ng mga tao. Ayon kay Reyes (1992), ang panitikan ay isang

malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan,

at kasaysayan. Ang panitikan ay may dalawang uri, ang tuluyan o prosa at patula.

Napakahalaga ng panitikan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang panitikan ay

nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan

sanakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino. Ang pag-

aaral ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog

at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo ng isang lipunan.

Sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at

pakikipagsabayan sa agos ng panitikang Filipino kung saan nagpalit-anyo ito mula sa

makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan. Kasabay ng pagbabago at pag-unlad ng

panahon at panitikan ay siya ring pagbabago sa pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro at

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa panahon ng teknolohiya, nagkaroon na rin ng impluwensya ang taknolohiya sa

paraan ng pagtuturo ang mga guro. Sa pag-usbong ng multimedia, naging isa na rin ito sa

pinakagmitin na kagamitan sa pagtuturo. Ayon sa Boston University (2023), ang


pagtuturo na ginagamitan ng multimedia ay magreresulta sa mas nalinang na kakayahan

ng mga mag-aaral. Nagiging interaktibo ang klase sapagkat nabibigayng pagkakataon ang

mga mag-aaral na unawaain ang nilalaman ng pinag-aaralan.

Samantala, isa sa mga gamit na gamit na multimedia sa pagtuturo ng panitikan ay

ang paggamit ng short aimated film. Ang short animated film ay isang maikling pelikula

na gumagamit ng animasyon upang maipahayag ang isang kuwento (O'Connell, 2016).

Mga kaugnay na Pag-aaral

Sa pagtuturo ng panitikan, madalas na ang nagiging balakid sa pagkatuto ng mga

mag-aaral ay ang kawalan nila ng interes sa binabasang panitikan. Dahil sa suliraning ito,

nagkakaroon ng mga alternatibong pamamaraan sa pagtuturo bukod sa nakasanayang

pagbabasa ng panitikan. Isa sa naging tugon dityo ay ang paggamit ng mga bidyo o film

ng mga panitikan.

Sa kasalukuyang panayon, kung saan ang mga tao ay maalam na sa paggamit ng

teknolohiya, napadadali nito ang pang-araw-araw na gawain ng mga tao. Dahil sa tayo ay

nasa panahon na ng teknolohiya, kung saan kilala ang iba’t ibang multimedia, nagagamit

nito sa maraming aspeto at nakatutulong na rin ito sa pagresolba ng mga problema o isyu

na kinahaharap ng mga tao. Maging sa edukasyon, sa estratehiya ng pagtuturo ay

ginagamitan na rin ng multi media. Isa na rito ang paggamit ng short animated film

bilang kagamitang pampagtuturo sa pagtuturo ng panitikang Filipino.

Sa pagbabasa-basa ng mga mananaliksik, napagtanto na gamit na gamit ang

multimedia sa larangan ng edukasyon.


Lumabas sa isang case study na isinagawa nina Islam et al. (2014), ang mga mag-

aaral ay may mas mataas na antas ng pag-unlad sa kanilang pagkatuto at mas nagiging

interaktibo ang klase. Bukod riyan, kapansin-pansin din na mas naeengganyo ang mga

mag-aaral na makisalamuha sa kanilang mga kamag-aral.

Ayon naman sa pagnanaliksik ni Awad (2013), sa kanyang paggamit ng

animation sa kanyang pagtuturo, lumalabas na mas napapasigla nito ang mga mag-aaral

at nakakukuha siya ng attensiyon mula sa kanila. Napatunayan niya mula sa kanyang

eksperimentasyon na mas tumaas ang lebel ng bokabularyo at pag-unawa ng mga mag-

aaral na ginamitan niya ng animation.

Lumabas naman sa pannaliksik nina Syafrizal et al. (2021) na sa paggamit ng

whiteboard animation, may nanuunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan.

Mas naaalala umano ng mga mag-aaral ang mga ipinaliliwanag ng guro kung may

kaakibat itong animation. Idinagdag nila na mas napapataas ng animasyon ang

kadalubhasaan ng mga magaaral sa gramatika.

Samantala, nakatutulong naman ang paggamit ng animation sa kakayahang

pagbuo ng sulatin ng mga mag-aaral. Mas nalilinang ang kanilang kakayahan sa pagbuo

at pagsasaayos ng nilalaman, imahinasyon at ang bokabularyo ng mga mag-aaral. Mas

napapataas rin nito ang kaengganyohan ng mga mag-aaral sa partisipasyon sa klase

(Silvani, 2020).

Ayon naman kina Kwasu at Ema (2015), isang maaasahang kagamitan ang

animated film sa pagtuturo at proseso ng pagkatuto ng mga ma-aaral. Mas nagkakaron ng

sigla ang mga mag-aaral sa klase at nagkakaroon ng partisipasyon. Binanggit din nila na

sa paggamit ng animated film, nababawasan ang mga pagbagsak ng mga mag-aaral.


Lumabas sa pag-aaral nina Hutapea at Suwastini (2019), sa pagtuturo ng Ingles at

paglinang ng kaasalan sa mga mag-aaral, mabisa ang paggamit ng short film sapagkat ito

ay mas kaengga-engganyo, nakakakalma at mas nakapagpapasiya sa mga mag-aaral.

Habang ang mga mag-aaral naman ay natutuwa sa panunuod, mas napadadali ng short

film ang pagkatuto ng wikang ginamit maging ang mga asal at aral nito ay madaling

maunawaan at matututunan ng mga mag-aaral.

Ang paggamit ng animated vido ay nakatutulong rin sa paglinang ng kakayahang

makapagsulat ng mga mag-aaral. Nakatutulong ang animated film upang makapagsulat

ng sariling kuwento ang mga mag-aaral, nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pabguo at pagsasaayos ng nilalaman at kabuoan ng kanilang kuwento, nagiging

malikhain ang mga mag-aaral at natututo rin sila ng natural na gamit ng wikang

gagamitin sa kanilang sariling kuwento (Resty et al., 2021).

Lumabas sa pananaliksik ni Alday (2020), ang animation film ay nakatutulong ng

malaki upang mapanatili ang kawilihan ng mga mag-aaral sa pagtalakay ng kwentong-

bayan at tungo sa pagkaunawa nito.

Lumabas sa pag-aaral ni Cortez (2021), nakatulong ang 2D Animation sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral, naging mabisa ito dahil sa mga elemento ng

multimedia kompara sa tradisyonal na pamamaraan. ng pagtuturo. Lumabas din sa

pananaliksik na mas mainam gamitin ang 2D Animation sa pagtuturo ng nobelang El

Filibusterismo.

Ayon naman kina Thomas at Ogini (2014), malaki ang pagkakaiba ng resulta sa

pagsusulit ng mga mag-aaral na ginamitan ng animation at multimedia sa pagtuturo sa

asignaturang Siyensya. Dagdag nila, mainam na gamitan ng multimedia ang pagtuturo


sapagkat mas malaki ang tiyansang maunawaan ng mga mag-aaral ang paksa at mas

madali rin nila itong matandaan at maalala.


PAMAMARAAN AT INSTRUMETASYON NG PAG-AARAL

Sa bahaging ito ng pag-aaral ay ilalahad ang mga isasagawang pamamaraan,

disenyo ng pananaliksik, ang mga kalahok, ang mga instrumentong gagamitin at ang

istatiskikang gagamitin.

Disenyo ng Pag-aaral

Gagamit ang mga mananaliksik sa pananaliksik na ito ng Pre-Experimental design

kung saan gagamit ang mga mananaliksik ng static-groupcomparison na magkakaroon ng

isang grupo na may interbensiyon na magaganap at ang isang grupong walang

interbensyon. Ito ay upang malaman ang kabisaan ng paggamit ng short animated film

bilang kagamitang pampagkakaturo sa panitikang Filipino.

Mga Respondente

Ang mga magiging kalahok ng pananaliksik na ito ay dalawang magkaibang

pangkat ng mga mag-aaral mula sa iisang antas sa junior high school sa San Guillermo

Vocational and Industrial High School.

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay siasaga ng mga mananaliksik sa mataas na paaralan ng San

Guillermo Vocational and Industrial High School sa Centro Dos, bayan ng San

Guillermo, lalawigan ng Isabela.

Instrumentong Gagamitin
Upang makuha ang kinakailangang mga datos sa pananaliksik, ang mga

mananaliksik ay gagamit ng mga sumusunod:

1. Short animated Film - ito ang magsisilbing pokus ng pag-aaral at ang gagamitin

bilang interbensyon sa experimental group.

2. Talatanung - ito ay gagamitin upang masubok ang kakayahan at mga natutunan ng

mga mag-aaral matapos ang isasagawang eksperimentasyon.

- gagamitin ito upang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral na

ginamitan ng interbensyon patungkol sa ginamit na instrumento.


Islam, B., Ahmed, A., Islam, K., & Shamsuddin, A. K. (2014). Child Education Through

Animation: An Experimental Study. International Journal of Computer Graphics &

Animation, 4(4), 43–52. https://doi.org/10.5121/ijcga.2014.4404

Awad, R. R. (2013). The Effect of Using Animation in Teaching English Vocabulary for

3rd Graders in Gaza Governmental Schools [Review of The Effect of Using Animation in

Teaching English Vocabulary for 3rd Graders in Gaza Governmental Schools].

Syafrizal, S., Muhajir, M., Pahamzah, J., & Furqon, F. (2021). The effects of using

whiteboard animation toward Indonesian students’ vocabulary and grammar

mastery. Journal of Language and Linguistic Studies, 17(2), 783–793.

https://doi.org/10.52462/jlls.55

Silvani, D. (2020). Learning through Watching: Using Animation Movie to Improve

Students’ Writing Ability. Journal of English Language Teaching and Linguistics, 5(2),

233. https://doi.org/10.21462/jeltl.v5i2.418

Kwasu, I. A., & Ema, E. (2015). Effectiveness of Animated Instructional Resource for

Learning Facilitation among Secondary School Student in Bauchi Nigeria [Review

of Effectiveness of Animated Instructional Resource for Learning Facilitation among

Secondary School Student in Bauchi Nigeria].


Hutapea, J. V., & Suwastini, N. K. A. (2019). USING SHORT FILMS FOR TEACHING

ENGLISH WHILE BUILDING CHARACTERS‌

Resty, C., Samosa, Lorraine, P., Vicente, E., Rapada, R., Javier, R., Lansangan, L., De

San, C., & Arcangel, G. (2021). Animated Video Story as Innovative To Improve Grade

3 Learners’ Story Writing Skills. International Journal of Academic Multidisciplinary

Research (IJAMR), 5, 1–12. https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED618209.pdf

Alday, J. M. (2020). Paggamit ng Animation Film bilang Kagamitang Panturo Sa

Pagtuturo Ng Kuwentong-Bayan At Alamat Sa Baitang 7 Sa Calauag, Quezon

Cortez, M. D. (2021). Paggamit NG 2D Animation Sa Pagtuturo NG El Filibusterismo Sa

Akademikong Pagganap NG Mga Mag-Aaral

Thomas, O. O., & Oginni, O. I. (2013). Effectiveness of Animation and Multimedia

Teaching on Students’ Performance in Science Subjects.

https://www.researchgate.net/publication/341188704_Effectiveness_of_Animation_and_

Multimedia_Teaching_on_Students'_Performance_in_Science_Subjects

You might also like