You are on page 1of 7

Short Animated Film: Epekto sa Paggamit sa Pagtuturo ng Panitikan

ANG SULIRANIN – ANG BATAYAN NITO

SALIGAN NG PAG-AARAL

Ang panitikan ay tumutukoy sa kalipunan ng panitikan na nakasulat sa wikang

Filipino. Sinasaklaw nito ang iba't ibang anyo ng mga akdang pampanitikan tulad ng

nobela, maikling kwento, tula, dula, at sanaysay. Para kay Reyes (1992),, ang panitikan

ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan,

lipunan, at kasaysayan. Ayon naman sa Webster (1974), ang panitikan ay katipunan ng

mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,

aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang maliw.

Malaki ang papel na ginagampanan ng panitikan sa pagpapanatili at pagtataguyod

ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paggalugad ng mga

tema, pagpapahalaga, at karanasang natatangi sa sambayanang Pilipino. Ito ay

nagsisilbing paraan ng masining na pagpapahayag at komunikasyon, na sumasalamin sa

kontekstong panlipunan, pangkasaysayan, at kultura ng Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan,

nagkararanas na ng hindi maitatagong problema ang kagawaran ng edukasyon sa

pagtuturo ng panitikan.

Ang mga mag-aaral ng bansang Pilipinas nitong mga nakaraang taon ay

humaharap sa isang malaking balakid sa kanilang pag-aaral. Ayon sa DepEd, ang

Pilipinas ang nasa pinakamababang puwesto sa lahat ng bansa sa mundo ng taong 2018

pagdating sa kakayahan ng mga mag-aaral na maunaawan ang kanilang binabasa. Dahil

sa kakulangan ng mga mag-aaral sa kakayahang unawain ang kanilang binabasa,

naaapektuhan nito ang pagsasakatuparan ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain

naiatas sa kanila lalong-lalo na sa literatura. Lumalabas sa pag-aaral na kakulangan sa


kakayahan sa pag-unawa at kawalan ng interes ng mga mag-aaral ng mga bata sa

kanilang binabasa ang ilan sa mga salik kung bakit nahihirapan ang mga guro sa

pagtuturo ng literatura sa mga mag-aaral (Altarejos et al., 2019).

Samantala, sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng ambag ng media sa buhay ng

tao. Sa mga nakaraang taon, malaking tulong ang paggamit ng iba’t ibang uri ng media sa

larangan ng pagtuturo ng mga guro at magkatuto ng mga mag-aaral. Mas napadali nito

ang pagbibigay impormasyon ng mga guro sa mga mag-aaral at mas mapadadali rin ang

pagganap ng mga mag-aaral sa mga naiatas na gawain. Sa isang klase, noong una ay

gumagamit ng magkahalong blackboard at chalk, at simpleng PowerPoint ang isang guro

subalit habang mas yumayabong ang teknolohiya ang nadaragdagan na ito ng iba’t iba

pang mga uri ng media. Isa sa mga nagagamit na multimedia sa makabagong paraan ng

pagtuturo ay ang paggamit animated film.

Ang short animated film ay isang maikling pelikula na gumagamit ng animasyon

upang maipahayag ang isang kuwento (O'Connell, 2016). Ang animation ay maaaring

maging isang mahalagang kasangkapan sa pagtuturo ng iba't ibang paksa. Nag-aalok ito

ng kaengga-engganyo at interaktibong paraan upang ipakita ang impormasyon, na

ginagawang mas madali para sa mga mag-aaral na maunawaan at mapanatili ang

kaalaman. Sakatunayan, ayon sa case study nina Thomas and Israel (2014) patungkol sa

epekto ng paggamit ng animation sa pagtuturo ng asignaturang siyensya, lumalabas

malaki ang pagkakaiba ng antas ng pagganap ng mga mag-aaral na ginamitan ng

multimedia kumpara sa mga mag-aaral na ginamitan ng kombensyunal na pamamaraan

ng pagtuturo.
Bilang gurong nagsasanay, ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang alamin

kung magkakaroon ba ng epekto sa pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral sa

panitikansa asignaturang Filipino kung ang teknik ng pagtuturo ay gagamitan ng

multimedia na short animated film.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pananaliksik na ito, sinikapin ng mga mananaliksik na sinaliksik at suriin ang

epekto ng paggamit ng short animated film sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang

Filipino. Sasagutin nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano/Ano-anong uri ng panitikan ang pinakamainam na gagamitan ng short animated

film?

1.1. Maikling kuwento;

1.2. Nobela;

1.3. Tula; o

1.4. Sanaysay

2. Ano ang pagkakaiba ng resulta sa pagganap ng mga mag-aaral na ginamitan short

animated film sa mga mag-aaral na ginamitan ng kombensyunal na pamamaraan ng

pagtuturo?

3. Ano ang implikasyon ng pananaliksik na ito sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa

kasalukuyan?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Isasagawa ang pag-aaral na ito upang tugunan ang mga sumusunod na layunin:
1. Alamin kung alin sa mga uri ng panitikan ang pinakamainam at naaangkop na

gamitan animation film bilang teknik sa pagtuturo ng panitikan?

2. Paghambingin at suriin ang mga resulta ng dalawang pamamaraan ng pagtuturo ng

panitikan sa mga mag-aaral: kombensyunal na pamamaraan at makabagong

pamamaraang ginamitan ng short animation film.

3. Tukuyin ang kahalagahan ng pag-aaral ng teknik na paggamit ng animation film sa

pagtuturo sa asignaturang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang masuri kung gaano nga ba kaepekto ang

pagsubog ng paggamit ng animation film sa pagtuturo. Napakahalaga ng pag-aaral na ito

sa mga sumusunod:

Mga Guro:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro sapagkat mabibigyang ideya sila sa iba pang

mga teknik na maaaring gamitin sa pagtuturo na maaaring maging mas epektibo sa

nakasanayang pamamaraan ng pagtuturo. Bukod diyan ay magkakaroon ng tugon sa

suliranin sa pagtuturo ng asignatura

Mga Mag-aaral:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa kadahilanang magiging maalam sila sa iba pang mga

pamamaraan upang sila ay mas madaling matuto at makasunod sa aralin.

Mga Magulang:
Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil magkakamalay ang mga magulang sa kung papaano

nila maaaring tulungan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral ng panitikan.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Control Group Experimental Group


• Mga mag-aaral sa • Mga mag-aaral sa
high school high school

PRETEST PRETEST

Interbensyon
Pag-gamit ng short
Animated Film

POST-TEST POST-TEST

Unang pigura. Paradigma 1

Ang unang pigura ay nagpapakita ng konseptuwal na balangkas sa ginawang

pananaliksik. Ito ay naglalaman ng control group na gagamitan kombensyunal na

pamamaraan ng pagtuturo at experiment group na gagamitan ng short animated film

bilang teknik sa pagtuturo. Ang parehong hanay ay dadaan sa parehong pre-test at post-

test subalit ang matapos ang intebesyon.

You might also like