You are on page 1of 8

Janubas, Kim

Mga Medyang Pang-edukasyon

Sa paaralan ay kaakibat sa pagtuturo ang mga medyang pang-edukasyon lalong-lalo na sa

makabagong panahon. Ang pag-usbong ng teknolohiya ay nagdudulot ng mabisang paraan sa

pagtuturo at pag-aaral. Sa kasalukuyang panahon ay palagi ng ginagamit ang mga medyang

pang-edukasyon, maging ang mga paaralan sa bukiring lugar ay gumagamit din ng ilang mga

kagamitan at mga medyang nandoon na sa kanilang lugar. Sa makabagong panahon ay marami

ang dala ng medyang pang-edukasyon na minsan kung hindi ginagabayan ang mga mag-aaral sa

paggamit nito ay maaaring makapagdudulot ito ng masama. Kaya sa paggamit ng mga medyang

pang-edukasyon ay kailangan ang patnubay ng guro.

Ang telebisyon ay isang uri ng medyang pang-edukasyon na nakatutulong sa mga mag-

aaral at guro kapag kinakailangang magpapakita ng video sa pagtatalakay ng paksa, ngunit

nangangilangan ng patnubay ang bawat mag-aaral. Sa katunayan masasabing may hindi

mabuting impluwensya ang makukuha sa panonood ng telebisyon kaya ang isang guro ay

maingat kung ito ang pag-uusapan. Mas mainam na kung ano ang nararapat ipapanood sa mga

mag-aaral ay hindi na hahaluan ng mga advertisement upang mananatili sa pokus kung ano

pinanonood ng mag-aaral na konektado sa leksyon. Makakatulong din ang sine, maaring sa

pamamagitan dito ay mas maging interesado ang mga mag-aaral sa panonood kasi mas malaki na

ang kanilang nakikita kompara sa telibisyon at hindi na kailangan pang magkakaroon ng field

trip sapagkat maaaring panoorin na lamang ang lugar na nais puntahan at pag-aralan.

Sa kasalukuyan ay sumibol ang paggamit ng DLP (Digital Light Processing) na

ginagamit sa powerpoint presentation sa loob ng klase at halos araw-araw itong ginagamit


maging sa seminar at workshop, asembeya, symposium at marami pang iba. May iba’t ibang

klase ang DLP katulad ng slide projector, overhead projector, at multimedia projector nagtataglay

ng parehong gamit. Ang mga ito ay ginagamit hindi lamang sa paaralan ngunit maging sa mga

malaking pagpupulong-pulong at sa simbahan kasi hindi na nahihirapan ang mga awdyens

sapagkat pinapalaki nito ang bawat letra at larawan.

Ang radyo ay isa rin sa meyang pang-edukasyon na nakatutulong upang malinang ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa pandinig. Sa radyo ay marami ang mga makukuhang

impormasyon kagaya ng balita na makakatulong lalong-lalo na sa larangan o gawaing

broadcasting. Sa pamamagitan din ng pakikinig sa mga drama sa radyo ay malalaman natin kung

paano ginagampanan ng mga tauhan ang kanilang mga papel na mauunawaan kaagad ng mga

tagapakinig na may malinaw na pagkakalahad ng mga aksyon kahit hindi mapanood at

imahinasyon lamang ang gagamitin ng mga tagapakinig. Sa pamamagitan nito ay magkakroon

ng ideya ang bawat mag-aaral.

Isa pa sa nagbibigay ng malaking ambag sa paaralan ay ang komyuter na nagtataglay ng

maraming gamit lalong-lalo na sa mga guro at mga mag-aaral. Dahil sa kompyuter ay napapadali

an gating mga gawain at hindi na kailangan pang magsulat. Pinapadali rin nito ang

pagkokumpyut ng mga marka na hindi na nangangailangan ng pagugol ng mahabang panahon.

Ito rin ang ginagamit upang bumuo ng poerpoint presentation na makakatulong upang maging

mabisa at maganda ang diskusyon. Ginagamit rin ito ng mga mag-aaral kapag may mga takdang-

aralin at pananaliksin o thesis. Hindi na mangangailangan ng type writer ang bawat isa sa

paggawa ng mga dukomento.

Marami pang mga medyang pang-edukasyon ang umusbong sa makabagong panahon at

kadalasan sa gumagamit nito ay ang nasa maunlad na bansa. Isa na dito ang interactive
whiteboard, at tachistoscope. Ginagamit din ang document camera sa mga maraming paaralan.

Ito ay nakakatulong lalong-lalo na sa mga malaking programa o kaganapan sa loob ng paaralan

katulad ng intramurals, mga paligsahan at iba pa. Kumukuha ito ng mga retrato upang mayroong

dukomentasyon ang partikular na paaralan.

Kaya masasabing napakalaki ang ambag ng mga medyang pang-edukasyon upang

maging mabisa at madali ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Ang lahat ng mga ito ang

nagsisilbing instrument upang magkaroon ng kompetitib at produktibong mag-aaral llaong-lalo

na sa makabagong panahon na umusbong ang mga makabagong teknolohiya, pangyayari at

pagbabago.
Janubas, Kim

Mga Simbolong Biswal

Maramai ang mga paraan upang maging mabisa ang pagtuturo at pag-intindi ng mga

mag-aaral sa bawat mahalagang konseptong tatalakayin. Ang mga simbolong biswal ang isa sa

makatutulong upang mapadali ang pagtuturo. Sinasabing may mga mag-aaral na madaling

matuto at nakadepende kapag may mga larawang nakikita at iba’t-ibang mga simbolong biswal.

Kapag sinasabing simbolong biswal ay sumasakop ito ng maraming kagamitan na mahalaga sa

pagtuturo na nakatutulong bilang representasyon upang maging makatotohanan ang nais

ipahiwatig o ituturo.

Unang halimawa ng simbolong biswal ay ang mapa at globo. Mayroong asignaturang

nangangailangan ng mapa at globo upang makita mismo ng mga mag-aaral ang representasyon

ng mundo at mga lugar. Sa pag-aaral ng mga lokasyon ay hindi ito mas lalong maiintindihan

kapag walang representasyong makikita. Sa hayskul at sa elementarya ay karaniwang ginagamit

ang mga at globo dahil maaaring maturo ng mga bata ang mga lugar at lokasyon na pinag-aralan

sa pamamagitan ng mga kagamitang ito. Ikalawang halimbawa ng simbolong biswal ay ang

dayagram. Mas napadali at pinaikli ang mga mahalagang konsepto na dapat pagtutuonan ng

pansin ng mga mag-aaral. Mas lalong makuha ang interes ng mga mag-aaral kapag may

larawang makikita na may lebel sa ganitong klaseng simbolong biswal ay hindi lang magbabasa

ang mga mag-aaral. Halimbawa na lamang dito ay ang dayagram tungkol sa mga parte ng

microscope.Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga parte nito at mga paliwanag ng guro ay

mananatili ang pokus ng mga mag-aaral. Ang ikatlong halimbawa ay ang grap. Sa asignaturang
matematika, economics, at iba pa ay hindi nawawala ang grap. Isa itong representasyon upang

maging malinaw at medaling maintindihan ang ugnayan ng mga bagay na tatalakayin. May

tinatawag na bar graph, line graph, pie graph at iba pa. Ang mga gamit nito ay nakadepende sa

paksa o sa ibang mga bagay na maaring paghahambingin. Ang ikaapat na maaring gamitin bilang

simbolong biswal ay ang tsart. Kadalasang ginagamit ito ng guro lalong-lalo na sa elementarya

dahil mahilig ang mga bata sa mga makukulay na larawan. Ginagamit din ang chart sa ilang mga

asignatura sa hayskul at kolehiyo sapagkat sa pamamagitan nito ay mapadali rin ang pag-intindi

sa mga mahalagang konsepto na hindi na kailangang babasahin pa ang buong teksto upang lubos

na maintindihan ang pag-aaralang bagay. May guro namang mahilig gumamit ng tinatawag na

kartun na kung saan ayon kay Kinder ito raw ay pagpapakahulugan ng larawan sa pamamagitan

ng pagsasagisag. Kadalasan, ginagamitan ito ng pagmamalabis o katatawan upang maihatid ang

isang mensahe o kaisipan tungkol sa mga pangyayari, tao o sitwasyon. Lalong-lalo na sa mga

bata maaaring magupit ng mga kartun ang isang guro upang maging interesadong making ang

mga bata. Maaring gawin ang kartun bilang panghalili sa tao. Ang huling halimbawa ay ang

sketch, ito ay nakakatulong lalong-lalo na sa mga mag-aaral upang masanay sa dagliang

pagguhit. Maaring magagamit ang sketch kapag may opinyon na nais iguhit na kahit walang

detalye ay mauunawaan kung ano ang mensaheng nais ipaabot at kung ano ang ibig sabihin nito.

Sa kabuuan ay masasabing napakalaki ang ambag ng mga simbolong biswal lalong-lalo na sa

mga visual learners at maging sa lahat ng mag-aaral. Nakakatulong ang mga simbolong biswal

kagaya ng globo, mapa, sketch, graph, at iba pa upang mapadali ang interpretasyon ng bagay na

pinag-aaralan. Mas mapadali at maging mabisa rin ang pagtuturo kapag sinasabayan ng guro ng

mga simbolong biswal na maipapakita sa mga mag-aaral habang pinapaliwanag ang leksyon.
Napakarami ang gamit sa mga simbolong biswal sapagkat maaari namang hindi na kailangan ang

malawakang pagpapaliwanag sapagkat madali lamang ito bigyan ng kahulugan.

Janubas, Kim

Mga Simbolong Berbal

Kagaya ng simbolong biswal, marami rin ang gamit ng mga simbolong berbal sa pag-

aaral at pagtuturo, maging sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ng bawat isa. Lahat ng mga

ideya o opinyon, mahalagang konsepto, mga salita, ang nakasulat sa aklat, sa pahayagan at iba pa

ay tinatawag na mga simbolong berbal basta’t layunin nitong mabasa, mabigkas at maunawaan

ang ibig nitong ipahiwatig at ipakahulugan. Kumakatawan ang simbolong berbal sa maraming

proseso.

Kung tayo ay nagmamapa ng mga kaisipan at ideya ay gumagamit tayo ng simbolong

berbal upang mabasa at maunawaan ang mahalagang konsepto. Sa ng mga tula, salawikain,

kasabiahan, kawikaan, kwento at iba pa ay ginagamit ang simbolong berbal upang maihatid,

mabigkas ang mga ito, at mababasa. Hindi tayo matuto kapag walang simbolong berbal sapagkat

sinasabing ito ang pinakataluktok na antas sa hagdan ng karanasan. Maaaring maintindihan natin

ang mga konsepto kahit walang mga simbolong biswal. Mayroong tinawag na semantic mapping

o semantic webbing na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral at guro upang ipapalawak ang

kahulugan ng isang salita. Sa isang salita ay marami ang mailistang nakapaloob o magkaugnay

sa isang salita na natutunan ng mga mag-aaral mula sa mga nakaraang karanasan na

makatutulong upang mapadali ang pag-unawa sa naturang salita na nakuha sa tekstong binabasa
o kaya’y tinalakay. Ang ikalawa ay ang association o word network, ang teknik o prosesong ito

ay talagang magagamit kapag nagtatanong ang guro tungkol sa bagong paksang tatalakayin,

maaring magtanong na nakabasi sa mga karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa mga salitang

maiugnay sa paksang tatalakayin upang magkaroon ng ideya ang bawat isa. Ang ikatlong proseso

ay ang clining na kung saan magagamit ito kapag susuriin ng mga mag-aaral ang antas ng salita

o tindi ng kahulugang ipapahayag ng salita. Ito ay parang pagsunod-sunurin ang tindi ng

kahulugan ng mga salita na parang hagdan. Maaari namang pag-aayusin ang mga salita ayon sa

paraan ng pagpapahayag. Ang ika-apat ay ang tinatawag na clustering na parang maihahalintulad

sa semantic webbing o mapping ngunit ang pinagkaiba lang ay: sa clustering nililista ang na

halos magkasingkahulugan ng isang salita halimabawa na lamang sa salitang nagdurusa na

marami ang salitang halos magkasingkahulugan sa salitang ito kagaya ng naghirap, nagtiis at

marami pa. Ang ika-lima ay ang kolokasyon, ito ay pagsama-sama isang salita sa isa pang salita

hanggang sa mabuo ang bagong kahulugan, halimbawa ay agaw-buhay at anak-pawis na

masasabi ring mga tambalang salita. Ang ika-anim ay nag patern, pinag-aralan dito at sinusuri

ang grupo ng mga salita halimbawa na lamang ay kapag sinusuri ang panlapi at salitang ugat ng

pangungusap, mauunawaan din ng mga mag-aaral ang pagkabuo ng salita sa pamamgitan din ng

pag-uulit ng pantig, pag-uulit ng salitang ugat at pagtatambal. Halimbawa sa salitang magluluto

ay malalaman ng mga mag-aaral kung paano nabuo ang salita. Isa-isahin nila kung ano ang

panlapi, salitang-ugat at kung ano ang inuulit na pantig sa loob ng isang salita. Sa katunayan,

kadalasang pinapagawa ito sa mga mag-aaral sa elementarya sapagkat simula silang tuturuan sa

pagsusuri o pagtutukoy ng mga salitang ugat at panlapi kaya’t ang proseso o teknik na ito ay

talagang angkop.
Ang iba’t-ibang simbolong berbal ang makakatulong upang magkaroon ng proseso at teknik

upang mapadali ang pagpapakahulugan ng mga salita, upang madaling maunawaan ang isang

salita sa pamamagitan ng paglista o pagbigay ng mga kaugnay na mga salita, upang

maiintindihan ang iba’t-ibang konsepto at salitang nakapaloob sa isang teksto, upang malaman

ang antas ng mga salita at marami pang iba. Kaya masasabing Malaki ang papel na

ginagampanan ng mga simbolong biswal sapagkat nagbibigay ito ng paliwanag sa bawat salitang

masasalubong sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na rin sa pag-aaral.

You might also like