You are on page 1of 1

The Graduate School

Notre Dame University


Cotabato City, Philippines
Third Semester, SY 2021- 2022

Arman F. Tobongbanua M.A.Ed- FILIPINO


Fil 604N May 13, 2022
Dr. Zahra Cerafica

Paglalahad ng Kagamitang Pampagtuturo

Ang napili kong kagamitang pampagtuturo ay isang makabagong pamamaraan ng paglalahad,


paghahayag at pag-papaunawa sa mga makabagong henerasyon ng mga mag-aaral. Ito ay angkop at
nababagay rin sa kanilang antas at kapasidad ng kaalaman, may mga mag-aaral na hindi naaangkop ang
katalinuhan sa pamamagitan ng pagbabasa sa aklat, ang iba ay mas naipapamalas nila ang kanilang
kagalingan sa pamamagitan ng biswal na pag-unawa. Ang guro ay dapat na matalino sa pagbuo ng kanyang
gagamiting pampagtuturo upang matukoy ang kagalingan ng kanyang mga mag-aaral, isa na rito ang
paggamit ng multimedia na kagamitan tulad ng (Power point presentation) na sadyang gamit ngayon sa mga
panahon na ito, dahil na din sa katalinuhan ng mga kabataan ngayon mas naaagaw ang kanilang atensyon sa
pakikinig at pagsasagawa ng kanilang mga gawaing pampaaralan. Maliban sa power point presentation
ginagamit rin sa kasalukuyan ang TV media instruction sa mga mag-aaral, lalong-lalo na sa mga
pampublikong paaralan ito ay gamit sa kanilang pagtuturo dahil sa madali lamang ito gamitin at ihanda, at
mas napapabuhay nito ang mga tauhan sa isang kwento, alamat at korido. Ang paggamit ng telebisyon sa
pagtuturo ay sadyang angkop rin sa mga kabataan sa kasalukuyan dahil dito naipapalabas ng guro ang mga
totoong nangyari sa isang kaganapan tungo sa realidad na pangyayari.
Ang pagkatuto ng mag mag-aaral ang nagsisilbing pinaka importanteng bagay na may kontribusyon
sa paglago ng kanilang mga abilidad at kapasidad. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naimbento
nitong mga nakaraang taon ang paggamit ng ng PowerPoint Presentation ng mga guro sa pagtuturo sa klase.
Ito ay ginagamit sa pagbibigay ng leksyon gamit ang telebisyon na may mga slides presentation para sa mag
mag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay mas mapapabilis ang diskusyon ng mga aralin dahil hindi
na kinakailangan na magsulat pa ang guro sa pisara. Mas mapapabilis ang pagpapaliwanag ng mga guro
tungkol sa kanilang aralin. Maaring rin magbigay ng halimbawa o mas malalim na kahulugan ang mga guro
tungkol sa kanilang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan, tsart at mga talungguhit. Sa
pamamagitan ng makabagong pagtuturo sa tulong rin nito ay makukuha ng guro ang atensyon ng mga mag-
aaral. Mas maiintindihan ng mga mag-aaral ang bawat aralin. Magiging resulta nito ay magkakaroon na
mahusay na pag intindi ang mga mag-aaral. Mapapatibay nito ang pagiging produktibo ng mga mag-aaral.
Magkakaroon din ang buong klase ng mas magandang interaksyon sa kanilang mga guro. Mahihikayat din
sila na tumingin sa bawat nakasulat dito dahil mas makulay na presentasyon mula sa kanilang mga guro.
Matutulungan nitong ang mag guro sa mas madaling pagpapaabot ng mga impormasyon tungkol sa kanilang
aralin. Dahil dito ay mas madadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Maaring mas maging aktibo pa
sila at mahikayat matuto. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mas kapaki-pakinabang na kagamitan sa klase na
mapapaulad ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Mga pamamaraan sa paggamit at pagpili ng paksa gamit ang “Power point presentation at ang
Telebisyon”
Unang-una kinakailangan mong maghanap sa internet ng mga palabas at larawan na angkop sa iyong
paksa upang gagamitin sa iyong inihahandang power point presentation. Ikalawa, kinakailangan mong mag
hanap ng power point theme sa iyong laptop na nababagay sa iyong paksa upang mas lalong mapaganda ang
iyong presentasyon. Ikatlo, kapag natapos mo nang maihanda lahat ng kinakailangan sa presentasyon,
lapatan mo ito ng mga effects sa slides at animation upang buhay na buhay ang iyong paglalahad.

You might also like