Professional Documents
Culture Documents
Ayon kay dating SWF-UP direktor Rommel B. Rodriguez, “Sa pamamagitan ng Filipino,
maisasakatuparan ang pagpapalago at pagpapayaman upang mabuo ang pambansang kultura.
Napapalalim ang wikang Filipino sa pag-iisip ng mga mag-aaral para matukoy ang mga bagay at mga
usaping makabuluhan at dapat paglaanan ng panahon.”
Samantala, tinalakay naman ni Prop. Carlo Gabriel S. Pangilinan ng UP Film Institute, ang paksang
“Wikang Filipino at ang Dagok ng Adyendang Neoliberal.”
Aniya, ang salarin diumano ng kakulangan ng pagsulong sa wika ay ang estado at “Hindi nagagamit
ang wika sa larangan ng kultura. Hindi nagagamit ang wika sa larangan ng ekonomiya at lalo na sa
usaping pampulitika sapagkat wala talagang interes ang pambansang estado na ito ay paunlarin.”
Tinuligsa rin ni Pangilinan ang higit na pagpapahalaga ng estado sa wikang Ingles kumpara sa
wikang Filipino.
Samantala, ang panayam ni Prop. Eulalio R. Guieb III, PhD ng Departamento ng Brodkasting
sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, ay tungkol sa “Mga Wika ng Pananatili: Panimulang
Reflexive ng Muni hinggil sa mga Kontraktuwal na Manggagawa sa Brodkast.”
Ayon kay Guieb, isa sa mga pinag-iisipan niya noon pa ay kung “Bakit sa kabila ng inhustisya sa
brodkast ay patuloy na nananatili ang marami sa industriyang ito?”
Pinili umano ni Guieb na pag-aralan ang kalagayan ng mga kawani ng DZUP 1602, ang opisyal na
istasyon ng radyo ng UPD, na ang karamihan ay nasa kategoryang “non-UP contractual” ang estado
ng trabaho.
Ayon sa survey na isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino, limitado pa rin sa mga asignatura o
kursong itinuturo sa wikang pambansa sa mga unibersidad.
MAYNILA, Pilipinas – Dapat nang simulan ng mga kolehiyo at unibersidad ang reporma sa kanilang
mga patakaran at programa para sa Filipino upang maisulong ang wikang pambansa.
Iminungkahi ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) batay sa resulta ng kanilang survey na
isinagawa nitong 3rd quarter ng 2015. Sa 144 na institusyong tinarget para sa survey, 73 lang ang
tumugon:
44 ang publiko, at 29 ang pribado
48 ang mula sa Luzon, 14 sa Visayas, at 11 sa Mindanao
Layunin ng survey na mailahad ang estado ng paggamit at pagtuturo ng Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad.
Limitado sa mga asignatura o kurso sa Filipino ang programa sa wikang Filipino ng mga kolehiyo at
unibersidad, ayon sa survey results na pinag-usapan sa Kapihang Wika nitong Martes, Oktubre 27.
Gayon pa man, limitado rin ang paggamit sa wikang Filipino bilang wikang panturo, at “tiyak, pili, at
kaunti” pa rin ang mga asignaturang maaaring ituro gamit ito.
Lamang ang paggamit ng Ingles sa mga publikasyon, papel, artikulo, libro, at iba pang lathalain sa
nakararaming kolehiyo at unibersidad.
Ingles din kadalasan ang wika sa pananaliksik, tesis, o disertasyon, dahil mas sanay ang mga guro at
mag-aaral sa wikang ito. Maraming mga terminolohiya ang walang katumbas sa Filipino, at kulang ang
mga librong nakasulat sa Filipino na mapagkukuhanan ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.
Isang institusyon ang pinapurihan ng KWF matapos nitong magpamalas ng “lubos na pagtangkilik” sa
paggamit ng Filipino sa pananaliksik – ang Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte.
Ipinagmalaki ng unibersidad na marami nang pananaliksik ang kanilang naisulat sa wikang Filipino, at
nabigyan pa nga ng pagkakataon ang halos lahat na maipresenta sa mga kumperensiya o seminar-
workshop sa loob at labas ng bansa.
Pinopondohan din ng unibersidad ang mga proyektong kaugnay sa pagsasaliksik at pagbuo ng mga
aklat-sanayan sa iba’t ibang asignatura sa Filipino.
‘Matinding panghihikayat’
May ilang limitado lang ang programa sa Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
tuwing Agosto. Kailangan pa ng ilang institusyon ng “matinding panghihikayat” upang magkaroon ng
programa para sa wikang Filipino.
“Nakakalungkot na may mga pangulo talaga ng mga institusyon na mas priority talaga ang paggamit
ng Ingles,” ani Michelle Tolentino, senior language researcher ng KWF.
Ayon sa Saligang Batas Artikulo XIV Seksyon 7, bukod sa Ingles, wikang opisyal din ng Pilipinas ang
Filipino pagdating sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo. (READ: Filipino: ‘Pambansang wika, pero
hindi wikang opisyal’)
Pero ayon kay Tolentino, hindi na sila nagulat sa naging resulta ng survey.
“Kasi noon pa man, ganoon na talaga ang pagtanggap sa wikang Filipino. Pero sa ngayon, dahil nga
may ginagawa naman kaming hakbang, sa palagay ko mayroon namang pagbabago,” sinabi niya sa
kanyang panayam sa Rappler.
Pero, kahit papaano, nakaambag naman ang survey upang mamulat ang mga institusyon para
gumawa ng mga bagong programa at probisyon sa patakarang pangwika.
Paliwanag ni Tolentino, may ilang kolehiyo at unibersidad na raw ang nagnanais na tulungan sila ng
KWF upang lalo pang paigtingin ang kanilang mga programa sa wikang Filipino. – Rappler.com
Ayon kay (Thomas Caryle) Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas
angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. Kaya
naman ang wika ay mahalaga sa paggawa ng isang pelikula dahil kung wala ito hindi tatakbo ang
kwento na iyong isinasagawa.
Maaari ding gumamit ng ibang wika tulad ng ingles o maaari din naming taglish depende sa dyandra
pelikulang iyong ginagawa o depende sa nakasaad sa iskrip. Katulad na lamang ng pelikulang “That
thing called tadhana” kung saan gumamit sila ng wikang ingles sa unang parte ng pelikula at puro
mura na ang ibang wika doon. Isa pang halimbawa nito ay ang pelikulang “No other woman”, “A
second chance” at marami pang iba. Ngunit karamihan sa mga pelikulang Pilipino ay sariling wika ang
gamit tulad na lamang ng mga pelikulang: “Home Along da Riles” na ginanapan ni Dolphy, “Ayala at
Zobel” na ginanapan nina Ogie Alcasid, Anjo Yllana, at Pablito Sarmiento na mas kilala bilang Babalu at
iba pang mga sinaunang pelikula at mga indie films na gumagamit ng buong wikang Filipino. Mahalaga
ang paggamit ng wika sa paggawa ng pelikula upang mas lalong maunawaan ng mga manunuod ang
emosyong ng kwento at gusto nitong iparating na magandang aral mula sa kanilang ginagawa. Ang
paggamit ng wika ay makatutulong sa pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa ibang tao at
maipahayag ang damdamin at kaisipan nito. Mahalaga din ang wika sa pagbuo ng isang pelikula upang
maipadama ng mga karakter o aktress sa kwento ang emosyon at damdamin na kanilang inihahatid sa
mga manunuod gamit ang wikang kanilang sinasabi o binibitawan.
Pinuno ng mga Tamaraws ang Cinema 4 ng SM Dasmariñas noong Oktubre 6 nang manood kami ng
Ma’ Rosa, isang de-kalibreng pelikula na produkto ng matabang utak ng batikang direktor na si
Brillante Mendoza. Sa blog post na ito ay mababatid ang aming pagsusuri sa malaking tulong ng wika
upang maihatid ang mahisay na tema ng palabas. Kasama rito ang mga antas ng wikang ginamit
gayundin ang kaangkupan nito sa tema ng pelikula.
Lubos na makatutulong ang wika upang maunawaan ang isang pelikula sa paraang ito ang
pangunahing instrumento sa isang epektibong komunikasyon. Masasabing epektibo ang
komunikasyon kung nauunawaan naman ng manonood o makikinig ang nais ipahiwatig ng panonoorin
o papakinggan.
Sa pelikulang napanood, naging mahusay na instrumento ang wikang ginamit sapagkat ito ay
naangkop sa lugar na pinangyarihan ng palabas. Mausok at masikip na paligid, lugar na napupuno ng
iba’t-ibang uri ng taong may iba’t-ibang edad, kasarian, at kani-kanyang pinaninidigan: ito ang mukha
ng Mandaluyong. Nararapat lamang ang balbal at kolokyal na antas ng wika sa ganitong mga lugar.
Gayundin ay naangkop ito sa uri ng pamilya na mayroon ang mga bida.
Ang pamilya ni Rosa ay naninirahan sa pusod ng Mandaluyong. Isang pamilya na napaliligiran ng mga
taong kagaya rin nila na mahirap at iilan lamang ang may disenteng trabaho. Karaniwang ganito ang
uri ng mga tao kung kaya’t kaunti lamang ang may sapat na edukasyon. Dahil dito, iilan lamang ang
mga taong pinipiling ang wasto at makataong paggamit ng wika at pagsasalita kumpara sa mga taong
nasanay na gumamit ng mga balbal na wika. Isa ring halimbawa nito ay dahil nga sa ganitong wika ang
ginagamit ng nakararami, natutunan na rin ng iba na gamitin ito sapagkat laging napapasyal ang
ganitong klase ng wika sa kanilang maluluwang ngunit saradong mga tainga.
Masasabi ng aming grupo epektibo ang wikang ginamit sa pelikula dahil inilibot kami nito sa tunay na
damdamin at emosyon na nais ng direktor na maramdaman naming mga manonood. Bawat linya.
Bawat hiyaw at sigaw. Bawat pakiusap. Bawat pagmumura. Nakadagdag ang mga bagay na ito sa
isang malinaw at kahanga-hangang tema.
Sa antas naman ng wika, nasuri ng aming pangkat na ang mga karakter ay gumamit ng balbal at
kolokyal na antas. Gaya ng nabanggit, ang mga wikang ito ay angkop sa lugar na pinangyarihan ng
pelikula. Gumamit ng balbal na mga salita upang higit na maipakita ang kultura ng isang lugar,
gayundin sa klasipikasyon ng kung anong uri ng tao sila.
Mapapansin na sa unang sampung minuto pa lamang ng pelikula ay maririnig na ang salitang ‘pre’ o
‘tol’ na siyang tawag ng magkakaibigan sa isa’t isa. Dahil sa paggamit ng salitang ito, madaling mabatid
kung ang nagsalita ay babae o lalaki. Gayundin ay ipinapakita nito ang pagbabago ng wika bilang isang
mabilis at may malawakang epektong pangyayari.
Gumamit rin ng kolokyal sa pangyayari sapagkat karaniwang ginamit sa pelikula ang mga salitang
pinaiksi. Halimbawa na lang ay ang ‘ganoon’ na naging ‘ganun’ o ‘ganon’. Isa ring halimbawa ang
‘ganto’ na hango sa salitang ganito.
Sa paraang balbal at kolokyal ipinahayag ang pelikula dahil mas maraming tao ang makakaintindi sa
antas ng wika na ginamit dito. Kaya ito ang mga ginamit upang lubos na maunawaan ng mga
manonood at makikinig ang kwento ng pelikula dahil kung gumamit ng mga malalalim pang mga salita
magiging kumplikado lamang itong intindihin. Nais din ng direktor na maging natural lamang ang
pelikula gaya ng pakikipagsalamuha ng isang ordinaryong mamamayan at ang paggamit nito ng
ordinaryong mga salita kaya ganoon na lamang niya ipinahayag ang pelikulang Ma’Rosa.
Sa kabuuan, masasabi ng aming pangkat na epektibo ang mga salitang ginamit dahil naunawaan
namin ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood at makikinig. Epektibo ang naging
resulta nito sapagkat bilang isang ordinaryong mamamayan, gumagamit din kami ng mga ganoong
salita gaya na lamang ng mga salitang ginamit ng mga karakter sa pelikula o kaya ang iba sa amin ay
pamilyar na sa mga salitang binitawan sa pelikula. Hindi na naging mahirap sa aming intindihan ang
kanilang sinasabi dahil inangkop ito ng direktor sa mga manonood. Inisip ni Direktor Brillante ang mga
salitang pang-araw araw na ginagamit at mga salitang akma para sa lahat ng manonood. Ang ganoong
klase ng paggamit ng mga salita ay nakadadagdag sa pagpapaganda ng pelikula kaya’t ganoon na
lamang ang kinalabasan ng pelikula.
Tumutukoy ang saloobin ng aming pangkat sa ginamit na wika sa pelikula dahil sa pagiging epektibo
ng mga salita at nakakadagdag ng emosyon ang mga ginamit na salita sa mga manonood at makikinig.
Ito ay epektibo dahil nakuha ng mga salitang ginamit ng mga karakter sa pelikula ang atensyon ng
mga manonood. Ito rin ay dahil naunawaan ng aming pangkat ang mensahe na nais iparating ng
pelikula. Dahil sa naunawaan namin ito, napagtanto namin na tama ang ang salitang ginamit sapagkat
may magandang resulta itong kinalabasan. Lahat kami ay may mga sapat na kaalaman sa mga salitang
ginamit sa Ma’Rosa at para sa amin ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga salita ay
nararapat upang mas maintindihan ang daloy ng kwento at magkaroon ng relasyon sa pagitan ng
pelikula at manonood.
Bagama’t angkop sa tema ng pelikula, naniniwala kami na dapat ay bawasan ang mga pagmumura
dahil ito ay may masamang epekto sa mga manonood. Maaari nila itong gayahin dahil sa tingin nila,
ito ay nakakatawa. Napansin ng aming pangkat na tuwang tuwa ang mga manonood kapag ganoong
mga klase ng salita ang sinasabi ng mga karakter sa pelikula at para sa aming pangkat iyon ay hindi
maganda sa pandinig.
Ang aming grupo ay sang-ayon sa mga salitang nakapaloob sa pelikula dahil mapapansin ninyo ito sa
paraan ng aming pagsagot sa mga katanungan. Ang aming mga sagot ay laging positibo tungkol sa
pelikula sapagkat naniniwala kami na nakadagdag sa kagandahan ng kwento ng Ma’Rosa ang mga
salitang ginamit ng mga karakter. Ang paggamit ng mga angkop na salita para sa mga manonood ay
susi upang buksan nila ang kanilang mga mata para subaybayan ang pelikula at talasan ang pandinig.
Ang uri ng salitang mga ginamit sa pelikula ay dahilan ng pagkakaroon nito ng magandang resulta. Ang
antas ng wikang ginamit gaya ng balbal at kolokyal ay naging daan para tangkilikin ng mga manonood
ang pelikulang Ma’Rosa.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Ama ng Wikang Pambansa! Mabuhay tayong lahat!
Sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III “ Ang wikang Filipino bilang isang wikang buhay ay dumaan
at patuloy pang dumaraan sa proseso ng pagbabago.Bilang isang bansang maituturing na multi-etniko
at multi -kultural ay kahanga – hangang sa paglipas ng panahon ay nagawa ng sambayanang Pilipino
na makabuo at makapagpalaganap ng isang wikang panlahat na patuloy na nagsisilbing tulay na
bumibigkis at nagbubuklod sa magkakaibang komunidad –wika tungo sa iisang kamalayan at
adhikain.”
Pangunahing biyaya ng Diyos ang wika. Dahil sa wika, ang buong mundo ay nagkaintindihan; ang
mundo ay pinag-uugnay – ugnay ng global na komunikasyon at kariktan ng teknolohiya. Mahalaga at
di mawawalay na bahagi ng pakikibaka ng sambayanag Pilipino para sa isang bansang tunay na malaya
at nagsasarili ang pagtataguyod sa wikang Pambansa.
Ang layunin ng pagdiriwang sa taong ito ay ang mga sumusunod: a. ganap na maipatupad ang
Pampanguluhang Proklamasyon Blg.1041; b. mahikayat ang iba’t ibang ahensyang pampanguluhan at
pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nag papataas ng kamalayang pangwika at
sibiko at; c. maipakikita ang kahalagahan ng wika na higit pa sa pambansang kaunlaran.