You are on page 1of 3

PATEROS CATHOLIC SCHOOL

Senior High School Department


F. Imson St., Barangay San Pedro, Pateros, Metro Manila
SY 2023-2024
Kagawaran ng Pagganap at Praktikal na Sining

Pangalan :

Camille B. Villaruz

Samuel M. Villena

Konseptong Papel sa Kursong Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Paksa: Paano Ginagamit Ang E – Textbook sa Loob ng Silid – Aralan

I. Rasyunal

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills:
Learning for Life in our Time (2009), ang kasalukuyang siglo at nagdala ng mga bagong
set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Sila ang mga digital native.
Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ang naiiba
sa mga "natutong gumamit" ng teknolohiyang pangkomunikasyon o digital immigrants.
Inilarawan nilaTrilling at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa
kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at
teknolohiyang pangkomunikasyon o digital information and communication
technologies. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-
aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time
na mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, sila
ay naglalatag ng bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.
Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21st century
skills na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa
sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng problem solving at critical
thinking ang kabilang sa mga kakayahang ito, kundi maging ang pagiging bihasa sa
mga makabagong kakayahan tulad ng digital media literary. Ipinaliwanag din nila
Trilling at Fadel na ang tatlong set ng kakayaan na kinakailangang matamo ng mga
mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay ang life and career skills, learning, and innovation
skills, at information, media, and technology skills.

II. Layunin

Nais ng papel na ito na magpokus sa information, media, and technology skills lalo na
at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang mag hi-tech hindi
lamang sa pamamagitan ng paggamit mga technolohiya upang gumawa ng mga
teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan din ng unti-unting
pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng
papel na ito na malaman kung paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral ang e-
textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob sa silid-aralan bilang manipestasyon ng
kanilang information, media, and technology skills at kung ano ang impak ng
technolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga
silidaralan. Sa kasulukuyan , magkakaiba ang lebel ng information , media and
technology skills ng mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure
sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang
paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay
nakadepende sa kanilang information, media, ang technology skills.

III. Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan


sa mga guro at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng
impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel
na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silidaralan ng isang piling paaralan ng
nagpapatupad ng paggamit e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang
higit mapatatag ang mga datos na makukuha mula sa pakikipanayam.

IV. Inaasahang Resulta

Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na


tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng
mga rekomendasyon na maaaring magamit ng piniling paaralan o iba pang paaralang
nagnanais na gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum.

You might also like