You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 10 DEL PILAR AND AQUINO

MGA GAWAIN

GAWAIN: Punan ng kinakilangang impormasyon ang tsart ukol sa kalakasan at kahinaan ng top-down at bottom-up approach ng
disaster management plan. Isulat sa kwaderno ang inyong kasagutan. (1 Kahulugan, 2 Kahinaan, 2 Kalakasan)

ARALIN 2
A. MGA DAPAT GAWIN SA PANAHON NG BAGYO
PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
- Ito ang ahensiya na naglalabas ng mga public storm signal bilang babala sa pagdating ng masamang panahon
MGA DAPAT TANDAAN SA PUBLIC STORM SIGNALS (PSS)
PSS #1 Magiging masama ang panahon sa loob ng 36 hours, pabugso-bugso ang ulan
May paparating na bagyo sa isang lugar na may hanging 30-60 kilometer per hour (kph)
PSS #2 Magiging masama ang panahon sa loob ng 24 hours
May paparating na bagyo sa isang lugar na may hanging 60-100 kilometer per hour (kph) sa loob ng 24
hours
PSS #3 Magiging masama ang panahon sa loob ng 18 hours, pabugso-bugso ang ulan
May paparating na bagyo sa isang lugar na may hanging 100-185 kilometer per hour (kph) sa loob ng 18
hours
PSS #4 Magiging masama ang panahon sa loob ng 12 hours
May paparating na bagyo sa isang lugar na may hanging 185 kilometer per hour (kph) sa loob ng 12 hours
Super Typhoon Isang napakalakas na bagyo ang darating sa isang lugar
Ang hangin ay may bilis na 220 kph sa loob ng 12 hours

GAWAIN. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay dapat gawin BAGO, HABANG o PAGKATAPOS ng bagyo.
_______________1. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas.
_______________2. Laging maghanda ng mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa kasama ang
mga ekstrang damit, delata, posposro, baterya, atiba pang mahahalagang gamit.
_______________3. Itago na ng maayos ang mga kagamitan bago lilikas, isara ang tangke ng gas, at kailangang nakapatay ang
main switch ng kuryente.
_______________4. Siguraduhin na nakasara ng maayos ang mga bintana at pintuan
_______________5. Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig. Itapon ang mga naipong tubig sa mga
gulong, lata, o paso upang hindi pamahayan ng lamok.
_______________6. Makinig sa radyo o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita tungkol sa bagyo.
_______________7. Kung lilikas, siguraduhing may dalang emergency kit.
_______________8. Kung lalabas, mag-ingat sa mga naputol na kable ng kuryente na nakakalat sadaan
_______________9. Ayusin ang mga bahagi ng bahay lalo na ang bubong para maging matibay at makayanan ang malakas na
ihip ng hangin
_______________10. Makinig sa radyo o manood ng TV, o magbrowse sa internet para sa regular na anunsyo o babala tungkolsa
kalagayan ng bagyong paparating
B. MGA DAPAT GAWIN SA PANAHON NG LINDOL
PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology
- Namamahala sa mga kalagayan ng mga bulkan, lindol at mga tsunami

LINDOL ay biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa


Sanhi pagbibiyak at pagbabago ng mga bato sa ilalim ng lupa habang pinapakawalan nito ang puwersa na naipon sa
mahabang panahon
Intensity Paraan ng pagsukat na nakakategorya bilang:
1. halos di-maramdaman
2. biglaang nararamdaman
3. mahina
4. katamtaman ang lakas
5. malakas
6. sobrang malakas
7. mapaminsala
8. sobrang mapaminsala
9. mapangwasak at
10. mapanggunaw
GAWAIN. Ipangkat ang mga sumusunod na ideya kung ang mga ito ba ay dapat gawin BAGO, HABANG o PAGKATAPOS ng
Lindol.

BAGO HABANG PAGKATAPOS

Umiwas sa mga puno, poste, linya ng


kuryente, at estruktura kung sakaling
nasa
open area.
 Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at estruktura kung sakaling nasa open area.
 Laging may handang emergency kit.
 Lumabas agad sa gusali, bahay, o paaralan kapag huminto na ang pagyanig.
 Maging kalmado at maging alerto upang malaman ang dapat gawin
 Makilahok sa mga earthquake drill.
 Lumikas kung pinalilikas
 Siguraduhing ligtas ang mga kasama at alamin kung may injury.
 Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon upang maprotektahan ang sarili.
 Mahalaga rin na maging pamilyar sa mga exit route ng inyong tahanan, lugar ngtrabaho, at paaralan.

C. MGA DAPAT GAWIN SA PANAHON NG FLASHFLOOD AT PAGBAHA

1. Maging handa sa posibilidad na


pagbaha kung patuloy ang pag-ulan.
2. Makinig sa radyo o manood sa TV
para sa emergency instructions.
3. Kinakailangang mag-imbak ng
malinis na tubig baka mawalan ng
water supply.
4. Siguraduhing nasa maayos na
lalagyan ang mga kagamitan sa bahay,
maaari
itong ilagay sa mataas na bahagi upang
hindi maabot ng tubig-baha.
5. Dalhin at isilong ang mga alagang
hayop sa mataas na bahagi ng lupa.
6. Manatili sa loob ng bahay hanggang
matapos ang bagyo.
7. Kung kinakailangang lumikas,
tiyaking nakapatay ang kuryente ng
bahay,
nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi
ang pinto.
8. Kung pinalilikas, gawin ito agad
bago malubog sa tubig-baha.
9. Bago lumikas, ibaba ang main
switch ng kuryente at isara ang buong
kabahayan.
10. Huwag lumusong o tumawid sa
mga tubig na hindi alam ang lalim nito,
iwasan
ang mga lugar na may tubig-baha.
1. Maging handa sa posibilidad na pagbaha kung patuloy ang pag-ulan.
2. Makinig sa radyo o manood sa TV para sa emergency instructions.
3. Kinakailangang mag-imbak ng malinis na tubig baka mawalan ng water supply.
4. Siguraduhing nasa maayos na lalagyan ang mga kagamitan sa bahay, maaariitong ilagay sa mataas na bahagi upang hindi
maabot ng tubig-baha.
5. Dalhin at isilong ang mga alagang hayop sa mataas na bahagi ng lupa.
6. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo.
7. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay,nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi ang pinto.
8. Kung pinalilikas, gawin ito agad bago malubog sa tubig-baha.
9. Bago lumikas, ibaba ang main switch ng kuryente at isara ang buong kabahayan.
10. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim nito, iwasanang mga lugar na may tubig-baha.
11. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang bahalalo na kung malakas ang agos nito at hindi
matantiya ang lalim.
12. Pakuluan ang tubig bago inumin.
13. Pagkatapos ng baha, bago pumasok sa bahay, siguraduhing walang putol nakawad ng kuryente upang maiwasan ang
pagkakuryente o pagsisimula ng sunog.
14. Huwag pumunta sa lugar ng sakuna (disaster areas) nang hindi makasagabal sarescue and emergency operations.
15. Ipakita sa elektrisyan ang koneksiyon ng kuryente bago buksan ang main switcho paggamit ng mga de-kuryenteng mga
kagamitan.

NDRRMC - National Disaster Risk Reduction Management Council


- nabuo upang mabawasan at maagapan ang panganib na dulot ng kalamidad
- tagapagpaalala sa mga mamamayan ukol sa iba’t ibang anunsiyo at panganib na dulot ng mga kalamidad

PIA - Philippine Information Agency o Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas


- nagbibigay ng mga update tungkol sa mga rescue efforts at relief lalo na sa mga lugar nanaapektuhan ng kalamidad

PCG - Philippine Coast Guard o Tanod Baybayin ng Pilipinas


- sakop nito ang pagbibigay ngbabala sa mga biyaheng pandagat kasama na ang rescue and search operations
- Sinisiguro nito ang kaligtasang pandagat

You might also like