You are on page 1of 3

RADIO INFOMERCIAL

→Aprilyn De Guzman – Sctiptwriter / researcher


→Aira Valenzuela – Interviewer/editor/researcher
→Lyka Arellano – Voice over/host
→Mark Lorenz Bascuguin- Voice over/host

TITLE: MABINI BATANGAS, AS PRONE AREA OF EARTHQUAKE IN


BATANGAS

SCRIPT

(Insert Background music)


Mark Lorenz: Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na
nagmumula sa ilalim ng lupa. Hindi natin maikakaila na maaaring magdulot ito ng
pagkawasak at pagkasira ng mga gusali at tahanan at kung minsan pa ay nagdudulot
ito ng pagkawala ng buhay ng isang tao . Abril ika-4 at ika-8 taong dalawang libo at
labing-pito ay nakapag tala sa bayan ng Mabini lalawigan ng Batangas ng 5.6
magnitude at 6.0 magnitude na lindol at mahigit kumulang limang libong katao ang
inilikas mula sa apektadong lugar. Ayon kay Aivee Valenzuela, dalawamput tatlong
taong gulang, isang estudyante at residente ng Mabini, Batangas, isinaad niya na nang
dahil sa sakunang nangyari, may mga parte ng kanilang bahay ang nasira at nang dahil
dito saka niya napagtanto na dapat palaging handa sa mga sakuna at dapart alam mo
ang mga gamit na dapat ihanda, dahil lamang palagi ang may kaalaman sa mga
sakunang hindi inaasahan.
Lyka: Ano nga ba ang nararapat na gawin bago mangyari ang mga kalamidad na hindi
inaasahan katulad na lamang ng lindol. Narito ang ilang mga tips na makakatulong
upang maging handa sa paparating na lindol.
Tip no. 1- Ugaliing magkaroon ng plano o paghahanda sa nasabing kalamidad, mag
usap-usap patungkol sa mga lugar na maaari ninyong puntahan sa oras na kayo ay
palikasin dahil sa lindol.
Tip no. 2- Maghanda ng isang lalagyan kung saan puwedeng ilagay lahat ng
pangangailangan tulad ng flashlight, mga gamot, first aid kit at mga pangunahing
kailangan ng iyong pamilya.
Tip no. 3- Siyasatin ang mga bagay sa loob ng tahanan na maaaring bumagsak habang
lumilindol. Ilagay ang mga mabibigat na bagay sa mababang pwesto lamang at ang
mga magagaan na bagay ay sa itaas na parte ng patungan. Importanteng gawin ang
ganitong pagsisiyasat upang maiwasan ang matinding pinsala ng lindol sa ating bahay
at sa ating mga sarili.
Tip no. 4 – Palaging maghanda o magdala ng pito kahit saan ka man magpunta upang
kapag dumating ang lindol at nakulong ka sa isang bahagi ng gusali ay maaari kang
makakuha ng agad-agarang tulong mula sa taong malapit mula sa lugar.
Tip no. 5 – Alamin kung paano patayin ang lahat ng kagamitan na umaandar gamit ang
kuryente, upang maiwasan ang anumang disgrasya at pagkasunog.
Mark Lorenz: Naririto naman ang ilang tips kung paano magiging ligtas habang
nagaganap ang pag lindol.
Tip no. 1- Huwag mataranta, at manatiling kalmado sa sitwasyon upang makapag isip
ng maayos.
Tip no. 2- Lumayo sa mga bagay na puwedeng bumagsak o mabasag tulad ng salamin,
bintana, malalaking appliances, bumbilya, at gawin ang “drop, cover and hold”, ngunit
siguraduhin na ang lamesa o kamang gagamitin ay may sapat na kakayahan upang
maprotektahan ka sa mga bagay na bumabagsak. Kung walang puwedeng
pagsilongan, ilagay ang iyong kamay sa ibabaw ng iyong ulo.
Tip no. 3 – Iwasan ang pag gamit ng appliances habang lumilindol, maaaring
magkaroon ng sira ang mga linya ng kuryente na puwedeng maging sanhi ng short
circuit, pagka kuryente o sunog.
Tip no. 4- Kung ikaw naman ay natutulog habang lumilindol, manatili sa iyong kama,
bumaluktot at hawakan o takpan ang iyong ulo.
Tip no. 5- Kung ikaw ay nasa labas habang lumilindol, lumayo sa mga puno, poste at
matataas na gusali na maaaring bumagsak anumang oras
Tip no. 6- Kung ikaw ay nasa loob ng sasakyan, mangyaring tumigil sa ligtas na lugar at
manatili sa loob ng sasakyan. Iwasan ang mga tulay, overpass, at mga linya ng
kuryente . Kung ang isang linya ng kuryente ay nahulog sa iyong sasakyan, huwag
lumabas at maghintay ng paparating na tulong.
Tip no. 7- Kung ikaw ay nasa isang mabundok na lugar o malapit sa hindi matatag na
mga dalisdis o bangin, maging alerto sa pagbagsak ng mga bato at iba pang mga
debris pati na rin mga pagguho ng lupa.
Lyka: Matapos ang pagyanig, naririto naman ang nararapat mong gawin upang manatili
kang ligtas sa pag lindol.
Una, matapos ang pag yanig, at kailangan mong umalis sa isang gusali, gumamit ng
mga hagdan kaysa sa elevator kung sakaling may mga aftershock , dahil maaaring
magdulot ito ng paghinto at ikaw ay makulong sa loob.
Pangalawa, Kung ikaw ay malayo sa bahay, bumalik lamang kapag may signal na
galing sa mga awtoridad na ligtas na itong gawin.
Pangatlo, Kung nakatira malapit sa dagat, makinig sa mga official tsunami warning o
advisory ng barangay o LGU at pumunta sa mataas na lugar.
Pang-apat, asahan ang mga aftershocks, at sa tuwing makakaramdam ka nito, ay
gawin ang “drop, cover and hold”.
Pang huli, maging alerto sa banta ng landslide at sunog at manatiling makinig sa
awtoridad.
(INSERT BACKGROUND MUSIC)….
Lyka: LAGI NATING TANDAAN NA ANG TAONG HANDA AT MAY SAPAT NA
KAALAMAN, AY LAGING LIGTAS SA ANUMANG KALAMIDAD ANG PAGDAANAN.
Lorenz : MAMUHAY NG PAYAPA, MAMUHAY NG MASAGANA KASAMA ANG MGA
KAALAMANG MAGLILIGTAS SA IYONG BUHAY AT MGA MAHAL SA BUHAY

You might also like