You are on page 1of 19

15 BABALA PARA

MAGING LIGTAS
• UNANG BABALA
• IKALAWANG BABALA
Makinig ng radio o manood sa telebisyon upang malaman
ang pinakabagong impormasyon ukol sa bagyo.
Panatilihing buhay ang telepono upang kung may mga
impormasyon mang matatanggap galing sa mga
NDRRMC etc.
• IKATLONG BABALA
Siguraduhing handa na ang emergency
kit at ibalot ito ng plastic upang hindi
mabasa. Maging handa sa paglikas sa
ligtas na lugar.
• IKAAPAT NA BABALA
Panatilihing may dala o nakahandang
flashlight at baterya kung may brown
out na mangyayari.
• IKALIMANG BABALA
Mag-ipon ng tubig kung sakaling mawalan ng
daloy sa mga gripo at iba pang pinagdadaluyan ng
tubig para sa pangangailangan.
• IKAANIM NA BABALA
Kung walang mapagkukunan ng malinis
na tubig maiging magpakulo ng tubig
hanggang 20 minutos at ilagay sa
lalagyang may takip.
• IKAPITONG BABALA
Pag nakikitang tumataas na ang lebel ng tubig ay ipatay
na pangunahing pinagkukunan ng kuryente at ilagay sa
mataas na lugar ang mga kagamitang gumagamit ng
kuryente at mahahalagang bagay. Iwasang gamitin ang
mga ito sa panahon ng kalamidad upang iwas disgrasya.
• IKAWALONG BABALA
Bantayan at ingatang mabuti ang
mga sinindihang kandila o lampara.
• IKASIYAM NA BABALA
Suriin ang mga bagay na maaring
masira at matangay ng hangin.
• IKASAMPUNG BABALA
Isarado ng maayos at lumayo sa bintana ng
maiwasan ang mga bagay na nasira na tinangay ng
hangin na maaring lumipad sa kung saan saan. Iligpit
ang mga bagay na madaling matangay ng hangin.
• IKALABING-ISANG BABALA
Huwag lumusong sa tubig baha upang naiwasan ang
sakit na dala nito at mga aksidente tulad ng
pagkakuryente. Kung hindi maiiwasan ang paglusong
maiging magsuot ng proteksyon gaya na lamang ng
kapote at bota.
• IKALABINDALAWANG BABALA
Mag-ingat sa bagyo. May panahon na walang
gaanong hangin at ulan at kalmado ang paligid. Ito
ay maaring panahon ng pagdaan ng mata ng bagyo.
Pagkaraan ng ilang oras ay babalik muli ang ihip ng
hangin at ito ay mas malakas at mas maulan.
• IKALABINTATLONG BABALA
Lumayo sa karagatan at sa mga lugar na may mga
anyong tubig na maaaring magdulot ng baha at
pagtaas ng tubig.
• IKALABING-APAT BABALA
Kung lilikas sa ligtas na lugar, dalhin ang
emergency kit, tiyaking nakasara ang
tangke ng gas, at nakapatay ang main
switch ng kuryente ng bahay.
• IKALABINLIMANG BABALA
Kung kinakailangang lumikas sundin ang mga sumusunod:
 Lumikas ng mahinahon
 Iwasan ang daan patungong ilog
 Sundin ang mga babala tungkol sa kaligtasan
 Kung habang lumilikas ay may di inaasahang
pangyayari dapat alam ang mga hotline numbers o
emergency numbers ng mga sumusunod:

You might also like