You are on page 1of 3

HI!

Magandang Umaga sainyong lahat, ako si Joy


Ann Gueco nandito sainyong harapan upang
maghatid ng kaalaman paano maghanda sa
paparating na bagyo. Ang bagyo ay isang uri ng lagay
ng panahon na nagdudulot ng malalakas at mabilis
na hangin at pag-ulan na maaring maging sanhi ng
matinding pagbaha, daluyong ng dagat at pagguho
ng lupa. Nandito ako ngayon para magbigay ng mga
“tips” na kailangan nating gawin bago, habang at
pagkatapos ng bagyo sa ating mga residente.
Sisimulan natin ang paghahanda bago pumasok ang
bagyo sa ating mga residente.

Una: Alamin ang balita ukol sa panahon at mga


anunsyong pangkaligtasan.
Ikalawa: Alamin ang plano ng komunidad sa
pagbibigay-babala at paglikas.
Ikatlo: Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga
mahina o sirang bahagi nito.
Ikaapat: Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng
mga pangangailangan ng pamilya.
Ikalima: Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na
ugar.
Ikahuli: Kapag inabisuhan ng kinauukulan, mabilis
na lumikas sa itinakdang evacuation center.

Ngayon, alamin naman natin ang paghahanda


habang kasalukuyan na nagaganap ang bagyo sa
ating mga residente.

Una: Manatilihing mahinahon. Manatili sa loob ng


bahay o evacuation center at making sa
pinakabagong balita aat taya ng panahon.
Ikalawa: Patayin ang main switch ng kuryente at
valve ng tubig.
Ikatlo: Gumamit ng flashlight o emergency lamp.
Maging maingat sa paggamit ng kandila o gasera.
Ikahuli: Umiwas sa mga salaaming bintana o mga
bagay na matitilos.

Ngayon, Dumako naman tayo sa kung ano ang


gagawin nating aksiyon pagkatapos ng bagyo sa
ating mga residente.
Una: Hintayin ang anunsiyo ng kinauukulan kung
ligtas na bumalik sa mga tahanan.
Ikalawa: Umiwas sa mga natumbang puno,
nasirang gusali at linya ng kuryente.
Ikatlo: Huwag gumala upang hindi maabala ang
emergency services
Ikaapat: Maging maingat sa pagsasaayos ng mga
nasirangg bahagi ng bahay.
Ikalima: Siguraduhing walang basa o nakababad na
outlet o kagamitan bago buksan ang linya ng
kuryente.
Ikahuli: Itapon ang mga naipong tubig sa lata, paso
at gulong upang hindi pamahayana ng lamok.
At diyan na nagtatapos ang aking mga “tips” para
maghanda sa paparating na bagyo sa ating mga
residente. Hiling kona tayo ay maging ligtas sa
anumang kasakuna o kalamidad na maaring
pumasok sa ating mga residente. Muli, ako si Joy
Ann Gueco naglahad ng mga kaalaman patungkol sa
bagyo. Bye!!!

You might also like