You are on page 1of 3

PAGHAHANDA SA PANGANIB NA DULOT

NG MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN


Disaster Management
Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng
isang mahusay na disaster management. Ayon kay Carter (1992), ang disaster management ay
isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon
na dapat magtulong at makiisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang
isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.
Nakapaloob sa tinatawag na management ang mga gawain at stratehiya ng isang
organisasyon upang magkaroon ng koordinasyon ang bawat kasapi nito.
Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga
ginagamit na termino o konsepto.
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ariarian, at kalikasan.
• Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – tumutukoy sa mga hazard na bunga ng
mga gawain ng tao. Halimbawa ay ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at
mga sasakyan.
• Natural Hazard – tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang
bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide.
2. Disaster – tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng
bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster
ay sinasabi ring resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan
na harapin ang mga hazard.
3. Vulnerability – tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay
na gawa sa hindi matibay na materyales.
4. Risk – tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil
wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
5. Resilience – tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga
tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan,
halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang
sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
Top-down Approach sa Disaster
Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung
saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Halimbawa,
kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon ng Pambayan
o Panlungsod na Pamahalaan. Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng
kalamidad, ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong ipatutupad ng lokal na
pamahalaan.
Bottom-up Approach sa Disaster
Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor
at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno
ng lokal na pamayanan.
Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at
mga gawain sa pagbuo ng desisyon ay kailangan upang maging matagumpay ang bottom-up
strategy. Sa ganitong paraan ay kailangan ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal.
Mahalagang salik sa tagumpay ng bottom-up approach ang pagkilala sa mga pamayanan
na may maayos na pagpapatupad nito. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga
mamamayang naninirahan sa pamayanan.
Sa pagpaplano ng disaster risk management mahalagang magamit ang kalakasan ng
dalawang approach. Kailangang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng
disaster risk management. Ngunit, hindi rin naman kailangang kalimutan ang pananaw at
karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Ang pagsasanib ng
dalawang approach ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa
isang komunidad.

Paghahanda sa pagharap ng mga


suliraning pangkapaligiran
Ang mga sumusunod ay mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib tulad
ng bagyo, baha, at lindol. 1. Nararapat gawin sakaling may bagyo.
Bago Dumating Ang Bagyo Pagdating Ng Bagyo Pagkatapos Ng Bagyo
Ihanda ang mga sumusunod: • Makinig, manood o • Siguraduhing ligtas
• Flashlight magbasa ng balita o ang dadaanan mo
• Radyong de – baterya advisories tungkol sa pauwi sa bahay.
• First aid kits bagyo. • Ayusin ang mga
• Pagkain (canned goods and • Obserbahan ang paligid nasira sa bahay
biscuits) • Iwasang lumabas ng • Siguraduhing hindi
• Inuming tubig bahay kung nasira ang linya ng
• Damit kinakailangan kuryente.
• Higaan at kumot • Sumangguni sa iyong • Tumulong sa
local DRRMC para sa komunidad sa
• Mahalagang dokumento
mga dapat gawin. pagsasaayos ng
• Ayusin ang bubong ng
• Kapag kailangan kailangan.
bahay
• Putulin ang mga sanga ng lumikas, i-off ang
kahoy na malapit sa bahay plangka ng kuryente at
• Linisin ang mga kanal switch ng LPG tank.

2. Nararapat gawin sakaling may baha.


Bago Dumating Ang Baha Pagdating Ng Baha Pagkatapos Ng Baha
• Kumuha ng impormasyon • Iwasan ang mga • Kumuha ng
mula sa local flood warning binabahang lugar electrician upag
system • Huwag hayaang masiguradong
• Manood ng balita tungkol sa maglaro ang mga bata maayos ang linya
baha upang makakuha ng sa baha ng inyong kuryente
tamang impormasyon • Siguraduhing ang • Siguraduhing hindi
• Ihanda ang mga bagay na pagkain ay maayos na kontaminado ang
kailangan kung sakaling niluto at malinis ang iyong pagkain at
ikaw ay lilikas tubig na iniinom tubig
• Sumangguni sa local • I-report ang mga
DRRMC nasirang facilities
• Hintayin ang Go signal para tulad ng linya ng
lumikas kuryente, poste,
• Lumikas habang water pipes,
madadaanan pa ang mga daanan, tulay at iba
tulay at kalsada pa.
• I-off ang kuryente

Nararapat gawin sakaling may lindol


Bago Dumating Ang Lindol Pagdating Ng Lindol Pagkatapos Ng Lindol

• Ihanda ang iyong bahay o • Palaging i-turn off ang • Lumabas ng gusali o
gusaling pinagtatrabahuan LPG tank pagkatapos bahay
sa posibling pag tama ng gamitin. • Ihanda ang sarili sa
lindol. • Kapag ikaw ay nasa aftershocks.
• Siguraduhing nakaayos ang matatag na gusali, • Huwag pumasok sa
mga mabibigat na bagay sa huwag lumabas. bahay o gusali lalo na
paraang hindi ito agad • Magsagawa ng duck, kong ito ay nasira ng
mahuhulog. cover, and hold. lindol.
• Ilagay sa ibabang bahagi ng • Tumayo sa gilid ng • Inspeksyunin ang
cabinet ang mga nababasag matatag na frame ng mga linya ng
na kagamitan, at ang mga pintuan sa ilalim ng kuryente at i-turn off
delikado at nakakasunog na matigas na mesa. ang main switch.
kemikal • Kung ikaw ay nasa
• Maging pamilyar sa lugar na labas, humanap ng open
iyong kinalalagyan. Alamin space.
saan ka lalabas kung
sakaling mayroong lindol.
• Alamin saan ang mga
malalakas at matatatag na
pundasyon ng bahay.
• Alamin kung saan
nakalagay ang fire
extinguisher, at first aid kits.

You might also like