You are on page 1of 7

PAG HAHANDA PARA SA MGA SAKUNA NG KALAMIDAD

 Ang bawat pamilya ay kailangang paghandaan ang mga Sakuna o


kalamidad, gaya ng bagyo lindol, at pagsabog ay makakatulong
bulkan.
 Ang paghahandang ito upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng
kasapi ng pamilya.
 Maghanda ng mga de latang pagkain at mga bote ng tubig at itago
ang mga ito sa isang ligtas na lugar sa inyong bahay.
 Maghanda ng isang generator, mga flashlight, at mga baterya.
 Siguraduning may baterya ang inyong mga cellphone at maghanda
ng karagdagang baterya o power bank.
 Maghanda ng mga gamut para sa mga sakit na maaaring maranasan
ng iyong pamilya.

PAG HAHANDA SA BAGYO BAGO DUMATING ANG BAGYO

 Ilipat ang inyong kasangkapan sa mataas na lugar sa inyong bahay.


 Ilagay ang inyong mga damit at mga libro, mga kagamitang di
kuryente at iba pang mahahalagang bagay sa mga selyadong bag na
plastik.
 Maghanda ng kapote, bota at payong.
 Mag handa ng mga pagkaing hindi madaling mapanis, at hindi na
kailangang lutuin.
 Siguraduhing kargado ang inyong mga baterya at rechargable lamp.
 Maghanda ng kandila at posporo.

SA PAGDATING NG BAGYO

 Iwasang lumabas ng bahay at gawin lamang ito kung talagang


kailangan.
 Iwasang mag lakad ng nakayapak sa mga binabahang kalsada.
 Kapag tumaas ang lebel ng tubig lumipat sa mas mataas na bahagi
ng inyong bahay.

PAGKATAPOS NG BAGYO
 Hintayin ang pagdating ng mga taong tutulong sa paglilinis at pag
aayos ng paligid.
 Huwag lumapit sa mga bumagsak na poste ng kuryente.
 Tulungan ang inyong mga magulang at kapit- bahay sa pag-aayong
sa mga nasira.

PAG HAHANDA SA LINDOL BAGO ANG LINDOL

Alamin kung may bitak o mahihinang bahagi ang Inyong bahay.

Ayusin ang alinmang dati ng pinsala ng inyong bahay

Gawin at ensayuhin ang taktikang DUCK- COVER- HOLD.

DUMAPA (DUCK) sa ilalim ng isang matibay na mesa.

TAKPAN (COVER) ang inyong ulo ng libro, unan o gamit ang inyong
braso.

KUMAPIT NG MAHIGPIT (HOLD) – hanggang matapos ang pag


yanig.

TUWING MAY LINDOL

 Gawin ang duck – cover-hold.


 Habang nakadapa sa sahig, ingatang hindi ka nakapwesto malapit sa
pintuan o pader.
 Maging alerto at tignan ang inyong paligid upang makaiwas sa mga
bumabagsak na bagay.
 Maghintay hanggang huminto ang lindol.

PAGTAPOS NG LINDOL

 Tumayo nang mahinahon at magmasid sa iyong paligid.


 Humanap ng ligtas na daan palabas ng bahay o gusali.
 Maaaring magkaroon ng mga aftershock kaya kinakailangang
manatili sa labas hanggangkayo ay payuhang maari nang bumalik sa
inyong tahanan.
PAGHAHANDA SA PAGSABOG NG BULKAN

BAGO SUMABOG ANG BULKAN

 Alamin kung kayo ay nasa loob ng delikadong lugar o danger zone.


 sundin ang anunsiyo ng mga awtoridad at lumikas kaagad Sa tuktok
ng bulkan.
 Maghanda sa posibleng paglikas.
 Maghanda ng emergency kit para sa inyong pamilya.
 Maghanda ng mga pantakip sa ilong at bibig tulad ng facemask
sakaling umulan ng abo.

SA PAGSABOG NG BULKAN

 Magtakip ng ilong at bibig upang maiwasang makalanghap ng abo.


 Isara ang mga bintana sakaling umulan ng abo.

PAGTAPOS NG PAGSABOG NG BULKAN

 Mag bantay sa pagguho ng lupa o pag daloy ng kung sakaling


malakas ang ulan.
 Habang nag lilinis ng bahay at bakuran, magtakip ng ilong at bibig at
magsuot ng guwantes.

ANG MGA BAGAY NA KAILANGAN DALHIN SA MGA PANAHON NG


SAKUNA

Ayon sa Philippine Red Cross ang bawat pamilya ay kailangang


magkaroon ng “Go Bag" na mag sisiliding emergency kit ng bawat pamilya.

Ang GO BAG ay naglalaman ng:

 sapat na suplay ng tubig para sa bawat kasapi ng pamilya.


 Mga delatang pagkain
 Pito
 Posporo
 Flashlight
 emergency light
 Mga damit
 Mga gamit sa pagligo
 First aid kit
 Radyo
 kumot o banig
 Mahahalagang dokumento o pera.

Ang mga laman ng Go Bag ay kailangang tumagal ng tatlong araw.

Tanong:

1. Anong klase ng pagkain ang dapat mong ihanda tuwing may sakuna
tulad ng bagyo?

a. junkfood

b. de lata

c. pizza at burger

2. Ano ang kailangan mong ihanda tuwing may bagyo?

a. facemask

b. kapote at payong

c. sando at short

3. Ano ang kailangan mong dating kung may paparating na bagyo?

a. Lumabas ng bahay at maglaro.

b. Iwasang lumabas ng bahay at gawin lamang ito kung


kinakailangan.
c. Maglinis ng bakuran.

4. Ano ang kinakailangan mong gawin kung tumaas na ang lebel ng tubig
sa inyong bahay?

a. Manatili pa din sa loob ng bahay at huwang pansinin ang baha.

b. Lumipat sa mas mataas na bahagi ng inyong bahay.

c. Magbabad sa tubig baha.

5. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos ng bagyo?

a. Magwalis na agad sa labas ng bahay.

b. Matulog maghapon.

c. Intayin ang mga tutulong sa paglilinis ng paligid.

6. Anong paghahanda ang kinakailangan mong gawin kung may paparating


na lindol?

a. Alamin kung may bitak o mahihinang bahagi ang inyong bahay.

b. Ilipat sa matataas na lugar ang inyong mga kasangkapan.

c. Bunutin ang mga kuryente.

7. Ang pagsasanay na ito ay ginagawa tuwing may lindol.

a. DUCK ROLL AND COVER

b. DUCK COVER AND HOLD

c. DUCK ROLL AND HOLD

8. Kinakailangan mong mag DUCK o Dumapa sa ___.

a. sa ilalim ng babasaging lamesa.

b. sa loob ng cabinet.

c. sa ilalim ng isang matibay na mesa.

9. Kinakailangan mong takpan ang iyong ___ tuwing may lindol.

a. paa

b. kamay
c. ulo

10. Kumapit ng mahigpit hanggang ___.

a. matapos ang pag yanig.

b. tumatakbo.

c. lumalabas ng bahay.

11. Habang nakadapa sa sahig iwasang ____.

a. dumapa malapit sa pintuan.

b. dumapa malapit sa matibay na mesa.

c. dumapa malapit sa ilalim ng upuan.

12. Ano ang kinakailangan mong gawin pagkatapis ng Lindol?

a. Manuod ng telebisyon

b. Tumayo ng mahinahon at magmasid sa iyong paligid.

c. Magfacebook.

13. Bakit kinakailangan nating manatili sa labas ng ating mga bahay


pagkatapos ng Lindol?

a. maaring magkaroon ng kulog at kidlat

b. maaring magkaroon ng bagyo

c. maaaring magkaroon ng aftershock

14. Ano ang kinakailangan mong gawin kapag sumabog ang bulkan?

a. magtago sa ilalim ng matibay na mesa.

b. manatili sa labas ng bahay.

c. magtakip ng ilong para di makalanghap ng abo.

15.Ayon sa ____ang bawat pamilya ay kinakailangang magkaroon ng GO


BAG.

a. Department of Health

b. Philippine Red Cross


b. World Health Organization

16. Ito ay kinakailangan sa GO BAG.

a. kumot o banig

b. cellphone

c. laptop

17. Ang laman ng GO BAG ay kinakailangang tumagal ng ilang araw?

a. limang araw

b. tatlong araw

c. tatlong lingo

18. Saan tayo maaring pumunta kung sakaling malubog ang iyong bahay
ng baha?

a. sa mall

b. sa parke

c. evacuation center

19. Bago dumating ang bagyo ito ang kinakailangan nating gawin.

a. putulin ang mga sanga ng mga punong nakapaligid sa inyong


bahay.

b. Maghanda ng lumikas ng bahay.

c. Hintayin ang pagdating ng mga taong tutulong sa paglilinis ng


paligid.

20. Pagkatapos ng lindol ito ang kinakailangan nating gawin.

a. Mag duck cover and hold.

b. maglakad nang mabilis ngunit mahinahon.

c. Makilahok sa paghahanda tungkol sa lindol.

You might also like