You are on page 1of 2

Ligtas ang May Alam

Lervie B. Taguimacon

Kelan mo masasabing ligtas ka?

Sa panahong mabagyo at nasa kawalan ka.

Nakabubuting ikaw ay may alam

Sa lahat ng oras at tuwina’y nariyan.

Tuwing may bagyo dapat maghanda,

Kumpunihin ang gamit sa bahay na may sira.

Magimpok ng pagkain at itabi muna

Upang huwag ng lumabas

Kapag bagyo’y nandiyan na.

Manood ng balita sa telebisyon

Makinig sa radiyo para sa karagdagang impormasiyon

Upang malaman ang tunay na kalagayan ng panahon

Sa lahat ng dako ng lugar paroroon.

Tuwing tag-araw masayang maligo at magtampisaw,

Maglagay ng sunblock pansangga sa init ng araw.

Palagiang uminom ng tubig na sapat

Upang manatiling sarili ay ligtas.

Maglaro ng habulan sa mga damuhan,

Tuwing nakatago ang araw at maraming ulap sa kalawakan,

Siguraduhing malinis at ligtas ang lugar

Walang mga bato at matulis na sanga na nakaharang.

Magdala ng kapote at payong tuwing umuulan,

Iwasang lumusong sa baha kung kinakailangan,

Upang ligtas sa mga sakit at karamdaman

Dulot ng masamang epekto ng panahon tuwing tag- ulan.

Bilang bata ay maging responsable sa sarili,

Sumunod sa mga babala at pangkaligtasang gawain.

Paalala sa mga hakbang tungo sa ligtas na simulain

Isaisip, isapuso at iyong gawin.

You might also like