kit sa inyong silid-aralan Alamin ang pangunang lunas. Gumawa ng plano kung saan ang tagpuan ng iyong mga kamag-aral. Huwag iwanan ang mabibigat na bagay sa mga cabinet (maaaring mahuhulog ito sa panahon ng lindol). Alamin ang mga plano tungkol sa lindol sa iyong paaralan. Alamin kung paano gawin ang duck, cover, and hold Makibahagi sa mga earthquake drill HABANG NASA LINDOL Manatiling kalmado! At gawin ang duck cover and hold at kung nasa loob ka ng silid-aralan, manatili sa loob. Kung nasa labas ka, manatili sa labas. kung ikaw ay nasa loob ng silid-aralan, mag-tago sa mga matitibay na mesa at lumayo sa mga bintana at sa labas ng mga pintuan. Kung nasa labas ka, manatili sa ligtas na lugar at umiwas mula sa mga linya ng kuryente o anumang bagay na maaaring mahulog. Manatiling malayo sa mga gusali (maaaring mahulog ang mga bagay sa gusali) Huwag gumamit ng mga posporo, kandila, o anumang gamit na ginagamitan ng apoy. PAGKATAPOS NG LINDOL Suriin ang iyong sarili at ang ibang may pinsala. Magbigay ng pangunang lunas para sa sinumang nangangailangan nito. Huwag gamitin ang cellphone maliban kung ito ay isang emergency. Lumayo sa mga nasirang gusali. Mag-ingat sa nasirang salamin at mga debris. Lumayo sa mga delikadong lugar. Kung ikaw ay nasa paaralan, sundin ang emergency plan o ang mga instruction ng person in charge.