You are on page 1of 1

Kaantasan ng Pang -uri

1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol

1. Lantay--ang antas kung ang ginagamit sa paglalarawan ay payak o nag-iisang tao,bagay,hayop


o lugar lamang.
Halimbawa: Ang lugar na tinitirahan ng mga magkakaibigan ay tahimik at payapa. (no comparison, isa
lang ang tinutukoy, yung lugar lang)

2. Pahambing-kung ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay, lugar,hayop ,gawain o


pangyayari.Ang paglalarawan ay nakatuon sa dalawa. (Sasha, may dalawang uri ang
pahambing, yun ay pahambing na magkatulad at pahambing na magkatulad. Under ng
pahambing na magkatulad ay palamang at pasahol.)

a. Pahambing na magkatulad-kung magkatulad ang  katangian ng pinaghahambing.Gumagamit


ito ng mga panlaping magka, sim-, magsing-,magsin-,ga- o salitang pareho o kapwa.

Hal. Magsinsipag sina Gagamba at Susuhong.

b. Pahambing na Di-Magkatulad

Palamang- nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.Gumagamit ito


ng higit,lalo,mas, di-hamak.

Halimbawa: Higit na matalino si Gagamba kaysa kay Susuhong.

Pasahol -kulang sa katangian ang isa sa dalawang  pinaghahambing.Gumagamit ito ng


di-gaano,di-gasino, di-masyado

Hal. Di-masyadong maingay sa gubat kaysa sa kapatagan .

3. Pasukdol - kapag ang paghahambing  ay nakatuon sa higit  sa dalawang bagay,lugar,pangyayari


o tao.Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas.Ito ay masidhi kaya
gumagamit ng mga  katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan,hari ng - o pag-uulit ng pang-
uri.

Hal. Pinakamasipag si Gagamba sa lahat.

Hari ng tuso  si Uwang sa kagubatan.

You might also like