You are on page 1of 3

PANG-URI – Kilalanin ang tatlong(3) uri ng pang-uri – ang Lantay,

Pahambing, at Pasukdol, at mga halimbawa ng mga ito.

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa


mga salitang naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Maaari rin itong magbigay turing sa isang panghalip.

Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?


Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay,
Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba.
1. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang
ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa
nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon.
2. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may
pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar,
at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas
maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.
3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay
nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito
ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.

Mga Halimbawa ng Pang-Uri:


Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.

Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.


Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin
at Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng
Malapatin.

Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.


Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang
araw.
Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong
makapagligpit sa bahay nila.

Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.


Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa
Pamilya Cruz.
Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.

Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.


Pahambing: Magkasing-lakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon.
Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong
sabado.

You might also like