You are on page 1of 2

Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?

Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay, Pahambing, o


Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba.
1. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na
dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas,
mabigat, at mahinahon.
2. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing
na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga
halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.
3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay
nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito
ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.

Mga Halimbawa ng Pang-Uri:


Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.

antay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.


Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at
Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.
Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw.
Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong
makapagligpit sa bahay nila.

Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.


Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.
Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.
Pahambing: Magkasing-lakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon.
Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong sabado.

You might also like