You are on page 1of 2

Tatlong(3) Antas ng Pang-Uri at mga Halimbawa

PANG-URI – Kilalanin ang tatlong(3) uri ng pang-uri – ang Lantay, Pahambing, at Pasukdol, at
mga halimbawa ng mga ito.

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa mga salitang
naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin itong
magbigay turing sa isang panghalip.

Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?

Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri– ang Lantay, Pahambing, o Pasukdol. Bawat
isa sa kanila ay may pinagkaiba.

1. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na dalawa o


maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon.

2. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang


pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas
maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.

3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng


pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino, pinakamatapang, at
pinakamalaki.

Mga Halimbawa ng Pang-Uri:

Lantay: Maganda si Loisa.

Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.

Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.

Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.

Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at Hinanduraw.

Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.

Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.

Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw.

Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong makapagligpit sa bahay


nila.

Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.

Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.

Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.

Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.

Pahambing: Magkasing-lakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon.


Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong sabado.

You might also like