You are on page 1of 1

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.


Halimbawa:
Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

a. Pahambing na magkatulad - Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-


/kasing- /magkasing- /magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

b. Pahambing na di-magkatulad - Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng


pinaghahambingan.

• Pahambing na palamang - May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.


Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

• Pahambing na pasahol - May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.


Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
Zamboanga.

3. Pasukdol - Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng


pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.
Halimbawa:
1. Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at
Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
2. Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.
Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw.
Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong makapagligpit sa
bahay nila.
3. Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz.
Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.

You might also like