You are on page 1of 36

Pang-uri

Ang pang-uri (adjective)


ay salitang naglalarawan
sa katangian o bilang ng
pangngalan (noun) at
panghalip (pronoun).
May apat na uri ng pang-uri:
1. Panlarawan – nagsa-
sabi tungkol sa hitsura,
laki, lasa, amoy, hugis
at iba pang katangian
ng pangngalan at
panghalip.
Halimbawa:
a. Ang mababait na kapit-
bahay ay tumutulong sa
magkakapatid.
b. Sariwang gatas ang
nahihilis sa mga baka.
2. Pamilang –
nagsasabi ng dami
o bilang ng
pangngalan at
panghalip.
Halimbawa:
a. Ang limang magkakapatid
ay maagang naulila.
b. Tumatayong magulang
sa nakababatang kapatid
ang dalawang pinakama-
tandang anak.
3. Pantangi – may
anyong pangngalang
pantangi na naglala-
rawan sa isang
pangngalan.
Halimbawa:
a. Ang bus ay biyaheng
Bicol.
b. Si Johanna Diaz ang
pangulo ng kanilang
klase.
4. Paari – mga salitang
paari na tumuturing sa
pangngalan.
Halimbawa:
a. Ang kanilang mga
magulang ay patay na.
b. Mababait ang mga
kapitbahay nila.
Pang-uring
Magkasingkahulugan
at Magkasalungat
Magkasingkahulugan
– iisa ang kahulugan
ng dalawang panla-
rawan sa tao, hayop,
bagay, pook, gawain
at pangyayari.
Halimbawa:
mataas – matangkad
hapo – pagod
Magkasalungat
– dalawang pang-uring
nagpapakita ng pag-
kakaiba sa
katangian ng tao,
hayop, bagay, pook,
gawain at pangyayari.
Halimbawa:
malayo – malapit
madaldal – tahimik
Anyo ng Pang-uri
May apat na anyo ng
pang-uri.
1. payak – binubuo ng
salitang ugat lamang
Hal. tuwid, buo, bago
2. maylapi – binubuo
ng salitang-ugat at
panlapi
Hal. malakas,
pinakamura,
napakalaki
3. inuulit – binubuo ng
pag-uulit sa salitang
ugat o sa pang-uring
maylapi
Hal. bigum-bigo,
malakas na malakas
4. tambalan – binubuo
ng dalawang
magkaibang salita
Hal. kumain-dili,
kulang-palad,
taos-puso
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay – isa o higit
pang pangngalan /
panghalip ay nagtataglay
ng iisang katangian.
Hal.
a. Ang damit ni Liza ay
malinis.
b. Matitibay ang mga
bahay na itinayo ng
kanilang kumpanya.
2. Pahambing – dalawang
pangngalan/panghalip o
dalawang pangkat ng
pangngalan/panghalip
ang pinaghahambing ng
pang-uri. Dalawa ang uri
nito: patulad at di-patulad.
a. patulad – pantay sa
katangian o walang
nakalalamang sa
katangiang pinagha-
hambing. Maaaring
ikabit sa unahan
ng salitang ugat ng
pang-uri ang magsing,
magkasing, kasing,
sing at ga-.
Hal. 1. Magkasing taas
sina Leni at Anna.
2. Ang mga babae ay
kasinggagaling ng
mga lalaki.
b. di-patulad - dalawa ang
uri nito
1. palamang – nakahi-
higit sa katangian ang
isa sa dalawang
pangngalan
pinaghahambing.
Ginagamit ang higit,
lalo, mas, di-hamak,
lubha… kaysa.
Hal.a. Higit na matiwasay
ang buhay sa
lalawigan kaysa sa
lungsod.
b. Ang damit na ito ay
mas mahaba kaysa
sa hawak mo.
2. pasahol – kulang sa
katangiang pinagha-
hambing ang isa sa
dalawang pinag-
uusapan. Ginagamit
ang di-gaano,
di-lubha, di-gasino,
di-masyado… gaya
o tulad.
Hal. a. Di-gasinong payat
si Rommel na gaya
ni Sixto.
b. Ang Pilpinas ay
di-gaanong maunlad
na gaya ng Brunei.
3. Pasukdol – Ang
pangngalan o
panghalip na pinag-
uusapan ay
inihahambing sa
dalawa o higit pang
pangngalan o
panghalip. Ginagamit
ang hari nang, ubod
nang, saksakan nang,
kay, ano, unlaping
pinaka, napaka, at
pag-uulit ng pang-uri.
Hal.
a. Ang Apo ay ang
pinakamataas sa
mga bundok sa
Pilipinas.
b. Ubod ng likot ang
batang si Rommel.
Gamit ng Pang-uri
1. simuno – bahaging
pinag-uusapan sa
pangungusap. Lagi itong
nasa unahan ng ay.
Hal. a.Pinagpapala ng
Diyos ang mababait.
b. Ang masikap ay
nagtatagumpay sa
hinaharap.
2. kaganapang pangsimuno
– bahaging nagsasabi
tungkol sa simuno;
nakikita pagkatapos ng
panandang ay.
Hal. a. Ang suot niyang
polo ay magara.
b. Napakadakila ang
taong nagmamahal
sa kanyang kaaway.
3. tuwirang layon – pang-
uring tumatanggap sa
kilos na isinasaad sa
pangungusap;
sumasagot sa tanong na
ano?.
Hal.
a. Gumagawa ng mabuti
para sa bayan ang mga
pinuno.
b. Ang nanay ay nagluto
ng masarap para sa
hapunan.
4. layon ng pang-ukol
(preposition) - pang-
uring sumusunod sa
isang pang-ukol na gaya
ng sa, tungkol sa, ayon
sa, para sa, atbp.
Hal.
a. Ayon sa matalino,ang
pag-unlad ng siyensya
ay may mabuti at masa-
mang epekto sa tao.
b. Ang mga regalong
binalot niya ay para sa
mahihirap.

You might also like