You are on page 1of 9

C.

Panuring
I. Pang-uri
- Salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pa na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap
- (Sa pamamaraang istruktural) ito ay nakikilala dahil sa impleksyong nagaganap dito ayon sa
kasidhian at hambingan
- Karaniwang kasama ng pangngalan o panghalip, maliban kung ang mga ito ay inaalis na sa
pangungusap

Mga Gamit ng Pang-uri

a. Panuring na Pangngalan o Panghalip

Hal. Mararangal na tao ang pinagpapala. (Pangngalan)

Kayong masisigasig ay tiyak na magtatagumpay. (Panghalip)

b. Pang-uring ginagamit bilang Pangngalan


Hal. Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

c. Pang-uring Kaganapang Pangsimuno


Hal. Mga madasalin ang mga Pilipino.

 Ang pang-uring ginagamit na Panuring ay inuugnay sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan


ng pang-angkop
Hal. Nasa grasya ng Diyos ang banal na tao.
(ang pang-uring banal ay iniuugna sa pangngalang tao sa pamamagitan ng pang-angkop na na.)
Madandang tanawin ang kanuang iginuguhit na larawan.
Malamang pata ng baboy ang ipinaksiw niya.
(ang pang-angkop na nag-uugnay sa pang-uri at pangngalan ay ng)

1. Kayarian ng Pang-uri
a. Payak
o Kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi
Hal. Mainit ang ulo ng taong gutom.
Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.

b. Maylapi
o kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Tinatawag na panlaping makapang-uri ang
mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri. Gaya ng ka-, kay-, ma- , maka-, at mala-
.

Hal. Kalahi , mataas, malahininga, kayganda, makatao

c. Inuulit
o salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ganap o di-ganap ang pag-uulit.
Hal. Pag-uulit na Ganap:
Puti-puti
Putting-puti
Maputing-maputi
Maputi-puti

Pag-uulit na Di-ganap:
Liliit
Maliliit
d. Tambalan
o Binubuo ng dalawang salitan gpinag-iisan. Ang mga ganitong pang-uri ay maaaring may
kahulugang karaniwan o patalinghaga.

Hal. Karaniwang kahulugan


Taus-puso
Bayad-utang
Biglang-yaman
Hilis-kalamay

Patalinghagang kahulugan
Kalatong-pinggan
Bulang-gugo
Ngising-buwaya
Kapit-tuko

2. Kailanan ng Pang-uri
a. Isahan
o Iisa lamang ang inilalarawan
o Gumagamit ng panlaping pang-isa tulad ng ma-, ka-, pang- at iba pa nang walang pag-uulit
ng unang P o KP ng salitang ugat o walang paghahandang mga, o iba pang salitang
nagsasaad ng bilang o higit sa isa.

Hal. Kalahi ko siya.


Maligayang pamilya ang pamilyang malusog.
Kapalagayang-loob ko siya.
Pang-iniksiyon iyan.

b. Dalawahan
o Dalawa ng inilalarawan
o Gumagamit ng panlaping magka-, magkasing-, o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng
salitang kapwa.

Hal. Magkalahi kaming dalawa.


Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy.
Magkasingganda ang damit ninyo.
Dalawang magigilas na ginoo ang panauhin ni Domingo.
Kapwa dalubhasang maninistis ang mga siruhanong iyon.

c. Maramihan
o Higit sa dalawa ang inilalarawan
o Gumagamit ng mga pantukoy na mga, sa pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat , o sa
pag-uulit ng pantig n aka sa mga panlaping magka- at magkasing-, o sa paggamit ng
salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa

Hal. Magkakalahi kaming lahat.


Mga mapagkakatiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyon.
Mga mabubulaklak na puno ng manga ang binili niya nang pakyawan.
Malilintog na ang mga butyl ng palay.
Magkakakulay ang mga Pilipino , Indonesyo, at Malayo.
Magkakasimbilis ang mga kabayong alaga niya.
Maraming marurunong sa klase ko.

3. Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri


a. Lantay o Pangkaraniwan

Hal. Mayaman
Pang-aararo
Palabiro

b. Katamtamang Antas
o Naipapakita ang paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti , at iba pa o sa mga pag-
uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito

Hal. Medyo hilaw ang sinaing.


Labis nang bahagya ang pagkain.
Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.
Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni Aling Maria.
Masipag-sipag na ngauyon si Arsenio sa kanyang pag-aaral.

c. Masidhi
o Naipapakita sa pamamagitan ng
 Pag-uulit ng salita
 Paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at kay-
 Sa paggamit ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay at iba pa

Hal. Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.


Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.
Nagtataasan ang mga puno ng pino sa Baguio.
Pagkaganda-ganda ng Look ng Taal.
Lubhang malaking pagbabago ang nasaksihan natin sa Bagong Lipunan.
Masyadong nasalanta ang lalawigan naming noong nakaraang bagyo.
Totoong marami sa ating mga kababayan ang nagbago ng ugali at saloobin
ngayon.
Talaga namang napakalinis ngayon ng Rizal Park.
Tunay na kasiya-siyang panoorin ang mga pelikulang hindi malaswa.

4. Hambingan ng mga Pang-uri


a. Pang-uring pahambing
o Pang-uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, at iba pa

2 uri ng Pang-uring Pahambing


i. Pahambing na Magkatulad
 Ang paghahambing ay pareho o magkapatas ng uri o katangian
 Gumagamit ng mga panglaping ka-, kasing-, magsing-, magkasing-, at iba pa at sa
paggamit ng mga salitang papanulad, tulad ng gaya, tulad, paris , kapwa at iba pa.

Hal. Kamukha ni Mike ang ama niya.


Kasingganda niya ang kanyang kapatid.
Magsindunong ang magkapatid na Mary Ann at Arsenio.
Magkasimputi ang mag-ina.
Kapwa maputi sina Linda at Wendy.

ii. Pahambing na Di-Magkatulad


 Ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian
 Gumagamit ng mga salitang kaysa, di-tulad, di-gaya, di-gaano, di-hamak, atbp.

Hal. Malayo ang Kiangan kaysa Baguio kung manggagaling sa Maynila.


Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin ng lungsod.
Higit na nakapapagod ang tenis na di-gaya ng pelota.
Di-gaanong mainam sa kalusugan ang karne ng baboy.
Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa ng kalabaw.

b. Pasukdol
o Pang-uring naghahambing ng higit sa dalawa
o Gumagamit ng mga panlaping pinaka-, ka-, -an, at ng pinagsamang salitang walang at
kasing-

Hal. Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang basketbol.


Marahil ay kasungit-sungitan na siya sa lahat ng matandang dalaga.
Walang kasingganda ang paglubog ng araw sa Manila Bay.
5. Mga Pamilang
- Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang sapagkat ginagamit na Panuring ng pangngalan o
panghalip

Hal. Limang malalaking kaimito ang uri niyang pasalubong.


(ang pamilang na lima ay Panuring ng pangngalang kaimito)
Sampung ganito ang kunin mo
(ang pamilang na sampu ay nagbibigay-turing sa panghalip na ganito)

Mga Uri ng Pamilang

a. Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal


o Ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami

Hal. Isa
Labing-isa
Isang daan – sandaan
Isang libo – sanlibo
Isang laksa – isanlaksa
Isang angaw – sang-angaw
Isang milyon – sangmilyon

i. Pamilang na Pamahagi (fraction)


 Ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghati-hati
 Gumagamit ng panlaping ika- na tinatambalan ng salitang bahagi , at ng panlaping
ka- na buhat sa ika-

Hal. Panlaping ika-


Ikaisang bahagi
Ikalawang bahagi

Panlaping ka-
Kalahati (1/2)
Katlo (1/3)
Kapat (1/4)
Bahagdan (1/100)

Dalawang-katlo (2/3)
Tatlong-kapat (3/4)
Apat na kalmia (4/5)
Limang-kanim (5/6)
Pito at walong kasampu (7 8/10)
Dalawang bahagdaan (2/100 o 2%)

ii. Pamilang na Palansak o Papangkat-pangkat (collective distribution)


 Pag-uulit nang ganap o o parsyal sa pamilang na patakaran

Hal. Isa-isa
Dala-dalawa
Sanda-sandaan

 Paggamit ng panlaping –an , -han

Hal. Isahan
Labing-isahan
Sampuan

 Pag-uulit ng unang pantig ng pamilang at sa gayon ay nagkakaroon ng kahulugang


“gayon lamang nag dami”

Hal. Iisa
Dadalawa
Sasanda- sandaan

 Sa pamamagitang ng magkasamang parsyal at ganap na pag-uulit ng pamilang na


patakaran , at sa gayon ay nagkakaroon ng kahulugang “gayung-gayon lamang ang
dami”

Hal. Iisa-isa
Dadala-dalawa
Sisiyam-siyam

 Sa paggamit ng panlaping tig-, na may kahulugang paghahati nang magsindami

Hal. Tig-isa tig-iisa o tigi-tigisa o tig-isa-isa


Tigdalawampu tigdadalawampu o tigdala-dalawampu
Tigisang daan o tigsandaan tig-iisang daan o tig-iisandaan o
tigsasandaan o tigsanda-sandaan

iii. Pamilang na Pahalaga (unitary collective)


 Para sa pagsaad ng halaga ng bagay o mga bagay
 Gumagamit ng dalawahang panglaping mang- (ginagamit kapag ang presyo ay isang
yunit lamang ng halaga) at ang tig- (ginagamit sa kahulugang isa o higit pang yunit
ng halaga)

Hal. Mamera (buhat sa mang - + sampera)


Mamiso (buhat sa man - + isang piso)
Manalapi (buhat sa mang- + isang salapi o sansalapi)
Tigisang pera

b. Pamilang na Panunuran o Pamilang na Ordinal


o Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, atb
o May panlaping ika-, o pang-,

Hal. Anyong Ika- Anyong Pang-


Una pang-una
Ikalawa pangalawa
Ikaisang daan – ikasandaan pang-isang daan – pansandaan

6. Mga Panlaping Makauri


a. Ma-
o Unlaping nagsasad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat
o Karaniwang marami ng isinasaad ng salitang-ugat ang taglay

Hal. Maganda
Mainam
Matao
Mabato
Madamo

b. Maka-
o Unlaping nagsasaad ng pagkiling o pagkahilig sa tinutukoy ng salitang-ugat

Hal. Makabayan
Makaluma
Maka-Pinoy
Maka-UP
Makahayop
Makatao

c. Maka-
o Unlaping nagsasaad ng katangiang may kakayahang gawin ang isinasaad ng salitang-ugat
Hal. Makalaglag-matsing
Makadurug-puso
Makabasag-bungo
Makatindig-balahibo

d. Mala-
o Unlaping nagsasaad ng pagiging tulad ng isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Malauhog
Malasibuyas
Malakarne
Malabuhangin
Malakanin
Malasutla

e. Mapag-
o Unlaping nagsasaad ng ugali

Hal. Mapaglakad
Mapag-irap
Mapagbiro
Mapagtawa
Mapagluto

f. Mapang- , mapan- , mapam-


o Salagkat mga alomorp, ang mga ito’y magkakaiba ng distribusyon ngunit iisa ang kahulugan
o Nagsasaad ng katangiang madalas gawin ang isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Mapang-away
Mapang-inis
Mapanira
Mapanuro
Mapamihag
Mapambato

g. Pala-
o Unlaping nagsaad ng katangiang lagging ginagawa ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Paladasal
Palabiro
Palatanim
Palawalis
Palalinis
Palangiti

h. Pang- , pan- , pam-


o Magkakaiba ng distribusyon ngunit iisa ang kahulugan
o Nagsaad ng kalaanan ng gamit ayon sa isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Pang-alis
Pang-ukit
Panlilok
Pambato
Pampalo/pamalo
Pandikit

i. –an , -han
o Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat nang higit sa karaniwang
dami, laki, tindi, tingkad, atb
o Karaniwang nagiging mabilis ang pagbigkas kahit ang ugat ay malumay, malumi o maragsa
tulad ng putik, puti at dugo
Hal. Butuhan
Pangahan
Putikan
Putian
duguan
j. –in-
o Nagsasaad ng katangiang itinulad o ginawang tulad sa isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Sinampalok
Binalimbing

k. –in/-hin
o Katangiang madaling maging mapasakalagayan ng isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Sipunin
Lagnatin
Ubuhin
Kabahin

l. Ma- , -in/-hin
o Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na antas ng isinasaad ng salitang-ugat

Hal. Maramdamin
Maawain
Mairugin
Matulungin

II. Pang-abay
- Makikilala dail sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng
parirala
- Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay

Hal. Malayang namumuhay ang mga mamamayan.


Halos kasintaas ko na siya.
Totoong nagulat siya sila sa iyong balita.

Dalawang pangunahing pangkat


1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik
- Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Sa Tagalog may 16 na katagang pang-abay o ingklitik

Ba
Kasi
Kaya
Na
Sana
Rin/raw – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
Din/Daw – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Naman
Yata
Pala
Tuloy
Nga
Lamang – gamit na pormal
Lang – gamit na impormal
Man
Muna
Pa

Hal. Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?


Kumain kasi ng maraming ginatan ang bata kaya sumakit ang tiyan nito.
 Ang mga Paningit ay may tiyak o iisang pusisyon sa pangungusap sapagkat hindi maaaring ilipat-lipat
ng pusisyon

Hal. Natapos na ang ginagawa nila.

2. Pang-abay na Salita o Parirala


a. Pang-abay na Pamanahon
o Nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa
o 2 Uri
 Pamanahong May pananda
 Ginagamit ang mga panandang nang, sa, noong , kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang

Hal. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?


Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
Noong lunes siya nagsimula sa kanyang bagong trabaho.
Kung araw ng Sabado siya nagtutungo sa lalawigan.

 Pamanahong Walang pananda


 May mga pamanahon ng walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon,
mamaya, bukas , sandal, atb.

Hal. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng


“National Artist Award” buhat sa Unang Ginang.
Manonood kami bukas ng sine.

 May mga pang-abay na nagsasaad ng dalas ng pagganap sa kilos na taglay ng


pandiwa tulad ng araw-araw, oras-oras, taun-taon atb.

Hal. Nagdidilig ng halaman ang hardinero araw-araw.

b. Pang-abay na Panlunan
o Tumutukoy sa pook na pinangyarihan , pinangyayarihan , o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa.
o Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay
 Sa - ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip
 Kay / Kina - ang ginagamit kapag nag kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng
tao at ito ay pinangungunahan ng sa

Hal. Sa + pangngalang pambalana


Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina

Sa + pangngalang pangtanging di ngalan ng tao


Maraming nagsasaliksik sa UP, sa Ateneo , at sa PNC tungkol sa wika.

Sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.

Sa + panghalip na pamatlig
Nagluto sa ganito ang kanyang ina

Kay + pangngalang pangtanging ngalan ng tao


Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay –alam ang nangyari.

Kina + pangngalang pantanging ngalan ng tao


Nagapaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.

 Ang sa sa pang-aba na panlunan ay maaaring sundan ng isang pariralang pusisyunal, isang


pariralang binubuo ng pusisyunal na pangngalan at pariralang ng.

Hal. Nakita ko ang hinahanap mo sa likod ng kabinet.


(ang pang-ukol na sa ay sinusundan ng pusisyunal na pangngalang likod, na sinusundan naman ng
pariralang ng kabinet)

Mga Ilan Pang Pariralang Pusisyunal:

Sa harap ng gusalit sa gitna ng kahon


Loob gilid
Labas ibabaw
Likod ilalim

c. Pang-abay na Pamaraan
o Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa.
o 2 panandan
 Panandang nang
 Pangawil na na/-ng

Hal. Kinamayan niya ako nang mahigpit.


Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Lumapit ditong tumatakbo ang bata.
Tumawa siyang parang sira ang isip.

d. Pang-abay na Pang-agam
e. Pang-abay na Kunsisyunal
f. Pang-abay na Panang-ayon
g. Pang-abay na Pananggi
h. Pang-abay na Panggaano
i. Pang-abay na Kusatibo
j. Pang-abay na Benepaktibo
k. Pang-abay na Pangkaukulan

You might also like