You are on page 1of 2

PANGNGALAN MO,

PALITAN MO
Ang natural na kagandahan ni Donnalyn ay lalong tumingkad nang 1. (siya’y, ito’y,
nito’y) magdalaga. Idagdag pa ang taglay na talino 2. ( niya, kaniya, siya). Kaya naman
alagang-alaga ni Aling Girlie ang anak. Inaako 3. (nito, niya, siya) ang lahat ng gawaing
bahay para hindi masira ang magagandang hubog ng mga daliri ng kaniyang prinsesa.
Hindi 4. (ito, siya, niya) tumutulong sa mga gawain sa bukid para hindi umitim ang makinis
at maputing balat 5. ( nito, niya, dito). Sa kabila ng 6. (kaniyang, kanilang, aming)
kahirapan ay iginagapang nilang mag-asawa ang pag-aaral ni Donnalyn sa isang Catholic
School sa bayan. Subalit ni minsan ay hindi nagawang silipin ng ina ang anak sa loob ng
paaralan nito. Kabilin-bilinan ni Donnalyn na huwag 7. (siyang, niyang, kaniyang) pupunta
roon, higit sa lahat huwag 8. (itong, siyang, niyang) magpapakilalang nanay 9. (niya, nito,
siya). Ito’y labis 10. ( niyang, kaniyang, siyang) ipinagdaramdam.

You might also like