PANG-URI – Kilalanin ang tatlong(3) uri ng pang-uri – ang Lantay,
Pahambing, at Pasukdol, at mga halimbawa ng mga ito.
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa
mga salitang naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin itong magbigay turing sa isang panghalip.
Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?
Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay, Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba. 1. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon. 2. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-lapad, at mas kasya. 3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.
Mga Halimbawa ng Pang-Uri:
Lantay: Maganda si Loisa. Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina. Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.
Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya ng Malapatin at Hinanduraw. Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Lantay: Maagang umuwi si Patrick kagabi.
Pahambing: Mas maagang umuwi si Patrick kagabi kaysa noong isang araw. Pasukdol: Pinakamagaang umuwi si Patrick dahil nagmamadali itong makapagligpit sa bahay nila.
Lantay: Bago ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Pahambing: Higit na mas bago ang bahay ng Pamilya Ramirez kaysa Pamilya Cruz. Pasukdol: Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng Pamilya Ramirez.
Lantay: Malakas ang ulan kaya hindi kami agad nakaalis.
Pahambing: Magkasing-lakas ang ulan ngayon sa ulan kahapon. Pasukdol: Pinakamalakas na ulan ngayong linggo ang ulan noong sabado.